Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 17 - CHAPTER 16

Chapter 17 - CHAPTER 16

Ramdam ko ang takot at panginginig ng katawan ko. Ganitong-ganito rin ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya noon.

Bigla na naman nagbalik ang mga alaala na pilit ko ng kinakalimutan.

Nakahiga ako sa kwarto ko habang hawak ang isang manika nang bigla na lang pumasok ang galit na galit kong tita. Sa likod niya ay ang asawa niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Nakikitira ka na nga lang dito tapos nakahiga ka lang dyan?! Baka naman gusto mong tumulong sa gawaing bahay!" Galit na sigaw ni tita at hinatak ako patayo sa kama.

"Tita..." Naiiyak kong tawag sa kaniya. Itinulak niya ako palapit kay tito. Si tito naman ay hinila ako pababa sa sala.

"Juls, Yuna, umakyat kayo sa mga kwarto niyo!" Sigaw ni tito sa mga anak niya. Hinila naman niya ako sa isang kwarto. Sa isang madilim na kwarto.

Itinulak niya ako kaya napaupo nalang ako.

"T-tito...wag niyo po a-akong ikulong dito." Pagmamakaawa ko. Naiyak lang lalo ako nang pinalo niya ako.

"Tutal naman ay wala kang naitutulong dito, dyan ka nalang at hindi ka pwede lumabas hangga't wala akong sinasabi!" Sigaw ni tita na nasa likod na pala ni tito.

---

"Wala ka ba talagang mabuting magagawa sa bahay na 'to?!" Sigaw ni tito sakin. Nakayuko lang ako habang tinitignan ang basong nabitawan ko.

Hinila ni tito ang buhok ko kaya napatingala ako.

"Malas ka talaga! Pag hindi ka umayos, palalayasin kita dito!" Tinulak niya ako at napaupo sa sahig. Muntik pa akong masugatan dahil sa mga bubog na nakakalat.

---

"Malas!"

"Sampid ka lang dito!

"Inutil!"

"Dapat sumama ka nalang sa mga magulang mo."

---

Naramdaman ko ang paghawak ni Andrei sa nanginginig kong kamay. Ipinikit ko ang mata ko at sinubukang kumalma.

Akala ko panaginip lang pero pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa harap ko pa rin si Tito Leo, ang asawa ng kapatid ni mama na si Tita Reya. Magulo ang buhok niya at napaka dungis.

"Tito... A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Napatingin siya sa kamay namin ni Andrei na magkahawak. Pagkatapos ay bumaling ulit siya sakin.

"Kaya naman pala hindi kana bumalik samin eh! Nag asawa ka na pala!" Sigaw niya. "Hindi ka na nakapagtapos ng pag-aaral?! Pero mukhang mayaman naman 'tong asawa mo at ang ganda ng bahay niyo!" Tinignan niya ang bahay na tinitirahan ko.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Tutal mayaman naman 'tong asawa mo, baka naman pwedeng makahingi ng tulong sayo. Yung tita mo nasa ospital, may sakit at kailangang operahan." Nagulat ako sa sinabi niya.

Gusto kong alamin kung anong sakit ni tita pero parang may pumipigil sakin. Gusto kong sabihin na tutulungan ko sila pero may pumipigil sakin. Habang naaalala ko ang ginawa nila sakin, napapalitan ng galit ang pag aalala ko kay tita.

"Pasensya na tito... Pero hindi ko po kayo matutulungan ngayon. Nag-aaral pa po ako at nag tatrabaho lang ako sa isang convenience store. Itong bahay na 'to, inuupahan ko lang 'to." Pinilit kong hindi siya pag taasan ng boses.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hatakin sa braso kaya nahiwalay ako kay Andrei.

"T-tito, ang...sakit po." Daing ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Pagkatapos ka naming kupkupin at tulungan noon, ganito ang igaganti mo samin?!" Nakakatakot ang boses at mga mata niya. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa batang ako at wala akong magawa.

"Konting pera lang naman ang hinihingi ko sayo ah! Hindi mo pa maibigay! Samantalang dati palamunin ka lang naman samin!" Wala akong magawa kundi umiyak at pakinggan ang mga isinusumbat niya sakin. "Pinatira at pinakain ka namin sa bahay dati tapos ngayon hindi mo kami matulungan? Napakadamot mo! Manang-mana ka sa mga magulang mo! Wala kang utang na loob!"

Lalo akong nainis sa kaniya. Bakit kailangan niya pang idamay ang mga magulang ko? Kung sana lang ay namatay ako kasama nila mama o matanda na ako nang iwan nila ako, hinding-hindi ako lalapit sa kanila. Hindi ako manghihingi ng tulong sa kanila para wala siyang naisusumbat sakin ngayon.

"Gustuhin ko mang tumulong ay hindi ko magawa. Ako lang din ang bumubuhay sa sarili ko." Sabi ko sa kaniya. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Katie!" Sigaw ni Andrei.

"Wag kang lalapit dito!" Sigaw sa kaniya ni tito.

"Wala kang kwenta! Hindi ka manlang naaawa sa tita mo!" Bakit naawa ba kayo sakin dati?

"Hindi ka na dapat na buhay pa! Sana sumama ka nalang sa mga magulang mo!" Sigaw na naman niya.

"Sana nga! Sana nga namatay nalang din ako! Sana isinama nalang ako nila mama para hindi ko na naranasan yung mga pananakit niyo sakin dati!" Sigaw ko. Mas lalo siyang nagalit dahil sa sinabi ko. Napapikit nalang ako nang itaas niya ang kamay niya dahil alam kong isang malakas na sampal na naman 'yon.

Inantay kong tumama ang palad niya sa pisngi ko pero wala akong naramdaman. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko nalang si tito na nahihirapan tumayo at may sugat sa gilid ng labi. Nasa harap niya ay si Andrei na galit na rin.

"Tang*na! Hayop ka!" Nagulat ako nang bigla nalang sinapak ni tito si Andrei at napahiga nalang ito sa kalsada.

"Andrei..." Naiiyak kong tawag sa kaniya. Tumayo siya at sinuntok na naman si tito pero ngayon ay napaatras nalang si tito.

"Tulong!" Sigaw ko. Nakakainis lang dahil bihira lang na may tao dito dahil laging wala ang mga kapit-bahay.

Nakita kong nakahiga na naman sa kalsada si Andrei kaya agad ko siyang nilapitan. May sugat siya sa labi at dumudugo ang ilong.

"Tito, umalis ka na dito! Tatawag ako ng pulis pag hindi ka pa umalis dito!" Sigaw ko sa kaniya.

"Edi tumawag ka! Wala akong pake!" Sigaw niya. Susugod na naman sana siya nang makarinig kami ng mga sirena galing sa mga sasakyan na padating. Mga pulis!

Nakahinga ako ng maluwag. Kung sino man ang tumawag sa kanila, maraming salamat.

---