Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 11 - CHAPTER 10

Chapter 11 - CHAPTER 10

"Hey, I'm sorry." Hindi ko pinansin si Andrei na nasa gilid ko at nagpupunas ng buhok. Bahala siya dyan!

"Katie, pansinin mo naman ako." Nilingon ko siya at agad na sinapak sa braso.

"Aray!"

"Para 'yan sa pananakot mo sakin!" Inis na sabi ko at lumayo sa kaniya. Naupo ako sa nilatag niya na sapin.

"Sorry na nga eh. Saka mababa lang naman yung tinalunan ko ah." Sabi niya at lumapit ulit sakin.

"Ewan ko sayo! Bahala ka dyan!" Ngumuso naman siya at tumahimik nalang.

Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Nakakainis kasi 'tong si Andrei eh. Bigla bigla nalang tumatalon.

Kunot-noo akong tumingin sa kaniya nang marinig ko ang tawa niya. Diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. Nababaliw na ba siya?

"Pero ang saya talaga nun. Alam mo bang first time ko 'yon?" What?! First time niya 'yon pero pabigla-bigla siya.

Bigla siyang tumingin sakin. "Alam mo bang takot ako sa heights? Pero nung ginawa ko 'yon, para bang gumaan yung pakiramdam ko. Ang sarap sa pakiramdam na subukan ang bagay na 'yon na hindi iniisip ang takot." Nakangiti pa rin siya habang sinasabi 'yon.

Umiwas ako ng tingin. Paano niya nagawa 'yon? Na parang sa isang iglap lang ay nalabanan niya ang takot niya. Samantalang ako, hanggang ngayon, pilit na naghahanap ng paraan para malabanan ang sarili kong takot.

"Buti ka pa," yan nalang ang nasabi ko sa kaniya. Ako kaya kailan ko kaya maaalis ang takot ko?

***

"Thanks." Tinanggap ko ang inabot sakin ni Andrei na sandwich. Malapit na mag ala sais. Maya maya lang ang ay madilim na.

"Sure ka safe tayo dito?" Tanong ko na naman sa kaniya.

"Oo nga." Natatawang sagot niya.

"Tsk! Alam mo namang takot ako sa dilim tapos mag papaabot pa tayo ng gabi dito." Sabi ko sa kaniya.

"May nabasa kasi ako, kailangan daw ang mga taong may takot sa dilim ay dapat na ine-expose sa dilim para masanay sila. Saka hindi ka ba nababagot sa bahay? Mag-isa kalang diba?" Oh! Nabasa ko rin 'yan dati.

"Bakit nga pala mag-isa ka lang sa bahay?" Natigilan ako sa tanong niya. Napangiti nalang ako ng mapait.

"Wala na ang parents ko." Sagot ko. Halata namang nagulat si Andrei.

"Sorry..." Sabi niya at 'di na ulit nag tanong. Pero may sariling buhay ata ang bibig ko at napakwento na ako sa kaniya.

Tahimik lang siyang nakikinig habang nagkukwento ako.

"Sayang nga eh, hindi nalang ako sinama nila mama. Naiwan pa tuloy ako kila tita." Naramdaman ko nalang ang mga luha ko sa pisngi ko.

"Naiinis ako sa batang ako dahil wala manlang akong nagawa para mapigilan sila mama at papa sa paglabas sa sasakyan. Nang mamatay sila, para akong naiwan sa isang madilim na silid. At naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakalabas sa silid na 'yon." Naramdaman ko ang yakap ni Andrei sakin.

"Hindi ka makalabas dahil hindi mo pa natatanggap." Sabi niya. Humiwalay siya sakin pero hindi niya binitawan ang kamay ko.

"Ang susi para makalabas ka sa silid na 'yan ay pagtanggap. Huwag mo rin sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ng mga taong mahal mo. Death is inevitable. Darating talaga 'yan sa buhay natin at wala tayong magagawa kundi tanggapin ito."

"At 'wag mong hayaan na lamunin ka ng takot mo. There's a light in every darkness, Katie. Just open your heart to see that light." Sabi niya at nginitian ako.

Pumikit ulit ako para kalmahin ang sarili ko. Kahit papaano ay nakapagpagaan ng damdamin ang mga salita ni Andrei.

Pagdilat ko ay namangha ako sa nakita ko. Tinignan ko ang paligid ko at hindi ko mapigilan mapangiti.

Iba't-ibang kulay na Christmas lights ang nakasabit sa mga puno. Hindi ko 'to napansin kanina. Ang mga buildings kanina ay puno na ngayon ng mga ilaw. Napansin ko rin ang ilang mga alitaptap sa paligid.

"See? Ang ganda diba?" Nakangiting tanong ni Andrei. Napatango nalang ako.

"Hindi ko napansin kanina na may mga nakasabit pala na Christmas lights sa mga puno. Ikaw ba nag lagay nun?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"May mga bagay na hindi mo mapapansin pag walang dilim. Katulad ng mga Christmas lights na 'yan, ngayon mo lang nakita ang ganda dahil sa dilim, yang mga buildings na 'yan, kung kanina ay simple lang tignan, pero ngayon nagkaroon na ng buhay. At 'yang mga alitaptap na 'yan, diba ang gaganda? Sa gabi mo lang din mapapansin 'yan." Tama si Andrei, naglabasan ang ganda at kulay nila ngayong gabi. Tumingala ako para tignan naman ang buwan at mga bituin.

"Andrei, thank you," tumingin ako sa kaniya at nahuli ko siyang nakatingin lang din sa akin. "Thank you for showing these things to me." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Tumingin ulit ako sa paligid at nagulat ako nang makarinig ng mga paputok. Tumingala ulit ako para makita ang makukulay na fireworks.

"Sakto, may mga fireworks pa." Natatawang sabi ni Andrei.

Mas lalo akong napangiti.

Gumaan ang pakiramdam ko. Para bang biglang nawala ang takot ko. Para bang nakawala ako sa silid na pinagtataguan ko.

Yung dilim na kinatatakutan ko, nagkaroon ng kulay at ganda. Gaya nga ng sabi ni Andrei, may mga bagay na mapapansin mo lang kung may dilim. At ngayon, nakikita ko ang mga 'yon.

Gusto kong matawa sa sarili ko. Bakit ko kinatatakutan ang dilim? Bakit ko kinatatakutan ang gabi? Kung may mga bagay na ganito kaganda.

I also realized that I should open not just my eyes, but also my heart to see these lights and to appreciate the beauty of darkness.

---