Kinuha ko ang phone ko mula sa side table at nahiga sa kama. Ite-text ko muna si Andrei at itatanong ko kung saan kami pupunta mamayang gabi. Wala naman ako maalalang may sinabi siya sakin kanina.
To: Gabi π
Andrei, san tayo pupunta mamaya?
Pinalitan ko yung pangalan niya sa contacts ko. Yung dating pangalan niya na may heart emoticon ay pinalitan ko ng 'Gabi' para tagalog ng first name niya na 'Night'.
From: Gabi π
Basta. Pupuntahan nalang kita dyan mamayang 6PM.
Napanguso nalang ako. 2:30 palang, matutulog nalang muna ako. Napagod ako sa paglalaro namin kanina.
Nagising ako at 5:30 na. Agad akong dumiretso sa CR para makapag-ayos. Nagbihis na rin ako at lumabas ng kwarto.
Napatingin ako sa kusina at bigla akong nagutom. Ang tagal ko rin palang nakatulog. Dumiretso muna ako doon at buti nalang ay may tinapay pa.
Tahimik lang akong kumain hanggang sa makarinig ako na may nag doorbell.
"Hi." Bati sakin ni Andrei nang makalabas ako sa bahay.
"San tayo pupunta?" Tanong ko agad.
"Hmm... Dito lang sa labas ng bahay mo." Buti naman dito lang. Akala ko lalayo na naman kami. "Bakit? May gusto ka bang puntahan?" Tanong niya, umiling naman ako.
Naupo kami sa labas at ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang pizza. Biglang tumunog ang tiyan ko at sobrang nakakahiya dahil narinig ata 'yon ni Andrei.
Bahagya siyang natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ka pa kumakain?" Tanong niya. Kumain naman ako ng tinapay kaso hindi ata ako nabusog ng husto.
Binuksan niya yung box ng pizza at inabutan ako ng isang slice.
"Thanks." Agad kong kinagatan 'yon. Ang sarap!
"So, anong nagustuhan mo sa akin?" Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko dahil sa tanong niya. Narinig ko pa ang pagtawa niya. Hayop na 'yan!
"A-anong pinagsasasabi mo dyan?" Tanong ko sa kaniya kahit alam ko namang tinutukoy na naman niya yung narinig niya kanina.
"Anong nagustuhan mo sa akin?" Tanong niya ulit.
"Huh?"
"Anong nagustuhan mo sa akin?"
Binatukan ko siya kaya nakasimangot siyang tumingin sa akin.
"Crush lang 'yon! Imposibleng---" tinakpan ko ang bibig niya nang subukan niyang gayahin yung mga sinabi ko kanina. Nang alasin ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya ay tumawa siya ng malakas.
Padabog akong tumayo at lumapit sa gate.
"Bahala ka dyan! Kung wala kang matinong sasabihin ay umuwi ka na lang!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Hep! Hep!" Bubuksan ko na sana ang gate kaso humarang siya. "Walang papasok hangga't hindi umaamin." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumisi lang siya.
Bumalik ako sa pwesto namin kanina at agad naman siyang sumunod.
Tahimik kaming naupo doon. Bahala siya dyan! Abutin man kami ng umaga dito, hindi ako aamin. Crush lang naman 'yon, bakit kailangan niya pang malaman?
"Nagsasayang lang tayo ng oras dito." Bored na sabi ko.
"Wala akong aaminin sayo." Sabi ko.
"Masyado kang assuming." Pang-aasar ko.
Nagtaka ako nang walang sumasagot sakin. Lumingon ako at nahampas ko nalang ang noo ko nang makitang wala na pala akong katabi.
Umuwi na ba si Andrei? Tumayo na ako para sana pumasok na sa bahay kaso napaatras ako nang biglang namatay ang ilaw sa kwarto ko, namatay din ang ilaw sa sala!
"Shit!" Napaatras ako kaso may nabangga naman ako.
"Walang papasok hangga't hindi umaamin." Bulong niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.
Lumingon ako at tumambad sakin ang mukha ni Andrei na nakangisi pa. Sinuntok ko siya sa braso kaya napasigaw siya.
"Bwiset ka! Tinakot mo ako!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Nawala ang ngisi niya at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko at pinalis ang mga luha ko. Naiyak pala ako dahil sa takot.
Niyakap niya ako kaya napasubsob nalang ako sa dibdib niya. Amoy na amoy ko na tuloy yung pabango niya. Nakakainis! Ito na naman yung puso ko.
"Sorry." Bulong niya. Pinilit kong humiwalay sa kaniya kaso ang higpit ng yakap niya.
"Please, tell me kung anong nagustuhan mo sa akin." Tsk! 'Yon pa rin ba nasa isip niya?
"Hindi nga ikaw yung gusto ko!" Pagmamatigas ko.
"Weh?" Pang-aasar niya.
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko pero lalo niya lang hinigpitan ang yakap niya sakin.
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka umaamin." Pag ako nainis sa lalaking 'to, masasapak ko 'to.
"Wala akong dapat aminin!"
"Talaga?" Konti nalang talaga! Inuubos niya pasensya ko!
"Wala nga!"
"Talagang talaga?" Pinilit kong kumawala sa kaniya at agad ko siyang sinapak sa mukha.
"Aray! Bakit mo ako sinapak? 'Pag ako nasugatan sa mukha, ipapa-derma mo ako!" Sabi niya habang nakahawak sa parte ng mukha niya na nasapak ko.
"Ang kulit mo kasi! Sabing wala akong aaminin eh!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Yung totoo?" Inambaan ko siya kaso lumayo agad siya sa akin.
"Bakit ba gustong-gusto mo malaman?!" Sigaw ko. Seryoso na siya ngayon at lumapit ulit sa akin.
"Manhid ka ba talaga? Umamin na nga ako sayo eh! Nahuhulog na ako sayo!" Natigilan ako sa sinabi niya. "Nung marinig ko yung mga sinabi mo kanina, nagkaroon ako ng pag-asa. At ngayon gusto ko lang siguraduhin para hindi lang ako asa ng asa dito." Nakatingin lang siya ng diretso sakin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Mahal na nga kita eh." Bulong niya pero narinig ko pa rin.
Hindi ko alam na aamin siya sa akin ng ganito. Yung puso ko naman ay patuloy pa rin sa pagtibok ng mabilis.
Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.
"Katie, may pag-asa ba ako? May pag-asa ba ako pag nanligaw ako sayo?" Bulong niya.
Naalala ko bigla yung unang paglapit niya sakin, yung unang pagkikita at pag-uusap namin. Yung pagpunta namin sa playground at sa plaza. Yung pang-iinis niya sakin at ang pagpapatawa niya. Yung pagtulong niya sa akin at yung mga bagay na natutunan ko mula sa kaniya.
Napangiti nalang ako. Tandang-tanda ko pa kung paano at kailan nag simula ang mga bagay na 'yon, pero itong nararamdaman ko para sa kaniya, hindi ko alam kung kailan nag simula. At alam kong hindi lang ito basta-basta crush lang, mahal ko na rin siya.
Akala ko imposible, pero posible pa lang ma-in love sa taong kakakilala mo palang.
Ramdam ko ang bahagyang pagkagulat niya nang yakapin ko rin siya.
"May pag-asa, Andrei. Meron." Sagot ko at naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya.
Walang nag salita sa amin pero nakayakap pa rin kami sa isa't-isa.
"KATIE!"
Agad akong humiwalay sa kaniya at tinignan ang tumawag sakin. Nakaramdam ako ng takot at panginginig nang makilala kung sino 'yon.
Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalamang nandito ako?
---