Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 77 - No Matter What It Takes

Chapter 77 - No Matter What It Takes

Chapter 73: No Matter What It Takes 

Laraley's Point of View 

  "Pupuntahan natin ang kapatid mo." 

  Nakatingin lang ako sa kamay niya, handa ng kunin iyon nang mabilis kong ilabas ang isang baril na nakalagay sa aking poketa para iputok iyon sa binti niya. 

Malakas siyang napasigaw at napaupo sa basang simento habang namimilipit ngayon sa sakit. 

  "Tinraydor mo 'ko kahit nakikita mong seryoso ako sa sinasabi ko sa'yo?" Namimilipit nito sa sakit habang mariin na nakapikit. Dumilat lang siya para tingnan ako ng masama, subalit may ngisi rin sa kanyang labi. "Tama, bagay ka nga talaga sa' min. Demonyo ka." 

  Walang emosyon lamang akong nakatingin sa kanya nang iluhod ko ang isa kong tuhod para mas makita siya ng malapitan. 

Higpit akong humawak sa buhok niya para ilapit ang ulo niya sa akin. "So what if I am?" 

  "Hindi ako susuko." Tugon niya. "Mamatay man ako sa mga kamay mo ngayon, hindi rin magtatagal makukuha ka nila." Tukoy niya sa ibang kasamahan niya sa B.R.O. "Sila ang kukuha sa kaluluwa mo paibaba sa impyerno." 

  Wala akong imik na nakatingin sa mga mata niya na puno ng galit, at paghihinagpis. Lumalaban siya hanggang ngayon sa para saang rason? Lalo na kung makikita naman sa mata niya na handang handa na siyang mamatay ngayon? 

  "You will surely continue to be hurt from now on. You will lose a person you cared the most as you go through the path you are taking and each time you get them back, you will carry on with new, invisible wounds. Because you chose this." Nagsara lang nang kaunti ang talukap ng mata ko. "I saved you," Panimula niya sa katagang iyon na may kasamang pagseseryoso sa kanyang mukha. "But you wasted it." 

  Humigpit pa ang pagkakasabunot ko sa buhok niya kaya napaungol siya sa sakit. Tumalim ang paraan ng aking pagtingin sa kanya. "Who asked you to save me?" I asked in a deep tone voice. "How can you be so twisted, you f*cking d*ckhead?" I added. 

  Nakakagalit. Nakakagalit 'yung sinabi niya. Walang halong kasinungalingan mga lumalabas sa bibig niya, alam ko 'yon kaya mas nangangati akong pasabugin 'yung ulo niya ngayon. 

  "I have someone that I must protect." Nanigas ako pero pinilit kong hindi ipakita. "Kung hindi ako magiging masamang tao, mas manganganib siya." Napapikit ang isa niyang mata noong mukhang makaramdam ulit siya ng kirot sa natamo niyang sugat. 

  "Bakit mo 'to sinasabi sa akin ngayon? Tingin mo kapag ikinuwento mo 'yan sa akin, magbabago ang isip ko?" Umismid ako. "O baka naman ginagawa mong kaawa-awa 'yang sarili mo ngayon kasi maaga kang mapupunta sa impyerno?" 

  Patawa siyang umismid. "Maybe you're right. But do you think I ended up like this because I wanted to?" Idinikit ko sa noo niya ang front sight ng baril ko. Nakikita ko sa mata niya 'yung kalungkutan, pagsisi. Shut up… 

  "No matter how you make an effort to twist the way you live, you're also the one who chose the life you have right now. Don't you DARE play victim." Pag emphasize ko sa salita. "Hindi porke may kailangan kang iligtas, pagbibigyan kita sa gusto mo. Who do you think you are? Papatayin pa rin kita. PAPATAYIN kita."

Diin ko at sumabay ang pagpasok sa isip ko sa mukha ni Red. 

  Tumango siya. "Then shoot." 

  Umurong nang kaunti ang ulo ko. "You're not going to fight back?" 

  Pumikit siya. "Demonyo ka pero tao ka pa rin talaga. Ano naman ba'ng pakielam mo kung hindi ako lalaban?" 

  Malakas kong sinuntok ang mukha niya ng mabigat kong baril. Nakita ko ang pagtalsik ng isang piraso niyang ngipin patalbog sa kaliwang bahagi. 

Samantalang nakaharap pa rin ang mukha niya sa kaliwa. "F*ck you. You told me you have someone to protect pero ngayon hahayaan mo sarili mong patayin kita?" Marahan pero malalaman mo pa rin ang panggigil sa paraan ng aking pagsasalita. 

  "I'm giving you a favo…r-- Acck!" Ipinasok ko muna sa poketa ko ang hawak kong baril para ilabas ang kutsilyo ko't isinaksak'yun sa balikat niya. Sumigaw ulit siya sa sakit habang bumibilis na ang pagtibok ng puso ko. 

Inalis ko ang patalim at muling isinaksak sa balikat niya. Umalingawngaw sa paligid ang matinis niyang boses kahit lumalakas na ang pagbagsak ng ulan. 

  Ginalaw-galaw ko ang kutsilyo na nakabaon sa balikat niya kaya nanginginig na ang katawan niya. Maputla na ang kanyang mukha, ang bibig niya ay namumuti na.

Unti-unti niyang inangat ang kamay niya para kunin ang necklace na suot niya. Eroplano iyon na kulay silver.

  Pwersa niya iyon pinigtas saka niya inabot sa akin. "Mathilde Rosal, that's… her name." Bagsak na ang balikat niya sa panghihina habang hawak ko pa rin ang buhok niya.

Ramdam ko rin na kapag binitawan ko siya ngayon, talagang tuluyan na rin siyang hihiga padapa sa simento. "Please do give it to her, na sa ospital lang din siya kung saan mo dinala si Haley Miles Rouge…" Napapapikit-pikit na ang mata niya. "Katabi ng kwarto." Dugtong niya. 

  Nanlaki ang mata ko nang may pumasok sa isip ko. Alam niya kung saang ospital dinala si Haley pero hindi man lang niya ito ginalaw. Dahil ba nandoon 'yung taong importante sa kanya?

 

  Sandali… Hindi kaya… ginawa niya lahat ng mga ito sa kapatid ko dahil gusto niyang ipakita sa akin 'yung pwede pang mangyari kung hindi ko pipiliin 'yung buhay na pinili niya ngayon? 

  Hinawakan niya ang kamay ko na punong-puno ng dugo. Tinanggal niya ang pagkakabaon nung patalim sa balikat niya saka niya naman inilagay sa leeg niya. Hawak pa rin niya ang kamay ko't hindi inaalis. "Ikaw pa rin ang pipili… sa kung ano ang gusto mong gawin, pero kung ipagpapatuloy mo 'to. Walang ibang mangyayari sa inyo ng kapatid mo kundi kapahamakan. Walang ibang maiiwan sa 'yo kundi paghihirap." Basag na ang boses niya. 

  Nagsalubong ang kilay ko. "Silence." Pagpapatahimik ko sa kanya. 

  Labas sa ilong siyang ngumiti. "One last thing," Pahabol niya. Ibinuka niya ang bibig niya, may sinabi siya sa aking impormasyon na hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin. Kaya kumalma ako, binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa buhok niya at tumayo. 

  Binitawan ko ang kutsilyo kaya tumalbog ito sa sahig. Kinuha ko ulit ang baril ko para itutok sa noo niya. Nakaluhod na siya at handang-handa ng matapos ang lahat. Pagod at nanghihina lang siyang nakatingin sa akin noong pumikit siya. 

Pinapakiramdaman ang bawat pagbagsak ng ulan sa kanyang mukha nang tumingala pa siyanang kaunti. 

  Ipinasok ko na ang daliri ko't marahan na pinindut ang trigger. Tinapos ko na 'yung paghihirap na matagal na niyang buhat-buhat. 

Patagilid siyang bumagsak sa simento. 

  Nakarinig ako ng signal mula sa M.C.D ko. "Code 03 speaking, 10-64" Code niya kung clear ba 'yung signal. 

  "Code 00 speaking. 10-2." Code ko para sabihing nare-receive ko nang maayos 'yung message voice. 

  "Tapos na trabaho ko rito. Pero mauuna ako sa ospital dahil hindi maayos 'yung kalagayan ng kapatid mo pati 'yung adviser niya. Sinalo niya 'yung saksak na para dapat kay Haley." Aniya. Adviser niya? 

  Naalala ko nga na kasama namin siya nung makaalis kami sa basement na iyon ng B.R.O. 

  "Sige, susunod ako." Matapos kong sabihin iyon, nakarinig na ako nang ingay mula sa ibaba. Lumakas din ang tunog ng wangwang galing sa sasakyan ng mga pulis. Mukhang sila na mag-aasikaso nung gulo sa ibaba. 

  Inangat ko ang nakakuyom kong kamao para buksan ito. Tiningnan ko nang maigi 'yung kwintas bago ako magsimulang maglakad. 

*** 

  NATAPOS NA ANG gulo. Dinakip na ng mga pulis ang mga walang buhay na tao sa B.R.O. at kasalukuyang ine-imbestiga ang krimen. 

  Hinayaan lamang iyon ng mga pinadalang platoon ni General Royale dahil mahirap na kung sila pa ang masaktuhang matagpuan ng mga pulis at ilabas sa buong mundo ang tungkol sa organisasyon namin. 

 

  Samantalang nandito naman ako sa ospital kung saan huling dinala si Haley. Dumiretsyo ako sa kwarto para puntahan ang nagngangalang Mathilde Rosales. 

Nakatingin ako sa name badge na nakapaskil sa kanang bahagi nung pinto. Hinarap ko na ang tingin ko't kumatok bago ko pa-slide na binuksan 'yung pinto. 

  Bumungad sa akin ang babaeng may katandaan na nakatingin sa labas ng bintana habang nakaupo ro'n sa kanyang higaan. Lumingon siya sa akin noong agawin ko ang kanyang atensiyon. 

  Inaasahan niyang doctor ang pumasok pero noong makita niya ako ay napatikum siya. Hindi na niya nabanggit 'yung salitang doc. 

  Na sa kanang bahagi ng balikat niya ang buhok niyang nakatali. Maputla ang kanyang balat, namamalat na labi at namamayat na katawan.

  "Basang basa ka, hija. Magkakasakit ka niyan." Iyon kaagad ang bungad niya pagkakita pa lang niya sa akin. 

  Pumasok ako at isinara ang pinto. Wala akong sinasabi na kahit na ano at naglakad lamang ako palapit sa kanya. Inabot ko sa kanya 'yung kuwintas na marahan niyang kinuha. 

  Tinitigan niya 'yon nang kaunti nang bigla siyang lumuha. Nagtakip siyang bibig pero nagawa rin akong ngitian. "Salamat." Tanging salita na lumabas sa bibig niya bago ako lumabas sa kwarto niya. 

  May dumaan na doctor sa harapan ko kaya tinawag ko siya bago pa man niya ako malagpasan. Huminto naman ito at hinarap ako, inunahan ko na rin siya bago pa man siya magtanong ng walang kwentang bagay. 

  "Saan ko pwedeng malaman kung sino ang may hawak sa pasiyente sa kwartong ito." Turo ko sa name badge na sinundan ng tingin nung doctor. 

  "Ako 'yung doctor ni Mrs. Rosales," Sagot niya. "Isa ka po ba sa kamag-anak niya?" Tanong niya na hindi ko lang sinagot. Itinuloy lang niya 'yung sasabihin niya. Ngumiti siya. "Iilang araw na lang din 'yung natitira sa kanya, kaya sana mabigyan n'yo siya nang maraming oras kasama kayo ng anak niya." Tinutukoy niya siguro si Rio. 

  Tumingala lang ako para mas makita nang maayos ang mukha nung Doctor bago ko inilipat ang tingin sa pinto kung saan nakakwarto si Mathilde Rosales. 

  I see.. 

*** 

  DUMIRETSYO NAMAN ako sa kabilang ospital kung nasaan ngayon ang kapatid ko. 

Sinabi na na ni Roxas kung saang floor at kwarto kaya hindi na ako nag effort na magtanong sa mga doctor o nurses dito. 

  Binuksan ko ang sliding door at mula sa hindi kalayuan ay kausap ni Roxas ang Doctor nang mapatingin sila sa akin. 

  "So this is her twin sister." Saad nung Doctor nang makaharap sa akin. 

*** 

  UMALIS NA ANG Doctor sa private room matapos niyang maipaliwanag ang iba pang resulta sa nakuha niyang record kay Haley. 

Hindi naman daw life-threatening pero kailangan niya nang mahabaang pahinga para maka-recover 'yung katawan niya. 

  Lumakad ako palapit sa walang malay na si Haley. May nakasuksok na breathing tube sa ilong niya para makahinga siya nang maayos. Tumikhim si Roxas bago umalis sa kwartong ito noong makaramdam siya. 

  Huminga ako nang malalim saka ko ipinatong ang noo ko sa noo ng kapatid ko. Pumikit ako para pakiramdaman ang init na mayroon siya. 

"The dark can't harm you anymore, they are gone now." Tukoy ko sa mga tao sa grupo na iyon ng B.R.O. 

  Sisiguraduhin ko sa pagkakataon na 'to na hindi na sila pwedeng bumalik, 

  …no matter what it takes.

*****