Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 80 - Farewell, My Dear Sister Part II

Chapter 80 - Farewell, My Dear Sister Part II

Chapter 76: Farewell, My Dear Sister Part II

Santos' Point of View 

  "Babalik po ulit ako mamaya para sa gamot n'yo." Tinanguan ko lang ang nurse at pinasalamatan bago siya umalis sa kwarto ko. 

Hindi pa rin ako discharge sa ospital at tuloy-tuloy lang ang aking pagpapagaling. 

  Lumingon ako sa bintana, pinaurong ko 'yung kurtina sa nurse kanina kaya nakikita ko 'yung itsura ng labas. Maaraw pero hindi ganoon kainit. 

  "Ngayon yata ang labas ng batang 'yon, ano?" Tukoy ko kay Haley at hindi namalayan na sumeryoso na ang mukha ko. Pumunta rito 'yung kapatid ni Haley nung nakaraang araw. 

Flashback: 

  Nakahiga ako at hindi pa ganoon nakakakilos nang maayos. Katatapos ko lang din kumain ng tanghalian kaya nanonood lang ako ng pwedeng mapapanood ngayon sa TV. 

  Subalit hindi pa rin mawala-wala sa utak ko kung sino ang nagbayad nung bill ko. 

  May kumatok sa pinto dahilan para ilipat ko roon ang aking atensiyon. Pa-slide na nagbukas ang pinto, inaasahan na doctor iyon o isang nurse nang tumambad sa akin ang inaakala kong estudyante ko. 

  Namilog ang mata ko. "Haley? Mabuti at okay ka n--" Napatigil ako sa pagsasalita pagkalipat ko pa lang tingin sa kulay ng mga mata niya. Asul… 

Hindi ito si Haley. Ito 'yung babaeng may malamig at nakamamatay na tingin kapag tititigan mo. 

  Siya 'yung… 

  Naalala ko 'yung huling kita ko sa kanya ro'n sa lugar na ikinulong ako. Ang lalim at napakalamig nung mata niya. Siya lang ay nakakagawa no'ng ganoong pakiramdam sa akin. Kinikilabutan ako kung iisipin ko. 

  Napatikum ako ng wala sa oras. 

  Pumasok na siya sa loob kasabay ang pagsara ng pinto upang maglakad palapit sa akin. Nakasuot lang siya ng casual na damit, parang isang ordinaryong babae lamang at hindi isang delikadong babae galing sa isang organisasyon. Ngunit hindi pa rin naaalis 'yung lamig ng aura niya, nanatili pa rin iyon sa kanya. "Ngh." 

  Hindi pa rin ako makapaniwala na may kapatid ang estudyante ko na namumuhay malayong malayo sa mundong kinagagalawan namin. 

  Wala ring alam ang magulang niya na buhay 'yung anak nilang inaakala nilang wala na. Subalit wala na ako sa posisyon pakielaman ang buhay na pinag desisyon-an ng taong ito na hindi sabihin sa sarili niyang ina. 

I respect her choice. Whether she tell her mother or not, it's not my concern. However, if these twin siblings ask me to help them, I won't hesitate to give them a hand. 

 

  Nakarating na siya sa tabi ko kaya balak ko sanang umupo pero sumenyas siya. "Hindi ako magtatagal, kaya huwag ka ng mag-atubili na umupo. Humiga ka lang," Ginawa ko ang sinabi niya, kasi mas lalo lang ding sumasakit 'yung saksak na natamo ko sa balikat. Ni hindi ko pa nga iyon magalaw. 

  Ni-relax ko ang katawan ko sa kama saka ko ibinaling ang tingin sa kanya. "Hindi ikaw si Haley." 

  Tumango siya. "Hindi ko naipakilala nang maayos 'yung sarili ko. I'm Haley's older twin sister. Vi--" Napahinto siya nang panandalian. Binawi niya 'yung unang pangalan na babanggitin niya sana. 

  Pumikit siya't pasimple na huminga nang malalim bago niya ipakilala ang buong pangalan niya. "Laraley Christine Rouge." Saad niya sa buong pangalan niya at nag bow. "Thank you, if it weren't because of you," Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. "I wonder what would happen to her." 

 

  Bumuka ang bibig ko sa gulat. Hindi rin ako nakaimik kaagad. 

  "I know she's not a good girl, at palagi siyang napapasok sa gulo. She's an awkward girl and doesn't know how to interact in a manner that everyone usually do," Nanatili lang na nakabuka ang bibig ko. "But I do hope you can take good care of her." She said it in a tone where I could feel her sincerity and kindness. 

 

  Now, I kind'a understand where this is coming from. 

Lahat ng ginagawa niya ngayon mula nung umpisa ay para sa kapatid niya. A selfless older sister. 

 

  Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga kaya tumingala siya. Hindi niya ako pinigilan at tinitingnan lang niya ako. 

Sumandal ako sa headboard ng hospital bed at kumuha nang hangin. Napagod kaagad ako, sumakit din bigla balikat ko. 

  Lumingon ulit ako sa nagngangalang Laraley. "Raise your head, hija." Umayos na nga siya ng tayo gaya ng sinabi ko. 

  She's quite mature, the way she speak, the way she show her respect for the person she is speaking of. She's smart but she's pushing herself too much. 

  "Are you leaving?" Tanong ko sa kanya na tinanguan niya bilang sagot. "I see." Wika ko. Hindi ko na tatanungin kung saan siya pupunta, kaya nginitian ko siya. "As her teacher, it is my job to look after her, to scold her. And her friend's job is to console her. You can go without any worries." 

Pagkasabi ko lang ng mga katagang iyon. Nakita ko ang buhay sa mata niya, lalo pa noong makita ko sa una't huling pagkakataon 'yung ngiti niya na tingin kong hindi niya magawa-gawa. 

  "Haley is lucky to have you as her teacher. I'm jealous." Labas sa ilong niyang sabi na nagpahagikhik lang din sa akin. 

End of Flashback: 

  Umalis ako sa kama at naglakad palapit sa bintana. Sakto na nakita ko 'yung tatlo kong estudyanteng sina Reed, Jasper, at Haley. Kasama ang kapatid, si Laraley. 

Nag-uusap usap sila habang naglalakad. 

  Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapabuntong-hininga. Ang kumplikado ng buhay-- hindi. Nakakatakot na pa lang mabuhay. "Gusto kong magbuga ng usok." Bulong sa sarili at tipid na ngumiti. 

Haley's Point of View 

  Humiwalay na sila Reed sa amin dahil sinabi ko na bago ako dumiretsyo sa bahay. May gusto pa akong daanan. 

  "Oh, siya. Kitakits." Paalam ni Jasper na may pagtaas ng kamay bilang pagpapaalam saka tumalikod. Si Reed naman, tiningnan na muna si Lara bago tumango. Ibinalik niya ang tingin sa akin pagkatapos saka nagpamulsa na tumalikod para sundan si Jasper. 

  Nakasunod lang ang tingin namin ni Lara ro'n sa dalawa nang magsabay kaming napatingin sa isa't isa. Nakasimangot lang ako sa kanya samantalang naka poker face lang siyang nakatingin sa nakadikit na band aid sa kaliwa kong panga. 

 

  Nag commute kami ni Lara papunta roon sa lugar na gusto kong puntahan. Hindi rin naman siya nagtanong kung saan kami pupunta kaya hindi ko na rin sinabi. 

Nalaman na lang niya noong makarating kami. 

  Subalit nagulat ako dahil naabutan naming ginigiba na ito. "W-what?" Hindi makapaniwala kong reaksiyon at humakbang ng isa. 

Nakatingin ako sa mansiyon kung saan nagsimula ang lahat. Ang tahanan namin kung saan magkakasama kaming lahat. 

  "Pero bakit?" Naguguluhan kong tanong, pinapanood ang bawat pagwasak sa mansiyon nung malaking bilog na metal na malakas kung banggain ang simento ng mansiyon. 

  Humakbang din si Lara gaya ko, pinapanood din niya ang paunti-unting pagkawala nung mansiyon. "It means we have to leave the past now." 

  Lumingon ako sa kanya. "Eh?" Naguguluhan kong reaksiyon. 

"Haley," Tawag niya sa pangalan ko at nilingon ako pabalik. "The reason why you're lonely is because you keep on going back to the past. If you don't let go, you won't find the happiness that you're seeking for." 

 

  "No, that's not i--" 

  Nakatingin lang siya sa akin gamit ang gilid ng kanyang mata noong tumalikod na siya. "Let's go. Anong oras na baka pagalitan ka pa ni Mama." Naglakad na siya paalis, pero hindi ko pa rin magawang makagalaw sa kinatatayuan ko't nakatingin pa rin sa tahanan namin na unti-unti ng nawawasak. Unti-unting naglalaho. 

  Leave the past…?

  Humarap ako kung nasaan ngayon ang kapatid ko na patuloy pa rin sa kanyang paglalakad. Nakatitig ako sa likuran niya, 

  Ang layo layo na niya sa akin. "Ate…" Bulong kong tawag sa kanya. 

*** 

NAGLAKAD LANG kami at hindi gumamit ng kahit na anong transportation. 

Pero tahimik lang din kaming dalawa't na sa likod lang niya ako na nakasunod. Walang umiimik ni isa sa amin. Wala rin akong ideya kung ano ang sasabihin ko sa kanya, 

  Ang laman lang ng utak ko ay ang salitang, 'huwag mo 'kong iwan.' 

  Tumingala ako sa kaliwang bahagi kung saan nakikita ko ang araw na malapit ng lumubog. Naglalakad na kami ngayon sa tulay at pauwi na. 

Nagasara nang kaunti ang talukap ng mata ko nang makaradam ako ng matinding lungkot. 

Time. How can I make it stop? 

  Dumaan nang mabilis ang iilang ibon sa kanan ko, ang mga sasakyan ay matulin kung humarurot. Tila parang kino-kontra ang hiling ko. 

Naririnig ko rin ang pagbangga ng alon sa dalampasigan. Ang ibon na isa-isa humimig. Ang hangin na bumubulong sa tainga ko. 

  "If you don't let go, you won't find the happiness that you're seeking for." Naalala kong sabi ni Lara kanina na nagpayuko sa akin. That's not it. 

  "It means we have to leave the past." Isa pang boses galing sa kanya kaya napatigil ako sa paglalakad nang makarating kami sa side walk kung saan pumapagitan ang pader sa kalsada. 

 

  "That's not it." Ulit ko pa. Huminto na rin si Lara sa kanyang paglalakad upang humarap sa akin. Nanatili pa rin akong nakatungo, nakayukom ang kamao na magkasalubong ang mga kilay. "We went there because I don't want you to go. I want us to live just like before."

  Naningkit nang kaunti ang mata niya. "Hindi ba't wala 'yon pinagkaiba sa paglingon sa nakaraan?" Tanong niya na nagpatigil sa akin. "Are you telling me to go back where things have already ended?" Dagdag pa niya saka siya humakbang palapit sa akin. "Haley, there are things you cannot be taken back, what's done is done. It would be unfair to our Mother kung babalik nga ako." 

  Humawak ako sa kaliwa kong braso at higpit na napahawak doon. "Krr…"

I get her point, I get her… But… 

 

  Mas humakbang pa siya palapit sa akin kaysa kanina. "I… have to leave now." 

  Suminghap ako kasabay ang pamimilog ng aking mata. Tumingala na ulit ako para makita ang mukha niya. Wala itong kahit na anong reaksiyon na ipinapakita. Pokerface pa rin. 

"What? Leaving?" Ulit ko sa kanyang sambit. Para akong nawala bigla.

"But that means…" 

  "Mmh. That's right," Sagot niya. "This will be the last time we will get to see each other." Dugtong niya kaya may bumara roon sa dibdib ko. Napaawang-bibig din ako, balak kong magsalita pero hindi ko itinuloy. "Only one existence must remain.

We should keep the world know what they only know." Inangat niya ang kamay niya para tingnan ang kanyang mga palad. "As for me, I've committed too many sins, and I have no place to run. I have to move forward as the walls are closing around me." Pagsara niya ng mga kamao niya at ibinaba ang mga kamay para ibalik ang tingin sa akin. 

  "If I go back to your world, I won't ever forgive myself." 

That's why she can't go back anymore… This is what she feels. The burden that she's carrying alone. 

  "I want you to understand, Hale--" 

  Napapikit ako nang mariin. "I get it! I get it, but accepting everything as if it's so simple," Inilayo ko ang tingin at mas nagsalubong ang aking kilay. "…is just" 

 

  Kung iisipin ko 'yung mga pwedeng mangyari sa kanya kapag umalis siya imbes na mabuhay na lang siya kasama kami, 

  Ang bigat. Ang bigat bigat, nanghihina 'yung tuhod ko. Hindi ako makahinga, ang sikip sa pakiramdam ngayong alam kong hindi pwedeng mangyari 'yung kahilingang minimithi.

  Subalit hindi ako pwedeng maging makasarili palagi, kung mananatili siya,

  …mas masasaktan lang siya lalo. 

   

  Unti-unting namuo ang luha sa mata ko, hanggang sa dahan-dahang tumulo ang butil sa kanan kong mata na siyang nagpanganga kay Lara. "Ngh..." 

  "And now you're crying." 

  Mas kumunot ang noo ko dahil sa pagpipigil ng luha. Kagat ko rin ang ibabang labi ko. "Do you expect me to smile?" Sarkastiko kong tanong at pinunasan ang luha gamit ang manggas ng sleeve ko. 

  Medyo humihikbi na rin ako, patuloy na umiiyak na parang isang bata sa isang tabi. 

  Mayamaya pa noong maramdaman ko ang paglapit ni Lara sa akin kaya dumilat na ako upang makita siya. Tumingkayad ito at humalik sa aking noo na mas lalong nagpatulo sa luha ko. 

  Ilang segundo rin nakalapat ang labi niya roon bago niya inalis. Tumapat ang mukha niya sa akin saka niya ipinatong ang kanyang noo sa akin. Nakalinya ng ngiti ang labi niya. "Once I disappear, I will be able to return to you."

  Isa lang ang kahulugan na kanyang binanggit, at iyon ang naging rason para wasakin ang puso ko. 

Alam na niya na mangyayari ang lahat ng 'to pero pinili pa rin niya 'yung tinatahak niyang daan dahil iyon ang kanyang naumpisahan. 

  Hinawakan niya ang likuran ng ulo ko at pumikit. "I will always… love you. Hailes." 

  Huling tumatak sa utak ko bago namin napag desisyonang pareho na maghiwalay ng landas at bumalik sa mundo na aming kinagagalawan. 

  Farewell, my dear sister. 

*****