Chapter 15: Hombre
Mirriam's Point of View
"We love golden chains, we love diamond rings
We could always gain them designer things
Versace, Prada, Rolex or Mercedes Benz
The grind will never end, oh" Kasalukuyan akong nakikipag-usap sa kaklase ko ngayon na sa totoo lang ay lasing na lasing kaya hindi ko na rin maintidihan 'yung mga pinagsasasabi. Noong nalaman nila na nalasing si Haley, kaagad-agad pumunta ang iba sa kanila sa Dim Bar.
At dahil nag-aalala si Kei na baka may hindi magandang mangyari, pinabantayan niya 'yung iba naming kaklase kina John dahil paniguradong si Kei ang malalagot kapag nagkaro'n ng problema ang klase namin.
"Got my eyes on the prize, but it won't mean much
Without you by my side
Yeah, we all fantasize 'bout our cash going up
But your love ain't got a price"
Kung anu-ano na 'yung sinasabi ng kaharap ko ngayon kaya tumatangu-tango na lamang ako. Pero sinasabi ko sa inyo, hindi n'yo malalaman kung anong lengguwahe 'yung ginagamit niya kung nagja-Japanese ba, Korean, Chinese o Alien language.
"Ching Vhang Chu? Wae? Bou? Boku Ken ni, taa! Ha! Ha! Ha! Wo... Ai... Arghh!" Tapos bagsak niyang pinatong 'yung noo niya sa kanyang kanan na palad.
Dito kami nakaupo sa isang pahabang lobby chair. Pauuwiin na rin kasi itong kaklase kong ito dahil wasted na. Hinihintay lang ang kasama niya nang maiuwi sa bahay.
"With you, I'm try'na kick it, kick it, kick it
With you, I wanna kick it, kick it, kick it
'Cause you turn up my spirit, spirit, spirit
Let's take the script and flip it, flip it
Flip this, flip this thing up"
Napatayo ako upang silipin ang mukha niya.
A-Ano ng nangyari? Nakatulog na ba?
Tanong ko sa isip at umayos ng tayo para luminga-linga. Nasa'n na rin ba 'yung mga kasama ko?
"Alam mo..." Nilingon ko si Xander-- na iyon ngang kaklase ko.
Iniangat niya ang ulo niya at lasing na tiningnan ako. "Ikaw..." Tinuro ko ang sarili ko nang ituro niya ako.
"Bakit? Ano meron?" Taka kong sabi.
"Yeah, we flip this thing up
Kick it, kick it, kick it
With you, I wanna kick it, kick it, kick it
'Cause you turn up my spirit, spirit, spirit
Let's take the script and flip it, flip it
We love traveling, we love catching flights
We'll do anything to be in paradise
Ibiza or Bahamas just to live the life
But it's you that makes me feel alive"
Tiningnan ko ang pulso ko kung nasa'n ang relo ko.
11:35 PM. Gabi na rin pala... Sakto lang uuwi na itong si Xander.
"Got my eyes on the prize, but it won't mean much
Without you by my side
Yeah, we all fantasize 'bout our cash going up
But your love ain't got a price"
"Ikaw..." pag-uulit niya kaya simangot akong umupong muli, ipinatong ko ang kamay ko sa aking kandungan.
"Xander, kaya mo bang mag-isa rito? Maiwan muna sandali kita, kailangan ko kasing--"
Humawak siya sa kamay ko kaya napatigil ako sa aking sinasabi. "Waaaaggg!" Udyok niya na may mahabang tunog. "Dito ka lang! May sasabihin ako sa 'yo."
Ibinaba ko ang tingin lalo sa kanya 'tapos inilipat sa kamay niya.
"Oy, tumigil ka na nga riyan, Xander" Suway ng kararating na si Xylin, ang bunsong kapatid niya. Nasabing adopted sister niya ito.
"With you, I'm tryna kick it, kick it, kick it
With you, I wanna kick it, kick it, kick it
'Cause you turn up my spirit, spirit, spirit
Let's take the script and flip it, flip it
Flip this, flip this thing up
Yeah, we flip this thing up
Kick it, kick it, kick it
With you, I wanna kick it, kick it, kick it
Spirit, spirit, spirit
Let's take the script and flip it, flip it"
Isinandal ni Xylin si Xander habang nag-aalalang nakatingin dito. Napabitaw na rin si Xander sa pagkakahawak sa kamay ko.
Lumingon si Xylin sa akin. "Pagpasensyahan mo na 'tong kapatid ko, ah?" Tipid akong ngumiti at natawa.
"Ah, wala 'yon." Pag-iling ko. "Nasa'n na pala si Enrico? Ang tagal naman yata no'n? Para sana makauwi na rin kayo." Saad ko saka siya bumuntong-hininga.
"Mag-uuwi raw siya ng pagkain, sayang daw kasi kung uuwi siya ng walang pagkaing dala. Pero papunta na rin 'yon dito." Sagot niya 'tapos humarap sa gawi ko. "Ano nga pa lang pinagsasasabi ng kapatid ko habang wala ako?" Tanong niya na may halong kuryosidad.
"Ano? Wala naman, kung meron man, hindi ko rin naitindihan." Sagot ko.
"If I ever played 'em on the lotto
I'd still want you with me here tomorrow
Lead me to your love and I would follow
Then I'll be a winner wherever I go"
"Gusto kita, Mirriam!" Biglaang pag-amin ni Xander kaya lumingon ako sa kanya na may nakakagulat na tingin sa aking mukha.
"S-Saan naman 'yan nanggaling?!" Namumula kong reaksiyon. Nakatitig lang siya sa akin nang bigla niyang ibinagsak ang ulo niya't nakatulog.
Inilagay ni Xylin ang dalawang kamay niya sa kanyang likuran at bumuntong-hininga. "You're so hopeless..." Pakikipag-usap niya kay Xander at nginitian ako. "To tell you honest, my brother have a crush on you ever since."
Tinuro ko ang sarili ko. "Me?"
She nodded. "Yes, palagi niya ngang sinasabi sa akin na kung hindi lang daw siya torpe, matagal pa lang. Umamin na siya without using alcohol." Muli siyang napabuntong-hininga habang inilayo ko naman ang tingin. Ah, torpe. May kilala akong dalawang tao.
Napasapo si Xylin. "Now that he already confessed in such an ugly way, I'm honestly embarrassed just by watching him. It sucks." Pag-iling niya 'tapos inangat ang tingin sa akin. "Kapag nakita mo siya sa Monday, just act like nothing happened." Pagkibit-balikat niya. "Ah, siya nga pala, alam kong umuwi na si Haley pero parang nakita ko siyang pumasok sa Dim Bar bago ako pumunta rito."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ha? Baka kamukha lang niya?"
Humalukipkip siya't itinangala ang tingin papunta sa kisame. "Maybe, pagod na rin kasi 'yung mata ko. Pero tayo tayo lang naman ang tao sa convention ngayon, 'di ba?" Paninigurado niya 'tapos napatakip sa kanyang bibig. "Iyon ba 'yung tinatawag nila sa Doppelganger?!" Natataranta niyang tanong dahilan para pilit ko siyang nginitian.
"Pagod ka lang, Xylin." Saad ko 'tapos tumalikod sa kanya. "Oh, siya. Tutal nandiyan ka naman na, aalis na ako. Kailangan ko na rin kasi talagang mag banyo." Paalam ko at lumakad na. Kinawayan lang niya ako.
"Kick it, kick it, kick it
With you, I wanna kick it, kick it, kick it
'Cause you turn up my spirit, spirit, spirit
Let's take the script and flip it, flip it"
Tunog ng heels ko ang maririnig nang makarating ako sa hallway. Naglililinga ako para maghanap ng banyo dahil kanina pa talaga sumasakit 'yung tiyan ko. Gawa yata ito ng pagkain na kinain ko kanina, hindi ko namalayan na napasobra.
"Dapat pala sumama na ako kina Kimberly kanina nung nagbanyo sila." Bulong sa sarili at napahinto nang sumakit ang paa ko.
Nagsusuot naman ako ng heels pero hindi ganito kataas. Kung pwede lang talagang magsuot ng flat shoes, iyon na lang sinuot ko nang 'di naman ako nahihirapan ng ganito. Wala pa man din akong dalang band-aid.
Tinanggal ko na nga lang ang heels ko at nag bend nang kaunti para kunin ang heels, pagkatapos lumakad na para maghanap ng banyo.
Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap pero sa kakaikot ko, narumihan na rin 'yung paa ko.
Sinuot ko ulit 'yung heels. Madumi ang banyo kaya kailangan kong suotin ulit yung heels kahit ang sakit sakit na sa paa.
Pumasok na ako sa comfort room at hindi inaasahang tatambad sa akin si Jasper.
Tinakpan niya ang naka-topless niyang katawan with matching pag atras.
"Iyahh desu wa ~" Malanding paggamit ng Japanese ni Jasper bilang reaksiyon niya. "H-Hindi ko alam na may pagnanasa ka sa akin, Mirri." Kunot-noo akong kumurap-kurap bago lumabas para tingnan ang signage.
FEMALE.
Pumasok ulit ako sa banyo at binigyan siya ng walang ganang tingin. "GIRLS Comfort Room ito, Jasper kung hindi mo alam." Sambit ko kasabay ang paghalukipkip.
Tumawa siya't humawak sa kanyang batok. "Puro suka na kasi 'yung banyo namin kaya nakigami--" Lumapit ako sa kanya at tinutulak-tulak siya gamit ang hintuturo ko.
Umaatras naman siya. "Huwag mo 'kong bigyan ng ganyang rason. I get it, okay?Pero wala akong pakielam kung puro suka ang banyo n'yo pero hindi ka dapat pumunta rito, it's a girl's comfort room for pete's sake. Iba na ang mga kababaihan sa panahon ngayon, naiintindihan mo?" Pagdikit ko ng hintuturo sa ilong niya. "They're pretty aggressive, you should take care of yourself, idiot." At idinaan ko daliri ko sa ilong niya
Humawak naman siya sa ilong niya. "Sino ba talaga ang lalaki sa 'ting dalawa at ganyan ka kung mag-alala sa akin?" Nakasimangot niyang tanong 'tapos humawak sa kamay ko na ginamit ko sa pagtuturo sa kanya. "Wala kang dapat na ipag-alala, kahit na ano namang mangyari, sa 'yo pa rin bagsak ko." Paglabas ng ngipin niya nang ngitian niya ako.
Tinulak ko naman siya palayo sa akin dahil ang lapit lapit niya, pagkatapos ay tumalikod kasabay ang aking pagtikhim.
"Stop it, will you? Not because I allowed you to court me, maniniwala na ako sa mga sinasabi mo." Panimula ko at nilingon siya. "Give me convincing words instead of those cheap smooth talk na ginagamit madalas ng mga f*ckboy."
Para naman siyang binagsakan ng mabigat na bato dahil sa sinabi ko. "A-Aray ko, masakit." Paghawak niya sa puso niya na parang tinagusan siya ng kung anong matalim doon.
I hopelessly sighed. "Oh, siya. Kunin mo na 'yang mga gamit mo, umalis ka na rito bago ka pa maabutan ng kung sino."
Sumunod nga siya gaya ng sinabi ko. Kinuha na niya 'yung mga gamit niya habang nakanguso 'tapos bagsak ang balikat na naglakad para umalis. "Gusto ko pa rito, eh..." Nagtatampo niyang sabi na animo'y isang bata.
"Gag* ka talaga, huwag kang lalapit lapit sa akin kapag may sumigaw na manyak kapag nakita ka, ah?" Sambit ko at tumingala. Pero mayro'n bang magbabalak sumigaw niyon sa kanya?
"Sorry na..." Paghingi niya ng pasensiya at lumabas na nga sa banyo.
Humarap ako sa mga nakalinyang cubicle at humawka sa sikmura ko. Nawala 'yung sakit.
Nautot ako bigla kaya ngiti akong napapikit. "Kabag, I see..." Sabi sa sarili.
Marahas na nagbukas ang pinto. Nilingon ko iyon at napagtantong pumasok nanaman si Jasper dala ang mga damit niya. "Bakit ka nanaman bumalik dit--" Hinila niya ako paloob sa pinakadulong cubicle.
Malakas niyang isinara ang pinto. "J-Jaspe--" Tinakpan niya ang bibig ko na siya naman ang kasabay ng pagpasok ng kung sino.
At kung minalas malas nga naman dahil sila Trixie, Kath at Aiz pala ito.
"Gosh! Just look what you've done to my clothes!" Maarteng daing ni Aiz
"Ugh, shut up, girl." Mataray naman na sabi ni Trixie.
Ba't sa lahat pa ng tao, sila pa 'yung nandito?
"Yuck, naaamoy mo ba 'yon? Amoy tae." si Kath.
"Baka hininga mo 'yun, teh." Bato naman ni Aiz.
Nakatingin lang ako sa pinto nang lumingon ako kay Jasper.
Wala pa din itong suot at hawak lang niya ang mga damit niya.
Lumunok ako nang laway at mahigpit na kinuyom ang mga kamao.
I want to get out of here!
Mukha namang napansin ni Jasper ang kilos ko kaya nginisihan niya ako.
Humarap siya sa akin kaya umiling naman ako at sumenyas na manahimik na lamang siya.
Sumandal ako sa Pallet wood wall ng cubicle na ito habang dahan-dahan namang inilagay ni Jasper ang kanan niyang kamay sa tabi ng ulo ko. Mas lumapad ang ngisi niya kumpara kanina kaya inis ko siyang tiningnan.
Kapag talaga tayo nahuli sa ginagawa mo, sasapakin talaga kita Jasper Kyle Villanueva!
"Girl, natatae yata ako?" Hindi siguradong sambit ni Kath.
"Ugh! Bakit ba kayo ang nakasama ko? Nasaan na ba 'yung press powder ko? Nakaka-stress kayo, eh" Waarteng wika ni Aiz at may kinalikot sa bag niya. Naririnig ko, eh.
"Kunan mo nga ako ng tissue, nasusuka nanaman ako..." Rinig ko namang sabi ni Trixie. Marami yata ang nainum ng babaeng ito.
"You're not allowed to drink for awhile." Sabay na wika ni Kath at Aiz.
Kung anu-ano lang ang ginagawa nila sa labas ng cubicle pero hindi sila gumamit ng inodoro, kaya panatag na kami ngayon ni Jasper lalo pa't kalalabas lang nung tatlo.
Lumabas kami sa loob ng cubicle at nagpakawala nang maraming hininga. "That was close" Saad ko 'tapos malakas na kinotongan si Jasper. Tumagilid siya ng tayo na napahawak sa kanyang ulo. "Kaunting ingay, mapapahamak talaga tayo sa ginagawa mo!" Bulyaw ko sa kanya pero ngumuso siya.
"Ginagaya ko lang 'yung madalas kong mabasa sa manga at KDrama na ipinasa ni Kei sa akin, eh." Rason niya 'tapos nag "hehe"
Sinuntok ko ang braso niya. "Anong hehe ka riyan! Kapag nahuli tayo nung tatlong 'yun at nalaman ng school, pwede tayong ma-suspend!" Sinasabihan ko na siya pero parang hindi niya sineseryoso dahil nakangiti lang siya.
Humawak ako sa noo ko. "Hay! bahala ka na--" Nakaramdam nanaman ako ng pananakit ng tiyan. Sa pagkakataon na 'to, hindi na ako pwedeng magkamali na kailangan kong magbawas.
Tinulak ko paalis sa dinadaanan ko si Jasper para pumasok sa bakanteng cubicle. Malakas kong isinara ang pinto.
"Oops, lalabas na ako. Baka 'di ko makayanan 'yung amoy." Pang-aasar ni Jasper kaya minura ko. Pero ang bumalik, "I love you too, Mirri." Malambing niyang sabi dahilan para mamilog ang mata ko. Narinig ko na ang paglabas at pagsara niya ng pinto kaya naiwan na lang akong mag-isa rito.
Luminya ang ngiti sa labi ko. "Geez."