Chereads / Eumythymn Hunter / Chapter 4 - Define a Rebel

Chapter 4 - Define a Rebel

Kadaski's POV

"Ang sakit ng ulo ko, ang hirap talaga matulog."

Panibagong araw, panibagong problema. Wala naman sana akong intensiyon na sumigaw ng alas-sais ng umaga, kaso ng tumingin ako sa salamin ay nakita ko ang malalim na eyebugs sa ilalim ng mga mata ko. eh, kaaga-aga. Mas malala yata ito kung ikukumpara ko sa nakaraang linggo.

Sa kasamaang-palad ay wala na akong oras para magluksa sa nagkulang kung tulog dahil magsisimula na ang klase. Sa loob ng labing-limang minuto ay nakapaghanda na ako, hindi ko na rin linock ang pinto ng dorm-room ko at kumaripas na nang takbo patungo sa hallways.

"Bilis, bilis, bilis."

Nagkasalubong kami ng kaibigan kong si JP Streamwave sa cafeteria, and as usual tambak ang bitbit nitong mga papeles. Isa kasi itong assistant sa Masters' Faculty Office. Anong klaseng pressure kaya ang nararamdaman nito araw-araw?

"Morning!" Magiliw niyang bati.

"Anong nakain mo at ang sigla yata ng mood mo ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"May bagong salta daw sa klase ninyo. Nakisilip ako, hahaha~. Hindi ka man lang nagkukuwento pare, ang sabi babae." nakaungos niyang saad.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." sabi ko naman, pero hindi ko maiwasang maisagi sa isipan ang babaeng magnanakaw mula kagabi.

"Asus, lokohan ba ito? Sigurado ka?" Tanong niya.

"Oo nga!" Inis kong sabi kasabay ng paggulo ko sa buhok ko.

"Makikita mo at tingnan natin kung hindi ka matutulala. Sige, papasok na rin ako sa klase. Balitaan mo na lang ako kung natipuhan mo ha? Kasi, kung hindi akin na lang. Hahaha." sabi ni JP sabay diretso sa kabilang classroom.

"Ewan ko sa iyo. Malamang hindi." pahabol ko pa.

Pagkapasok ko sa classroom ay nakita ko ang mga kaklase ko na nagkukumpulan sa isang kanto ng classroom. May bagong classmate nga siguro kami, pero bakit maraming interesado sa kaniya? Maganda ba? Matalino?

Didiretso na sana ako sa upuan ko ng may umakbay sa akin. Damn, this annoying vibe is coming from Ertune Merdinia.

"Alisin mo nga ang kamay mo sa akin." seryoso kong pagkakasabi.

"Ano ba kill joy ka naman Nueva!" sabi nitong mokong na naka-akbay sa akin bago alisin ang kamay niya at saka tumawa.

"Anong kill joy? Wala pa nga akong ginagawa para ika-killjoy ng mukha mo!" kunot-noo kong pahayag.

"Wala ako sa mood para sa mga kalokohan mo." seryoso kong baling kay Ertune kasabay ng paglikha ko ng tatlong bolang apoy sa paligid niya.

"Hala, chill lang Kadaski." nakangisi niyang sabi," gusto ko lamang namang magkuwento nang narinig kong tsismis mula sa Common Ranked Classes."

Mas pinagliyab ko pa ang mga bolang apoy na nakapalibot kay Ertune. Napansin kong nakuha ko ang atensyon ng buong klase kaya nagsimula na ang mga bulungan sa paligid. "Ano naman ang kinalaman ko sa tsismis na iyan?"

"May bagong estudyante na sumali sa klase nila at ang balita raw ay ikaw ang dahilan kaya nagkaroon ng away. Mukhang pinag-aagawan ka raw." natatawa nitong pahayag.

Hindi na bago sa akin ang mga awayan ng mga kababaihan, dahil isa ako sa mga sikat na estudyante sa paaralang ito.

"Ertune, parang hindi ka na nasanay." komento ng kaklase naming si Lizbeth na umirap pa sa akin bago umupo sa upuan nito. "Listen up, the juicier news is that we're also getting a new classmate. That person better be worthy of the S-Class, quite ridiculous if you ask me, a transferee on our 2nd semester as fourth year students?"

The bell rang signalling that classes would begin soon.

"Masuwerte ka." asar kong sabi kay Ertune, saka inapula ang mga bolang apoy at umupo na sa aking puwesto.

"Tsk." Narinig kong reaksyon ni Ertune at saka tinungo ang kaniyang upuan.

"Good morning class." Bati ni Ma'am Jelina.

Nanatili ang katamtamang ingay dulot ng mga bulungan. Tahimik naman akong naghintay na ipakilala ni Ma'am Jelina ang bago naming kaklase, "Ehem, malamang ay nabalitaan na ninyong may transferee student na magiging kaklase ninyo. Guards, ipasok niyo na siya dito."

Dalawang Arcamy Guards, mga roaming security ng paaralan, ang pumasok sa classroom ng may hawak-hawak nang tig-isa sa braso ng isang naka-hoodie na indibidwal. Halatang nagpupumiglas ang babaeng ito, ngunit hindi naman nagpapatalo sa pisikal na lakas ang mga guwardiya.

"Bibitawan na ba namin Professor?" tanong ng isang Arcamy.

"Bilisan niyo lang ang pag-lock ng pintuan pagkatapos." utos ni Ma'am Jelina.

Tumango naman ang dalawang guwardiya at sa loob ng limang segundo ay binitawan nila ang babae saka agad na lumaas sa silid-paaralan namin para lamang tumayo sa labas nito upang magbantay.

"What the hell is happening?" tanong ng kaklase naming gangster na si Ruby.

"Language." saway ni Professor.

"Fuck, I was not expecting to be cornered." saad naman ng supposed transfer student.

"Ugh," napa-masahe ng noo si Professor bago itinuro ang bagong salta gamit ang kaniyang palad, "everyone this is Virdjana Phantom Assassin, the transfer student." pagpapakilala sa kaniya ni Ma'am Jelina.

"Looks obvious ma'am." pahayag ni Ruby saka humalakhak nang nakakainsulto. Sumabay rin sa kaniyang pagtawa ang mga ka-member nito sa gang.

"Quiet, Miss Xercedes." saway ko kay Ruby, sabay tingin sa kaniya ng matalim.

"Quiet, Miss Xercedes. Sure, boy wonder! Ha,ha, ha!" she responded mockingly.

"Everyone, quiet down. You are supposed to act as a role model to others ,especially to those who are younger than you." galit na pahayag ni Professor Jelina.

Suddenly, the whole room went silent. Yikes, I guess I should practice my intimidation skills more.

"Ma'am, I have a question." I raised my hand in the process, and when Professor Jelina gave me a go, I asked, "why were the guards holding her harshly earlier?"

"Ah, that." Miss Jelina gulped and chuckled, "I can't necessarily tell you the details Kadaski Nueva."

"Kadaski Nueva?" the trasnferee student echoed as she removes her hoodie in the process.

The first thing I noticed was her familiar smirk, then her face. Silent Thief?! The sheer shock got me standing up from my seat, causing my chair to flip over behind me.

Isang awkward na katahimikan ang bumalot sa classroom namin, not until biglang umubo ang isa sa mga kaklase namin.

"I smell tea." a girl classmate chuckled.

Tsk, she's trying to get on my nerves again.

"What is going on? Whatever that is, tackle the matter later. Kadaski, sit down." naguguluhang sabi ng aming Professor. "As I was saying, Miss Assassin would be your new classmate. She's new to everything, so don't go easy on her."

Did I hear that right? I slowly sat down as I process the words that Miss Jelina told the class.

Tiningnan ko ang mga mukha ng kaklase ko. Mayroong nagpakita ng inis, tuwa, at pagkabigla.

Ah, oo nga pala. That kind of greeting for newbies is like a ritual in every class, students testing the capabilities of the likes. I don't participate in those things, only petty individuals do so. I'm more of the observant type. I don't start fights at all.

"EHEM." Napabaling ang lahat sa pigurang nakatayo sa may pintuan.

"M-Master Shin." gulat na usal ni Ma'am Jelina at saka yumuko bilang pagbibigay-galang. Binalingan kami ni Ma'am Jelina ng matalim na tingin kaya nagsitayuan din kami, pati ako ay tumayo at nagbigay-galang.

"Magandang Umaga Master Shin!" saad ng buong klase maliban kay Assassin na tumingin lamang sa direksiyon ni Master Shin.

Tinanguan lamang kami ni Master Shin bilang pagbati.

"Professor Jelina?" panimula ni Master Shin, "to the faculty office please."

"Right away, Master. Alright class, wait for your next teacher. Accommodate your classmate while I'm gone." Miss Jelina reminded before leaving the classroom.

Bago tumalikod si Master Shin ay nagtama ang aming paningin, at laking-takot ko ng kinindatan ako nito. 'This is bad, this is bad, this is bad. Whatever that means I'm getting unwanted vibes from it.'

"Enjoy your new class, Miss Assassin. If I had known that you'd cause a ruckus at the Common Rank Class over Kadaski Nueva, then I should have assigned you here at S-Class right away. Ha! Ha!" Master Shin lastly stated, before walking away with both hands on his back.

The deafening silence that soon swallowed the room made my blood boil.

"W-wait, so the rumor was true?" Ertune asked his friend Genesis out of confusion.

"Oh my god, so the reason why she's part of us now was because she's thirsty for boy wonder?" cackled Ruby. "Ha! You're so getting kicked out later. You won't last long." she told Virdjana Phantom Assassin.

Out of nowhere, a knife came flying that landed on Ruby's desk. It was the Silent Thief who threw it, her smirk unfading, one feet on top of the table. "If you wanted to fight me so badly, beg."

The whole room gasped. Oo, kasama ako. Hindi kasi ako makapaniwalang may isasama pa pala ang ugali ng magnanakaw na ito, ngunit alam kong hindi ito ang oras para maki-react rin ako sa nangyayari.

"Don't need to, we can begin right now." halakhak ni Ruby saka tumayo at itinapon sa ere ang mismong desk niya para mawalan ng sagabal.

Paano ko nalaman? Dahil ganito rin mismo ang ginawa niya nang ma-promote ako sa S-Class last year. Ang pinag-kaiba nga lang ay mabilis ko siyang napa-atras at hindi nagtagal ang laban namin.

"Tulong!" sigaw ng isa naming classmate na matatamaan na sana ng mesa kung hindi lang ito agad napalutang ni Lizbeth Torres, isang Gravity Enchant.

"Oh my brownie, get a grip. You should be used to this kind of mess." she sassily remarked to the brown-haired, placing the desk on the other side of the room.

Muling tumunog ang bell na hudyat nang susunod na subject. "Literal na saved by the bell. I suggest you sit down Miss Assassin, you wouldn't want to anger the next professor." nakangiting pahayag ni Genesis tungo kay Silent Thief.

I gave Ruby a glance, and as soon as I saw her putting her hands in front of her mouth, I knew that she had other plans. I closed my eyes and told myself that this is none of my business, but as soon as more of my classmates started covering their ears I found myself running to the bowl of water on the shelf.

"Yeah, not the best idea." I stated, before quickly throwing it to Ruby causing her to choke on live goldfish.

"Good Morning S-Class Fourth Year Students." bati ng boses ni Professor Luke, ngunit natigilan na lamang ito sa kaniyang nadatnan. "Hmm, as lively as ever! Let's start our class" Inilapag niya na sa mesa ang mga libro niyang dala-dala.

Pagtingin ko sa mga kaklase ko ay may ilang nag-facepalm, nagsimulang magkuwentuhan, nayamot at naghandang matulog.

"Please pay attention." sabi ni Sir Luke at saka nagsimulang magsulat sa pisara.

"Gago ka Nueva!" maiyak-iyak na reklamo ni Ruby.

At least Ruby finally calmed down, but what about Silent Thief? I quickly bat my attention to her, only to see her grabbing the desk of Ruby and taking it as hers. She had already pulled the knife out of it, and sat on the table like a street thug. Wait, she is a street thug.

"Students, tatalakayin natin ngayon ang kasaysayan ng bawat village na pinagmulan ng mga angkan at ninuno ninyo. Ating pag-aaralan kung kailan ito binuo, ano ang mga naging sikat na bagay rito, anong mga espesyal sa lugar na ito, paano patuloy na nagiging progresibo at kung paano ito nawala o bumagsak." Pag-iisa-iisa ni Sir Luke sa mga lesson.

"Why did she stop?" I asked Jeffrey, a speedster.

"Kadaski, it's probably because Miss Assassin can sense how powerful Prof. Luke is." he whispered.

Virdjana's POV

This is gonna be totally boring.

"Students, tatalakayin natin ngayon ang kasaysayan ng bawat village na pinagmulan ng mga angkan at ninuno ninyo. Ating pag-aaralan kung kailan ito binuo, ano ang mga naging sikat na bagay rito, anong mga espesyal sa lugar na ito, paano patuloy na nagiging progresibo at kung paano ito nawala o bumagsak kung mayroon man." Pagsisimula ni Sir Luke sa lesson.

Pagbagsak ng village?

"So, magsisimula tayo sa Frost village o ang Faramis Clan, kung saan ang mga mamamayan ay may kakayahang manipulahin ang tubig, yelo, niyebe at panahon. Napaunlad ito sa panahon ng pamamahala ni Pinunong Hegara ang kasalukuyang Water Master mga 20 taon na ang nakalilipas. Sila ang nagsusuplay ng masaganang daloy ng katubigan sa palibot ng buong siyudad ng Arcacia. Magagaling silang gumamit ng pana at palaso." Pagkukuwento ni Sir Luke.

Oho? Isn't this information part of the basics? Anyone in the society knows about these things? What is this class, elementary? I chuckled to myself.

"Ang sunod naman ay ang Blaze Village o Karthalia Clan kung saan naninirahan ang mga taong may kakayahang manipulahin o gumawa ng apoy, liwanag, init, inceneration, kakayahang tunawin ang mga bagay at ilan pang may kaugnayan sa mataas na temperatura. Si Master Yoto ang kasalukuyang namamahala sa Blaze Village na ngayon ay nasa kanyang ika-apat na taon na. Sila ang pinagkukunan ng kuryente ng siyudad ng Arcacia sa paraan ng Geothermal Energy. Mahusay sila sa paggamit ng mga latigo." Pagpapatuloy ni Sir Luke at hinarap pa ang klase.

"Karthalians." I unconsciously reached out to my nape, and when I realize it I stopped and rolled my eyes.

"Ang mga katanungan ay ipagsantabi na muna ninyo mamaya at aking sasagutin ang lahat ng iyan. Matagal na akong nagtuturo kaya marami na akong nalalaman." Nakangiting saad ni sir saka muling humarap sa pisara at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Ang ikatlong Village ay ang Eco Village o ang Veniceum Clan kung saan naman matatagpuan ang mga mamamayang may kakayahan sa nature, wood, mud, clay, mga kapangyarihang konektado sa daigdig at lupa. Ang kasalukuyang namamahala ay si Master Jellea na nasa kaniyang ika-dalawampu't-dalawang taon na sa katungkulan (22). Siya ang pinakabata sa mga Master na namamahala ng mga maliliit na bayan. Ang Eco Village ay progresibo sa kanilang kabuhayan sa agrikultura maging sa pag-co-cross breed ng iba't-ibang species ng Mutania Plants, tatalakayin iyan ng inyong Nature Subject Teacher. Mahuhusay sila sa paggamit ng mga sibat at medisina." Pagkukuwento pa ni Sir.

"Ang susunod ay ang Physicia Village, ang Restovakia Clan, para malinaw sila ang mga mamamayan ng Arcacia na hindi gumagamit ng mga elemento. Hindi natin alam kung sino ang kanilang Founder." tumikhim si Sir.

"Hindi rin nila kayang matuto ng maraming abilidad dahil ang isang indibidwal ay may isa lamang na kakayahan. Bilang halimbawa ay isang estudyante na ang kakayahan ay ang paglipad at paglipad lamang o hindi naman kaya ay mind reading lamang. Interesting sila, ipinapangako ko!" enthusiastic na pagpapaliwanag ni Sir Luke.

Mukhang mahaba-haba ito, nararamdaman ko.

"Bagamat limitado lamang sa isa ang kanilang mga kakayahan at hindi sila gumagamit ng mga puwersa ng mundo upang mapalakas ang kanilang abilidad. Sila ang may pinaka-diverse na lahi. Mabilis matuto at sila ang bumubuo ng 60% ng mga mamamayan sa ating siyudad, sila ang pinakamarami. Sa main city ng Arcacia, marami ring mga Restovakian ang may malalaking pangalan at negosyo." pagmamadali ni Sir kasabay ng pagsilip sa kaniyang relo.

"And lastly ang Clan ng Eumythymn sa Hurricania Village, kung saan naninirahan ang mga Enchant na may kaugnayan sa hangin o mga posibilidad na maaaring yariin ng imahinasyon Wind manipulators ay maaaring magkatotoo. Ang drawback lang o disadvantage kuno ay sila naman ang mga taong nangangailangan ng ibayong pagsasanay na kadalasang lumalampas ng isang taon, isang dekada depende naman sa taong ito." pagpapatuloy ni Sir kasabay ng pagbura sa mga nauna niya ng naisulat.

Tama siya. Matagal nga akong nagsasanay at hindi ko pa rin masasabing bihasa na ako. Naghirap akong husto sa mga pagsasanay sa akin ng Guardian ko dahil mas madalas ay nasosobrahan ako sa paggamit o kaya'y nagkakamali. Sampung taon ang iginugol ko para sabay-sabay na matutuhan ang mga abilidad ko ngayon.

"Halimbawa ay pag-aanyong hangin, pagkontrol sa panahon, pagpapalutang ng mga bagay gamit ang hangin. Nananatiling misteryo sa mga libro sa kung sino ang naging Founder ng lugar na ito, at kagaya ng alam ng karamihan. Tuluyan nang naglaho ang bayang ito."

"Sir, sino po ang Founder ng Hurricania?" patayo pang pahabol ng isa sa kaklase ko.

"Hear that? Well, that's the bell" sabi ni Professor Luke bago mamaalam.

Mukhang ako lang yata ang nakinig eh, kasi pagtunog ng bell ay biglang naghiyawan ang mga kaklase ko.

Plano ko sanang tumakas muli sa mga klase, pero magiging mahirap iyon lalo't hindi pa rin linulubayan ng mga guwardiyang nakadakip sa akin kanina ang pinto ng classroom.

"Stand up, don't forget that we are not done with you, newbie." sabi sa akin nitong babaeng may kulay-rosas na buhok, Ruby ata ang pangalan, sa likuran niya ay apat pang mga babae galing rin sa klaseng ito.

I glanced at the guards standing on the door and they don't seem to have plans to move away, that was until one of Ruby's gangmates whispered something to them. Both guards nodded and began walking away.

Connections. That's the word that would describe what just happened right there.

"What are you waiting for?" smirked Ruby as she leads the way out of the classroom.