Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kanina pa ako palakad-lakad dito. Kahit nga ang pusa kong si Lili ay parang nahihilo na rin dahil sa paglakad ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari ngayong gabi.

Natigil ako sa paglalakad nang marinig kong tumunog ang doorbell.

Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang gate ng bahay.

Nakita ko sa labas si Andrei. 7PM pa ang usapan namin pero may 30 minutes pa bago mag seven.

He's wearing a simple white t-shirt and maong pants. Kahit ganoon lang ka-simple ang suot niya, feeling ko pagkakaguluhan siya ng mga babae.

"Are you okay?" Napakurap ako nang mag salita siya. Hindi ko namalayan na napatitig pala ako sa kaniya. Damn it! Ano bang iniisip ko?

"Uh...oo. Wait lang, isasara ko lang yung pinto." Sabi ko at agad siyang tinalikuran.

Napapikit ako nang makalapit ako sa pinto. Sana lang ay maging maayos ang gabing ito.

"Ang laki siguro ng binabayaran mo sa kuryente." Biro niya. Napansin niya siguro na bukas lahat ng ilaw sa bahay.

"Sakto lang naman. Pag gabi lang naman laging nakabukas ang lahat ng ilaw. Hindi ako nakakatulog ng walang bukas na ilaw."

Sabi ko sa kaniya.

Pag labas sa subdivision na ito ay ang plaza na kaya naman nag tricycle nalang kaming dalawa ni Andrei.

"Ikaw lang ba mag-isang nakatira doon?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

"Why? Where are your parents?" Saglit akong natigilan sa tanong niya. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng sakit.

"Katie, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. Buti nalang ay saglit lang ang sakit na iyon.

"Oo, may naalala lang ako." Sabi ko. Nakahinga siya nang maluwag dahil sa sagot ko.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa plaza. Namangha ako nang makita ang kabuuan ng plaza.

The whole place is being surrounded by colorful lights and loud music. Nag kalat ang mga kainan at bilihan ng mga kung ano-anong kagamitan. May mga couples, magkakaibigan, at pamilya dito. Hindi ko akalain na ganito pala kasaya dito tuwing gabi. Nag punta ako dati dito pero dahil umaga iyon ay hindi ko nakita ang mga 'to.

"Lagi ba talagang may ganito dito?" I asked Andrei.

"Every summer and Christmas lang dahil wala ng mga pasok ang iba." Sabi niya.

Pinagmasdan ko ulit ang buong plaza. Napapangiti ako sa mga nakikita ko. Feeling ko ay isa akong bata na ngayon lang dinala sa isang plaza.

Ang ngiti ko ay agad ding napawi nang makakita ng isang pamilya. Naalala ko na naman bigla ang mga magulang ko. Dinadala din nila ako dati sa mga plaza, at gaya ng pamilyang nasa harap ko ngayon, masaya din kaming magkakasama.

"Katie..." Agad na lumapit sakin si Andrei. May dala siyang pagkain at nilapag niya ang mga 'yon sa bench na malapit samin. Hindi ko namalayan na umalis pala siya.

Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko at punasan iyon. Hindi ko rin namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"I'm sorry kung inaya agad kitang lumabas ngayong gabi. I just want to help you pero sa tingin ko ay hindi ito ang tamang paraan. Ihahatid nalang kita ulit sa bahay mo." Umiling ako sa sinabi niya.

"I'm okay. Dito muna tayo." Kailangan masanay ako. Nabasa ko dati na kailangan ko sanayin pa unti-unti ang sarili ko sa dilim o sa gabi.

"Are you sure?" Tumango ako sa tanong niya at nginitian siya.

Naupo kami sa bench at inabot niya sakin ang binili niyang burger at juice.

"Thanks."

Kumain muna kami. Si Andrei ay nag kukwento tungkol sa iba't-ibang bagay at medyo gumaan na ulit ang pakiramdam ko.

"Sa likod nito ay may perya, gusto mo ba pumunta?" Tanong niya. Totoo ang sinasabi niya dahil mula dito sa kinauupuan namin ay tanaw ang isang ferris wheel.

"Sure."

Pagkatapos kumain ay nag punta kami sa perya.

Pagdating namin doon ay unang tumambad samin ang isang carousel. Katabi nun ay ang mga kainan, palaruan, at iba't-iba pang rides.

Napangiti ako sa naisip. Puro bata ang nakasakay doon sa carousel pero hindi naman siguro masama kung sasakay din kami doon diba?

"Gusto kong i-try 'yon!" Sabi ko at itinuro ang carousel. Bahagyang kumunot ang noo niya pagkasabi ko nun.

Ayaw niya ata. "Ayos lang kung ayaw mo. Pwede naman sa iba nalang." Sabi ko sa kaniya.

"Ayos lang. Tara!" Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa pilahan doon sa carousel.

"Sure ka? Baka napipilitan ka lang." Nginitian niya lang ako.

Mas lalo akong napangiti nang makasakay na kami. Nahuli kong nakatingin si Andrei sakin kaya iniwas ko nalang ang tingin ko.

Napansin ko ang mga babaeng nagkumpulan doon sa pilahan at pinagmamasdan ang lalaking kasama ko.

"Ang gwapo."

"First time kong makakita ng lalaking ganyan ka-hot habang nakasakay sa carousel."

"Gusto ko rin sumakay."

Ilan lang yan sa mga narinig ko mula sa mga babaeng kinikilig habang tinitignan si Andrei.

"Narinig mo 'yon?" Tanong niya habang naglalakad kami. Kakatapos lang namin sa carousel.

"Ang gwapo at ang hot ko daw." Napairap ako sa sinabi niya. Inunahan ko siya sa paglalakad. Umiral na naman ang kayabangan niya. Well, may maipagyayabang naman talaga.

"Uy, Katie wait lang." Natatawang sabi niya.

Sinubukan namin ang iba pang palaruan. Pinapakiramdaman ko rin ang sarili ko at buti naman ay hindi na muling sumakit ang ulo ko.

"Isa pa." Sabi ko. Inabot sakin nung lalaki yung bato. Naglalaro kami ngayon at kailangan mapatumba ang tatlong lata para makuha yung malaking teddy bear.

Napasimangot ako nang dalawang lata lang ang natumba pagkabato ko.

"Ako nga..." Inagaw ni Andrei sakin ang batong hawak ko.

"Tignan mong mabuti. Babagsak lahat 'yan." Tumango ako at tinignan siya na nanghahamon.

Napatakip ako sa bibig ko nang inihagis niya na ang bato. Pigil ang tawa ko habang tinitignan siyang naka kunot ang noo.

Tumingin siya sakin ng masama.

"Uh...parang wala namang natumba." Sabi ko, pigil pa rin ang tawa. Sa sobrang lakas ng hagis niya ng bato ay sa ibang direksyon ito napunta, malayo sa mga lata.

Nakita ko ang pagsimangot niya.

"Pre, isa pa nga..." Sabi niya sabay abot ng bente doon sa lalaki.

Nang makuha niya ang bato ay inihagis niya agad ito pero dalawang lata lang din ang natamaan.

Magbabayad sana ulit siya pero pinigilan ko na.

"Tara sa iba nalang tayo mag laro. Baka maubos lang ang pera mo d'yan." Sabi ko.

"Tsk! Eh diba gusto mo yung teddy bear?" Tanong niya. Tumango ako. Kaso kung pipilitin niyang makuha iyon, baka maubusan na siya ng pera.

"Ayos lang. Na cute-an lang naman ako doon pero ayos lang kahit hindi ko makuha 'yon." Sabi ko at ngumiti.

Nag simula na kaming umalis doon para mag hanap ng ibang pwedeng laruin. Napasimangot pa rin siya.

"May mga daya talaga 'yon eh. Siguro nakadikit sa mesa yung isang lata." Natawa ako dahil sa sinabi niya.

Sinubukan pa namin ang ibang mga laro. Laging si Andrei ang nagbabayad ng mga nilalaro namin. Nakakahiya nga dahil wala pa ata akong nailalabas na pera. Ayaw niya akong pagbayarin.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong niya. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa bahay.

"Oo naman." Nag enjoy talaga ako ngayong gabi. Tanging saya lang ang nararamdaman ko. Masaya kasama si Andrei. Marami siyang baong jokes at matatawa ka nalang dahil sa ka-corny-han.

Tumigil kami nang nasa tapat na ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng gate.

"Nag enjoy din ako. Pwede pa bang maulit 'to?" Natatawa niyang tanong.

Nagkibit balikat ako. "Tignan natin..." Pwede namang maulit basta hindi ako aatakihin ng phobia ko.

"Sige na, pumasok ka na para makapag pahinga ka na." Aniya. Tumango ako at sinara na ang gate.

"Good night, Katie."

"Good night."

Pagkapasok ko sa bahay ay sumilip agad ako sa bintana at nakita ko na siyang mag simulang umalis.

---