"What are you waiting for?" smirked Ruby as she leads the way out of the classroom.
Virdjana's POV
As the group guides me to my quote-unquote inevitable defeat, I noticed how other students where glancing at our direction from time to time. Of course, that got me curious, but I see no importance to ask.
"Para sa kaalaman mo, kami ang TM, short for Trouble Makers." pagsisimula ni Ruby.
"Trouble Makers. Do you live up to that silly name?" I asked while following them.
"That's right newbie. At hindi kami natatakot sa iyo, binigyan ka lang namin ng oras na makapaghanda." sabi ni Ruby.
Ang daldal nitong Ruby, malamang siya ang pinuno sa lima.
"Huwag na, kayo ang mangangailangan ng paghahanda." nakangisi kong pahayag.
Nagtinginan silang magkakagrupo na waring hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Halatang hindi nila nagustuhan ang sinabi ko. Tumigil sila sa paglalakad nang ini-angat ni Ruby ang isa sa kaniyang mga palad, saka tinanguan ang isa sa kasamahan.
Those kind of secretive glances are not giving me a good feeling, so I immediately connected with the necklace to use one of its ability - mind-reading.
'Use your elemental weapons as soon as we get there. She would be forced to reveal her power then.' thought Ruby.
Is that so? I kept the information to myself.
Nakarating na kami sa likod ng isang gusaling may bakas na nang kalumaan. Medyo madilim din ang paligid buhat nang mayayabong na sanga ng mga punong-kahoy. Ayon kay Ruby madalas dito nagaganap ang mga hamunan.
"Is there a rule?" I asked.
"Well, natanong mo naman lang gagawa na ako." mukhang nagalak na pag-sang-ayon ni Ruby.
"First rule, ikaw laban sa amin lima. Second rule, bawal gumamit ng sandata o armas." Dagdag ni Ruby.
"I know something is still lingering in your mind." I said.
"Tama ka, physical strength only. Looks like we'll announce the winner now." Ruby stated with a teasing smile.
What a little liar. Hindi na ako umimik at agad umatake, sinugod ko ang babaeng pinakamalapit sa akin, ginamitan ko siya ng roundhouse-kick at inasinta ko ang ulo niya kaya nawalan ito ng balanse.
"Ang bilis niya." gulat na sabi ng isa sa lima.
"Tch, be alert." narinig ko sabi ni Ruby.
Sunod kong tinungo ang dalawang babae magkatabi na halos dalawang metro ang layo sa akin. Napansin nila na papalapit na ako kaya naging alerto sila at itinaas ang mga kamao bilang paghahanda.
"How dare you hurt Laylah!" sigaw ng isa sa akin.
"This is a fight. Don't forget about that." I stated.
Inobserbahan ko muna ang posisyon nilang dalawa nang ilang segundo saka sumugod at binigyan ang isa ng upper-cut at siniko ko naman sa tiyan ang katabi nito.
"Three down." I said facing Ruby and her other companion.
Ruby sneered at me. Tumalon si Ruby at akmang sisipain ako sa ulo ngunit nakayuko, hinatak ko siya sa damit kaya bumagsak siya sa lupa. Ang hindi ko inaasahan ay ang bigla nitong pagsigaw sa harap ng mukha ko.
"What the hell?" I cursed as I notice that it was not a normal kind of scream. My eyes widening when I saw visible circular waves flying towards me. "Sound magic."
Nakatalon siya palayo at naramdaman kong muli niyang uulitin ang sound attack niya. Naging mas alerto ako pero bago pa mangyari ang inaasahan ay bigla na lamang napalibutan ng apoy si Ruby at nagulat siya dahil doon, maging ako.
"Ruby, umalis kayo dito, isama mo na iyang mga kaibigan mo!" sigaw ng isang lalake bago magpakita at tumalon paibaba sa isang puno.
"Huh? Who are you to command me what to do?" maangas na tugon ni Ruby sa lalake.
Hindi ko maaninag ang mukha ng lalake dahil nakatayo ito sa ilalim ng puno at paminsang natatakpan ng mga dahon. Lalo pa niyang pinalakas ang apoy dahilan para mataranta si Ruby at ang mga kasamahan nitong naka-recover na sa mga atake ko kanila.
"What the heck?! Put this out, this instant!" Ruby ordered, more like pleaded.
The guy walked out from the shadows of the tree, his hair swaying to the left and right slightly due to the breeze. His gazes were fixed to Ruby and his gang, but for the next minute it shifted towards me and changed into a playful look. He also smirked at me.
"Kadaski Nueva." I unintentionally spoke his name outloud because of surprise.
"That's me." tugon niya.
"Siya nga pala, magta-time na. Mga limang minuto na lang at magsisimula na ang sunod na asignatura. Wala ba kayong balak na bumalik na sa classroom?" tanong nito sa lahat.
"You asshole! Put this out or else!" pagbabanta ni Ruby kay Kadaski.
"Or else ano? Halata namang wala kang magagawa laban sa apoy ko. Titigil ba kayo sa away na ito o titigil?" seryosong tanong ni Kadaski sa mga babae.
"Damn, whatever. Fine! Fine!" napipilitang sabi ni Ruby.
"Mabuti." Kibit-balikat na sabi ni Kadaski at inapula na ang apoy. Pinanood niya pa ang pag-alis ng lima na inaalalayan ang bawat isa.
"Ikaw? Wala ka bang balak na bumalik sa -" pagbaling sa akin ni Kadaski ngunit hindi niya na natapos ang sinasabi niya nang talikuran ko siya at saka nagsimulang tumakbo palayo.
"Saan ka pupunta?!" pasigaw na tanong ni Kadaski.
"Escaping? What do you think?" I responded as I click of my tongue out of annoyance.
Kadaski's POV
[One Hour Earlier]
Pinanood ko lang ang pag-alis ng anim sa classroom. Hindi ako iyong tipong nakiki-alam sa trip ng iba, not unless it's something of my level.
"Psst, Kadaski. Saan tungo nila? 15 minutes na lang at darating na ang Veniceum Mentor natin." tanong sa akin ni Jeffrey.
"Hindi ko rin alam. Hayaan mo na sila, malay mo naman kung kasali na iyong Assassin na iyon sa Trouble Makers." sabi ko na lang.
"Edi, pigilan mong mangyari iyon! Isa kang miyembro ng Enchanted Elites maging si President Zeky. Ituwid ninyo siya." giit ni Jeffrey.
Bumuntong-hininga ako at umiling-iling.
"Kahit kailan talaga Jeffrey." sabi ko naman. "Encahnted Elites only handle missions that could affect the number of people living in a community with a population of 1000 and above. Their cat fight can be handled by Arcamy guards." I explained as I return my attention to the comic book I was reading during History class.
Jeffrey started making concerned expressions.
"Ikaw na lang kayang sumunod, gusto mo?" pamimilosopo ko.
"I'll tell Zeky that you broke the curfew last night." Jeffrey remarked with a grin.
Natigilan ako at napabuntong-hininga. "Fine."
[Present]
"Escaping? What do you think?" I responded as I click my tongue out of annoyance.
Nang nagsimula na itong tumakbo palayo sa akin, noong una ay naisip kong hayaan na lang ito. Sa kasamaang-palad ay mas nanaig ang boses sa isip ko na nagsasabing dapat kong panindigan ang sinabing kong babantayan ko ang mga kilos ng magnanakaw na ito.
"Malamang ay may ninakaw ka kina Ruby ano?" sadya kong panunudya, umaasa na matigilan ito sa kinatatayuan niya.
Natigilan ito ngunit hindi umimik. May sasabihin kaya siya? Bring it, I have my ways to insult you back. Yet minutes had passed but she didn't say a word.
"Phantom?" pabulong kong banggit sa ikalawang pangalan nito.
Isang malakas na bugso ng hangin ang biglang nakapag-patumba sa akin sa damuhan, at nagpatuloy ito kaya napilitan akong ipikit ang aking mga mata. Nang tumigil na ang bugso ay wala na ang Silent Thief sa aking harapan.
Dang, was that a spell?
Napagpasiyahan ko na lang na bumalik sa classroom. Nang makarating ako sa hallway ng silid-aralan namin ay hindi ko inaasahang bumalik na naman iyong dalawang Arcamy Guard mula kanina. Binigyang-daan nila ako para makabalik ako sa klase, ngunit ang mas nakagugulat ay nasa loob rin si Phantom.
"Got caught again?" I grinned to annoy her.
She gave me a middle finger.
"I knew it, teaaaaaaaaaaaaaaa." sigaw ng isa sa likuran ko bago sumunod and pagtatawanan ng mga kaklaseng nakakita ng ginawa ni Phantom.
Lumipas ang oras at natapos na ang mga asignatura nang hindi na nakatakas pa sa classroom si Phantom. At sa eksaktong pagtunog ng huling bell ay saka na umalis ang mga Arcamy Guards.
"So, who won the welcoming ritual?" curious na tanong ni Ertune kay Ruby.
"Huwag mo nga akong kausapin." pagtataray ni Ruby sa Nature Enchant.
I felt the sharp glares of the TMs behind me, so I glared back.
"Everyone to your dorms. Magsasara na ako ng classroom." Lizbeth announced.
Everyone started packing until the person who are left in the room was Lizbeth, Phantom and I. Seconds later, Phantom raised her head and quickly dashed out of the classroom startling the both of us.
"What was that?" Lizbeth surprisingly asked.
Sinundan ko si Phantom para sana pagsabihan at mayamaya ay natanaw ko na siyang naglalakad. Makakalabit ko na sana ito nang may mabangga siyang taong may dala-dalang sandamakmak at patong-patong na papeles. Nagliparan ang mga papel at nagsibagsakan sa pasilyo, nakita kong nataranta ang lalake kaya wala akong nagawa kung hindi ang tulungan itong magpulot ng mga papel.
"Aski? Walang hiya ka bakit mo ako binangga, bulag ka na ba?!" tanong ng nagtataka at pamilyar na boses.
Pag-angat ko ng tingin ay si JP pala ang lalake na nabangga ni Phantom.
"Hindi ako ang nakabangga sa iyo. Yung Phantom na iyon!" pagpapaliwanag ko.
"Phantom? Ano iyon, iyong mga dark shadows na nasa ilalim ng command ng mga Casters?!" gulat na tanong ni JP.
"Hindi, iyong bagong kaklase namin si Virdjana Phantom Assassin." paglilinaw ko.
Napasipol naman si JP at binigyan ako ng nang mapang-asar na tingin at ngisi.
"What?" tanong ko dahil hindi ko nagustuhan ang reaksiyon niya.
Natulungan ko naman sana si JP sa pagpulot ng mga papel, ngunit nawala naman tuloy si Phantom sa paningin ko.
Sumunod na umaga, nadatnan ko si Phantom sa upuan niya habang nagbabasa ng kung anong magazine. Lalapit sana ako upang umusisa nang tumunog na ang bell. Pumasok na rin si Professor Jelina na may kasamang guards na muling nagbantay sa pintuan.
'Jeez, seryoso ba talaga si Master Shin sa pinag-gagawa niya? Napapayag niya nga ang Silent Thief pero kailangan niya pa ring manigurado na uma-attend ito ng klase' sa isip-isip ko lang.
"Good Morning students." She greeted.
"Good Morning Ma'am." bati namin.
"May narinig akong away kahapon. Sana ay walang sangkot mula dito sa S Class 4th year." mukhang nagpaparinig na sabi ni Miss Jelina.
Tumikhim lang ako, alam ko namang ligtas ako dahil ako pa nga iyong umawat sa away. Simple kong binalingan ang grupo nina Ruby na nananahimik lang, nagmamanicure pa iyong isa na akala mo naman ay inosente.
"Mister Nueva, bilang miyembro ng Enchanted Elites. Responsibilidad mong malaman ang kung ano man ang nangyayari dito sa klase ninyo." Panimula ni Miss Jelina. "Stand up and report what happened yesterday."
Hinagod ko muna ng tingin ang buong klase. Nakita kong masama na ang aura nina Ruby, samantalang si Phantom ay nakatitig lang sa labas ng bintana.
"Ruby Xercedes and her gangmates fought Virdjana Phantom Assassin behind Building 623. I did not see who's the person that started attacking first nor who loss. I stopped them before they can hurt each other more." I narrated.
"Thanks for that. Take your seat Nueva." Sabi ni Ma'am Jelina.
"Now, stand up Ruby and her gangmates and you young lady staring by the window." puna ni Ma'am Jelina.
Nagsitayuan naman sila.
Virdjana's POV
Wonderful. Ikalawang araw ko pa lang sa paaralang ito mukhang nasangkot na agad ako sa gulo. Bigla tuloy akong napaisip kong tama bang tinuring kong dream school ang akademyang ito, ngayon lang ata ako nakarinig ng paaralang ganito ka-strikto pagdating sa attendance.
"Yes, ma'am?" nakangiting tanong ni Ruby kay Miss Jelina.
Is it just me na nakakakita ng taga-ilalim na nagpapanggap na anghel?
"Drop the act young Xercedes. Almost everyone in this academy knows you and your friends are trouble makers here." Pangunguna ni Miss Jelina.
"FYI, Miss Jelina. We are The Trouble Makers." Ruby answered with a wink.
"Ah, oo nga pala. Mukhang nakalimutan ko iyang parte na iyan. Anyway, Miss Assassin and Miss Xercedes come in front." request ni ma'am sa amin. "No, big deal." Pag-a-assure pa nito.
Kung may plano man siyang balian kami ng buto, hindi ako magdadalawang isip na sikuin ang mukha niya. Binalingan ko si Ruby na nagkataong nakatingin din sa akin. Sabay kaming pumunta sa harapan ni Miss Jelina, kapwa tahimik.
"Your hands please." Professor Jelina then asked us to open our palms.
Muli kaming bumaling sa isa't-isa, nina Ruby, at ilinahad ang kamay namin sa harap ni Miss Jelina.
"Chronicus Revelias." Miss Jelina enchanted as she grabs both of our hands, her eyes glowed yellow for a couple of seconds, then vines began started crawling on our arms.
In my defense, I quickly grabbed my knife but another vine limb appeared stopping my other hand. I glanced at Ruby only to see another vine covering her mouth, probably to prevent her from using sound magic.
"Calm down, I'm not trying to hurt any of you.." Miss Jelina seriously remarked with a sigh. When she was done, she let us go and made the plants disappear into green particles.
"Ruby return to your seat. I will be chatting with Miss Assassin in the hallway." stated the professor.
Kadaski's POV
Pagkatapos mag-usap ni Phantom at Miss Jelina sa labas ay naiwan ako at ang kakalse na-curious sa nangyari. Akala ko ay mapagagalitan na naman si Phantom pero wala eh. Sayang, masaya sanang makitang mapahiya ang babaeng ito.
Isang 'productive' na araw na naman ang lumipas.
Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo, bitbit ang bag ko nang makita ko si Phantom na tumungo sa makahoy na bahagi ng paaralan. Ito na ang chance ko para maipakita sa lahat ang tunay na kulay ng magnanakaw na ito. Habang sinusundan ko si Phantom ay nakasalubong ko si JP.
"Yo, Aski. Kung pabalik ka na sa dorms-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya nang hatakin ko siya sa isang kanto.
"Ssshhh." pagpapatahimik ko sa kaniya at itinuro si Phantom na kausap iyong Guardian niya.
"Ahh, anong sinisilip natin?" tanong ni JP na sumilip na rin.
"Huwag kang maingay, hindi ba halata na may kausap si Phantom na parang multong lalake?" saway ko kay JP.
"Okay? Saan naman?" tanong niya.
What? Ibigsabihin ba ay ako lang, si Phantom at si Master Shin ang nakakakita sa multo- este sa Guardian na ito? Natahimik kami nang magsalita si Phantom.
"Wala ka lang ba talagang magawa o malakas na ang tama mo sa babaeng iyon?" tanong ni JP at napahalakhak.
"Gago. Halika na." asar kong sagot.
Tumakbo kami at tumango sa North ng akademya. Pinasok namin ang gubat doon at naghanap-hanap kung sakali mang mamataan namin si Phantom. Kalauna'y nakita namin siya sa tabi ng isang punongkahoy habang natutulog.
Nang makita ko ang sarkastikang babae ay agad akong napangiti. Teka, yuck. Sinampal ko ang pisngi ko ng biglaan.
"Hoy, huwag mo ngang saktan ang sarili mo Aski natatakot tuloy ako sa ginagawa mo." puna ni JP. Hindi na lang ako nagsalita.
"Teka, alam mo ba kung anong parte ito ng school?" pambabasag-katahimikan ni JP.
"Hilagang kagubatan? Ano naman ngayon?" pagsawawalang-bahala ko sa tanong niya.
"Alam naman ng lahat na delikado rito maraming mga halimaw ang nakatira dito. Mas madalas iyong mga territorial." sabi ni JP.
Alam ko naman, sira ba si Phantom at dito siya pumunta?
"Bakit ba kasi sinundan natin iyan? Crush mo ba?" pahabol na tanong ni JP.
"Sinisigurado ko lang na okay siya. Bilang isa sa Enchanted Elites, responsibilidad kong bantayan ang mga baguhan at mga ganoon." Sabi ko na lang.
"Aaahh. So, ano? Naglolokohan tayo pre? Ang hina mo naman magpalusot hindi ka naman kapani-paniwala eh!" bigla niyang sabi sabay sapok sa ulo ko.
"The fu-" Hindi ko naituloy iyong mura ko ng makarinig kami ng marahas na tunog sa likuran namin.
"Grrrrrrrr."
Paglingon namin ay nakita namin ang isang Bichi Monster, ang itsura nito ay isang gray cloud na mapupula ang mata. Umungol ito ng malakas kasabay ng hanging lumakas din.
"Takbo!" Bago pa ako makatakbo ay nakita ko si JP na patungo sa likod ng isa pang kahoy.
"Iniwanan talaga ako? What the heck?!" Bigla kong pagtalon nang bumuga ito ng mga bato. Pagka-ilag ko ay nagtago rin ako sa parehas na kahoy kung saan naroroon si JP.
"Teka, si Phantom." Nasabi ko.
Parehas kaming napasilip sa kinalalagyan niya pero nawala na siya doon. Nasaan na iyon? Sa aking pagkaka-alam, hindi nangangain ng tao ang Bichi pero territorial ito kaya nagagalit kapag nabulabog.
"Grrrr."
"Bakit hindi na lang tayo umatake?" tanong ni JP.
"Pwede naman, kung gusto mong mahuli tayo ng Arcamy Guards." sarkastiko kong sagot sa tanong niya.
"Yah!" nagulat kami nang biglang tumalon si Phantom galing sa hindi ko alam at sinipa iyong Bichi dahilan para malusaw ito. Nagpagpag siya ng mga kamay bago kami binalingan ng matalim na tingin, tinalikuran kami saka nagsimulang maglakad paalis.
"Teka!" sabay naming nasabi ni JP.
Hindi siya huminto kaya napilitan kaming sabayan siya sa paglalakad. Nagtanguan kami ni JP at pinagitnaan si Phantom.
"Why did you follow me here?" she asked seriously.
Virdjana's POV
Pagkatapos ng klase ay sinadya kong lumihis ng daan dahil sinenyasan ako ni Reggie, ang Guardian ko, na mag-uusap kami at ayon sa kanya ay may nalaman daw siya tungkol sa eksaktong lokasyon ng mga tao sa Hurricania Village.
"In that case, I would be able to find them soon." I said looking at Reggie.
"Wouldn't it be great if you can save them as early as possible? Especially, your mother." nakangiting saad ni Reggie.
"Of course, I'd probably be overwhelmed." I said as I look afar.
"Probably? Bakit hindi ka sigurado?" tanong niya pa.
"I'm already emotionally detached to my people, I've only spent my early childhood in that village, but not that I can remember anyone except Nana Cosu and my mother." I stated truthfully.
Pagkasabing-pagkasabi noon ay nakaramdam ako ng mabigat na kamay na nakapatong sa kanang braso ko, kamay ni Reggie, tiningnan ko siya at nakita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata niya.
"You WILL save them Virdjana, you're their only hope." he said, emphasizing my so-called 'responsibility' to do so. I'm pretty sure I've clearly wanted to move on from that.
Naramdaman ko ang presensya ng dalawang tao hindi kalayuan sa puwesto namin kaya minabuti kong tapusin na muna ang usapan.
"Doon muna ako sa may parteng gubat ng paaralan. Mamaya na lang tayo mag-usap." I said as I teleported to the spot that remembered full of trees, at the North of the Academy.
Napagdesisyunan kong sa maliit na gubat pumunta dahil naramdaman kong mahangin doon at tinantiya kong masarap ding matulog sa ilalim ng puno.
Tama rin ang hinala kong sinundan ako ng parehong dalawang tao kanina dahil parehas ang aura ng mga ito.
"Why did you follow me here?" I seriously asked.
"Hindi ka naman assumera ano?" tanong ni Kadaski at saka ngumisi.
"No, but I'm smart enough to sense the same auras of two people that eavesdropped with my conversation with a certain someone like 10 minutes ago." I stated, raising my right eyebrow.
"Oo, totoo iyon. Napadaan lang kami." they continued to lie.
Nakalabas na kami sa gubat at huminto ako sa paglalakad at hinarap ang dalawa.
"By the way, you are?" tanong ko sa kasamahan ni Kadaski.
"Where are my manners? I'm JP Streamwave, call me JP." He said giving me a friendly smile.
"JP? Meaning Jordan Patrick." I stated with a tilt to the right.
Nagkatinginan sina Kadaski at si JP.
"Have we met before?!" JP excitingly asked afterwards.
JP's POV
Nakabalik na kami sa classroom nina Aski at itong maganda niyang kaklase na tinatawag niyang Phantom, taga- A-Class naman ako. Pagsilip ko sa kwarto ay wala ng mga estudyante. Mukhang nagtataka rin iyong dalawa kaya napabaling din sa akin.
"Ah! Oo, nga pala. Uwian na diba?" natatawa kong sabi.
"Right. So, what are you guys doing here?" anang boses ng babae sa likuran ko.
Paglingon ko ay nakatayo na ang babaeng kinatatakutan ng nakararami pagdating sa pagpapatupad ng mga rules. Si Zeky Shade, ang presidente ng S-Class 4th Year at isa ring Enchanted Elite kagaya ni buddy Kadaski.
"Z-Zeky, pauwi na kami actually." sabi ko sabay ngiti.
"Talaga? Then, bakit sinusunog ni Kadaski ang mga lumulutang na libro sa harapan niya? Wala ba siyang alam kung gaano kahalaga ang mga reading at magical materials?!" she shouted as shadow tentacles starts spreading from her feet that strangled me and Kadaski.
On the other hand, the girl named Virdjana Phantom Assassin was no longer around.
"Aghk!"
"What the aghk?!." gulat naman na reaksiyon ni Kadaski.
"Both of you can explain this to me at the Office."sShe stated sneering as she starts dragging both of us on the floor.
What the heck?! Sa isip-isip ko lang bakit sinusunog ni Aski iyong mga libro? Bakit iyon lumulutang? Bakit ako nadamay?! Save meeeeee!