Chapter 74: Spurn
Haley's Point of View
Nalulunod ako. Na sa pinakailaliman ako ng karagatan habang sinusubukan kong makaahon. Kinakapos na ako sa paghinga kaya pilit kong inaangat ang sarili pero habang ginagawa ko 'yon, mas bumababa lang ako't bumibigat ang katawan.
"Ngh." Lumabas na ang natitirang hangin sa aking bunganga kaya hinayaan ko ang sarili ko na bumabagsak pailalim. Marahan ko na ring ipinikit ang aking mga mata.
Subalit napamulat ako noong may humawak sa aking pulso, sa labas ng malamig na tubig na ito. Nakikita ko ang sarili ko-- hindi. Hindi ako ito.
"Ate…"
***
MARAHAN KONG IDINILAT ang mga mata ko. Puting tiles na kisame ang unang bumungad sa akin, tunog ng TV ang naririnig ko.
Tumingin ako sa kaliwa kung nasaan ang bintana, medyo maulan pa rin sa labas at madilim dilim ang kaulapan. Pumaharap ako ng tingin para tingnan ang TV na nakabukas, may ibinbalita roon tungkol sa Nwonknu Resto pero dahil hindi pa ganoon nagsi-sink in 'yung mga nangyari sa akin ay hindi ko lamang iyon pinagtuunan ng pansin.
Naramdaman ko bigla 'yung pagkalunod ko sa hindi malamang dahilan. Nakita ko rin kung paano ako nasu-suffocate habang pababa ako nang pababa sa tubig.
Nanaginip ba 'ko...?
Inilipat ko ang tingin sa taong na sa tabi ko.
Nakaupo ang babaeng ito sa stool at nakahalukipkip na natutulog. Suot niya ang uniporme ko sa E.U. "Lara…" Tawag ko sa pangalan niya kaya unti-unti niyang iminulat ang mata niya para makita ako. Hindi pala siya tulog.
Tumitig ako sa napapagod niyang asul na mata, walang buhay 'yon nung buksan niya pero noong makita niya akong gising. Nag-iba ang paraan ng kanyang tingin.
Ako lang ba nag-iisip o nabuhayan siya nang makita niya ako?
Naglabas siya ng hangin sa ilong. "You're finally awake."
Tumitig lang ako sa kanya, hindi ko pa rin magawang mag-isip nang kung anu-ano. 'Yung katawan ko, medyo relax ito ngayong nakahiga sa malambot na kama pero kung susubukan ko ring gumalaw. Kumikirot, ang sakit.
Ano nga ulit nangyari sa akin? Ba't ako nandi--
Naalala ko na nga ang mga nangyari, gayun din ang huli kong kita kila Emmanuel bago ako mawalan ng malay. Sh*t.
Wala sa isip na napaupo ako mula sa pagkakahiga. "Sila Emmanu-- Ackk!" Napahawak ako sa sikmura ko noong nabigla ito. Hindi napatayo si Lara at pokerface lamang na nakatingin sa akin.
"Lay down, ikaw lang masasaktan kung bibiglain mo sarili mo."
Pikit pikit ko nang mariin ang mata ko kasi ang sakit talaga. Pero irita ring napatingin kay Lara. "Anong klaseng kapatid ka at hindi ka man lang nag-aalala sa akin?!"
"Why should I? Okay ka naman, eh." May tinuro siya kaya sinundan ko naman ng tingin. Nakalaylay ro'n 'yung isang tube na kung hindi ako nagkakamali, iyon 'yung ginagamit para makahinga ka nang maayos. Ugh, don't tell me ginamitan nila ako ng ganyan? Kaya siguro parang may parang magaspang doon sa lalamunan ko?
"Tinanggal mo nga 'yan habang natutulog ka." Turo ni Lara sa breathing tube.
Natakot ako bigla at kaagad na lumingon kay Lara. "Delikado 'yon, hindi mo man lang ako pinigilan?!" Hindi makapaniwalang tanong 'tapos mabilis na umiling. "Teka nga! Nasaan sila Emmanuel? Sila Roxas? Ano ang nangyari?" Nag-aalala kong tanong nang hindi inaalis ang hawak sa aking sikmura. "Si Sir Santos, nasaan siya? Okay lang ba siya? W-Wala namang--" Tumayo siya't humakbang palapit sa akin. Ipinatong niya 'yung dalawa niyang kamay sa magkabilaan kong balikat para ihiga ako paunti-unti.
"You have nothing to worry about," Nakahiga na ako. "Okay lang 'yung adviser mo. Tulad mo, nagpapagaling din dahil malalim lalim 'yung natamo niyang sugat. Pero wala kang dapat ikabahala." Sagot niya sa tanong ko kaya nakahinga ako kahit papaano.
"Pero sila Emmanuel?" Tanong ko at tumungo. "Kailangan ko ng magpagaling, baka mahanap pa nila ako rito at madamay pa 'yung ibang tao rito sa ospita--"
"It's fine." Sambit niya na nagpatingala sa akin. Nakatayo na siya nang maayos at nakatingin lang din sa akin. "Tapos na." Linyang nagpamilog sa mata ko. Tapos na?
Lilinya sana ng ngiti ang labi ko nang may maalala ko. Hindi ba't nabanggit ni Lara na kapag natapos lahat ng 'to, aalis siya?
Bigla akong nalungkot, may kumirot din sa puso ko kaya umiwas ako ng tingin at napahawak sa aking dibdib.
"Haley?" Takang tawag ni Lara sa pangalan ko dahilan para higpit akong napakuyom. Ayokong tanungin, ayokong marinig 'yung sagot niya.
Nanatili lang akong tahimik, at walang ni isa sa amin ang may planong bumasag nung katahimik na 'yon.
May kumatok sa pinto kaya pareho kaming napatingin ni Lara roon. Itinulak ng kung sino ang pinto saka pumasok ang dalawang tao. I was a bit surprised when I realized na sila Jasper at Reed pala ito.
May dalang bulaklak si Jasper samantalang basket na may lamang prutas naman 'yung kay Reed.
Lumakad sila at nagulat noong makita na akong gising. Hinagis ng wala sa oras ni Jasper 'yung hawak niyang bulaklak na kaagad din namang nasalo ni Reed.
Dali-dali siyang pumunta sa akin at pasakal akong niyakap. "Hngg!"
"Haleeeeeeeeeeeee ~!" Idinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko. "Buti gising ka naaaaaaa!"
T*ngina mo, Jasper. Hindi ako makahinga!
Hinawakan ni Reed ang likurang kwelyo ni Jasper para ihiwalay siya sa akin. "Tigilan mo nga 'yan, tukmol!"
Kumukurap-kurap lang akong nakatingin kay Jasper. He's acting just fine, is he… okay now?
"Ugh! Bitaw, Reed!" Pagpupumiglas ni Jasper habang pinagmamasdan ko lang siya. Pasimple akong kumagat sa ibabang labi. Of course not, knowing him.
Mukhang tinatago lang niya kasi siya 'yung taong ayaw na ayaw na may nag-aalala sa kanya kahit siya pa mismo 'yung sobra kung mag-alala sa mga taong na sa paligid niya.
Malayo na si Jasper sa akin pero inaabot niya ako habang naluluha. Mukhang ipinag-alala ko rin siya. "Haleeeeeeeee ~!" Tawag pa niyang muli sa akin kaya hindi ko naiwasan na mapangiti. Tiningnan ko rin si Reed na napansin na nakatingin ako sa kanya. Inilipat niya ang gawi sa akin bago niya ako nginitian.
Umupo na si Lara sa stool na inuupuan niya kanina. "Kung tapos na kayong dalawa sa gagawin n'yo rito, umalis na kayo."
"What?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Reed. "Kararating lang namin."
Ngumisi si Jasper noong makaayos nang upo. "I see, na-isturbo ko ba 'yung sisterly bond n'yong dalawa?" Pang-aasar ni Jasper noong mag pogi sign siya.
Naglabas ng hangin sa ilong si Lara at humalukipkip. "What are you talking about?"
Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo. It seems that they're getting along well while I'm not around. If I were going to see this sight every day, I have nothing more to wish for.
"By the way, Haley." Tiningnan ko si Lara. "Hangga't hindi ka pa magaling dito ka muna, naiintindihan mo? Kapag umuwi ka sa bahay na puno ng pasa, masasampal ka ni…" Umiwas siya ng tingin. "Mama." Banggit niya, para siyang nahihiya.
Nagpameywang si Jasper. "But you scared the hell out of us, Haley. Ang hilig mong sumabak sa gera ng walang pasabi." Suway niya sa akin kaya napatungo ako. Hindi na ako pwedeng humirit o magbigay ng kung anong rason dahil alam ko 'yung pagkakamali ko na 'yon. Pero kasi kung sasabihin ko sa kanila, mapapahamak lang ulit sila. At ang rason, ako nanaman.
Kita ko ang pag-awang bibig ni Jasper, may sasabihin siya pero hindi na niya nagawang ituloy.
"I-Ilang araw pala akong nandito?" Tukoy ko sa pag stay ko rito sa ospital.
"Halos dalawang araw na rin." Sagot ni Reed. Sabi ko nga…
Tinuro ni Jasper si Lara gamit ang hinlalaki niyang daliri. "Saka alam mo ba, nasampal ni Tita Rachelle 'tong kapatid mo nung nalaman niya na nandoon siy-- ikaw pala sa Nwonknu."
Binigyan siya nang masamang tingin ni Lara. "Did you have to tell her that?" Iritable niyang tanong at bumuntong-hininga sabay hawak sa pisngi niya. Parang kahit hindi niya sabihin, alam kong masakit 'yung sampal sa kanya ni Mama. "Honestly, ganoon ba kapag buntis?" Taas-kilay na tanong niya ng nakatingin sa kanang bahagi.
Humagikhik si Reed. "Ganyan talaga ibang magulang. Imbes na mag-alala sila with care, sasaktan ka nila with worry kasi ayaw nila na ulitin mo 'yung pwedeng magpahamak sa'yo."
"Humph." si Lara.
Nakabuka lang ang bibig ko. Ngayon ko lang talaga nakita 'yung ganito niyang mukha. Para siyang normal na babae, hindi isang assassin.
Nanlabo ang mata ko, nagtutubig pala ito kaya pumaharap ako ng tingin sa kisame para ma-kontrol itong luhang pwedeng bumagsak. Kaso wala, eh. Bumagsak pa rin sila.
Naramdaman ko 'yung pag-aalala nila Jasper kaya kaagad kong pinunasan ang mata ko. Naiinis ako kasi palagi na lang akong umiiyak, palagi nilang nakikita na ganito ako.
At naiinis ako kasi hindi ko na ma-kontrol 'tong emosyon na mayroon ako. Gusto kong alisin 'tong panghihinang nararamdaman ko, ayoko nito.
"Ate…" Tawag ko kay Lara at lumingon sa kanya. "Salamat."
Wala siyang kahit na anong reaksiyon at iniharap lang ang ulo at tingin sa akin.
Pumikit siya. "Mmh." Sagot niya.
Reed's Point of View
Pare-pareho kaming umalis sa kwarto ni Haley. Sumama si Lara sa amin dahil may kukunin din daw siya sa compartment ng motorsiklo niya.
"Buti pala hindi sumama sila Tito Joseph sa 'yo? Kasi hindi ba't bantay sarado ka rin?" Tanong ko kay Lara na nasa harapan namin ni Jasper.
"Indeed. Kaya pinapunta ko si Roxas sa kwarto ni Haley. Nagpadala ako ng sound device, naka record 'yung sarili kong boses doon para walang ganap na panghihinala sa bahay." Tugon niya.
"Paano naman 'yung sa organisasyon n'yo? Hindi ba't hinahanap ka na rin?" Tanong naman ni Jasper saka kami pumasok sa elevator. Na sa harapan pa rin namin si Lara nang makarating sa loob paibaba.
"Sinabi kong bigyan lang nila ako nang kaunting araw at babalik din ako. Pumayag naman sila kaya walang problema." Sinasabi niya iyan na parang wala lang pero pakiramdam ko, hindi rin magandang ideya para sa kanya na manatili siya nang matagal dito.
Nakababa lang ang tingin ko sa kanya nang iharap ko na lamang ang tingin ko.
***
NAKALABAS NA kami sa ospital, bumaba kami sa iilang hakbang ng hagdan sa nagpaalam si Jasper. Magpapaalam na rin sana ako pero tinawag ako ni Lara sa buo kong pangalan kaya nagpamulsa akong lumingon sa kanya.
Inilipat niya ang tingin kay Jasper. "Kakausapin ko muna siya,"
Nagtinginan kaming dalawa ni Jasper bago namin ibalik kay Lara. Tumango si Jasper. "Sige," Sagot nito at muling ibinalik ang tingin sa akin. "Maya na lang, subukan ko lang ulit puntahan si Mirriam." Aniya at binigyan ako nang tipid na ngiti bago siya tumalikod sa akin.
Sinundan lang namin siya ng tingin ni Lara bago ako umakyat ulit para lapitan si Lara. "Ano iyon?" Tanong ko nang makarating sa tabi niya.
Tumalikod siya sa akin. "Sumunod ka sa akin, huwag tayo rito mag-usap." Nauna na siyang naglakad kaya sumunod naman ako. Tungkol saan kaya itong pag-uusapan namin?
***
TULALA AKONG NAKATINGIN sa pangalan ng kapatid ko na nakaukit doon sa bato. Motorsiklo ni Lara ang gamit para makarating kami sa lugar na ito.
"Bakit tayo narito?" Naguguluhan kong tanong at inangat ang tingin para makita si Lara na walang emosyon na nakatingin lang din sa grave stone ni Rain. Isa lang talaga ang ibig sabihin kaya kami narito kaya ganito kalakas ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako't natatakot. May ideya ako pero hindi ko 'yon masisigurado kung hindi ko maririnig 'yon tungkol sa kanya.
"Your little sister," Panimula niya. "…was from the same organization where I associated with."
May bumara sa dibdib ko. Huminto rin ang paghinga ko sa sobrang gulat.
Dahan-dahan niyang inilingon ang gawi sa akin. Ngumiti siya, ngiting magpapawasak sa puso ko. "She was killed because of me."
*****