Sabado ngayon. Tanghali na ako gumising dahil wala naman akong gagawin. Nakaupo ako ngayon dito sa labas habang pinagmamasdan si Lili na palakad lakad lang.
Kahit siguro siya ay naiinip dito sa bahay.
Sumandal ako sa inuupuan ko at ipinikit ko ang mga mata ko.
"Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko."
Bigla akong napadilat nang maalala yung sinabi sa akin ni Andrei. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.
Gosh! Hindi na ata maganda 'to. Ilang araw ko na 'to nararamdaman lalo na pag kasama si Andrei.
Totoo kaya yung sinabi niya o baka naman nag bibiro na naman siya? Pero seryoso ang mukha niya at ang pagkakasabi niya nun!
Argh! Napahawak ako sa puso ko at ang bilis pa rin ng tibok nun.
Meow
Napatingin ako kay Lili na nakatingin lang din sakin.
"Hmm... Lili, is it possible to fall in love with a guy na kakakilala pa lang?" Tanong ko sa pusa kahit alam ko namang hindi ako sasagutin ng maayos nito.
Tanging 'meow' lang ang sinagot nito.
"Or baka crush lang naman 'yon," sabi ko ulit. Tama! Alam ko naman sa sarili ko na may nararamdaman ako kay Andrei, pero crush lang 'yon.
Nag 'meow' lang ulit si Lili na parang sumasang-ayon sa sinabi ko.
"Crush lang 'yon! Imposibleng ma-in love agad ako sa kaniya dahil kakakilala pa lang namin." Sabi ko.
"Yieee... Sabi na nga ba crush mo ako eh." Shit! Napatayo ako sa kinauupuan ko. Si Lili ay napalayo sakin dahil sa gulat sa biglaan kong pag tayo.
Napatingin ako sa gate at nakita ko doon si Andrei na nakasandal at napakalapad ng ngiti. Biglang uminit ang pisngi ko.
"K-kanina ka pa dyan?" Nauutal na tanong ko.
"Kunwari nalang hindi ko nakita kung gaano ka ka-cute habang kinakausap ang pusa mo. Pero rinig na rinig ko talaga yung sinabi mo eh." Sabi niya at ngumisi. "Crush mo ko 'no? Saka yung sinabi mong imposibleng ma-in love sa taong kakakilala mo palang, posible 'yon. Ako nga hulog na hulog na eh." Napanganga ako sa mga sinabi niya.
Paano niya nagagawang sabihin sa akin ang lahat ng yan pati ang nararamdaman niya ng harap-harapan sakin?
Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano ka naman nakasisiguro na ikaw nga ang crush ko?" Tanong ko sa kaniya. Pinilit kong hindi mautal habang sinasabi 'yon. Kainis! Nakakahiya!
"Bakit may bago ka bang nakilalang lalaki bukod sakin?" Nakangising tanong niya. Napaisip ako. Meron naman! Si Paul saka si Ben.
Sasagot na sana ako kaso may biglang tumawag samin.
"Kuya Andrei! Ate Katie!" Napatingin ako sa nag ba-bike na bata, si Dexter. Ngayon ko lang din napansin na may dala palang bike si Andrei at dalawa pa.
Binuksan ko ang gate para malapitan si Dexter. Iniwasan kong tumingin kay Andrei nang lumabas ako.
"Ate Katie, sama ka samin ni Kuya Andrei sa playground. Mag ba-bike po kami." Excited na sabi niya. Napatingin na ako kay Andrei nang lumapit ito samin. Err. Paano ako sasama, eh kanina lang ay may nakakahiyang nangyari. Parang tuwang-tuwa pa ang isa dito nang marinig ang mga pinagsasasabi ko kay Lili.
Ugh! Dapat hindi ako nagkukwento at nagsasabi ng ganun sa pusa. Nakakahiya talaga.
"Dexter, may gagawin pa kasi ako eh." Palusot ko. Sana gumana sa batang 'to. Ito lagi ang palusot ko sa mga kaklase ko.
Pigil ang pag hinga ko nang maramdamang mas lumapit sakin si Andrei.
"Alam kong wala kang gagawin," bulong niya sakin. Agad akong lumayo sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"Dexter, tayong dalawa lang pala ang pupunta sa playground eh. May gagawin pa daw si Ate Katie." Malungkot na sabi ni Andrei kaya nalungkot din ang bata.
"Wag ka ng malungkot. Nandito naman ako eh. Tayong dalawa ang maglalaro." Sabi ni Andrei.
"Pero gusto ko po kasama si Ate Katie." Malungkot na sabi ni Dexter. Mariin silang nagkatiniginan ni Andrei at maya maya lang ay nagulat ako nang biglang umiyak si Dexter.
Hala! Ako pa ata ang may kasalanan kung bakit umiyak siya.
"Dexter, wag ka ng umiyak. Sasama na ako." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya at biglang napangiti.
Nagkatiniginan ulit sila ni Andrei at nag apir pa. Eh? Para saan 'yon?
"Galing mo!" Natatawang sabi ni Andrei kay Dexter. Nginitian lang siya ng bata.
Tumingin sakin si Andrei at nginitian din ako.
Tsk! Kung hindi lang dahil kay Dexter ay hindi talaga ako sasama.
Nang makarating kami sa park ay nag-aya agad si Dexter sa slide. Sunod lang kami nang sunod sa kaniya kung saan niya gusto mag laro.
"We'll talk later," bulong ni Andrei sakin.
"Kung iniisip mo na ikaw talaga ang crush ko, nagkakamali ka. Wag kang masyadong assuming." Sabi ko at inirapan siya.
"Sus, wag mo ng i-deny." Sabi niya at lumayo sakin para makipaglaro ng seesaw kay Dexter. Naupo nalang ako sa malapit na swing.
Tsk! Ang taas talaga ng tingin ng lalaking 'to sa sarili niya. Bahala siya dyan! Never akong aamin sa kaniya.
Nilibot ko ang paningin ko sa playground para hanapin yung mga pusa na pinapakain ko pero hindi ko sila makita.
Maya maya lang ay napansin kong palapit na sakin si Dexter at umiiyak.
"Dexter, bakit ka umiiyak? Nasan kuya mo?" Nag-aalalang tanong ko. Pinunasan ko din ang luha niya.
"A-ate Katie... Totoo po ba y-yung sinabi ni Kuya Andrei?" Anong sinabi ni Andrei sa kaniya? "C-crush ka daw po niya tapos crush mo rin daw po siya. Pero hindi naman po kayo bagay eh. Ako nalang po crush niyo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Baliw talaga si Andrei. Kung ano-ano sinabi sa bata. Pero hindi ko mapigilan mapangiti at kurutin sa pisngi si Dexter.
"Ang cute mo talaga. Wag ka ng umiyak." Sabi ko at niyakap siya. Nahagip ng mata ko si Andrei na papalapit na at may dalang ice cream. Nakangisi siya at kumindat pa sakin.
Mukhang may pinagmanahan si Dexter ah.
---