"Sasabihan ko si tita na i-hire ka sa convenience store." Sabi ni Andrei sakin. Ikwinento ko sa kaniya na wala na akong trabaho na sana pala ay hindi ko nalang ikwinento sa kaniya.
"Nakakahiya, Andrei. Hindi porke't tita mo 'yon at kaibigan mo ako ay basta-basta nalang ako makakapasok doon." Sabi ko. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol dito.
"Ayos lang 'yon, Katie. Saka naghahanap din si tita ngayon ng pwedeng i-hire, sakto wala ka ng trabaho. Edi pwede kang pumasok sa convenience store." Napasimangot ako dahil sa pangungulit niya.
"Susubukan ko rin mag apply sa iba." Sinamaan niya ako ng tingin.
"Katie, sige na. Diba kailangan mo ng trabaho? Tanggapin mo na 'to." Ngumuso na lang ako. He's right. I really need a job. At kailangan kong tanggapin ito dahil para din naman sakin 'to.
"Fine. Salamat." Sabi ko. Lumawak naman ang ngiti niya.
"Good girl." Sabi niya at pinisil ang ilong ko. Napangiti nalang ako.
Hindi kami umalis ng bahay at nanood nalang ng movie. Walang ginawa si Andrei kundi bantayan ako. Halos ayaw niya na nga akong pakilusin eh.
I'm so thankful that I met him. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na tulad niya. Kung wala siguro siya kagabi ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Tapos ngayon ay bibigyan niya pa ako ng trabaho.
***
"Ma'am Alexis, thank you po talaga sa pagtanggap sakin dito." Ngayon ang first day ko sa convenience store ng tita ni Andrei.
"You're welcome, Katie. And please, don't call me 'Ma'am' masyadong formal 'yon. Tita Alexis nalang tutal naman ay kaibigan ka ng pamangkin ko." Nakangiting sabi niya at tinignan si Andrei na nasa gilid ko. Napangiti rin ako.
"Aalis muna ako. May pupuntahan pa kami ni Dexter." Aniya at umalis na.
"Sabihin mo lang sakin pag may kailangan ka." Sabi ni Andrei.
"Kaya ko na 'to. Salamat ulit." Nagsimula na kaming mag trabaho. May mga dumadating na rin na customer.
Dahil sa counter ako naka assign dati sa coffee shop, sanay na ako at hindi na ako nahirapan dito.
Naging maayos naman ang unang araw ko dito. Sa mga sumunod na araw ay ganun pa rin. Mas nasasanay na ako dito. Tuwing may kailangan din ako ay laging nandyan si Andrei.
Isang araw ay ipinakilala ni Andrei yung isang katrabaho namin.
"Ben, si Katie nga pala. Katie, si Ben." Nginitian ako ni Ben at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman 'yon.
"Nice to meet you." Nginitian ko siya.
"Nice to meet you din."
Hinila ni Andrei ang kamay ko at bumalik na kami sa counter. Tumawa naman si Ben habang nakatingin kay Andrei. Tinignan siya ni Andrei ng masama.
"Takot maagawan." Sabi ni Ben pero hindi siya pinansin ni Andrei. Ano bang pinag-uusapan nila?
Mahigit isang linggo na ako dito sa convenience store. Laking pasasalamat ko talaga kay Tita Alexis at kay Andrei dahil nagkaroon agad ako ng trabaho.
"Good afternoon po." Bati ko sa customer.
"Katie?" Inangat ko ang tingin ko at nagulat ako nang makita si Paul. Naalala ko bigla yung usapan namin na sabay kami maghahanap ng trabaho. Nakahanap na kaya siya?
"Paul..." Nahihiya ko siyang binati.
"May trabaho ka na pala kaya pala hindi kita masyadong nakikita." Napalunok ako sa sinabi niya. Nakakahiya! Hindi ko manlang siya nasabihan.
"Uhh...bago lang din ako dito. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. M-may trabaho ka na ba?" Nahihiyang tanong ko.
Ngumiti siya pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya. "Wala pa. Hirap mag hanap eh. Buti ka pa nakahanap agad." Natahimik ako at hindi ko alam kung anong sasabihin.
"Katie," Nilingon ko si Andrei na nasa gilid ko na.
"Andrei, this is Paul. Katrabaho ko dati. Paul, si Andrei, kaibigan ko." Nag tanguan silang dalawa. Alam kong kilala na siya ni Andrei dahil naikwento ko na sa kaniya dati si Paul.
"Mauna na ako, Katie." Paalam ni Paul.
"Sige. Sana makahanap ka na rin ng trabaho. Sorry ulit." Nginitian niya naman ako bago umalis.
"Bakit ka nag so-sorry?" Tanong ni Andrei.
"May usapan kasi kami na sabay kami maghahanap ng trabaho kaso hindi ko siya nasabihan agad na may trabaho na ako." Sagot ko.
"Sana makahanap na siya." Aniya.
"Sana nga."
Nang malapit na mag alas-tres ng hapon ay nag ayos na ako ng gamit. Sabay kami ng uwi ni Andrei. Ang papalit naman samin ay si Ben.
"May gagawin ka ba pag-uwi mo?" Tanong ni Andrei.
"Wala naman. Bakit?"
Ngumiti naman siya. "Punta tayong mall."
"Pass muna ako dyan. Wala pang sweldo eh." Sabi ko. Saka kailangan ko mag tipid muna.
"Ayos lang 'yan. Libre ko naman eh." Ngumuso ako. Sobra sobra na ang naitutulong niya sakin tapos ngayon ililibre niya pa ako.
"Nakakahiya, Andrei. Pag natanggap ko nalang yung sweldo ko saka tayo pupunta sa mall para naman may panggastos din ako." Ayoko namang umasa nalang lagi sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin at kunin ang bag ko.
"Hoy, Andrei! Wait lang!" Sabi ko.
"Mukhang may lakad ah." Napatingin ako kay Ben na kararating lang. Nakangisi siya habang nakatingin sa kamay namin ni Andrei na magkahawak.
Tumawa lang si Andrei at tinapik sa balikat si Ben. "Ikaw na bahala dyan." Aniya at sumaludo naman si Ben sa kaniya.
Wala na akong nagawa kundi magpahila nalang kay Andrei.
Mabilis kaming nakarating sa mall.
"Nood tayong sine." Aya niya. Hindi na ako umangal pa dahil alam ko namang kukulitin lang ako ni Andrei.
Bumili na siya ng ticket.
"We still have one hour. Gusto mo bang kumain muna?" Tanong niya.
"Sige."
Nagpunta kami sa isang fastfood chain. Siya na ang pinapili ko ng kakainin namin.
After 20 minutes ay dumating na rin ang order namin.
Habang kumakain ay medyo nailang ako nang maramdaman ang titig ni Andrei. Sinibukan ko siyang tignan at nakatingin pa rin siya sakin.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Kinapa ko agad ang mukha ko nang mapagtanto na baka may dumi ako sa mukha.
Narinig ko naman ang tawa niya.
"Don't worry, wala kang dumi sa mukha."
"Eh bakit ka nakatingin?" Tanong ko.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Wala lang. Gusto ko lang tignan ang maganda mong mukha." Muntik na akong masamid kahit wala naman akong iniinom. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.
Oh my God! Sana lang ay hindi kasing pula ng kamatis ang mukha ko ngayon.
Pinilit kong tumawa at tignan siya. "Well, ang swerte mo dahil may kaibigan kang maganda." Biro ko.
Ibinalik ko nalang ulit ang pansin ko sa pagkain at narinig ko pa siyang tumawa.
Argh! Andrei, bakit bigla-bigla kang bumabanat ng ganiyan?
---