Special Chapter 61.5:
Haley's Point of View
Sabog at nanliliit ang mata kong pinapanood ang mga kaibigan ko na ngayo'y na sa sala namin. Kumpleto sila at may mga kanya kanyang ginagawa.
Kakwentuhan ni Mama si Mirriam at si Kei na nakahawak doon sa tiyan niya.
Si Jasper naman ay nakikipaglaro lang kay Chummy na pilit na inaabot ang mukha upang kalmutin. Si Reed at Harvey naman ay nakapameywang na nakikipag-usap kay Papa. Day off ng parents ko ngayong araw kaya nandito sila. Gayun din sa parents ni Harvey na ngayon ay nandoon lang yata sa bahay.
At AKO rin. Day off ko-- REST day ko ngayon. Bakit nandito nanaman 'tong mga unggoy na 'to?
Kinusot ko ang mata ko. "Ano'ng mayroon? Bakit nandito kayong lahat?" Tanong ko dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.
"Oh! Yoh!" Masiglang bati ni Jasper na may paglabas pa ng ngipin noong ngumiti saka siya nakalmot ng pusa ko. Good girl.
Lumapit si Kei sa akin at inayos ang buhok ko. "Ano ba 'yan, anak. Bago ka sana lumabas ng kwarto, maging presentable ka."
"Okay lang 'yan, Ma. Sila lang naman." Tugon ko at walang gana na tiningnan si Kei. "So bakit nga kayo nandito?" Tanong ko kaya tiningnan niya ako sa mata.
"Hindi mo nabasa 'yung GC (group chat) natin? Magse-sleep over tayo kila Jasper mamaya." sagot ni Kei sa tanong ko.
"Seen seen din kasi para updated." si Reed.
Sumimangot ako. "Shut up." Tugon ko kay Reed kasabay ang pagpikit saka idinilat ang isang mata. Salubong din ang kilay ko. "And I don't wanna. Rest day ko ngayon, gimme a break." Tumalikod ako at babalik na sana sa kwarto ko pero inakbayan ako ni Jasper.
"Come on, minsan lang naman. Saka ipinagpaalam ka na namin kila Tita." Lumingon siya kay Mama. "Tita, oh?" Panunumbong nito kaya huminga ako nang malalim.
Hinawakan ko ang kamay ni Jasper na nakaakbay sa akin upang alisin sa aking balikat. "Ayoko nga, eh. Ang dami ko pang gagawin. Tinatamad din ako."
"Pagbigyan mo na sila anak. Para hindi 'yong palaging nandito ka sa bahay." Pangungunsinti pa ni Mama kaya nilingon ko kaagad siya na ngayo'y ngiting nakahawak sa kanyang pisngi.
"Palagi na nga akong na sa labas, eh!" Pasigaw kong sabi at inilipat ang tingin kay Papa. "Ayaw n'yo ba akong ka-bonding? Ngayon na nga lang kayo nakauwi?" Hindi naman sa nagtatampo ako. Excuse na rin 'to para hindi ako makalabas.
Humagikhik si Papa. "Bukas tayo aalis pagkauwi mo. Magpapahinga lang kami ni Mama mo ngayon sa bahay." At binigyan niya nang makabuluhang ngiti ang Mama ko. Ugh, adults.
Bumuntong-hininga ako. Geez, really. You're supposed to say 'no' to them.
"Pero talaga, anak? Gusto mo kami ka-bonding ng Papa mo?" Tumaas ang balahibo ko kay Mama. "Halika nga rito, bigyan mo 'ko ng kiss." Ibinuka pa niya ang mga braso niya na parang nanghihingi na sa akin ng hug kaya binigyan ko siya ng walang ganang tingin at nakaramdam nang kaunting hiya knowing na nandito mga kaibigan ko.
"Stop it, Ma. Nakakahiya."
Humawak nanaman siya sa pisngi niya. "Ang laki laki na talaga ng baby ko."
Pumaharap na lang ako ng tingin at napahawak sa noo.
***
LUMABAS AKO ng bahay matapos kong gawin ang dapat kong gawin. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa aking balikat at huminto sa paglalakad.
"Didiretsyo na ba tayo sa inyo?" Tanong ko kay Jasper at humikab.
Humarap sa akin si Jasper na nakatingin lang sa mga kaibigan namin na pumapasok sa sasakyan ni Harvey. "Oo, pagkatapos mag grocery rin tayo dahil wala na rin talagang laman 'yung refrigerator at wala sila Manang kaya tayo lang din 'yong magluluto."
"Lahat tayo? Ba't hindi na lang isa sa 'tin pumunta ng grocery para mabilis?" suhestiyon ko saka ipinagkrus ang aking mga kamay. "Pero iwan ako sa inyo, ako ang magluluto. Ilista ko na lang din 'yung dapat na bilhin. Ayokong makasalamuha ng maraming tao ngayon…" Muli akong napahikabvg. This sucks. Gusto kong mahiga.
Inilagay ni Jasper ang kaliwang kamay sa beywang niya. "Good point." Lumingon siya kila Kei. "Pwedeng maiwan 'yung iba sa 'tin sa mansion, 'tapos 'yung iba mag grocery na. Sabihin na lang ni Haley 'yung mga dapat na bilhin."
"Ah, then siguro sama ako sa grocery?" Taas-kamay ni Mirriam.
Tumango si Harvey. "Ayokong magpahiram ng sasakyan kaya sasama ako. Baka may makagasgas nanaman." si Harvey sabay tingin kay Jasper dahilan para nerbyosin ang mokong.
Tinuro din ni Jasper ang sarili niya. "A-Ako ba?" Nauutal at ngiti na tanong nito at humawak sa likurang ulo na may kasamang paghagikhik. "E-Edi sasama na rin ako. Ano gusto mo? White Chocolate--" Bumaba si Harvey sa sasakyan para banatan si Jasper, pero tumakbo rin palayo si Jasper para hindi siya mahabol. "Iyahh ~ Hinahabol ako ng manyakis! Tulong!"
"T*ngina mo!" Giit na sabi ni Harvey kaya walang gana namin silang tiningnan ni Mirriam. Samantalang nakangiti lang si Kei.
"Seryoso, ilang taon na nga kayo?" si Mirriam.
"Hoy, ayaw mong pumasok at nakatayo ka pa diyan? Walang bubuhat sa 'yo para ipasok ka rito sa sasakyan, ah? Ang bagal mo talaga kahit kailan." Pang-aasar nanaman ni Reed kaya may pumitik na kung ano sa sintido ko, ramdam ko rin na umaakyat ang dugo sa ulo ko sa inis. Huwag mo 'kong masimulan ngayon, Reed Evans.
Pumasok na nga lang ako sasakyan at padabog na isinara ang pinto nung makaayos.
"Hoy, Haley! Dahan-dahan naman sa pagsara ng pinto!" Bulyaw ni Harvey mula sa labas, nakabukas naman kasi ang window.
Nakatingin lang ako sa kanya noong sipain ko ang gilid ng kanyang pinto dahilan para magulat siya sa ginawa ko at balak din akong sugurin pero ni-locked ko ang pinto.
"Haley…" Tawag ni Mirriam para suwayin ako. Pero umirap lang ako sa kawalan at sumandal na lamang.
Harvey's Point of View
Naihatid na namin sila Kei, Reed, at Haley sa bahay ni Jasper kaya ngayon ay dumiretsyo naman kami sa grocery para makapagpamili ng kakainin para mamayang lunch. Pwede naman kaming um-order na lang pero ginagawa na lang namin 'yon kapag alanganin ang oras o tinatamad ang isa sa amin na magluto-- pero alam nating si Haley ang gumagawa ng lahat ng pagluluto.
"Well, I love you." Rinig kong sabi ni Jasper na tulak-tulak ang push cart. Kasabay niyang maglakad si Mirriam sa likod habang nagtititingin lang ako ng pinapabili ni Haley.
"Don't say disgusting things like that!" si Mirriam.
"Wow. You've got a great expression there. I see, you're happy. I'm glad. Did you know? Your face is my favorite." Landi ni Jasper, ampota.
"What the hell do you think you're saying? Makapagsabi ka ng ganyan, 'kala mo talaga hindi mo rin 'yan sinabi kay Kei dati." Nagsalubong ang kilay ko noong marinig ko ang pangalan ni Kei.
"I never did. But I would be lying kung sinabi kong hindi ko nga iniisip 'ya--" Nakita ko sa peripheral eye view na bigla siyang sinasakal sakal ni Mirriam.
"Napaka ewan mo talaga kahit kailan! Hindi mo dapat sinabi 'yan sa babaeng nililigawan mo!"
"A-Ahh ~ Choke me." Biro ni Jasper kaya napasapo na lang ako't napabuntong-hininga. Nag vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko iyon, nag message si Haley. Binasa ko lang ang message niya at nilingon ang dalawa na patuloy pa rin sa paghaharutan. "Okay, tama na 'yan love birds. Kumuha na muna kayo ng dalawang kilong hipon 'tapos isang sako ng bigas."
"Ako na lang sa hipon." Volunteer ni Mirriam at naunang umalis. Ganoon din si Jasper. Ilang minuto lang noong makabalik din sila kaagad, nilapag nila 'yung mga kailangan sa push cart pero umalis din kaagad. Ilang segundo, mayroon silang dala-dalang pagkain na hindi naman kailangan.
"Gusto ko nito." Tukoy ni Mirriam sa dala-dala niyang mga gummies.
"Mirri, hindi ka dapat kumakain ng ganyan, gusto mo bang masira 'yang maganda mong ngipin?"
"How 'bout you then? Gusto mo bang tumaba at magka-cancer?"
"Cancer? Hindi naman! Kaunti lang 'to, eh."
"Jasper, anim lang tayo and we don't need that."
"Same with your gummies. Ba't ang dami niyan?"
"Kei and Haley likes them. Bakit ba?"
At hindi na sila natigil sa pag a-argue nilang dalawa na tipong pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan kaya pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim.
Pagkatapos ay inis silang nilingon. "Hindi na kayo bata, ah? Hindi n'yo kukunin 'yan." Iritable kong sabi sa kanila kaya kumurap-kurap sila at ngumuso.
"Cheapskate." Sabay na sabi nung dalawa.
Haley's Point of View
Pumunta ako sa pahabang sofa para maupo. Nailagay na namin 'yong mga gamit namin sa gagamiting kwarto para hindi nakakalat dito sa sala.
Na sa likod sila Reed at Kei dahil kukunin din nila sa garahe 'yong barbeque grill habang nagpaiwan naman ako rito. Oo, tinatamad akong gumalaw galaw.
Humawak ako sa noo ko at napakagat-labi. Krr! Gusto kong manood ng Anime at KDrama! Gusto kong magbasa ng manga, light novel, Wattpad ngayon! Pero ano'ng ginagawa ko rito? Bakit ba hindi ko makuha 'yong alone time na gusto ko?!
Humiga na nga lang ako at tumitig sa kisame. Medyo nanlalabo at sumasakit na ang mata ko kaya pumikit muna ako sandali. Pero hindi ko namalayan, na sa pagpikit ko ay siyang tuluyan sa pagtulog ko.
Reed's Point of View
Nakabalik na ako mula sa pagbubuhat ng Barbeque Grill sa likod ng mansiyon. Si Kei, nandoon lang sa likod at kukunin pa 'yong iba pang gamit habang pupuntahan ko naman si Haley para tawagin siya. Subalit papunta ako sa sala ay natatanaw ko ang natutulog na si Haley sa pahabang sofa.
Pumapasok ang hangin mula sa bintana dahilan para umangat-angat ang puting kurtina. Ang tahimik nung lugar kaya naririnig ko ang maliit at kaunting tunog na lumalabas sa bibig niya.
Lumapit ako sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mukha. Nakapatong ang kaliwa niyang kamay sa kanyang tiyan habang nakatabingi nang kaunti ang ulo niya kung saan nakatapat na ngayon ang mukha nito sa akin.
Ilang minuto rin yata akong nakatitig sa kanya noong magpasya akong lumuhod para makita nang maigi ang mahimbing na natutulog niyang mukha.
Hinawi ko ang buhok niya sa kanyang tainga na biglang bumagsak saka ko hinawakan ang pisngi niya. "Pagod ka siguro, ano? Naiwan ka lang sandali, nakatulog ka na 'agad." Tanong ko sa kanya kahit wala naman akong makukuhang sagot.
Hinimas ko nang kaunti ang pisngi niya gamit ang hinlalaki ko, mayamaya pa nang magulat na lang din ako dahil sa biglaan niyang paghawak sa aking kamay na nakahawak nga roon sa pisngi niya. Parang huminto 'yong pagtibok ng puso ko sa sobrang kabado, balak ko pa ngang alisin dahil baka mamaya, magising siya pero hindi ko na itinuloy lalo pa noong marinig ko ang paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ko.
"Reed…" Tawag niya sa aking pangalan. "Make sure… you're happy, okay?" Bumuka ang bibig ko. Sleep talking?
"I'm… always here… Idiot." Nanatili lamang na nakabuka ang bibig ko nang gumuhit nang linya ang labi ko.
Humagikhik din ako. "Sana ganyan ka rin kalambing kapag gising ka." Sambit ko at mas lumapad pa ang ngiti. Ang unfair kasi kung hahalikan kita rito ng 'di mo alam.
Kei's Point of View
Tagilid akong nakasandal sa pader habang ngiting tinitingnan sila Reed na titig na titig sa natutulog na si Haley.
Naglabas ako ng hangin sa ilong at hindi na muna inisturbo si Reed. "Good luck, Reed."
*****