Chereads / It Came From The Sky (tagalog) / Chapter 2 - Chapter 2: Ghost Town?

Chapter 2 - Chapter 2: Ghost Town?

Naging masarap ang tulog ni Sean kaya medyo tanghali na siya nagising ang alam na lang na may humahalik sa labi niya at sa may bahagi ng mukha niya "hon!" tawag ng asawa, habang ginigising siya nito.

"Hmm!!"

"Magtatanghali na malelate ka na." bigla siyang napadilat saka tumingin sa relo, 'OMG' 11 lagpas na saka siya mabilis bumangon, di niya namalayan natatawa na pala asawa niya.

Lumabas na siya ng kuwarto at naghanda ng masusuot at kumuha ng pampaligo at towel. Pumasok siya sa Bathroom at naligo nang mabilis, sa sobrang taranta niya muntikan na siya madulas, 'naku naman.'

"Anong nangyari kay Sean." tanong ng Itay Gorge niya kay Belinda. "Nagmamadali po may pasok po kasi siya sa trabaho."

Nakapagpaalam na siya sa asawa at anak pagkatapos kina Inay at Itay naman siya yumakap, pumasok na siya kotse at pinaadar ito.

"Your late!" sabi ni Alfred habang nagpipindot sa laptop. Nagsorry naman siya ngunit last na daw ito puro daw kasi siya palusot, wala naman nangyari sa mga excuse niya.

Bigla siya napalingon sa may TV na may kaliitan, 'ano daw, may darating na kung ano sa earth at possible na bumagsak.' lumingon-lingon siya sa mga kasamahan, parang balewala at parang walang naririnig na kung ano.

Bakit parang kinabahan siya, 'ano ba tong nararamdaman ko para ako kinakabahan talaga. Bigla siya napatayo at umalis ng opisina, tinawag siya ng kasamahan niya ngunit di na lang niya to pinansin.

Sumakay na siya at sinaksak ang susi saka pina-andar ang kotse, 'bakit ba ganito Ang nararamdaman ko.' malakas ang kutob niya na may hindi magandang mangyayari.

Dumilim ang langit at nagsulputan ang mga kidlat sa paligid na pagkalakas-lakas, 'shit.' Nagmamaneho na siya sa kalagitnaan ng tulay nang may biglang kumidlat ng malakas at tumama banda sa gilid ng kotse niya "ahh!!" di na niya namalayan pati ang gulong niya natamaan din kaya sumemplang ang kotse at tumambling pa-sirkulo sabay bagsak sa ilalim. "yaah ahhhh hindii!!" pagkatama niya sa lupa bigla siyang nauntog na pagkawala niya ng malay.

Nalipungatan lang siya nang makarinig ng ingay na nanggagaling sa kotse niya, kumurap-kurap pa siya kung tama ang nakikita niya. Napairing na lang sa sakit sabay haplos sa ulo niyang may gasgas at tulo ng dugo, "ahhh!!" to realize na nakatuwad pala ang kotse at dahil nasa loob siya nito pagkakilos niya ay nauntog "aw ang sakit."

Nagpumilit siyang lumabas ng kotse at kumilos ng kaunti dahil nahihilo pa siya, he saw his car burning at ilang saglit na lang mukhang sasabog kaya lumayo siya nang lumayo na bigla na lang 'bugshh!!!!' saka yumuko.

Tumayo at naglakad na lang, lakad at takbo ang ginawa niya. 'Sa wakas makakarating na ako sa bahay.' Napatingin siya sa kalangitan at nakita niyang may bumababa papunta sa lugar kung saan sila nakatira 'What's that thing?' sabi niya sa sarili, maliwanag ito sobra kaya tinakpan niya medyo ang mukha niya gamit ng braso ngunit nagiwan lang siya ng kaunti siwang.

Pagkatapos bigla na lang ito nawala na parang bula, 'bakit ganun Teka ano yun?' inalis niya na ang braso pagkatapos saka lumakad at takbo.

Medyo hingal na hingal na siya nang makarating na siya 'finally' sa city, nagtataka siya bakit walang katau-tao sa paligid 'ano to ghost town.'

Di niya namalayan na nakarating na siya ng bahay, nagtaka na naman siya 'bakit walang tao, pati ba naman sa bahay wala ring tao.'

"Belinda!!, Belinda!! Mga anak nandito na ako!!" ngunit wala ring sumasagot, "Inay Helena, Itay Gorge sumagot kayo!!" sigaw niya habang naghahanap sa mga kuwarto.

"Hindi! Hindi ito maaari." umiiling siya sabay hawak sa mukha, napaiyak na ang siya saka nagwala at nagbasag. "nasan na kayo?"

"ahhhahh" hagulgol na lang at niyakap ang unan sa tabi niya, bumalatay sa kaniya ang galit saka kumuha ng mga baril at kagamitan kasama na rin ang pagkain.

Lumabas na siya ng bahay, medyo magdidilim na. Kaya kumuha siya ng flashlight sa bag at pinindot niya ang on boton saka nagliwanag nang kaunti sa paligid at naglakad-lakad.

Nang makarating na siya sa may gilid ng kalye banda sa may side walk nang may mapansin siya gumagalaw sa may gilid ng kotse saka siya naglabas ng barilhabang kadikit nito flashlight sa dinaraanan.

"Sino yan? May tao ba dyan?" sigaw niya kaya tinignan niya ang gilid ng kotse ngunit wala naman, mukha alam niya na kung nasaan. Bigla siya humiga nang nakayuko at 'ayun.'

May isang babaeng nagtatago sa ilalim ng kotse at lumabas ng makita niya, saka niya ito tinutukan ng baril habang nakatalikod to habang nakataas ang magkabilaang kamay "T-teka!"

"Sino ka?"

"Uhm!"

"Humarap ka!!"

Humarap nga to, nakita niyang napapaiyak ito. "Wag mo ako patayin parang awa mo na." sabi nito, kinapkapan muna niya bawat gilid ng katawan kung may nakatagong patalim o baril ngunit wala.

"Sino ka at anong pangalan?" tanong niya.

"Isabelle! Yun a-ang pangalan ko."

Kinuha niya ang braso nito at itinali, mahirap na baka makagawa ito nang hindi maganda. saka ako naghanap ng mga kahoy na puwedeng ipasindi sa apoy, saka sila naghanap ng mapagpapahingaan. Binuksan niya ang lata gamit ng kutsilyo, habang kumakain siya bigla tuloy siya napatingin sa babaeng nagngangalang Isabelle na nakatingin din sa kaniya.

"Gutom ka ba?" saka niya ito binigyan ng pagkain "oh!"

Kinuha nito ang pagkain at kumain nang kumain, halatang gutom ito dahil naubos nito ang lahat.

"Sabihin mo nga sa akin, bakit ka napadpad sa lugar na to?" Di niya kilala ang babae at parang bago ang itsura dito sa lugar nila.

"Bagong salta lang ako."

"Uhuh." tango niya, natahimik ang babae

"Nakita ko yung liwanag."

"Liwanag?"

"Oo, sinubukan kong wag palapitin ang mama ko, ngunit di siya nakikinig." Umagos ang mga luha at naguunahang bugsak sa magkabilaang pisngi nito."Para bang kasalan ko kung bakit nawala siya."

Bakit parang naaawa siya rito saka tumingin na lang sa apoy na nagsisilbing liwanag sa kapaligiran, at napabuntong hininga na lang.

"Hindi nakinig si mama, bagkus lumapit pa siya lalo na para bang inaakit siya ng liwanag." pagkasabi nun saka siya tumayo "T-teka."

"Saan ka pupunta."

"Matutulog na." pagkasabi niya sabay kuha sa unan at humiga sa may nakasapin na kumot "sweet dream" at pumikit.

Ang babae naman ay humiga rin, at nakatulog ng mahimbing.