Dalawang araw ko ng hindi nakikita si Andrei. Nag rereply naman siya sa mga texts ko kaso minsan lang. Siguro, busy talaga siya.
Sabado ngayon at walang pasok. Nandito lang ako sa kwarto ko at nagfe-Facebook. Bigla kong naisip na tignan ang profile ni Andrei.
Hindi naman ako stalker. Ngayon ko lang 'to gagawin.
Ang last na post ni Andrei ay picture nila ng kapatid niya. Nasa amusement park sila nito.
Ngiting-ngiti pa siya habang naka akbay sa kapatid niya.
Tinignan ko pa ang ibang pictures at puro sila ng kapatid niya ang nandito.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Birthday
May 13, 1999
Napatingin ako sa kalendaryong nasa likod ng pinto ko at nakitang May 11 na ngayon. Birthday na ni Andrei sa Wednesday!
Tumayo ako at nag bihis. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko at lumabas na ng bahay.
Nakakainis! Bakit hindi niya sinabi sakin na malapit na pala birthday niya?
Dumiretso ako sa mall at nag hanap ng pwedeng iregalo sa kaniya. Ano kayang gusto niya?
Nag hanap pa ako nang nag hanap pero wala talaga akong makita na pwedeng iregalo sa kaniya.
Pumasok ako sa Blue Magic. Ayos lang kaya sa kaniya kung reregaluhan ko siya ng stuffed toy? Minsan naman ay may pagka isip bata siya eh. Hehe.
Sakto naman ay may nakita akong moon na stuffed toy. Kinuha ko 'yon at tinignan nang mabuti. Ito nalang kaya? Bagay naman sa pangalan niya eh.
Napangiti ako at kinuha na 'yon at binayaran.
Kumain muna ako bago umalis sa mall. Ala sais na at medyo madilim na sa labas. Napangiti ako nang hindi manlang nakaramdam ng takot at kaba. Nawawala na ang takot ko at dahil 'yon kay Andrei.
Naisipan ko munang pumunta sa convenience store. May itatanong lang ako kay Ben.
"Hi, Katie!" Bati ni Ben nang makarating ako sa convenience store.
Ngumiti ako at binati rin siya. "Hello."
"Ano sayo?" Tanong niya.
"Ah may itatanong lang sana ako sayo." Sabi ko.
"Sige, ano 'yon?"
"Birthday pala ni Andrei sa Wednesday?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya.
"Magugustuhan niya kaya 'tong regalo ko?" Inangat ko ang paper bag na dala ko at ipinakita sa kanya.
"Oo naman. Basta galing sayo, magugustuhan niya 'yan." Nakangiting sabi niya. Napangiti rin tuloy ako.
"Sana pumasok na siya sa Monday. May sinabi ba siya sayo kung kailan siya babalik?" Tanong ko. Natigilan siya at parang nagulat sa tanong ko.
"Hindi mo alam? Hindi ba niya sinabi sayo?" Gulat na tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit anong meron?" Tanong ko.
Nag kamot siya ng batok at parang nag dadalawang-isip pa kung sasabihin niya ba o hindi.
"Alam mo ba kung nasan siya? Ano bang inaasikaso niya?" Tanong ko ulit.
"Ano kasi... Si Andrei, nasa ospital siya. Baka nga dun na rin siya mag celebrate ng birthday niya eh." Nanghina ako sa sinabi niya. Anong ginagawa ni Andrei sa ospital?
"B-bakit siya nasa ospital?" Nauutal na tanong ko.
"May cancer kasi si Andrei. Nakalimutan ko yung tawag eh. Last week pa nag start ang chemotherapy niya. Diba 2 days ago nagkita kayo? Kaso kahapon nanghina siya kay kinailangan na siyang i-confine." Napatakip ako sa bibig dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang pag tulo ng luha ko at parang gumuho ang mundo ko dahil sa nalaman ko.
May cancer si Andrei. Bakit hindi niya sinabi sakin?
"Hala! Lagot ako kay Andrei nito." Rinig kong bulong ni Ben. "Katie, gabi na. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya.
"S-saang ospital siya naka confine?" Tanong ko.
"Huh?"
"Please, ibigay mo sakin ang address ng ospital. Gusto kong makita si Andrei." Naiiyak kong sabi sa kaniya.
Nag dalawang-isip pa siya pero sinabi niya rin sakin kung saang ospital. Pagkabigay niya ng address ay sumakay agad ako ng jeep at pumunta sa ospital na sinabi niya.
Nang makarating ako doon ay nagtanong agad ako.
"Saan po ang room ni Andrei Zamora?"
"Night Andreius Zamora po ba?" Tanong ng nurse. Tumango ako. "Third floor po, Room 305." Sabi niya.
"Thank you po."
Lumapit ako sa elevator at sakto naman pag bukas nito. Inantay kong makalabas ang mga tao saka ako pumasok. Ako nalang mag isa ngayon sa elevator.
Tsk! Bakit parang ang bagal. Sana pala nag hagdan nalang ako. Tumigil pa saglit sa 2nd floor at may mga sumakay.
Tumunog na ulit yung elevator at bumukas ito. 3rd floor na!
"Excuse me," sabi ko at nakiraan sa mga nasa harapan ko.
Buti nalang ay nahanap ko agad ang Room 305. Bigla akong kinabahan nang makalapit sa pinto. Nangilid na naman ang luha ko at nanginginig kong hinawakan ang door knob.
Pumikit muna ako nang mariin at huminga nang malalim bago pinihit ang door knob. Pag dilat ko ay tuluyan ng bumuhos ang luha ko.
Napahikbi nalang ako nang makita si Andrei na nakahiga sa hospital bed at ang daming nakaturok sa kamay niya. Kitang-kita ko ang paghihirap niya habang inaabot ang mansanas na nasa side table.
"A-andrei..." Nabitawan niya ang mansanas at gulat na napatingin sakin.
"K-katie... A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot at tumakbo nalang palapit sa kaniya. Niyakap ko agad siya.
Naramdaman ko ang yakap niya pabalik.
"Nakakainis ka! Bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit ka? Bakit kailangan mong itago sakin?!" Naiiyak kong tanong sa kaniya.
"I'm sorry..." 'yon lang ang narinig ko sa kaniya.
"Wala ka bang balak sabihin sakin 'to? P-paano kung... paano kung---" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko.
"Shh... Kung ano man 'yang sinasabi mo, hindi pa mangyayari 'yan. Matagal pa 'yon." Bulong niya at hinalikan ang noo ko.
Ang sakit! Ang sakit sakit! Ang lakas niya po noong mga nakaraan tapos ngayon makikita ko siya dito na ganito ang kalagayan niya. Ramdam na ramdam ko ang paghihirap niya.
Bakit siya pa? Bakit feeling ko ay may mawawala na naman sakin?
---