Virdjana's POV
Nag-desisyon akong tulugan ang mga klase ni Professor Jelina at Professor Luke, pero . Batay sa naaalala ko, mukhang may nabanggit ang mga kaklase kong tungkol sa isang event bukas. Mukhang matutuwa si Reggie kapag nalaman nitong tama siya na wala akong mapapala sa pag-accept ng offer ni Tandang Shin.
Nang nmagising ako ay iilang estudyante na lamang ng S-Class ang naiwan, kagaya ng key holder na si Lizbeth, Ice Enchant na si Genesis at Speedster na si Jeffrey.. Walang naglakas-loob na gisingin ako pero inaasahan ko na rin naman iyon. Hindi siguro nila nagustuhan ang inasta ko noong unang araw ko dito.
Nagpasya na akong ayusin ang ilang gamit kong nakalatag sa desk na nga pala ay provided ni Master Shin, hindi ko alam kung anong tunay na pakay ng Master na iyon basta ba hindi ko na kinakailangan gumastos sa pang-mayamang paaralan na ito.
"See you bukas, Miss Assassin." nakangiting paalam sa akin ni Jeffrey.
Pagkatapos lumabas ng classroom ay kinapa ko ang key card na natagpuan ko sa loob ng aking bag. Ini-inspect ko ito nang malapitan nang mapansin ko ang isang matangkad na lalakeng na nakasandal malapit sa susunod na kanto. Nakapamulsa ito na parang may inaabangan.
"Excuse me!" tawag-pansin niya sa akin. Lumingon naman ako at tiningnan siya, lumapit siya sa akin, at doon ko mas naramdaman ang height difference.
The most noticeable part of his get up is the silver necklace he was wearing adorned with a blue fire pendant. He began waving at my direction, and from my experience the friendly types can be the most chaotic ones.
"Talk to me, I need to ask you something." sabi niya, pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Edi, iikot na lang ako.
Maghahanap sana ako ng ibang madadaanan nang hawakan ako nito sa braso bago humarang sa dadaanan ko.
"Did you see Kadaski Nueva? And in case you don't know him because I can tell that you are new here. He's this tall, has black hair and is good looking. One more thing, he sounds bossy, temperamental and is a Fire Enchant." Ispisipikong pagtatanong niya sa akin.
'Alam na alam ko kung sino ang tinutukoy niya at wala akong planong amining magkakilala kami ng Nueva na iyon.' sa isip-isip ko lang.
"Not really." I answered coldly.
"Really?" he responded, giving me a disappointed look.
"Really." maikli kong sagot saka nagsimulang maglakad palayo sabay activate ng teleportation.
Nakarating na ako sa tapat ng dorm ko sa may pinto. Ang dorm namin ay halo ang babae at lalake pero magkaiba pagdating sa floor level, ang mga lalake ay nasa una at ikalawang palapag samantalang ang mga kababaihan ay nasa ikatlo at ikaapat na palapag ng gusali.
"He's crazy." a voice in my head echoed.
The voice was none other than my guardian telepathically communicating with me. Nagpalinga-linga ako kung sakaling magpakita siya pero mukhang tinatamad na naman iyong magpakita.
I opened the door to my room by placing my right hand to a square-thingy, then a blue line scanned my hand, giving me access to enter the room. It seems like the key card was for locking it from the inside.
"Woah, that's cool." Reggie said in amazement. "In my days, people rarely use relics as a common part of our lives. I wonder how much did these cost?"
Nauna siyang pumasok sa kuwarto at mukhang aliw-aliw na sa iba't-ibang laki ng cabinets at disenyo sa loob, hinawakan pa niya nga ang pader at nagkaroon ng isang ripple doon.
"Tama ang hinala ko Virdjana, mayroong invisible sound barrier ang bawat kuwarto. Kaya hindi ako makatatagos sa dingding at soundproof din dito." pagpapaliwanag ni Reggie.
"That's good to know. I'm a very private person." I uttered placing down my books on the bed.
Pumasok na ako at isinara ang pintuan, awtomatiko na itong nagkandado at umilaw ng pula ang isang maliit na button sa itaas na bahagi nito. Ipinatong ko ang aking bag sa kama bago ilinabas ang mga papel na pinagsulatan ko ng mga lecture sa wikang Arcacian, mga low-tier ang Enchantments at general runes ng mahika.
"Well I'm done reviewing and as far as I can remember our teacher said that we are going to have a test. In that case I'm prepared." sabi ko sa sarili saka isinilid ang mga papel sa loob bag. Humiga na ako sa kama at nagpasiyang magpahinga na.
"Wait, what am I doing?" napa-upo ako ulit, at umiling-iling. "Is starting a new life as a student going to be this easy?"
"You'll soon get tired of this." began Reggie who appeared laying on the bed beside me, "but I would admit this is not entirely bad. You get a break from your bounty hunters. Not to mention, that this place has an accessible library. The History of your clan could be here Vi. Think about your Nana Cosu and your mother."
"Oh, shut up. I'm tired and I don't wanna hear those things." I mumbled before taking off my necklace.
-
Nagising ako dahil sa isang kakaibang musika na ngayon ko pa lang naririnig. Pinukpok ko na ang magalaw na orasang nakapatong sa maliit na mesa na kapantay ng kama ko. Tinuruan naman ako ni Reggie na ganito daw iyong nakita niyang paraan na pagpapatigil nito.
"Bakit mo inihinto?!" Biglang nagpakita si Reggie sa tabi ko habang nakasimangot,"nasa chorus na eh!," giit pa niya.
"Baliw ka ba? Ang ingay kaya, ang lapit-lapit pa sa tainga ko." Naaasar kong sabi saka ako bumangon.
Pumasok na ako sa klase ng tahimik at nakita kong nakatingin lahat ng kaklase ko sa akin. Napatingin din tuloy ako sa sarili ko. Tama naman ang pagkakasuot ko ng uniporme ah. Lumingon rin ako kung sakaling may sumusunod pa rin sa aking Arcamy Guards.
"False alarm." narinig kong sabi ni Ruby.
May ilang bumuntong-hininga at may ilang natawa. Mayroon ding na-disappoint, napansing kong may mga hawak ang ilang babae ng placards na may nakasulat na 'Welcome back, Drago!'at may disenyong pang mga puso.
"Virdjana, umupo ka na nga doon sa puwesto mo!" maangas na utos sa akin ng kabarkada ni Ertune.
"Tumigil ka nga! Huwag mong awayin si Virdjana. Hindi mo ba alam na si Master Shin pala ang nag-recruit sa kaniya sa school?" saway naman ni Ertune.
"Pagpasensiyahan mo na siya Virdjana talagang nakahithit lang yata ito ngayon ng dahon ng Juliamericana." sabi ni Ertune saka ngumiti.
"Hindi kaya." mabilis na pagrereklamo ng kaibigan nito.
Umiling-iling na lang ako at tinungo ang upuan ko.
Mayamaya ay biglang may nagsitakbuhan na mga kaklase namin papasok sa classroom. Samantalang tahimik naman ang grupo nina Ruby at sina Ertune. Sa kabilang banda, kapansin-pansin ang masasamang tingin nila kay Kadaski na may hawak-hawak na sulat at nakatitig lang sa may pintuan na waring may hinihintay.
"Andiyan na ba siya?" tanong ng isa naming classmate na natatakpan ng bangs ang mga mata.
"Drago Arcedes is back guys!" anunsiyo ni Lizbeth.
"Paano na ang paghahari ko dito sa loob ng room?!" nakasimangot na sabi ni Ertune.
Tinawanan naman siya ng mga barkada niyang walang pakinabang na sa tingin ko ay alam lang gawin ay pagtawanan ang kamalasan ng lider nila.
Napatingin ako sa orasan namin sa room, mayroon pa namang sampung minuto bago magsimula ang unang asignatura namin. Tumayo ako para lumabas, makapag-hanap lamang ng katahimikan.
Nagkataon namang tumayo rin si Kadaski at inunahan niya kong lumabas kaya nasagi niya ang balikat ko. Bakit ang bilis niyang maglakad? Anong problema noon?
Dumiretso ako sa may cafeteria at bumili ng buko juice. Bumalik naman ako kaagad. On my way, nakita ko si Kadaski na nakasandal sa dingding, nakapoker face pero halatang namomobrelema siya. Ano kayang trip nito at nawawala't sumusulpot?
"Hoy ikaw!" seryosong tawag-pansin niya sa akin, pero linagpasan ko lang siya at nagpanggap na parang walang narinig.
'Pasensya na, wala lang talaga ako sa mood kaya talagang mangdededma ako pagdating sa mga 'hoy ikaw' na iyan.' sa isip-isip ko lang.
Nagulat ako ng bigla niya akong hinatak sa uniporme at saka itinulak sa pader na kanina lang ay sinasandalan niya. Sa totoo lang ang lapit-lapit na ng mga mukha namin sa isa't-isa at hindi ko nagugustuhan ang agresibong ugali niya.
"Stay away from Drago, dahil nakikita kong isa ka sa mga taong maaaring maging masamang impluwensiya sa kaniya." Sabi niya.
"Drago?" simpleng tanong ko dahil totoo namang wala akong kilalang Drago.
"You know what? Nevermind" sabi niya, sabay kamot sa ulo at hakbang paatras.
Tinaasan ko lamang ito ng kilay. Pasalamat siya at maganda ang mood ko dahil sa buko juice na ito, kung hindi ay hinambalos ko na siya ng hangin.
Nang makalayo na si Kadaski ay umilaw ang kuwintas ko at lumabas si Reggie. "Vi, bakit hinayaan mo lang na gawin sa iyo iyon ni Nueva?! Sinuntok mo na sana." galit niyang pahayag.
"I was caught off guard." dahilan ko.
"Nakakaramdam ka naman ng papalapit na panganib ah." sabi ni Reggie.
"Panganib iyong ginawa niya? Sabihin mo, isa lang siyang malaking isip-bata." natatawa kong pahayag bago lumiko sa kanan at magpatuloy sa pagtakbo.
"Argh, bahala ka. Basta babantayan ko iyang lalakeng iyan." sabi ni Reggie saka biglang naglaho.
I ignored his comments and went back to the class where I was greeted by the stranger I met earlier with a smile.
"Welcome back." the red-haired told me.
'Did he just smile at me?' tanong ko sa sarili bago tunguhin ang upuan ko.
"And welcome back Mr. Drago Arcedes" magiliw na bati ni Professor Edric, ang Strategist teacher na naka-agaw ng atensiyon ng klase na kararating rin lang sa classroom. Nagkatipon-tipon tuloy kami sa may puwertahan ng S-Class.
"We are going to have a test today, prepare children." said our Professor.
"Good luck." narinig kong sabi ni Drago kung kaninuman, tumingin pa ako sa likod ko kung may iba pang tao sa paligid.
"I'm talking to you." Drago chuckled before going to his seat.
Kaniya-kaniya nang naglabasan ng papel at enchanted pens ang lahat ng S-Class students. Iba ang test dito sa amin dahil wala kaming sinusulatan, oo may patungan ang notes namin pero pag sa test binibigyan kami ng enchanted pen na kayang magsulat sa hangin at ang kulay ng ink ay gawa sa glitters na lalabas sa pen depende sa naisip mong mga letra.
"First question! What do you call the students studying in Arcacia?" unang tanong ni Sir.
"The Boss." sabi ni Ertune habang naka-cross arms.
"Incorrect! Umayos ka Sir Merdenia." nakangiti ngunit nakaktakot na sabi ni Sir.
"Enchants ma'am. Ako na ang sasagot para kay Ertune, masyado kasing ma-trip eh." sagot ni Genesis.
"Thank you Genesis." responded Sir Edric.
"Second question. Ano ang tawag natin sa mga hukbo ng kadilimang gumugulo sa mundong ito?" nag-flick ulit si sir ng kaniyang daliri at lumabas ang 5 seconds countdown sa ere.
"Dark Casters. Mostly ang kapangyarihan nila ay kadiliman, witchery o pangkukulam, nightmares, diseases o kamatayan." sagot ni Drago na may kasama pang trivia.
"Very good." Nakangiting puri ni Sir Edric.
Drago's POV
Ang dali naman ng mga tanong ni sir ngayon. Sa pagkakatanda ko, bago ako umalis para sa misyon ko. Matatapang ang tanong ni sir at nahihirapan ang karamihan sa pagsagot. Mukhang nag-lay low si professor. Dahil ba sa bagong estudyante na ito?
"Third question. Related to sa strategy at acceptable ang kahit anong sagot ninyo." saad ni sir.
"I'll answer." sabi nitong baguhan.
"Okay, this is my question for you Miss?" mukhang hindi rin siya kilala ni sir.
"Virdjana Phantom Assassin." she stated.
'What a unique name.' sa isip-isip ko lang.
"My question Miss Assassin is, what is the best fighting strategy?" saad ni sir.
Nagkatinginan kaming magka-k-klase sapagkat isa iyong trick question.
"I believe that a strategy could only be considered the best when victory is ensured. Someone both skilled physically, and mentally prepared would have a better chance of executing plans smoothly. There is also the factor of a good leader, that becomes the foundation of trust of an army. With that said, the best strategy is to be able to accomplish the goal with the zero to little casualties on my side." mahabang sagot niya.
The class went silent, and I did not understand why. I heard from Zeky that there is a transfer student in our class, so it is to be expected that she should be at least this smart.
"Hey Jeffrey, what's with the silence?" I whispered.
"Oh right, you didn't know that she was originally from the Common Ranked Class, but was transferred her when she started beating up the girls there when she heard of the name of your bestfriend Kadaski." he explained in a similar way.
I got more curious when I heard what Jeffrey said, so I asked one more thing, "Why did she do that? Is she another rabid fangirl?"
Jeffrey chuckled at my comment, so I raised an eyebrow. I genuinely wanted to know because that was the usual reason and girl quarrel surrounding Kadaski.
"Asked Virdjana yourself. She's kind of intimidating, and hard to approach, but hey she's not boring- ow!." Jeffrey remarked before straightening from his seat when Professor Edric hit his head with an enchanted eraser.
"Mr. Arcedes, Speedster. Pay attention." said Professor with a smile.
"Hmm. Well that's the bell, by the way class Cloak Declaration will be held in each classroom tomorrow morning. Please prepare yourselves, dahil mag-gagraduate na ang batch you sa susunod na mga buwan. I want you to bring out your full potential." paalala ni Sir Edric saka lumabas ng classroom.
Naghiyawan ang karamihan, at napangiti ako sa narinig. Binalingan ko si Aski at ngumiti ito ng makitang nakangiti ako. "Finally." I saw him mouthed.
The only individual that looked totally uninterested, at least in my perspective, was the transfer student.