Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 81 - Beforetime

Chapter 81 - Beforetime

Chapter 77:  Beforetime 

Reed's Point of View 

Ito 'yung mga araw na nasa ospital pa si Haley at si Laraley ang kasama namin sa classroom. 

  Sa ilang araw na hindi pumapasok si Mirriam ay ang siyang nagiging dahilan para mag-alala ang iba naming mga kaklase. 

Nagmartsa papunta sa harapan si Rose, nang marating ang teacher's table na nandoon sa gitna ng white board ay ipinatong niya ang mga kamay sa lamesa. Tumuon kaagad ang atensiyon naming lahat sa kanya dahil sa ginawa niyang pagbagsak nung mga kamay niya. "Bakit kung kailan graduating tayo saka nagkakaroon ng ganitong pangyayari 'tong section natin? Wala 'yung adviser natin, 'tapos bigla rin kamong nag quit 'tong temporary adviser natin, at panay ABSENT ka rin Aiz!" Sabay lingon at turo ni Rose kay Aiz. 

  Napatayo si Rose mula sa kinauupuan niya. "Shut the hell up, four eyes! I have my reaso--" 

  "Huwag mong idahilan ulit sa akin na masakit 'yang tiyan mo 'tapos ayaw mong pumasok kasi alam mong late ka!" 

  "Excuse me?" Hindi makapaniwalang reaksiyon nito. 

  "Pero hindi ba't ang sabi umalis na raw si Sir Santos?" Tanong ng isa naming kaklase kasama ang kanyang pagkibit-balikat. 

  Umiling naman si Kimberly, ang class treasurer namin. "Hindi, absent lang talaga siya dahil may mga inasikaso. Kaya nga nging temporary adviser lang natin si Sir Emmanuel, 'di ba?" 

  "Eh, paano naman kaya si Mirriam?" Banggit ni Ricky-- ang PIO namin sa classroom. 

  "Sa totoo lang sinubukan kong pumunta kila Mirriam nung nakaraan. Pero hindi ako pinapasok nung kasambahay nila." Kwento ng isa naming kaklase na close rin ni Mirriam. 

  "Eh? May kasambahay sila? Akala ko laking independent na mayaman sila?" si John. 

  "Pumunta rin ako nung isang araw kasi nakita ko 'yung hiniram ko sa kanya at balak ko sanang ibalik. Pero mukhang may nangyari yata kaya parang ang higpit nila. Ayaw nilang ilabas si Mirriam-- o kahit na sino sa anak ng mag-asawang Garcia." Kwento pa nung isa. 

  Inilipat ni Rose ang tingin kay Jasper na nakatungo lang at kunwari may ginagawa nang malakas siyang tawagin ni Rose. 

Nagulantang si Jasper at mabilis na tumingala para makita si class president. "Ngayon mo sagutin 'yung tanong ko, nasaan si Mirriam?!" 

  Umurong ang ulo ni Jasper. "B-Bakit sa akin mo tinatanong?" Nauutal na tanong ni Jasper at napatayo nang pasigaw na tumugon si Rose.

  Walang binibigay na kahit na anong impormasyon ang school sa nangyari dahil iyon din ang kagustuhan ng Garcia family para na rin sa privacy ng kanilang anak. 

Pabor din ang skwelahan dahil kapag nalaman 'to ng mga tao, malaking isyu ang magaganap. 

  "Bakit ikaw 'yung tinatanong ko, eh kasi nililigawan mo siya, 'di ba? Kaya baka alam mo." Sagot ni Rose kasabay ang pag-ayos ng salamin niya. "Ilang araw na rin siyang hindi online. Kaya hindi namin malalaman kung hindi mo sasabihin." Dagdag pa nito. 

  Kinausap ko rin ang principal dahil alam niya na kasama ako sa mga insidente nung nakaraan. 

Sinabi kong huwag na niyang ipaalam kay Kei ang ibang detalye kay Mirriam. Pumayag siya, dahil alam naming pareho na iyon ang makabubuti. 

  Kung dumating man sa punto na magagawa naming makausap si Mirriam ulit, mas maganda kung hindi sa amin manggagaling 'yung kwento, kundi kay Mirriam mismo.

 

  Tumayo si Lara mula sa pagkakaupo niya kaya pare-pareho kaming mga napatingin sa kanya. "Mas maganda siguro kung hihintayin na lang natin silang makabalik. Gaya ng sabi mo, graduating na tayo. Mag focus muna tayo sa kung ano ang mayroon tayo ngayon." 

  Rose's eyebrows furrowed. "Well, if you say so." Pagpapatalo niya at tiningnan ako bago si Kei. "Pero wala talaga kayong alam kung ano ang nangyari kay Mirriam?" 

  Mas tumungo lang si Kei. "Sorry, wala talaga." 

  Nakatingin lang ako sa bestfriend ko bago ko pilit na nginitian si Rose. 

*** 

  NAKAPAMULSA lang ang kanan kong kamay habang umiinum ako ngayon sa coffee in a box. Galing ako sa canteen at bumili lang ng maiinum tutal may free time kami ngayon at gusto ko lang nang kaunting pampagising at tamis. 

  Sa paglalakad ko ay napahinto ako noong makita kong magkasama si Jasper at Kei sa may bandang mini garden. Doon yata sila tatambay. 

  Naglalakad sila at may pinagkukwentuhan. Lalapitan ko pa nga sila pero nang makaupo sila pahabang bench at nakita ko 'yung pagpunas ni Jasper ng luha niya habang hinahagod ni Kei ang likuran niya ay napahinto ako't nagpasya na pumunta na lamang sa kung saan. 

 

  Yuko lang akong nakatingin sa sahig at nag-iisip isip kaya nagula ako pagkahampas ni Irish sa braso ko. "Hoy, long time no see kuya." 

  Namimilog ang mata kong nakatingin sa kanya nang simangutan ko siya. "Hindi ka ba pwedeng bumati ng hindi nanggugulat?" 

  Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. "Nagulat ka lang naman kasi malalim iniisip mo pero normal lang 'yung pagbati ko sa'yo." Pagkibit-balikat niya kaya naglakad na ako. Sinabayan lang niya ako. 

  "Nga pala, alam mo 'no? Nakasalubong ko kanina si Haley." Pagsisimula niya sa kwento pero parang alam ko na 'yung susunod. Iyon nga, kwento siya nang kwento kung paano siya deadmahin ni Lara na inaakala niyang si Haley na may kasama pang aksiyon. 

  Gusto ko sana siyang tanungin ba't siya nandito dahil oras pa ng klase nila pero baka tulad ng typical na estudyante. Nagpaalam sa titser na magbabanyo pero sa canteen talaga ang diretsyo. 

  "Hoy, nakikinig ka ba? Naintindihan mo ba mga sinasabi ko?" Pagsimangot ni Irish habang nakatingin lang ako sa kanya nang magpasya akong tumawa na lang. Ano nga ba sinasabi niya? 

  "What's with that face that says you didn't understand anything so you decided to laughed it off-- Ah! Si Haley!" Tiningnan ko 'yung tinitingnan niya at oo nga, na sa hindi kalayuan si Lara at papaakyat. Siguro nababagot sa classroom kaya naglalakad lakad na muna mag-isa.

  Biglang pumulupot sa braso ko si Irish kaya ako naman itong biglang nahiya't namula. "Hoy. Na sa skwelahan tayo." 

  Inilapit niya ang mukha niya sa akin at nginisihan ako. "Oh, pero kapag na sa labas ng skwelahan, okay lang?" Idinaan niya ang hintuturo niya sa ilong ko. "Bad boy ka pala, Reed Evans." 

  Mas namula ako kaysa kanina. "H-Hindi 'yan 'yung ibig kong sabihin." Pagkasabi ko niyon ay napatingin ako sa taong nakikita ko sa peripheral eye view at halos mapasigaw nang bumungad ang walang kaekspre-ekspresiyon na si Lara. Paano siya nakarating kaagad dito?! Medyo malayo-layo pa siya kanina, eh! 

 

  "What are you guys doing? Doing perverted stuff at the hallway." Pareho kaming namula ni Irish saka niya ako patulak na nilayo sa kanya para si Lara naman ang lapitan. 

  "Hoy, anong perverted stuff, wala pa nga akong ginagawa, ah?" Hindi pa rin nawawala 'yung pagkapula ng pisngi ni Irish. 

  Tumingala naman si Lara bago niya ako tingnan pabalik. Parang tinatanong niya sa akin kung sino naman itong babaeng kaharap niya na ikinahagikhik ko lang. 

Sumunod naman na dumating ang tatlong magkakaibigan na sina Aiz, Kath, at Trixia. 

  Tumawa si Kath na parang isang kontrabida sa isang palabas. "What a coincidence, Haley Miles Rouge. Akala ko gusto mong mapag-isa pero pumunta ka pala rito dahil nandito si Reed." 

  "Unforgivable." si Trixie. 

  Pokerface lamang na nakatingin si Lara sa akin at hinihintay na may gagawin ako kaya napaatras ako ng isang hakbang at pasimple na tinuro ang sarili. 

A-Ako? 

  Tinuro ni Irish sila Kath at Aiz. "Sino itong mga kamukha ni Anastasia at Drizella sa Cinderella?" Tanong niya sa akin kaya nakakaramdam naman ako ng takot at kaba lalo pa't lumukot na ang mukha nung dalawa. Tumuro rin si Irish kay Trixie. "Ito kamukha naman nung step mother--" Hinampas ni Aiz ang daliring nakaturo sa kanya gamit ang likurang palad saka paturong idinikit ang daliri sa dibdib ni Irish. 

  "Sino ka bang bata ka, ha?" 

  Idinikit ni Irish ang mga kamay niya't nag puppy eyes. "Ako ang fairy God mother ni Cinderella Haley." Sagot niya at lumingon kay Lara. "Di ba?" Tanong nito pero wala pa ring imik si Lara. 

  Para lang siyang bored na bored sa buhay niya. Humikab pa ito kaya kinuwelyuhan na siya ni Irish. "Umayos ka! Ikaw na tinutulungan ko!" 

  Muli nanaman akong tiningnan ni Lara. Ang sumunod na nangyari, nagkagulo na sila sa gitna.

*** 

  PAGKAUWI NAMIN galing sa E.U didiretsyo kaagad si Lara sa kapatid niya sa ospital, samantalang si Jasper naman ay pupunta sa bahay ng Garcia.

Luluhod sa tapat ng bahay nito ng ilang oras upang humingi ng kapatawaran kahit wala siyang naging kasalanan. Pero dahil sa kahilingan na gustong makita si Mirriam, magtitiis at magtitiis siya. Sinasamahan siya minsan ni Harvey, 

  Subalit sa pagkakataon na ito. Sumama na rin ako. Kaming tatlo. 

  Ilang araw naming ginawa iyon pero kung hindi kami sasarhan ng gate, iuurong lang nila 'yung kurtina senyales na hindi kami kailangan dito at wala silang pakielam. 

Pero hindi kami sumuko. Tuloy-tuloy pa rin kami sa pagluhod, at paghingi ng kapatawaran. 

  Alam din namin na hindi maibabalik 'yung buhay na mayroon si Mirriam noon. Pero hindi kami susuko na hanggang dito na lang at wala kaming ginagawa para mapatunayan na nandito kaming mga kaibigan niya't hindi siya nag-iisa. 

  Kinabukasan, napansin ni Kei na kaagad kaming umuuwi pagkagaling sa E.U. kaya pasikreto niya kaming sinundan. Napansin lang din namin siya noong magtago kami sa eskenita nila Jasper dahil nakaramdam kami na parang may palihim na sumusunod. Nakumpirma namin na siya nga ang nakasunod noong inabangan namin siya. 

  Tumili ito at nasampal si Harvey. 

  Makalawang araw nang malaman ni Kei ang sadya namin, sumasama siya sa Garcia Residence. Maghihintay kami na makausap namin ang magulang niya hanggang alasiete pero kapagka bigo pa rin. 

  Babalik kami kinabukasan. 

  Dumating ang araw na malapit na kaming sumuko. Napag-usapan namin na baka wala ng pag-asa na makita namin si Mirriam at makahingi sa kanya ng kapatawaran dahil nalaman din namin na aalis siya para mag-aral sa ibang lugar. Lilipat din sila ng bahay na malayong malayo rito. Kukuha lang din sila ng home exam para makakuha pa rin ng Highschool diploma si Mirriam. 

 

  Kinabukasan matapos ma-discharge si Haley sa ospital. Nag absent muna siya para siguro asikasuhin 'yung mga dapat asikasuhin sa sarili't sa bahay niya. 

Dumiretsyo ulit kamng apat nila Harvey, Jasper, at Kei sa Garcia Residence kahit walang-wala na talaga kaming nakikitang liwanag na pwedeng maging dahilan para hindi kami sumuko rito. 

  Pareho kaming mga nakaupong apat sa pangalawang simento na nasa tapat lang din ng bahay ng Garcia. Mga nakatingala na nakatitig sa kawalan at tahimik lang roon noong may dumating sa kanang bahagi. Nang tingnan namin, napangiti na lang kami nang malaman naming si Haley ito. 

  Inilagay niya sa kaliwang beywang ang kamay niya at labas sa ilong na nginitian kami bago siya maglakad palapit sa amin. 

Sa paraan ng paglalakad niya ngayon, pagtayo, at ang mukhang ginagawa niya. 

  Kitang kita ko kung gaano siya nagbago. Kaya parang pumasok sa isip ko na, 'Ah… May mga bagay bagay talaga akong hindi dapat bitawan. Saka sinimulan ko na ito, da't tapusin ko.' 

  Hilera kaming tumayong lima sa harapan ng Garcia Residence. Mga nakatingala at sabay-sabay na lumuhod.

Nakita namin na mas nag-aalala 'yung kasambahay na nandoon sa labas ng pinto ng bahay nila. Samantalang bumalik ang determinasyon namin na makita kahit sa huling pagkakataon si Mirriam bago siya mamaalam sa amin. 

*****