Napahawak ako sa ulo ko habang inaalala ang nangyari kagabi.
Mag-isa lang ako kagabi sa waiting shed at umiiyak nang may biglang lumapit na lalaki sakin. Bigla nalang niya ako niyakap at ang nakakapagtaka lang ay hindi manlang ako nakaramdam ng takot.
Saktong pagtigil ng iyak ko ay may tumigil ng jeep sa harap namin. Bigla nalang siyang umalis kaya hindi ko na siya nakilala.
"Katie, gusto mo bang sumama mamaya? May dinner mamaya at saglit na party na rin. Alam mo na, kakatapos lang ng finals natin kaya kailangan naman natin mag saya ngayon." Nilingon ko si Penelope na kasama ang iba ko pang mga kaklase.
Bago pa ako sumagot ay nag salita naman si Xandy.
"Katie, kahit ngayon lang naman sumama ka."
Umiling agad ako. Sanay sila sa galaan pag gabi at ilang beses na rin nila ako naaya pero hindi talaga ako sumasama. I have a nyctophobia. Minsan ay bigla-bigla nalang ako nakakaramdam ng takot sa dilim. Kagaya nalang ng nangyari kagabi. Ayokong mangyari ulit 'yon. Hangga't maaari ay sa bahay nalang ako kaysa lumabas ng gabi.
"Sorry, pero marami pa akong gagawin sa bahay eh." Ayan lagi ang dahilan ko para hindi makasama sa kanila.
"I told you, guys. Kahit anong pilit natin jan kay Katie ay hindi talaga yan sasama." Wika ni Ressy.
"Fine! Pero pag biglang nagbago ang isip mo, text mo lang ako para masabi ko kung nasaan kami." Tumango nalang ako pero sigurado akong hindi na magbabago ang isip ko.
Lumabas na kami ng room. 2pm palang. Nagpunta muna ako sa isang convenience store para bumili ng pagkain.
Kumuha ako ng tubig, burger, at isang ice cream. Dumiretso na ako sa counter para bayaran ang mga pagkain na nakuha ko.
Nagtaka ako nang hindi pa rin inaasikaso nung lalaking nasa counter yung mga pinamili ko. Humahaba na rin ang pila.
Nakatulala lang siya. Inangat ko yung burger at ipinakita sa kaniya para makuha ang atensiyon niya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko. Weird.
"Sorry..." Sabi niya. Pagkabayad ko sa mga pinamili ko ay naupo muna ako sa isang mesa.
Kinuha ko ang isang libro sa bag ko. It is about different kinds of phobias and how to overcome such things.
First year highschool ako nang umalis ako sa bahay ng tita ko. Naghanap ako ng part time job para makapag-aral ako. That time, akala ko kaya ko na pero hindi pala. I tried to overcome my fears pero hindi pala ganun kadali 'yon.
One night, sumama ako sa mga kaklase ko sa isang birthday party. Akala ko makakatulong sakin 'yon para mawala ang takot ko pero hindi pala. Mas lalo lang lumala. Nasa kalagitnaan na ng gabi nang magkayayaan ang mga kaklase ko na magpunta sa school. Lasing na ang karamihan. Sinubukan ko silang pigilan pero wala na akong nagawa.
Takot na takot ako noong gabing 'yon. Wala akong magawa kundi panoorin ang mga kaklase ko na nagkakalat sa school, sinisira ang mga upuan, at binababoy ang mga pader.
"Hoy! Anong ginagawa niyo d'yan?!" Pagkarinig namin sa sigaw ng guard ay kanya-kanya ng takbo ang mga kaklase ko. Naiwan akong mag-isa at napaupo sa sahig na nanginginig.
I got expelled. Ang ibang mga kaklase ko ay hindi umamin. Pinagbantaan pa nila ako. Simula noon ay hindi na ulit ako sumama sa mga kaibigan ko kapag may gala ng gabi.
Tumigil ako sa pagbabasa nang makaramdam ng sakit ng ulo.
"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko 'yong lalaking nasa counter kanina. Hindi na siya naka-uniform kaya sa tingin ko ay pauwi na siya.
Kumunot ang noo ko nang naupo siya sa upuang nasa harap ko. Hindi ko siya pinansin at ibinaling ko nalang ulit ang atensiyon ko sa libro.
"Nakauwi ka ba nang maayos kagabi?" Nagulat ako sa tanong niya. Agad kong isinara ang libro ko at tinignan siya.
Tinignan ko siyang mabuti. Nakangiti siya sakin. Ang kaniyang singkit na mata ay mas lalong naging singkit dahil sa ngiti niya. Matangos ang ilong niya at mapula ang labi. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang siya o matanda lang ng ilang taon sa'kin. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Hindi ko nakita ang mukha nung lalaking yumakap sakin kagabi pero dahil sa tanong niya ay sa tingin ko siya ang lalaking 'yon.
"I-ikaw ba yung lalaki kagabi na yumakap sakin?" Tanong ko.
"Oo. Akala ko nakalimutan mo na. Sorry pala dahil bigla nalang kita niyakap kagabi. Umiiyak ka kasi at naawa ako sayo." Sabi niya.
"Ayos lang. Nakauwi naman ako ng maayos kagabi." 'Yon nalang ang nasabi ko. Ang weird lang talaga dahil hindi ako nakaramdam ng takot o inis nang yakapin niya ako. Mukha naman siyang mabait.
Binuksan ko ang phone ko para tignan ang oras. Alas tres na ng hapon. Isang oras na rin pala akong nandito sa convenience store.
Inayos ko na ang gamit ko at tumayo.
"Mauna na ako." Paalam ko sa kaniya. Tumayo na rin siya.
Nagulat ako nang inilahad niya sa harap ko ang kamay niyang may hawak na chocolate bar.
"Kung ano man ang problema mo, malalagpasan mo rin 'yan." Aniya. Inilagay niya sa kamay ko ang chocolate.
"Thank you." Sabi ko at umalis na.
Paglabas ko ay saktong may tumigil na jeep kaya nakasakay agad ako. Napatingin ako sa bintana and then I saw him standing outside the convenience store.
Napatingin ako sa hawak kong chocolate at bigla nalang akong napangiti.
Pagkarating ko sa bahay ay sumalubong agad sakin si Lili.
"Hello, Lili. Gutom ka na ba? Wait lang, kukuha lang ako ng pagkain mo." Hinanap ko ang kainan niya at nilagyan iyon ng cat food.
Pagkalapag ko ng kainan niya ay agad niya itong nilapitan.
"Sorry, hindi kita napakain kagabi." Sabi ko. Pinanood kong kumain ang pusang si Lili. Fourth year highschool nang mapulot ko siya sa likod ng school namin. Pagala-gala lang siya kaya kinuha ko nalang.
Pagkatapos niyang kumain ay lumapit siya sakin. Kinarga ko siya at nilagay sa lap ko.
"May nakausap nga pala akong lalaki kanina. Siya pala yung yumakap sakin kagabi. Pero alam mo ba? Hindi ko siya kilala pero hindi manlang ako nakaramdam ng takot sa kaniya. Gwapo at mukha naman siyang mabait." Kwento ko sa kaniya.
At nung niyakap niya ako kagabi, feeling ko safe na safe ako. Simula nang mamatay ang mga magulang ko, 'yon nalang ulit ang pagkakataon na naramdaman kong ligtas ako.
---