Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 22 - CHAPTER 21

Chapter 22 - CHAPTER 21

"Tita, ano po ba talaga ang sakit ni Andrei?" Tanong ko kay Tita Alexis. Nandito kami ngayon sa canteen ng hospital.

Pagkatapos namin mag-usap ni Andrei kanina ay nakatulog siya. Dumating naman ang tita at pinsan niya.

"Five years ago, he was diagnosed with Acute Lymphocytic Leukemia." Kumunot ang noo ko sa sagot niya.

"It is the cancer of the blood and bone marrow. Nang malaman namin ang sakit niya, pinagamot namin siya agad. After 2 years, lumakas na siya. Akala namin ayos na ang lahat at magaling na siya. But, last month, nakitaan na naman namin siya ng signs. Pina check-up namin siya at nalaman namin na mas malala na ngayon ang cancer niya." Hindi ko na naman napigilan umiyak. Kahit si tita ay umiiyak na rin ngayon.

"Ang sabi ng doktor ay napabayaan daw kaya mas bumilis ang pag progress ng cancer niya. Kaya ngayon ginagawa namin ang lahat para maging maayos ulit ang lagay niya. Gusto ko pang mabuhay ng matagal ang pamangkin ko." Lumapit ako sa tabi ni tita at niyakap siya.

"Malakas po si Andrei at sigurado akong gagaling siya." Sabi ko sa kaniya.

"Katie, 'wag mong iwanan si Andrei. Malakas si Andrei pero alam kong nasasaktan rin siya. Samahan mo siyang labanan ang sakit niya. Please, 'wag mo siyang iwanan." Bumuhos lalo ang luha ko.

"O-opo... 'di ko po iiwan si Andrei."

***

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa kwarto ni Andrei. Nandoon rin ang pinsan niya.

"Katie, salamat ha. Babalik din kami bukas ng umaga." Sabi ni tita habang inaayos ang mga gamit na dala nila kanina.

"Sige po."

"Mauna na kami. Clark, tara na." Nag paalam na sila tita at umalis na. Nang makaalis sila ay nilingon ko si Andrei. Nagulat ako sa hawak niya.

"Bakit na sayo na 'yan?" Gulat na tanong ko habang hawak niya yung stuffed toy na binili ko kanina sa Blue Magic.

"Akin naman 'to diba?" Nakangiting tanong niya.

"Oo, pero ibibigay ko sana 'yan sayo sa birthday mo pa." Napasimangot ako nang maalala ang birthday niya.

"Birthday mo na pala sa Wednesday pero hindi mo sinabi sakin."

"Balak kasi sana kitang i-surprise."

Ngumuso ako. "Ikaw ang may birthday pero ako ang isu-surprise mo?"

Nginitian niya lang ako ng malapad. Tinignan ko siya at hindi ko pa rin talaga maisip na may malala siyang sakit.

Kung titignan siya ay parang ang lakas lakas niya. Kapag magkasama kami ang sigla-sigla niya at parang walang sakit.

Napatingin ako sa braso niya na may mga pasa. Ang mga 'yan ay dahil sa sakit niya at hindi niya nakuha kay tito.

"Ang gwapo ko pa rin ba kahit may sakit ako? Titig na titig ka sakin eh." Natatawang sabi niya. Natawa nalang din ako.

"At ang kapal pa rin ng mukha mo kahit may sakit ka." Sumimangot siya saglit pero sa huli ay nagtawanan lang kami.

***

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! Happy birthday, Andrei!~" Inilapit ko sa kaniya ang hawak kong cake.

"Make a wish." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Pumikit siya saglit bago hinipan ang kandila.

Inilapag ako ang cake sa mesa at nagpalakpakan kami.

"Happy birthday, Gabi!" Bati ko sa kaniya at niyakap siya.

"Anong gabi?" Nagtatakang tanong niya.

"Diba Night ang pangalan mo? Ano bang tagalog nun? Diba 'gabi'." Natawa naman siya.

Naghanda si tita at nagsara muna siya ng convenience store. Nandito ang dalawang pinsan ni Andrei na sina Dexter at Clark, pati na rin ang Tito Chester niya. Sina Ben at Mich ay nandito rin.

"Hmm... Sharap!" Saad ni Andrei pagkatapos ko siyang subuan ng cake. Nagpasubo siya sakin dahil may sakit daw siya. Kaya naman niya mag-isa pero dahil dakilang pabebe siya, gusto niya sinusubuan siya.

"Ate Katie, bakit mo po sinusubuan si Kuya Andrei?" Tanong ni Dexter. Natawa ako nang makitang may icing pa sa mukha niya.

"Dexter, may sakit kasi ako kaya kailangan sinusubuan ako ni Ate Katie." Sagot ni Andrei.

"Eh bakit po 'pag may sakit ako kaya ko namang kumain mag isa kahit hindi ako sinusubuan ni mommy?" Tanong niya. Natawa ako at nilapitan siya.

"Pabebe kasi si Kuya Andrei mo." Bulong ko at natawa rin siya. Nagulat ako nang bigla akong pahiran ni Andrei ng icing sa mukha.

"Anong binulong mo sa pinsan ko?" Tanong niya.

"Wala!"

"Pabebe ka daw po!" Napapikit nalang ako nang sabihin 'yon ni Dexter. Pinisil ko ang pisngi ni Dexter at pilit na ngumiti.

Alam niyo yung feeling na kahit gaano ka-cute yung batang nasa harap niyo, gusto niyo pa rin 'tong tirisin kahit isang beses lang.

"Oy! Malagkit na mukha ko!" Sigaw ko kay Andrei nang pahiran niya na naman ako nang icing sa mukha. Tumawa lang siya kaya pinahiran ko din siya sa mukha.

Nagulat kami nang pilit na umakyat si Dexter sa kama at pinahiran ng icing sa mukha si Andrei. Natawa ako sa ginawa niya.

"Ahh! Tulong! Minomolestya niyo yung gwapo kong mukha!" Sigaw ni Andrei habang hinaharangan ang braso niya.

Narinig namin ang tawanan ng mga kasama namin dito. Nagulat ako nang biglang batuhin ni Andrei ng icing si Clark pati na rin si Ben.

"Bakit pati kami dinadamay mo?!" Tanong sa kaniya ni Clark habang pinupunasan ang damit niya na may icing.

"Ayaw niyo kasi akong tulungan! Palibhasa inggit kayo sa mukha ko!" Nakangusong sabi ni Andrei.

"Grabe! Akala ko sakit lang ang lumalala. Pati rin pala kakapalan ng mukha." Natatawang sabi ni Ben. Inirapan naman siya ni Andrei.

Natawa nalang ako sa asaran nila at pinahiran ulit ng icing si Andrei.

"Pabebe talaga." Bulong ko.

Ginantihan niya ako at nakisali na naman si Dexter. Tawa lang kami nang tawa habang nagpapahiran ng icing. Nagkalat na rin ang cake at icing dito sa kwarto. Kawawa naman ang maglilinis dito.

"Picture naman dyan!" Sigaw ni Mich at pumunta siya sa harapan namin. May dala siyang camera.

Hinila ako ni Andrei at inakbayan ako. Si Dexter naman ay pumwesto sa gitna namin.

"Dexter, mamaya ka na. Kami muna ni Ate Katie." Sabi ni Andrei pero hindi umalis si Dexter.

"Hayaan mo na." Bulong ko sa kaniya.

Sunod-sunod na flash ang natanggap namin. Hindi na kami masyadong nakapag-isip ng pose dahil ang bilis ni Mich kumuha ng picture.

"Ang cute! Para kayong isang pamilya dito." Ipinakita niya samin ang isang picture. Si Dexter ay naka peace sign. Si Andrei naman ay nakatingin sakin at ako ay tumatawa.

Napangiti nalang ako.

---