Tuluyan nga niya iniwan si Isabelle at linsanin lugar nito dahil sa tingin niya ay maasahan niya si Howard at nangako siyang di niya sasaktan ang pinakamamahal nito.
Naglakad na siya umpisahin ang dapat niyang umipisahan. Sobrang haba ng kailangan niya paglabayin dahil wala pa siya sa kalagitnaan ng highway, huminto muna para nakapagpahinga.
"Kailangan ko ng makakain." anya sa sarili nang kumalam ang sikmura saka napabuntong hininga, naghanap-hanap muna siya sa mga kabahayan ng makakain.
Meron naman mga delata, mineral, at mga prutas na napagiiwan. Halatang malapit na mabulok ang prutas kaya kahit papaano ay makakatulong din ito.
Naglalakad na siya sa may highway bridge nang may makita siya gumagalaw sa ilalim ng tulay.
Parang may taong nagtatago sa ng mga puno kaya bumaba siya para tinignan.
"May tao ba dyan?"
Kinuha niya ang baril mula sa kaniya likuran, pero dahil siya ay di nagiingat, may bakal siyang natapakan dahilan upang napahiga.
"Huuhhhuu!!!!"
May naglagay na trap dito, napangiwi siya sa sobrang sakit dahil sa sobrang ipit. Nagkadasugat-sugat ang kaliwang paa niya sa tulis ng bakal.
Pilit niyang tinatangal ang bakal pero di niya magawa "Tulong!" sigaw niya ngunit wala yatang nakakarinig sa kaniya.
"Tulong! Tulon-!"
May narinig siya kaluskos, pero madilim ang paligid, nagpalinga-linga siya sa paligid at dahil gubat iyon malamang may mababangis na hayop dito at di nga siya nagkamali. Nakita niyang mabangis na hayop na gusto siya atakihin at lamunin, di lang isa kundi limang matatapang na aso 'shit.'
Pilit pa rin niyang hinahamig ang sarili at wag mataranta, dapat makapagisip siya ng paraan upang makatakas siya sa mga asong ito.
Kinukuha niya ang baril para tirahin mga to ngunit di niya makuha, dahil sobrang layo.
"Lumayo kayo mga buwisit kayo!!" sigaw niya, natataranta na siya dahil palapit na palapit ang mga to sa kaniya.
Gggrrrgrrr
"Shit!"
Nung akmang susugurin siya nang may tumawag sa mga aso, "Haunt! Stop!" tao sa likuran ng mga ito.
"Ikaw ang nagaalaga sa mga aso?"
"Oo." sabay tango, habang lumalapit ang mga alaga nito at kumakawag.
"Pasensya na sa nilagay Kong alam mo na." sabi nito sabay sulyap sa paa niya na may nakaipit pa ring bakal.
"Puwede bang alisin mo na to."
"Sige." saka lumapit sa kaniya upang alisin ang bakal na naka "Huuuuhhhhihuh!! Aray!!!"
"Sorry!"
"Aw!" napangiwi siya.