Chereads / SEE YOU TONIGHT / Chapter 1 - PROLOGUE

SEE YOU TONIGHT

🇵🇭gwaeniii
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 69.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

It's already 8PM. Tears started to flow down from my eyes and my hands are trembling. Nakakatakot. Mag-isa nalang ako ngayon sa waiting shed. May isang poste ng ilaw pero hindi ito sapat para maibsan ang takot ko.

Napahawak ako sa ulo ko at napaupo. Naaalala ko na naman ang masasakit na nangyari sa akin noon.

Gabi na at pauwi na kami galing sa bakasyon. Bigla nalang tumigil si papa sa pag da-drive at hinarang kami ng isang grupo ng mga lalaki.

Nagulat ako nang makarinig ng putok galing sa isang baril. Bumaba si papa mula sa sasakyan at sinundan siya ni mama.

Naiwan ako dito sa loob ng sasakyan habang umiiyak. Nakarinig pa ako ng ilang pag putok ng baril hanggang sa tumigil na ito. Lumabas na ako sa sasakyan at wala na ang mga lalaking humarang sa amin. Then, I saw my parents lying down in the middle of the road. Puno ng dugo ang kanilang mga katawan at wala ng buhay.

Patuloy ang pag hagulgol ko habang inaalala iyon. I'm just five years old that time at wala akong magawa noon kundi pagmasdan ang mga magulang ko na wala ng buhay.

Muli na naman akong may naalala. Mga masasakit na alaala.

June 8, it's my birthday. Instead of celebrating it with my family and friends, kinulong ako ng tita ko sa loob ng isang madilim na kwarto.

"Stay there! Wag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi!"

Matapos mamatay ng mga magulang ko ay tumira ako sa bahay ng kapatid ni mama kasama ang asawa at mga anak niya.

Gabi-gabi ay kinukulong nila ako sa isang madilim at maliit na silid. Kahit wala akong kasalanan ay ginagawa pa rin nila 'yon.

Kahit hindi na ako nakatira sa bahay ng tita ko, ramdam ko pa rin ang takot tuwing madilim. Puro masasakit ang naaalala ko tuwing gabi.

Nagulat ako nang may biglang yumakap sakin. Nakayuko ako at dahil na rin madilim ay hindi ko makita ang mukha nito.

"Shh...stop crying." Sabi niya. May bahid ng pag-aalala ang boses niya. Unti-unting tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Bigla akong naguluhan sa sarili ko. Hindi ako makagalaw. Bakit hinahayaan ko ang isang estranghero na yakapin ako ng ganito?

I don't know him, but I can feel that I'm safe with him.

---