Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 7 - CHAPTER 6

Chapter 7 - CHAPTER 6

"Hey! Wait for me!" Sigaw ko. Nauuna si Andrei sakin ngayon. Binagalan naman niya para maabutan ko siya.

"Malayo pa ba 'yon?" Tanong ko. Kanina pa kami nag ba-bike pero hindi parin kami nakakarating doon sa pupuntahan namin. Nadaanan na nga namin yung playground eh.

"Malapit na ata." Sagot niya. Ata?! Hindi siya sure kung malapit na kami?

"Anong ata?! Alam mo ba talaga kung saan tayo pupunta? Baka nililigaw mo na ako!" Sigaw ko sa kaniya. Tumigil siya sa pagba-bike kaya tumigil na rin ako.

"Alam ko---" natigil siya sa pagsasalita nang bumuhos ang malakas na ulan. Oh, great! Inabutan pa kami ng ulan dito.

"Balik tayo sa playground. Dali!" Sabi ko at pinaandar yung bike.

"Katie, dahan-dahan lang. Madulas ang daan!" Sigaw ni Andrei habang sinusundan ako. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagba-bike.

Nang makarating kami sa playground ay tumigil na kami. Buti nalang ay hindi pa kami masyadong nakakalayo dito sa playground.

"Ahh!" Damn it! Ang sakit! Na-out of balance ako habang pababa ng bike kaya ngayon ay nakaupo ako sa damuhan.

"Katie! Sabi ko naman sayo mag-iingat ka eh." Inis na sabi ni Andrei at nilapitan ako. Hinawakan niya ang paa ko para tignan kung may sugat ba.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang kunot-noo niyang tinitignan ang paa ko. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Napahawak ako sa dibdib ko. What the hell?! Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko?

Nanlaki ang mata ko nang tumingin siya sakin. Agad akong umiwas ng tingin.

"Lampa!" Pang-aasar niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin at bumunot ng damo para ibato sa kaniya.

"Hindi ako lampa!" Sigaw ko at hirap na tumayo. Sinubukan niya akong alalayan pero lumayo ako. Sinipa ko pa siya sa tuhod para ipakita sa kaniya na ayos lang ako.

"Aray! Masakit 'yon!" Sabi niya habang nakahawak sa tuhod. Ngumisi ako at tumakbo palayo sa kaniya.

"Katie, tara dito! Sumilong muna tayo!" Sigaw niya. Bakit pa kami sisilong kung basa naman na kami?

"Wag na! Basa na rin naman tayo eh!" Sigaw ko. Napailing nalang siya at tumakbo na palapit sakin.

Pumunta ako sa isang slide at sinubukan 'yon. Sunod lang nang sunod sakin si Andrei.

Tawa ako nang tawa habang pinapanood siya na sinubukan din yung slide.

Sunod naming sinubukan ay yung seesaw.

"Ang bigat mo." Angal ko. Nakaangat ako habang siya ay nasa lupa. Tumawa lamang siya.

"Kaya mo 'yan!" Pang-aasar niya at tumatawa pa dahil alam niyang hirap na hirap ako.

"Ahh!" Napasigaw ako nang bigla akong napababa. Tinignan ko siya ng masama.

"Nakakainis ka!" Sigaw ko pero tinawanan niya lang ako. Pilit ko siyang sinamaan ng tingin pero hindi ko parin napigilan na ngumiti.

Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko na siyang alalayan ako ngayon sa pagtayo.

"Doon muna tayo sa swing." Aniya. Pumunta naman kami doon sa swing at naupo. Medyo tumila na ang ulan. Bukas na rin ang mga ilaw sa poste dahil gabi na.

"San ka pupunta?" Tanong ko nang bigla siyang tumayo.

"Bibili lang ako doon." Sabi niya at tinuro ang malapit na tindahan. Napanguso naman ako.

"Sama ako. Ayoko maiwan mag-isa dito, nakakatakot." Sabi ko.

"O sige, tara na. Uwi na rin tayo para makapagpahinga kana." Sabi niya at muling hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko ang mga kamay namin at ramdam ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. May hula na ako dito sa nararamdaman ko pero parang ang imposible naman nun.

"Anong gusto mo?" Tanong niya nang makarating kami sa tindahan.

Umiling ako. "Wag mo na akong bilihan. Sa bahay nalang ako kakain." Sagot ko. Bumibili kasi siya ng pagkain ni Dexter.

Sumakay na ulit kami sa bike pagkatapos niyang bumili. Mabagal lang ang pagba-bike namin ngayon dahil madulas pa ang daan.

"Maligo ka muna bago ka matulog, baka magkasakit ka." Paalala ni Andrei. Tumango naman ako. Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay.

"Salamat nga pala, nag enjoy ako ngayon." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Nag enjoy din ako ngayon. Sayang lang dahil hindi tayo nakarating doon sa dapat na pupuntahan natin. Next time nalang." Sabi niya. Oo nga pala, may pupuntahan nga pala dapat kami. Pero ayos lang dahil nag enjoy pa rin naman ako ngayon.

"Ayos lang. Salamat ulit."

Nagpaalam kami sa isa't-isa at pumasok na ako sa bahay.

Pagkatapos kong maligo ay sumalampak na ako sa kama ko at pumikit. Napangiti ako habang inaalala ang nangyari kanina.

First time ko ata sumaya ulit ng ganun, and that's because of Andrei. Sabi niya pupuntahan namin yung lugar na sinasabi niya next time. May next time pa! Hindi ko mapigilan ma-excite para sa araw na 'yon. Kailan kaya 'yon?

Umikot-ikot ako sa kama ko habang nakangiti. Nababaliw na ata ako.

Pinikit ko nalang ulit ang mata ko hanggang sa lamunin na ako ng antok.

Pagkagising ko ay dumiretso agad ako sa banyo. Napatingin ako sa salamin. I'm still smiling like an idiot! Ano bang nangyayari sakin?

Naligo nalang ako at nagbihis na para makapasok na ako.

Pagkarating ko sa coffee shop ay sinalubong agad ako ni Paul.

"Good morning!" Masayang bati ko sa kaniya. Nagtaka ako nang hindi manlang siya sumagot o ngumiti manlang.

"Katie, buti dumating ka agad. Bilisan mo, pinapatawag tayo ni sir." Anong meron? Bakit nagmamadali siya at parang kinakabahan?

"Wait lang. Ilalapag ko muna 'tong mga gamit ko." Sabi ko. Nakasunod lang siya sakin.

"Ano bang meron?" Tanong ko.

"Ewan ko. Badtrip si sir kanina pag pasok eh." Sagot niya. Bigla din akong kinabahan sa sinabi niya. Minsan lang mabadtrip si sir. Ano kayang nangyari?

Pagkaayos ko ng gamit ko ay tumungo na kami sa office ni sir. Kasama namin ang isa pa naming katrabaho.

Kumatok ng ilang beses si Paul bago binuksan ang pinto. Pagkapasok namin ay nakita namin si sir na nakahawak sa ulo at parang problemado.

Hindi na ako nag 'good morning' pa dahil sa itsura ng boss namin ngayon ay mukhang walang good sa morning niya.

"Maupo kayo." Utos niya na agad naming sinunod.

"Alam niyo naman siguro ang kalagayan ng coffee shop nitong mga nakaraang linggo diba?" Tanong niya. Unti-unti ng nalulugi ang coffee shop na 'to simula nang may magtayo ng bago malapit lang din dito.

"Didiretsuhin ko na kayo. Isasara ko muna 'tong coffee shop na 'to." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Mawawalan ako ng trabaho 'pag sinara niya 'to. Malapit na rin ang bayaran ng upa sa bahay. Ano nalang mangyayari sakin?

Saan naman ako hahanap ng bagong trabaho?

---