Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 3 - CHAPTER 2

Chapter 3 - CHAPTER 2

Sabado ngayon at walang pasok. Pagkatapos kong mag breakfast ay nag-ayos agad ako. Kumuha ako ng cat food sa cabinet at binigyan si Lili.

"Lili, lalabas muna ako saglit. Papakainin ko lang yung ibang kaibigan mo." Sabi ko sa kaniya. Tuwing walang pasok ay naka- gawian ko ng lumabas tuwing umaga para mag pakain ng mga pusang nasa kalye. Simula nang mapulot ko si Lili ay nagkaroon na ako ng interes sa mga pusa.

Una kong pinuntahan ay ang isang playground dito sa subdivision kung saan ako nangungupahan. Dito ko madalas naaabutan ang mga pusa.

Dahil bakasyon na ng ibang estudyante, mas dumami ang mga bata dito sa playground. May nakita akong dalawang pusa at tatlong kuting sa likod ng isang malaking puno. Nilapitan ko sila.

"Gutom na ba kayo? May dala akong pagkain para sa inyo." Binuksan ko ang cat food na dala ko at binigyan sila. Napapangiti ako habang pinagmamasdan silang kumain. Ang cute nila.

"Pasensya na kung tuwing umaga ko lang kayo napapakain." Kung wala lang akong nyctophobia, papakainin ko rin sila sa gabi.

"Ate, can I touch them?" Napalingon ako sa nag salita. Isang batang lalaki.

Hinarap ko siya at nginitian. "Hello, kumakain pa kasi sila eh. Baka kalmutin ka nila 'pag hinawakan mo sila." Sabi ko sa kaniya. Sumimangot siya at naupo sa tabi ko.

"Sa inyo po ba 'yan?" Tanong niya.

"Hindi."

"Eh bakit mo po sila pinapakain?"

"Wala na kasing nag aalaga sa kanila. Ang mga hayop na kagaya ng pusa ay parang mga tao rin. Nagugutom din sila at kailangan ng mag-aalaga, kaya kahit hindi sakin 'yan ay binibigyan ko pa rin sila ng pagkain." Sabi ko.

"Dexter!" Napatayo yung bata at tinignan yung tumawag sa kaniya. Kahit ako ay napatingin at nanlaki ang mata ko nang makita yung lalaking nagtatrabaho sa convenience store na malapit sa school.

"Nandito ka lang pala." Hingal na hingal na lumapit yung lalaki sa bata. Napatingin yung lalaki sakin kaya umiwas agad ako ng tingin at tumayo.

"Wait, ikaw ulit? Nagkita na naman tayo!" Masayang wika niya.

"Uhh...hello." Nahihiyang bati ko sa kaniya.

"Pangatlong beses na natin 'tong pagkikita. I think we are really destined for each other." Nakangising sabi niya. Napataas ako ng kilay. May tinatago rin palang kayabangan at kalandian 'tong lalaking 'to.

"Just kidding!" Sabi niya. Napansin niya ata ang pagtaas ng kilay ko dahil sa sinabi niya kanina.

Inayos ko nalang yung mga pinagkainan ng mga pusa.

"Nasaan na naman ba si Dexter?" Napatingin ako sa lalaki at napansin kong wala na naman yung bata kanina.

Mukhang makulit ang batang 'yon at kanina pa siya pinaghahanap.

"Tutulungan na kita sa paghahanap." Sabi ko. Mukhang pagod na siya at pambawi ko na rin 'to sa kaniya.

"Ayos lang ba?" Tanong niya. Tumango naman ako.

Sinimulan na namin ang paghahanap. Masyadong malaki ang playground na 'to at napakaraming bata.

"Masyado talagang makulit ang batang 'yon." Aniya. Kaano-ano niya kaya 'yon? Anak niya?

Nilibot namin ang bawat parte ng playground hanggang sa matagpuan namin yung bata malapit kay kuyang nagtitinda ng sorbetes.

"Dexter, diba sabi ko sayo 'wag kang aalis sa tabi ko." Sabi nung lalaki doon sa bata.

"I want ice cream." Sabi ng bata at itinuro yung sorbetes.

"O, sige." Lumapit yung lalaki dun sa nagtitinda ng sorbetes.

"Anong flavor sayo?" Tanong niya sakin.

"Naku! Kahit huwag mo na akong bilihan." Sabi ko sa kaniya.

"Ate, huwag ka na pong mahiya. Libre naman ni kuya eh." Sabi nung bata. Kuya? So, ibig sabihin ay hindi sila mag-ama.

"Huwag ka na daw mahiya. Sabihin mo na kung anong flavor gusto mo." Sabi nung lalaki. Wala na akong nagawa kundi sabihin ang flavor na gusto ko.

Pagkatapos bumili ay naupo muna kami sa swing. Nasa gitna namin yung bata.

"Madalas ka ba dito?" Tanong nung lalaki.

"Hindi naman. Tuwing walang pasok lang at umaga. Nagpapakain lang ako ng mga pusa." Sagot ko.

"Wow! Mahilig ka pala sa mga pusa." Sabi niya.

"Nagpupunta ka ba sa plaza?" Tanong niya ulit. Inalala ko yung pagpunta sa plaza at sa tingin ko ay tatlong beses palang ako nagpupunta doon.

"Tatlong beses palang ako nakakapunta doon." Sagot ko.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sakin. "Really? You should try to go there, especially at night. Maganda doon 'pag gabi." Kung kaya ko lang sana pumunta ng gabi doon.

"Hindi pwede eh..."

"Bakit naman? Kung ayos lang sayo, pwede ko bang malaman kung bakit ka umiiyak noong isang gabi?"

Tinignan ko siya. Ayos lang naman siguro kung sasabihin ko sa kaniya ang problema ko.

"May nyctophobia ako. Takot ako sa dilim at minsan ay bigla nalang din ako nakakaramdam ng takot sa gabi." Sabi ko.

Napansin ko ang bahagyang pagkalungkot niya. "Parehas pala kayo ng kapatid ko."

Oh. May kapatid pala siya na may nyctophobia din.

"Kamusta naman siya?" Tanong ko.

"Na overcome niya na ang mga takot niya." Nakangiting sabi niya.

"Buti pa siya..."

Humarap siya sakin at ngumiti. "Free ka ba mamayang gabi?" Biglaan niyang tanong. Nagtaka naman ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Magkita tayo mamaya. Dadalhin kita sa plaza." Sabi niya.

"Nababaliw ka na ba? May nyctophobia nga ako eh. Baka mamaya bigla nalang akong manginig doon sa plaza." Natatawang sabi ko.

"Do you want to overcome your phobia?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Oo naman."

"Edi sumama ka sakin mamayang gabi." Sabi niya.

"Ilang beses palang tayong nagkikita at nagkakausap. Hindi ko pa nga alam pangalan mo eh tapos aayain mo ako bigla. Baka mamaya kung saan mo pa ako dalhin." Sabi ko sa kaniya.

"Woah! So, sa tingin mo may gagawin akong masama sayo? Itong mukha na 'to may gagawing masama?" Napairap ako. Umiral na naman ang kayabangan niya.

Inilahad niya sakin ang kamay niya. "My name is Night Andreius Zamora. But, you can call me Andrei." Pakilala niya.

"Night ang pangalan mo?"

"Yes, I know how much you hate night, but please don't hate me. I want to help you to overcome your phobia." Wika niya.

"Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago tinanggap ang kamay niya.

"Katie Cordova." Napangiti ulit siya.

"Ngayong magkakilala na tayo, payag ka na bang sumama sakin mamayang gabi sa plaza?" Tanong niya.

"Okay." Tila ba kusang bumuka nalang ang bibig ko at sumagot.

"Taga dito ka lang din diba? Hatid na kita sa inyo para alam ko kung saan ka susunduin mamayang gabi." Sabi niya.

Kasama ang batang si Dexter ay hinatid nila ako sa bahay. Nalaman kong ilang bahay lang din pala ang pagitan ng mga bahay namin.

Tumigil kami sa tapat ng gate ng bahay na inuupahan ko.

"See you tonight, Katie." Aniya at kumaway palayo.

Pinagmasdan ko silang dalawa ni Dexter habang naglalakad sila palayo.

Tama bang pagka tiwalaan ko siya?

---