Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

"Ang ganda nung movie, kaso namatay yung babae." Malungkot na sabi ko. Kakatapos lang ng movie na pinanood namin. It was a tragic love story.

"Ayos na sana yung lahat, tapos malalaman nalang nila na mamamatay na pala si girl." Dagdag ko.

"Nakakalungkot nga pero normal lang siguro 'yon." Napatingin ako kay Andrei, nakangiti lang siya. "Lahat naman talaga ay may katapusan. Hindi lahat ng love story ay may happy ending. Pero atleast bago namatay yung babae ay nagawa niya naman ang lahat ng gusto niya kasama yung lalaki." Sabagay, lahat naman talaga ay matatapos. Lahat ay nagbabago.

Alas otso na nang makarating kami sa bahay.

"Andrei, thank you. Babawi ako next time. Ako naman ang manlilibre." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon. Mas gusto ko na ako yung nanlilibre, lalo na sayo." Napanguso nalang ako. Ang bait talaga nito ni Andrei, kahit minsan ay medyo mahangin. Paano kayo ako makakabawi sa kaniya?

"Dito ka lang ba bukas o may pupuntahan ka?" Tanong niya. Sabado bukas at wala kaming pasok. Wala rin naman akong pupuntahan.

"Dito lang siguro ako." Sagot ko.

"Diba dapat may pupuntahan tayo dati?" Tanong niya. Tumango ako. Ayun yung hindi kami natuloy dahil biglang umulan. "Game ka ba bukas? Gusto mo bang puntahan?" Hmm... Mukhang gustong-gusto niya talaga pumunta doon. Dahil curious ako kung anong meron sa lugar na 'yon ay tumango ako.

"Sure. Anong oras?" Tanong ko.

"After lunch susunduin kita dito." Aniya.

"Sige."

Nahiga agad ako sa kama matapos kong maligo. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya binuksan ko ito.

Night Zamora sent you a friend request

Oh! May Facebook pala si Andrei. Pagka accept ko sa friend request niya ay tumunog agad ang messenger ko.

Night Zamora: Hi. Matutulog ka na ba?

Katie Cordova: Maya-maya pa. Why?

Night Zamora: Magdala ka bukas ng pamalit mo. Pwede tayo mag swimming doon sa pupuntahan natin.

Wow! Siguro may swimming pool doon. Mas lalo tuloy akong na-excite.

Katie Cordova: Sige.

Night Zamora: Gusto pa sana kitang maka-chat kaso alam kong pagod ka. You should sleep now.

Yeah, medyo inaantok na nga rin ako. Kanina ay hindi ko pa ramdam ang pagod, nang mahiga ako ay saka ko lang ito naramdaman.

Katie Cordova: Sige. Goodnight.

Night Zamora: See you tom! Goodnight :)

Hindi na ako nakapag reply at naka tulog na ako.

It's already 11:30 when I woke up! Napasarap ang tulog ko. Nagmadali agad ako nang maalalang after lunch pala ako susunduin ni Andrei.

Pagkaligo ko ay nagluto agad ako ng hotdog at itlog. Ayos na 'to, ito lang naman madaling lutuin lalo na pag nagmamadali ka.

Pagkakain ko ay kinuha ko na ang gamit ko at lumabas sa bahay. Nagtaka ako nang makakita ng isang pick-up sa labas.

Kanino kaya 'yan?

"Katie!" Nanlaki ang mata ko nang bumukas ang bintana at nakita ko si Andrei sa loob. Sa kaniya ba 'yan?

Lumabas na siya at lumapit sakin para kunin ang gamit ko.

"Sayo 'yan?" Tanong ko. Umiling naman siya.

"Kay tito 'yan, hindi niya naman ginagamit kaya hiniram ko nalang." Nanghiram pa talaga siya ng sasakyan, eh pwede naman ata kami mag bike nalang.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako.

"Bakit hindi nalang tayo nag bike?" Tanong ko.

"Mainit pa saka para mabilis tayo makarating doon." Tumango nalang ako sa sinabi niya.

Tama nga siya, mabilis kaming nakarating doon. Nasa dulo na pala 'to ng subdivision. Tinignan ko ang paligid at wala akong makita kundi mga puno at damo.

Medyo nakaramdam ako ng takot. Liblib na ang lugar na 'to.

"Safe ba tayo dito?" Tanong ko kay Andrei. Tumawa naman siya.

"Don't worry, safe tayo dito. Actually, hindi pa talaga dito yung ipapakita ko sayo eh." So, may pupuntahan pa kami?

Bumaba na siya ng sasakyan at agad na umikot para pagbuksan ulit ako ng pinto.

Kinuha niya na rin ang mga gamit namin.

"Para kang mag ca-camping ah." Biro ko nang makita na ang dami niyang dala. Parang may tent pa nga ata eh.

Hindi na siya sumagot. Hinawakan niya nalang ang kamay ko. May nilikuan kami at may nakita akong hagdan.

"Aakyat ba tayo dyan?" Tanong ko.

"Yup. Tara, maganda doon sa taas." Sumunod nalang ako sa kaniya sa pag-akyat. Buti nalang at hindi naman masyadong mataas ang aakyatin namin.

Namangha ako nang makarating kami sa taas. Para kaming nasa isang bangin ngunit hindi naman masyadong mataas. Kitang-kita ang buildings. Tumingin ako sa baba at kung mahuhulog ka man ay sa tubig ka babagsak.

"Wow..." Bulong ko sa sarili ko.

"Mas maganda dito mamayang gabi." Napatingin agad ako kay Andrei dahil sa sinabi niya. Mamayang gabi?

"Hanggang gabi tayo dito?!" Gulat na tanong ko. Ngumisi naman siya at tumango. Agad ko siyang hinampas sa braso.

"Bakit hindi mo agad sinabi? Ayoko na! Umuwi nalang tayo, ayoko mag paabot ng gabi dito!" Sabi ko at akmang bababa na nang pinigilan niya ako.

"Chill, wag kang matakot. Nandito naman ako eh. Hindi kita iiwan. Kaya nga kita dinala dito para makita mo ang ganda ng gabi." Sabi niya. Hinila niya ako sa tabi niya.

"Maupo ka muna dito. Aayusin ko lang ang pagkain natin." Utos niya at pinaupo ako sa nilatag niyang sapin.

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to? Dulo na 'to ng subdivision ah." Tanong ko kay Andrei habang kumukuha siya ng mga pagkain.

"Last last week ko lang 'to nakita habang nag iikot ako dito sa subdivision natin. Nagandahan ako kaya naisip kong dalhin ka dito." Sagot niya.

Maganda naman talaga dito. Kaso ang inaalala ko lang talaga ay pag dumilim na. Natatakot ako. Argh! Parang gusto ko nalang talaga umuwi.

"ANDREIII!" Napatayo agad ako nang makitang nahulog si Andrei. Oh my God! Anong nangyari sa kaniya? Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot.

Sumilip ako sa baba at hindi ko siya makita. Nasan na siya?!

"Wooooh! Ang saya!" Biglang nag init ang ulo ko nang marinig ang sigaw at tawa niya. Pinalis ko agad ang luhang tumutulo sa pisngi ko at sinamaan siya ng tingin.

Damn it! Andrei, humanda ka sakin pag nakabalik ka dito sa taas!

---