Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 24 - CHAPTER 23

Chapter 24 - CHAPTER 23

6PM nang makarating kami sa convenience store. Dito nag aya si Andrei para kumain ng ice cream.

"Oh, nakalabas ka na pala ng ospital?" Gulat na tanong ni Ben pagkarating namin sa convenience store.

"Hehe. Tumakas lang. Wag mong sabihin kay tita, ha?" Mahinang sabi ni Andrei. Napabuntong-hininga nalang si Ben.

Bumili kami ng ice cream at naupo. Sumunod naman samin si Ben.

"Kailan ka daw makakalabas ng ospital?" Tanong niya.

"Hindi ko alam," sagot ni Andrei sabay subo sa ice cream niya. "Sabi kapag lumakas-lakas na daw ako."

"Kaya kailangan pag balik natin sa ospital mag pahinga ka agad." Sabi ko sa kaniya. Ang dami niyang ginawa ngayong araw kaya panigurado ay pagod na siya.

"Kailangan bago mag 9PM, nakabalik na tayo sa ospital." Sabi ni Clark. Tumango naman kami.

Nag kwentuhan lang kami habang kumakain. Pagkatapos kumain ay nag-aya na si Andrei doon sa cliff.

***

"Dito nalang ako sa baba. May tatawagan lang ako." Sabi ni Clark at ipinakita pa ang cellphone niya.

"Sige," sagot ko.

Inalalayan ako ni Andrei habang paakyat kami. Katulad ng unang punta namin dito sa parang cliff na 'to, namangha pa rin ako sa paligid. Hindi nakakasawang pagmasdan yung city lights, yung mga Christmas lights na nakasabit sa puno, at sabayan pa ng malakas na hangin.

"Ang ganda talaga dito." Bulong ko.

"Nakakatuwa. Naa-appreciate mo na ngayon ang ganda ng gabi." Nakangiting sabi ni Andrei.

"At dahil 'yon sayo." Saad ko. "Thank you, Andrei. Thank you for showing me the beauty of night and darkness."

Tumingala ako para makita ang buwan at mga bituin. Ang gaganda nila. Itinaas ko ang kamay ko na para bang inaabot ang mga bituin.

Bigla nalang bumuhos ang luha ko kaya napatakip nalang ako ng mukha. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng ganito.

Naramdaman ko ang yakap ni Andrei mula sa likod ko. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Why are you crying?" Tanong niya. "Hindi ka ba masaya sa nakikita mo? Ang ganda ganda ng paligid natin pero umiiyak ka."

"Nandito pa ako sa tabi mo pero umiiyak ka na." Lalo akong naiyak sa sinabi niya.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka biglang dumating yung panahon na iwan niya rin ako.

Iniharap ako ni Andrei sa kaniya. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinalis ang mga luhang tumutulo doon.

"H-hindi ka ba natatakot mamatay?" Tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling.

"Dati oo, pero ngayon hindi na." Sagot niya. "Kung mamamatay man ako, magiging masaya ako."

"Noong nalaman ko dati na may sakit ako, takot na takot ako. Pero naisip ko na imbis na matakot, bakit hindi ko nalang gawin yung mga bagay na gusto ko."

Tinignan niya akong mabuti at ngumiti.

"Bago ako mamatay, ang gusto ko lang ay ma-enjoy ang buhay na ibinigay sakin, makausap ang tatay ko, at ma-in love sa babaeng katulad mo. Masaya na ako dahil na-enjoy ko na ang buhay ko lalo na nang makilala kita at ma-in love ako sayo. Kung mabibigyan man ako ng chance na makausap ko si papa, mas masaya. Pero kung hindi, ayos lang. Hindi ko naman siya mapipilit." Tuluyan na akong napahagulgol.

Bakit handang-handa na siya mamatay? Paano kami? Paano kaming mga nagmamahal sa kaniya na maiiwan niya?

"A-andrei, paano naman ako?"

"Just enjoy every moment without me. Be happy without me. Do whatever you want without me. Find a better man than me." Parang sinasaksak ang puso ko nang sabihin niya ang mga 'yon.

Paano ako makakapag enjoy kung wala siya? Paano ako sasaya kung wala siya? Paano ko magagawa ang mga gusto ko kung wala siya?

How can I find a better man if he's already the best man for me?

Yung mga bagay na pinapagawa niya ay hindi ko magawa dati. Nagawa ko lang ang mga 'yon nang dumating siya. Pero paano pag nawala siya?

"Andrei, wag mo kaming iwan, please..."

Hindi siya sumagot. Hinalikan niya lang ako sa noo at niyakap ako nang mahigpit.

"I love you, Katie."

Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"I love you, too, Andrei."

***

"A-aray!" Napatakip nalang ako ng bibig at pinipigilan ang paghikbi ko habang pinapanood si Andrei na tinutulungan ng mga nurse na makahiga sa kama niya.

Kakatapos lang ng chemotherapy niya. Suka siya nang suka kanina at ngayon naman ay hirap siyang igalaw ang mga paa at tuhod niya dahil masakit ang mga 'to.

Ilang araw ko na siyang nakikitang ganito at nasasaktan. Imbis na lumakas ay mas lalo lang siya nanghihina.

Araw-araw nakikita ko kung paano siya mag hirap. Araw-araw naririnig ko kung paano siya dumaing dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Nasasaktan ako kapag minsan ay pinipilit niyang ngumiti at ipakitang malakas siya kapag nandito ako kahit alam ko namang nasasaktan na siya.

Ang sakit makita na yung taong tumutulong sayo dati kapag nahihirapan ka ay siya naman ngayon ang nahihirapan at nangangailangan ng tulong.

Pinalis ko agad ang luha ko nang tumingin sakin si Andrei. Nginitian ko siya. Ayaw niyang nakikita kaming umiiyak.

Si Tita Alexis na nasa tabi ko ay tumalikod at akmang lalabas.

"Tita Alexis..." Tawag ko. Nilingon niya ako.

"Pwede ko po ba kayong makausap?" Tanong ko sa kaniya.

May gusto akong itanong sa kaniya. Gusto ko makabawi kay Andrei at matulungan siya. At alam kong si Tita Alexis ang makakatulong sakin para magawa 'yon."

"Sige. Doon tayo sa canteen." Tumango ako at ngumiti. Nilingon ko muna si Andrei na nakapikit. Pinatulog siya ng mga nurse.

Lumabas na ako sa kwarto niya at sinundan si Tita Alexis.

---