Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 8 - CHAPTER 7

Chapter 8 - CHAPTER 7

"Sir, baka pwede naman pong hindi isara 'to. Kaya naman po siguro nating makabawi diba?" Tanong ko. Tinignan ko ang mga kasamahan ko na problemado na rin.

Umiling lang si sir. "Luging-lugi na tayo. Noong isang araw nga ay kahit isa wala tayong customer. Kung ipagpapatuloy lang 'to ay hindi ko rin kayo mapapasweldo." Sabi niya na mas lalong ikinadismaya ko.

"Sir, wala na po bang ibang paraan?" Tanong naman ni Paul. Umiling lang si sir.

"I'm sorry pero wala na talaga." Malungkot na sagot ni sir. Naglabas siya ng tatlong sobre. "Ito na ang huling sahod niyo. Magsasara na tayo ngayon din." Anito at inabot samin ang sobre.

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Kulang pa 'tong sweldong 'to para sa pangkain at pambayad ko ng utang.

"Grabe, biglaan naman 'tong pagpapasara ni sir ng coffee shop." Sabi ni Kim habang inaayos ang mga gamit niya.

"Ang hirap pa naman mag hanap ng trabaho ngayon." Sabi ni Paul at napailing nalang.

Natigil ako sa pag-aayos ng gamit nang hawakan ni Paul ang balikat ko.

"Gusto mo bang sumabay sakin sa paghahanap ng trabaho?" Tanong niya. Pilit akong ngumiti at hinarap siya.

"Sige. Sabihan mo lang ako kung kailan." Sagot ko. Kailangan na kailangan ko talaga makahanap ng trabaho. Buti nalang ay summer ngayon at walang pasok.

Nagpaalam na ako sa kanila pagkatapos naming mag-ayos ng mga gamit. Nagpaalam na rin ako kay sir at panay din ang sorry niya dahil sa biglaang pagsasara ng coffee shop.

Nagpunta muna ako sa convenience store para bumili ng makakain. Sinilip ko ang counter ngunit iba ang nandoon. Hindi ba pumasok si Andrei?

Pagkabayad ko ay lumabas na agad ako. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng sakit ng ulo at hilo.

Gusto ko sang mag jeep o mag tricycle manlang kaso naalala ko na kailangan kong mag tipid. Lalakarin ko nalang.

Mas lalo pang sumakit ang ulo ko kaya pagkarating ko sa bahay ay nakatulog agad ako.

Nagising ako nang makarinig ng ingay sa labas. Hirap akong bumangon at sumilip sa bintana. Umuulan na naman pala kaya ang lamig. Summer ba talaga ngayon?

Sinubukan kong maglakad upang makalabas ng kwarto pero hindi pa ako masyadong nakakatayo ay napaupo na naman ako sa kama.

"Ang sakit ng ulo ko." Kanina pa 'to ah. Akala ko pa naman mawawala kapag nakatulog ako.

Hinawakan ko ang leeg ko at nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang init. Kinuha ko agad ang thermometer sa drawer ko at ginamit 'yon.

Damn! 38.2!

Naligo nga pala kami sa ulan kagabi ni Andrei.

Tumayo na ako para lumabas ng kwarto at makakuha ng gamot.

"Ahhh!" Napatakbo agad ako sa sala nang biglang kumulog at kasabay nito ang pag brownout.

Naramdaman ko agad ang pagtulo ng luha ko. Sobrang dilim at nakalimutan ko pa yung cellphone ko sa kwarto.

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko at nanginginig na rin ako. Bakit ba kasi ngayon pa nag brownout?! Nakakatakot!

Napapikit ako nang makarinig ng ingay mula sa labas.

"Katie! Please, open this door! Katie! Katie!" Agad akong tumayo at pumunta sa pinto nang marinig ko ang pag tawag sakin.

Pagkabukas ko ng pinto ay naramdaman ko agad ang mainit niyang yakap.

"Shh...stop crying. Nandito na ako." Bulong niya. Napayakap ako nang mahigpit sa kaniya.

"A-andrei, please don't leave me." Pagmamakaawa ko. Natatakot ako. Bumabalik na naman sa alaala ko yung mga nangyari dati. Ang pagkamatay ng magulang ko, ang pagkulong sakin nila tita, at pangloloko sakin ng mga kaklase ko.

Inalalayan ako ni Andrei pabalik sa sofa. May dala dala siyang flashlight.

"Nilalagnat ka," sabi niya habang nakahawak sa noo ko. "Kukuha lang ako ng gamot." Dagdag niya at akmang tatayo pero pinigilan ko siya.

"Andrei, dito ka lang. Natatakot ako mag-isa."

Dahil sa flashlight na dala niya ay naaaninag ko ang mukha niya. Ang mga mata niya ay punong-puno ng pag-aalala.

Muli siyang umupo at niyakap ako. Nang tumagal tagal ay medyo kumalma na ako pero nakayakap pa rin siya sakin. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng mga talukap ko at dinalaw na ako ng antok.

Nagising ako sa kwarto ko. Maaraw na sa labas. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Andrei.

Hindi pa pala siya umuuwi?

"Good morning," bati niya. "Kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Inalalayan niya ulit ako para makaupo.

Hinawakan ko ang noo at leeg ko. Hindi na masyadong mainit pero medyo masakit parin ang ulo ko.

"Salamat." Ipinatong niya sa mesa ko ang isang tray na may laman na kanin at ulam. Nandoon din ang gamot at tubig ko.

"Ikaw nag luto nito?" Tanong ko. Sinigang ang ulam at mainit pa.

"Oo. Ayos ka na ba?" Tanong niya. Tinikman ko ang luto niya at ang sarap nito. Hindi ko alam na marunong pala siya mag luto.

"Medyo masakit nalang ang ulo ko." Sagot ko.

"Sorry, dahil sakin ay nagkasakit ka." Bigla akong napatingin sa kaniya. Tinutukoy niya ba yung pagligo namin sa ulan at sinisisi niya ang sarili niya?

"That's not your fault. Ako ang may gusto maligo sa ulan diba?" Sabi ko at nginitian siya para ipakita sa kaniya na wala talaga siyang kasalanan.

"Kahit na. Dapat pinigilan kita." Aniya.

"Pinigilan mo naman ako kaso sadyang matigas ang ulo ko," natatawang sabi ko. "Saka ayos lang, nag enjoy naman tayo eh." Dagdag ko.

Pagkatapos kumain ay ininom ko na ang gamot ko. Napatingin ako sa orasan at napansin kong tanghali na.

Dapat nasa trabaho na ngayon si Andrei ah. Bakit nandito pa rin siya?

"Andrei, salamat sa pag-aalaga sakin. Ayos naman na ako eh. Diba may trabaho ka pa? Late ka na." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi ako papasok ngayon." Simpleng sagot niya.

"Bakit naman? Kahapon galing ako sa convenience store pero wala ka. Tapos ngayon aabsent ka na naman?" Tanong ko sa kaniya. Pwede niya naman na akong iwan dito eh.

"Uuwi ako saglit para maligo at makapagpaalam kay tita na hindi ako papasok ngayon. Babalik ako dito." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Andrei, ayos lang talaga---"

"No! Babalik ako dito. At ikaw, hindi ka rin muna papasok ngayon." Natigilan ako sa sinabi niya.

Napahawak ako sa noo ko nang maalala ang nangyari kahapon. Wala na nga pala akong trabaho kaya hindi talaga ako papasok ngayon.

Kailangan ko na palang mag hanap ng trabaho pero hindi ko 'yon magagawa kung nandito si Andrei. Paniguradong pipigilan niya ako.

---