Chapter 63 - Woe

Chapter 61: Woe

Lara's Point of View 

  "Okay lang ba na iwan mo sila ro'n?" Tanong ni Roxas habang tinatanggal 'yung bullet na nakabaon sa balat ng braso ko. Kagat kagat ko lamang ang panyo ko dahil ramdam ko ang nakakapaso't mahapdi na kutsilyo na isa rin sa pilit na pumapasok sa aking sugat para kunin ang laman na dapat matanggal doon. 

  Hindi ko nagawang masagot ang tanong ni Roxas at idinilat lamang ang mata para makita ang na sa harapan. 

Napatingin ang din sandali si Roxas pero itinuon din sa aking sugat. "Pero nakakagulat na may nakatama na sa 'yo, okay ka pa bang makipaglaban mamaya?"

 

  "Ang dami mong tanong, bilisan mo na lang diyan." Iritable kong wika kaya nakita ko ang pagsimangot niya. 

  "Vivien, kung ipipilit mo pa 'yang sarili mo. Mamamatay ka talaga niyan." 

Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ko hahayaan mangyari 'yan," Panimula ko. "Hangga't hindi pa namamatay lahat ng mga taong magbibigay ng sakim sa kapatid ko, hindi ko hahayaan ang sarili kong mamatay. Mamamatay muna silang lahat bago ako." 

Hindi na nakaimik si Roxas at itinuloy na lamang ang kanyang ginagawa. 

 

  Na sa isang abandonadong gusali kami ngayon na hindi naman lalayo sa ospital kung nasaan sila Mirriam Garcia. Sobrang layo kasi ng W.S.O. secondary basement kung pupunta pa kami ngayon doon para lang tanggalin itong balang tumama sa akin kaya sa ganitong paraan na lamang namin dinaan. Ayoko ring pumunta sa ospital-- 

  Napapikit ako nang mariin noong unti-unti ng nilalabas ni Roxas ang bala sa aking balat dahilan para maramdaman ko ang dugo na muli nanamang nagsisilabas. 

Ikinuyom ko ang kamao ko at tiniis ang sakit. 

Roxas' Point of View 

  Habang pilit kong inilalabas ang bala sa balat ni Vivien, hindi ko magawang maiwasan na mamangha. Wala akong inilagay na anesthesia sa kahit na saang parte ng braso niya pero ito't matatag na nagtitiis si Vivien sa sakit. 

Hanggang dito ba naman, ano? 

  "You didn't have to be stoic, you know?" Sambit ko saka ko sadyang ibinigla ang paglabas nung bala kaya napaungol na siya. Humagikhik ako. 

"You may be a tool in their eyes, but don't forget that you're still human. Don't be too hard on yourself." Wika ko saka ko tinakpan ng malinis na damit ang sugat niya. Hinigpitan ko rin ang pagbuhol ng isa pang tali na nasa taas nung sugat niya para hindi masyadong mag bleed 'yung dugo niya. 

  Tumayo ako matapos kong asikasuhin ang dapat na gawin sa sugat niya 'tapos ay sinilip ang labas ng bintana. "Hihintayin kita sa labas, may bisita yata tayo." 

Lumingon din si Vivien sa tinitingnan ko at napasingkit ang mga mata bago tumayo't isinuot ang itim niyang leather jacket. "Ako na kakausap sa kanya." Tukoy niya sa lalaking nakatayo sa labas. May linya ng ngisi sa kanyang labi. 

Haley's Point of View 

  Malakas na sampal ang natanggap ng aking pisngi matapos kong makauwi sa bahay. Sinalubong ako ni Mama na kauuwi lang galing states. 

Galit na galit na nakatingin sa akin habang hawak lang siya ni Papa sa mga braso. 

 

  "Hindi ka na nadala, ilang ulit ko ng sinabi sa 'yo na umiwas ka sa gulo pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin sumusunod!" Pagsigaw niya habang pinapakalma siya ni Papa. 

  "Tama na 'yan, hon. Masama 'yan sa magiging anak natin." Nag-aalalang sabi ni Papa. Malaki na ang tiyan ni Mama, sa month of November din kasi ang due date nito. 

  "Kanino ka nanaman ba nakipag-away? Sino 'yang mga kaaway mo? Tingnan mo ang nangyari! Pati 'yung anak ng Garcia, nadamay!" Dagdag ni Mama na hindi ko na nagawang imikan. Wala rin akong dapat na sabihin dahil hindi ko pwedeng sabihin 'yung totoong nangyari. Hindi pa ito ang oras para sabihin ko kay Mama na buhay si Lara at may nangyayari na hindi aasahan ng nakararami. 

  Kaya hindi ko rin siya masisisi kung bakit siya nagre-react ng ganito. Kasi totoo rin naman. Kasalanan ko rin kung bakit 'to nangyari. 

  Kinuyom ko ang kamao ko at napatungo na kanina'y nakaharap ang ulo sa kanan na bahagi dahil sa pwersa ng pagsampal ng aking ina sa pisngi ko. 

"Sorry" lamang ang tanging nasabi ng aking bibig na siyang nagpaluhod kay Mama sa malamig na simento at nagpahagulgol. Niluhod na rin ni Papa ang isang tuhod niya para akbayan siya at hagud-hagurin ang braso nito. 

 

  Blanko lang din ang mata ko pero umiiyak ako. Umiiyak ako kasi masakit. Wala akong magawa, eh. Nasasaktan ako sa mga nangyayari pero wala akong magawa, hindi ako makahinga. 

  "Bumalik ka na lang muna sa kwarto mo, Haley. Magpahinga ka na." ani Papa nang tingnan ako. Nung tumingala ako para makita siya, sandaling nanlaki ang mata ko. 

Kitang kita sa mata niya 'yung mata ni Mama. Nasasaktan siya. Pero wala akong ideya kung dahil ba sa nangyari sa akin o nasasaktan siya dahil lumaki akong pabigat sa kanila. 

  Parang gusto ko na lang tapusin 'yung buhay ko ngayon. 

  Bumalik nga ako sa sarili kong kwarto. Hindi na ako nagdalawang-isip. 

Binuksan ko ang pinto ko at pumasok saka dahan-dahan itong isinara kasabay ang aking pagsandal doon. Nanatili pa rin akong nakatungo, at patuloy pa rin sa pagbagsak ng luha ang aking mata. 

 

  Isa-isang bumabalik sa utak ko 'yung pangyayari ng nakaraan. Simula noong makita ko si Lara sa tapat ng gate, sila Shane na sumira sa tiwala ko, 'yung mga taong nagbigay dahilan kung bakit kinulong ko ang sarili ko sa paniniwala na hindi ko kailangan ng kahit na sino, nakikita ko rin ang mapanghusgang tingin ng mga tao, 'yung huling kita ko kay Rain nung gabing iyon, 'yung araw na ikinulong ako sa kwarto dahil sa walang kwentang kadahilanan at muntik ng mamatay, panganib na dumating sa amin ng mga kaibigan ko, 'tapos ngayon… 

  Nanakit ang lalamunan ko, naramdaman ko rin na bumaliktad ang sikmura ko kaya napahawak ako sa bibgi ko't pabagsak na lumuhod. Thinking about all of that makes me want to throw up.

"God…" Pagtawag ko sa kanya. "Kung totoo ka, tulungan mo 'ko. Tulungan mo 'ko, parang awa mo na hindi ko na kaya…" Bulong ko sa gitna ng dilim at tahimik na humikbi. 

 

*** 

  ISANG LINGGO ang nakalipas. Nakakulong pa rin ako sa kwarto ko't hindi pa rin magawang makalabas. Nandito rin si Mama at hindi umaalis dahil maliban sa malaki na nga ang kanyang tiyan, binabantayan niya ako. 

  Nagbigay payo rin ang pulis na kailangan ko munang manatili sa bahay dahil pwede rin daw akong balikan ng mga taong magbibigay nanaman sa amin ng disgrasya. Nabibigyan naman ako ng project and module nung school para hindi ako mahuli sa klase pero hindi ko rin naman nagagawa ng tama ang mga iyon. 

  At sa isang linggo na iyon, wala pa rin akong balita kung ano na ang nangyari kay Lara. Ni hindi ko nga naisip si Mirriam dahil masyado ng puno ng mga bagay bagay ang utak ko kaiisip. Ngunit sa sobrang dami, hindi ko na rin talaga alam kung ano ba talaga 'yung mga iniisip ko. 

  Palagi na lang akong nakahiga sa kama at nakatulala sa kawalan. Wala akong lakas kumilos. Pusa ko, hindi ko rin magawang alagaan nang maayos kaya si Mama pa ang nag-aalaga. 

  Napaka walang kwenta ko talaga. Ba't hindi na lang ako kunin ng Diyos kung wala naman akong nagagawang maganda sa mga taong na sa paligid ko? Ano pa'ng silbi ko? Ano pa ang mga gagawin ko rito? 

I mean, do I still have to try if things will just kept on falling apart? If I open my eyes, would the dark immobilize me? 

  May kumatok sa pinto ko kaya tiningnan ko iyon. "Pasok." Sagot ko kaya pumasok ito at tumambad sa akin itong bagong adviser naming si Sir Emmanuel. 

Iba yata ang nagbigay ng module ngayon at nagbigay pa ng effort itong adviser namin na puntahan ako rito matapos niyang malaman 'yung kumakalat na balita. 

Dahan-dahan akong umupo sa pagkakahiga ko habang patuloy lang siya sa pagpasok. Naramdaman ko ang pagmasid ng kwarto ko bago ibinalik sa akin. "Nasabi nga sa akin ng Mama mo na baka maging magulo nanaman itong kwarto mo pagkapunta ko pero hindi ko inaasahan na maayos. Okay ka na?" Tanong niya. 

Mukha siyang concern pero nararamdaman ko ring hindi at nakikipag plastikan lang siya sa akin. 

  Tumingala ako nang kaunti para makita siya. Masama lang 'yung tingin ko sa kanya pero nanatili lang itong nakangiti sa akin kaya pinanliitan ko siya ng tingin bago ako tumungo ulit. "Napapagod na akong magkalat." Sagot ko. 

  Sa isang linggo, nati-trigger ang emosyon ko gayun din ang pag-iisip ko ng mga masasamang bagay kaya hindi ko maiwasan na magwala-- nawawalan ako ng kontrol. 

  'Tapos si Mama? Tahimik lang na nililinis ang kwarto ko kaya mas lalo akong naiinis sa sarili ko. 

  Ipinatong ni Sir Emmanuel ang mga modules sa aking study table bago ako pinuntahan. "Wala ka bang balak na lumabas sa kwarto mo?" Tanong niya sa akin. 

"Hinihintay ka na ng mga kaklase mo." Dagdag niya kaya umismid ako. 

  "Ano ba'ng alam mo?" Pabalang kong tanong sa kanya. "Kung tapos ka na sa gagawin mo rito, umalis ka na. Hindi mo ba alam na ako may kasalanan kung bakit hindi pumapasok 'yong isa mong estudyante?" Tukoy ko kay Mirriam kaya naalala ko nanaman kung ano ang nangyari sa kanya. 

  Naramdaman ko ang pagguhit ng ngisi sa labi niya. Inilapit niya sa tainga ko ang labi niya at bumulong. "Alam na alam ko, kasalanan mo nga ang lahat kaya nangyayari 'yun sa kaibigan mo, 'di ba?" 

  Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya humagikhik siya. "Hindi naman masamang sisihin ang sarili, eh. Maganda nga 'yan dahil alam mo kung ano 'yang ginawa mo, aware ka. Kaysa naman isisi mo sa iba, 'di ba? Parang ang sama naman natin kung ganoon?" Pagkibit-balikat niya at lumayo na sa akin. Napatulala ako bigla. 

  "Pero kung gusto mo ng kausap, nandito lang ako. Pwede tayong mag-usap basta puntahan mo lang ako." Nakita ko sa peripheral eye view ko ang paglapag niya ng kung anong calling card sa gilid ng kama ko. "Pag-uusapan natin kung ano 'yang problema mo, lalo na sa kapatid mo." Pagtuktok niya nung calling card na siyang nagparamdam sa akin ng panlalamig. 

 

  Napatingin kaagad ako kay Sir Emmanuel. "Paano mo nalaman?!" Hindi makapaniwalang tanong. 

  "Ang alin?" Parang nagmamaang-maangan niyang tanong. 

  "S-Sa kapatid ko." Tugon ko. 

 

  Mas ngumiti lang siya. "Kaibigan ko kasi 'yung dati mong adviser." Tukoy niya kay Sir Santos. "Nakwento lang niya sa akin 'yung nangyari-- pero huwag kang mag-alala. Wala akong pinagsabihan nito kahit sa mga pulis. Kaya safe lang sa 'kin ang mga kwentong iyon, pero hindi ba't mas maganda kung may mapagsasabihan ka ng sama ng loob? Hindi ka ba naiinis sa mga nangyayari sa'yo?" Sunod-suno niyang tanong na nagpaawang-bibig lang sa akin. "Tutulungan kita. May alam ako para makalimutan mo 'yang mga poot sa dibdib mo. Tawagan mo lang ako kung handa ka na, pero mas maganda kung mamayang gabi mo 'yon gagawin. May time ako." Mahabang sabi niya at humagikhik pa nang kaunti. 

  Tiningnan niya ang wrist watch niya. "Oh, siya. Mauuna na ako dahil male-late na ako sa klase ko." Ibinaba niya ang kamay niya na kanina'y nakatingin sa relo niya. 6:30AM pa lang kasi. 

  "Hihintayin kita." Dugtong niya at tumalikod. Umalis na siya sa kwarto ko. 

  Ibinaba ko ang tingin sa calling card na nandoon lang sa tabi ko. Kinuha ko iyon at binasa. Nakalagay ang pangalan niya, address, at ang kanyang mobile number. 

Bakit mayroon siyang ganito? 

  Tanong sa sarili at umiling-iling. Bakit kailangan ko pang isipin 'yon? 

  "Tutulungan kita. May alam ako para makalimutan mo 'yang mga poot sa dibdib mo." Naalala kong sabi ng bagong adviser ko na iyon. Pagod lamang akong nakatingin sa calling card habang nakabuka nang kaunti ang aking bibig noong itikum ko iyon. 

If God won't help me, maybe... just maybe,

...he could help me see the bright light again.

Although I knew deep inside that I'm acting all blindly now because I feel it would help me, even if it's not.