Tapos na yung fireworks. Kumakain nalang kami ngayon ni Andrei. Talagang pinaghandaan niya talaga ang lakad namin na 'to dahil kumpleto siya sa pagkain at gamit.
"Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko. Pero makakauwi pa ba kami ngayong gabi? Parang delikado na kasi sa daan.
"Tomorrow morning. Papanoorin muna natin yung sunrise." Sagot niya. Sabi na nga ba at hindi kami makakauwi ngayong gabi eh. Naalala ko naman bigla yung trabaho namin.
"Wait, hindi ba tayo male-late bukas sa convenience store?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling.
"Nakapagpaalam na ako kay tita." Simpleng sagot niya. Tsk! Porke't tita niya ang may-ari ng convenience store ay may lakas na siya ng loob mag pa-late. Dinamay pa ako.
"Baka ikaw lang ang pinayagan, ah. Bago pa lang ako sa convenience store, baka palayasin agad ako ng tita mo." Sabi ko sa kaniya.
"Pinaalam din kita sa kaniya. Saka pinakaisuapn ko si Ben na doon muna siya hangga't hindi pa tayo nakakapasok." Sagot niya. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag doon.
I looked at my wrist watch and it's already 7:30 PM. Mga ganitong oras ay nakahiga na ako sa kama eh.
Tinignan ko si Andrei. Nagbubukas siya ngayon ng isang malaking chippy. Sa gitna namin ay may softdrinks.
Biglang sumagi sa isip ko kung bakit dyan siya nakatira sa bahay ng tita niya. Nasan kaya ang parents niya? He also told me before that he has a sister pero hindi ko pa 'to nakikita.
Hindi naman sigura masama kung magtatanong ako sa kaniya about sa family niya diba? Tutal naman ay nai-kwento ko na sa kaniya kanina ang pamilya ko.
"Andrei, where are your parents and your sister? Hindi ko pa sila nakikita. Dyan din ba sila nakatira sa bahay ng tita mo?" Napatingin siya sakin at bahagyang natigilan. May napansin ako sa mga mata niya. Parang ngayon ko lang nakita. Kalungkutan?
Wait, is there something wrong?
Bigla siyang ngumiti pero ang lungkot sa mata niya ay nandoon parin.
"Si mama, sumakabilang-buhay na. Si papa, sumakabilang-bahay. At yung kapatid ko, ayun, sumunod kay mama." Nakangiti siya pero halatang nasasaktan siya.
"Oh, I'm sorry..." Sana pala hindi ko nalang tinanong.
"Ayos lang. Tutal ay nagkwento ka sakin kanina tungkol sa buhay mo, magkukwento na rin ako para quits na tayo." Sabi niya.
Umayos ako ng upo. Nag simula na siyang mag kwento. Hindi ko mapigilan mapatitig sa kaniya, lalo na sa mga mata niya. Parang ibang-iba yung Andrei na nasa harap ko ngayon sa Andrei na nakasama ko nitong mga nakaraang linggo.
Nitong mga nakaraang linggo, parang kilala ko lang siya sa pangalan. Pero ngayon na nagkukwento siya, nakikilala ko na unti-unti ang pagkatao niya.
"Simula nang mamatay si mama dahil sa cancer, ayun si papa, wala pang isang taon nakahanap na agad ng bago. Iniwan niya kaming dalawa ni Dreia." Sabi niya.
"Buti nalang ay nanjan si Tita Alexis, she's my mother's sister. Kinupkop niya kami ni Dreia. Si Dreia ay may nyctophobia din," naalala ko sinabi niya na rin yan sakin dati.
"Dahil ako ang lagi niyang kasama, ako din ang tumulong sa kaniya para ma-overcome yung takot niya." Kaya pala parang ang dami niyang alam tungkol sa nyctophobia at alam niya ang gagawin para ma-overcome ang phobia na 'yon. "Nakakatuwa dahil nawala din ang takot niya na 'yon. Kaso ilang linggo lang ay nalaman naming may sakit siya at malala na. Ilang buwan lang siya nag tagal at sumunod na siya kay mama." Tumigil siya sa pagsasalita. Tumingin siya sa langit at ngumiti.
"Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nakikita ang papa mo?" Tanong ko. Umiling naman siya.
"3 years ago ay may nakapag sabi daw kay tita na nasa isang probinsya si papa pero hindi naman namin napuntahan. Ngayon wala na kaming balita sa kaniya." Sabi niya.
"Hindi ka ba galit sa papa mo?" Tanong ko ulit at umiling lang siya.
"May konting tampo, pero galit, hindi ko ata kayang magalit sa kaniya. Alam kong mahal na mahal niya si mama, pero alam ko ding nahihirapan siyang mag-isa kaya siya naghanap ng iba. Alam ko rin na kahiy papaano ay may natitirang pagmamahal pa rin siya kay mama." Aniya. Parang siguradong-sigurado siya sa mga sinasabi niya.
"Gusto mo siyang makita?" Tanong ko kahit alam kong sa sarili ko na wala akong magagawa para makita niya ang ama niya.
"Of course. Hindi ko alam kung namimiss niya ba ako o kung alam niya ba na wala na si Dreia, pero miss na miss ko na siya. Tatay ko pa rin naman 'yon kahit papaano. Sa kaniya ako nagmana ng ka-gwapuhan." Sabi niya at biglang natawa.
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya pero hindi ko rin mapigilan mamangha sa kaniya. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kaniya.
Paano niya nagagawang maging masaya sa kabila ng mga pinagdaanan niya?
Paano niya nagagawang makapagpatawa ng ibang tao kung siya pala ay may problema din?
Paano niya nagagawang tumulong sa ibang tao kung siya rin ay nangangailangan ng tulong.
"Ang susi para makalabas ka sa silid na 'yan ay pagtanggap."
Naalala ko bigla ang sinabi niya kanina. Siguro, gaya ko ay nakulong din siya sa isang madilim na silid. Pero ang pinagkaiba namin, hindi siya nagpalamon sa dilim dahil marunong siya tumanggap.
"Katie, natutunaw na ata ako." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Andrei. Nakaharap na siya sakin ngayon.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
"Grabe ka kasi makatitig sakin. Crush mo ko 'no? Nahuhulog ka na siguro sakin." Sabi niya at nginisian ako. Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya.
Ang drama drama kanina tapos ngayon bigla siyang babanat ng ganiyan? Banatan ko kaya siya.
Umiwas agad ako ng tingin sa kaniya. Tutal naman ay binasag niya ang ka-dramahan namin dito, gaganti nalang ako sa kaniya.
Tumingin ulit ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Sa ganda kong 'to, baka ikaw ang may crush sakin. Baka ikaw ang nahuhulog." Pang-aasar ko. Nagtaka ako nang hindi manlang siya tumawa o ngumiti. Sa halip ay tumingin lang siya sakin ng diretso.
Ilang segundo pa bago siya nag salita ulit. "Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko." Seryosong sabi niya. Dahan-dahan akong umiwas ng tingin habang gulat pa rin sa sinabi niya.
Ano daw 'yon? Siya ang nahuhulog?
---