Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 23 - CHAPTER 22

Chapter 23 - CHAPTER 22

Tatlong araw na ang nakalipas mag mula ng birthday ni Andrei. Saturday ngayon at nandito ulit ako sa ospital para bantayan siya.

Tulog pa ngayon si Andrei. Kanina ay suka siya nang suka. Sabi ng doktor ay ganoon daw talaga pag tapos ng chemotherapy. Masakit para samin na makitang ganoon si Andrei pero pinipilit namin maging malakas para sa kaniya.

"Katie..." Nilingon ko si Andrei na nakatingin din sakin at nakangiti. Tumayo ako sa hinihigaan kong couch at nilapitan siya.

"Gising ka na pala. Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ko. Tumango naman siya. Kumuha ako ng orange at binalatan 'yon.

"Katie..." Tawag niya.

"Hmm?"

"Magpahinga ka kaya muna sa bahay. Hindi ka na ata nakakatulog ng maayos." Saad niya.

"Ayos lang. Mamayang gabi uuwi ako pero babalik din ako bukas ng umaga." Nakangiting sabi ko.

Inabot ko sa kaniya ang binalatan kong orange.

"Thank you,"

"Gusto kong lumabas," napatingin ako sa kaniya at nakatingin siya sa bintana.

"Hanggang doon ka lang sa garden pwede. Gusto mo pumunta doon? Magpapakuha lang ako ng wheelchair." Sabi ko pero umiling siya.

"Gusto kong pumunta doon sa cliff, sa plaza, at sa amusement park. Gusto ko rin kumain ng ice cream." Nakangiting sabi niya. Napasimangot naman ako. Bawal naman siyang umalis dito sa ospital.

"Pero bawal---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Clark na may dalang mga gamit at pagkain.

"Ready na kayo?" Nag taka ako sa tanong niya.

Si Andrei ang sumagot. "Oo, tara na!"

"Balik din tayo agad dito ha? Malalagot ako kay mommy pag nalaman niyang lumabas ka." Sabi ni Clark.

"Teka, san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Edi gagawin yung mga gusto ko!" Masayang sagot ni Andrei.

"Pero bawal ka daw umalis dito sa ospital." Sabi ko sa kaniya.

"Katie, pumayag ka na. Ngayon lang naman eh. Next week sunod-sunod na naman yung chemotherapy ko. Manghihina na naman ako." Pagmamakaawa niya.

"Pleaseee!" Nag pout pa siya na parang bata.

"Katie, pagbigyan mo na." Sabi sakin ni Clark. Bumaling naman siya kay Andrei. "Basta siguraduhin mong magpapalakas ka at magpapagaling ka para maulit pa natin 'to."

"Clark, ano ba yang sinasabi mo? Siguradong gagaling si Andrei." Sabi ko.

"Wala kayong balak umalis? Tara na!" Nagulat ako nang makita ko si Andrei na nakatayo na sa pintuan.

Wala na akong nagawa at sumama nalang sa kanila. Buti nalang ay wala kaming nakasalubong na nurse. Dumaan kami sa fire exit para walang makakita samin.

Nang makarating sa parking ay pinasakay agad kami ni Clark sa kotse na dala niya.

---

Una naming pinuntahan ay plaza. Pinagpalit muna namin ng damit si Andrei para hindi mag taka ang mga tao.

Maaga pa kaya konti palang ang tao dito sa plaza.

"Gusto ko ng street foods." Sabi ni Andrei.

"Bawal sayo ang mga 'yon."

Ngumuso naman siya. "Katie, masarap ang bawal. Saka mabuti nang makain ko ang bawal bago ako mawala." Mahinang hampas sa braso ang binigay ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Tumawa naman siya.

"Nakakainis ka! Wag ka ngang ganyan!" Inis na sabi ko sa kaniya.

Hinila nalang niya ako palapit doon sa mga nagtitinda ng street foods. Si Clark ay nakasunod lang samin.

"Ate, pabili po nito tapos 'yon po saka 'yon." Sabi niya sa tindera at tinuro ang fishball, kikiam, at kwek-kwek. Napailing nalang ako.

"Hmm... Sharap!" Sabi niya habang sunod-sunod na isinubo yung kwek-kwek. Nag pabili rin siya ng cotton candy.

"Baka mabulunan ka," natatawang sabi ko.

"May gulaman naman eh!" Lagot talaga kami kapag may nakaalam na ganito ang ginawa namin.

"Clark, kuhaan mo kami ng picture." Utos ni Andrei sa pinsan niya. Nakaupo kami ngayon sa isang bench.

Inilabas ni Clark ang phone niya. Inakbayan naman ako ni Andrei. Iba't-ibang pose ang ginawa namin.

***

Alas-tres na nang umalis kami sa plaza. Sunod na pinuntahan namin ay ang amusement park.

Pagbaba namin sa sasakyan ay tumakbo na si Andrei sa entrance ng amusement park.

Ang kulit talaga, parang walang sakit.

"Katie, sakay tayo sa rollercoaster!" Aya niya. Akala ko ba may fear of heights siya?

Hindi na ako nakaangal pa at hinila niya na ako. Pumila kami at mabilis din kaming nakasakay.

Hindi pa man din umaandar ay kinakabahan na ako. Pwede pa bang bumaba? Kaso 'tong katabi ko ang higpit nang pagkakahawak sa kamay ko.

Sa una ay mabagal pa lang kaya tahimik pa si Andrei. Pero nung bumilis na ay hindi ko na natuloy ang sigaw ko dahil naunahan na ako ni Andrei.

"AHHHH! KATIEEE! GUSTO KO NG BUMABA!" Tawa ako nang tawa nang nilingon ko siya. Kumapit na siya sa braso ko.

Nilingon kami ni Clark na nasa harap namin at itinapat samin ang phone niya.

"Video 'to!" Sigaw niya. Kahit takot na takot na si Andrei ay nakuha niya pang kumaway sa camera.

"Woooh! Isa pa!" Sigaw ni Andrei nang bumagal na ang pag-andar ng rollercoaster.

"Anong isa pa? Takot na takot ka nga dyan eh." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Ang saya!" Sigaw niya.

"Doon naman tayo sa Vikings!" Oh my God! Hilo pa nga ako dahil sa rollercoaster tapos ngayon naman yung Vikings.

Hindi na ako naka angal dahil hinila na naman niya ako.

Sa dulo niya piniling maupo.

"Hindi ka ba nahihilo?" Tanong ko sa kaniya. Nakangiti naman siyang umiling.

Sabay kaming napasigaw ni Andrei nang umandar na yung Vikings.

"AHHHHHHHHH!" Yumakap pa siya sakin.

"Katie, yumakap ka din sakin! Baka mahulog ka!" Sigaw niya. Tumawa nalang ako. Alam ko na ang mga galawan ng Gabi'ng 'to.

"Tsansing ka!" Sabi ko sa kaniya nang makababa kami.

Ngumiti siya at nagkamot pa ng batok. "Hehe. Napansin mo pala 'yon." Ngumuso nalang ako para pigilan ang ngiti ko.

"Gusto ko ng kumain ng ice cream!" Sabi niya. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siyang tumatakbo papunta kay Clark.

Ngayong araw na 'to, nakita ko talaga sa mata ni Andrei kung gaano siya kasaya. Walang halong sakit o paghihirap.

Excited na akong tuluyan na siyang gumaling. Gusto kong maulit ang araw na 'to at makita kung gaano siya kasaya.

---