7:34 a.m. na nang magpahinga sila mula sa mabang paglalakbay at pati na rin sa nangyari nung madaling araw.
Nakakita siya ng kotse na sa tingin niya ay may mga kagamitan at pagkain, kaya nangalkal sila sa loob.
May mga delata, inumin, at kagamitan. Mga armas katulad ng baril, bala, itak, kutsilyo at ang pinaka-importante ay ang mapa. "Puwede pa ba ako kumuha ng mga gamit sa isa pang bahay?" tinutukoy nito yung bahay na maliit malapit sa kotse rito.
"Sige." payag niya
Pumasok ito sa bahay na maliit, ilang sigundo may nakuha kaagad itong pagkain at iba pang kagamitan. "Food, water, and supplies" sabi nito saka itinaas gamit ng kamay.
"Wala ka nang iba pang nakalimutan?"
"Wait lang"
Pumasok ulit ito sa loob, habang sinisindihan niya ang kotse nang makarinig siya ng sigaw mula sa loob ng bahay.
"Isabelle!!" taranta niya.
Kinuha muna niya ang baril at lumabas siya ng kotse pagkatapos pumasok sa bahay, nakita niya ito na nakahiga at may tatlong lalaking nakatutok ang baril rito. "wag kang kikilos kundi papatayin ko ang kasama mo!" sabay tutok sa kaniya din.
Naitaas niya ang magkabilaang kamay na may hawakang baril, medyo kinabahan dahil alam niyang wala siyang laban. "Wag kayong kikilos! Talikod, sabi kong talikod ehh!" tumalima siya at sumunod.
"Sino kayo?"
"Wag kang mag-alala hindi kami masa-."
"Di ko hinihingi ang opinion mo!"
"Ako si Sean at yan naman si Isabelle" pagak niya sabi. Tinalian ng dalawang lalaki ang mga kamay nilang nakalagay sa likod at inalis ng isang lalaki ang hawak na baril habang pinadapa silang nakahiga.
Pinatayo sila saka tinulak palabas ng bahay. Sumunod silang dalawa sa tatlong lalaki, di makaimik si Isabelle dahil sa takot. Sapilitan sila nito pinasakay sa kotse.
"Anong kasalanan namin sa inyo."
"Wala kang kasalanan. Pero ang babaeng to, Meron." Napatingin siya kay Isabelle, 'anong ibig sabihin nito' nagpumiglas siya kahit kaunti ngunit di siya makawala.
"Ano ba ang kailangan mo?" tanong niya.
"Sumama kayo sa akin."
Pinaadar ng leader ang sasakyan saka pinaharurot, 'bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?' sabi niya sa isip, titig na titig sa kaniya ang isang lalaki medyo mabata-bata pa.
Di niya namalayan, nasa lugar na sila kung saan sila gustong dalhin ng tatlong lalaki. lumabas ang tatlo saka siya nito tinutukan, "labas." Wala siyang nagawa kundi tumalima at sumunod rito pati na rin si Isabelle.
Tinulak na naman siya ng isang pang lalaki, "will you stop pushing me! Wag kang mag-alala susunod ako." saway niya, di na ulit nito ginawa ang kanina.
Howard's proves
Samantala sa loob, "boss may bagong bihag tayo" sabi ng tauhan ni Howard. Bigla itong napatayo at halatang nabigla sa itsura ng mukha nito, saka pumunta sa labas.
"Sila ba?" tanong ni Howard habang pinagmamasdan nito
"Opo." anang tauhan nito saka niya pinaalis.
"Isabelle! Isabelle!"
Umupo siya at hinaplos ang na hihintakuting si Isabelle, iniwasan nito iyon. Pagak siyang natawa, sinadya niyang damputin ang buhok nito at sinabunot "akala mo siguro makakatakas ka! Hindi mangyayari iyon."
"Huh!" nasaktan ito.
"Wag mo siyang saktan!" sabat ni Dexter, napalingon siya sa lalaki.
"At sino ka?"
"Ako si Sean at kasama ko siya."
"Kasama mo. Hahahah!" di ko mapigilang tumawa, habang ang kaniyang palad nakatakip silim sa bibig.
"Di mo ba alam kung gaano kalaki ang kasalanan niya, sa akin." duro niya kay Isabelle.
"Bakit? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" di ko maiwasang magiba ang awra at nagdilim ang aking paningin sa tanong nito.
"Siya lang naman ang pumatay sa kapatid ko!" naalala niya kung papaano pinatay ni Isabelle ang kapatid niya.
Flash Back
"Kuya!" sigaw niya.
Nakita niyang nakahandusay ang kapatid sa sahig, sabay siya napatingin sa nagmamay-ari ng kutsilyo. "Di ko sinasadya!"
"Anong ginawa mo kay kuya Howie?"
"Huhuh!" hagulgol nito.
"Sumagot ka!"
"Defense lang ang ginawa ko, di ko sadya yun." nginig nito, saka nadulas ang kutsilyo kanina lang niya hawak at tumakbo palabas.
"Kuyaahh!"
End of Flash Back
"Di ko sinadya ang nangyari sa kuya mo, defense lang yun dahil pinagtangkaan niya akong gahasain at patayin."
"Di kita mapapatawad, ikulong sila." utos niya sa tauhan saka dinampot ang dalawa at ikinulong.
Tumalikod siya, nung nawala na sa paningin ang dalawa. "maipaghihiganti na rin kita sa wakas kuya." anya sa sarili pagkatapos umalis.