Virdjana's POV
"Huwag kang magsumbong. I have my reasons for being the bad guy in this picture." tangi kong nasabi pagkatapos niyang makalampas sa akin.
"Sa tingin mo ay paniniwalaan ko ang tabas ng dila ng isang magnanakaw? You said you're not a Wing Enchant, yet 'you' are a one. You're not only a thief, but also a liar. " seryoso niyang pahayag nang hindi man lang ako nililingon.
Does he think those shallow insults could hurt my feelings? I scoffed internally. I walked towards the air barrier, then around it so I could talk to him face to face.
"Mahirap ang buhay ng isang mahirap na mamamayan na katulad ko? Paano ko matutulungan ang mga magulang ko kung isusuko mo ako sa awtoridad?" paglulungkot-lungkutan ko.
"Sapat na ba iyong rason upang magnakaw araw-araw? Marami pa namang matitinong trabaho diyan hindi ba?" seryosong sabi sa akin ng lalake.
"Hindi naman iyon maiiwasan dahil kailangan kong makauwi ng ligtas sa amin." pagpapatuloy ko sa pagsisinungaling.
'Tch, hanggang kailan ba ako magpapanggap na magsalita sa diyalektong ito?'
"Naiintindihan ko ngunit maaari ka namang maghanap ng trabaho na hindi nangangailangan ng hindi pagsunod sa mga batas ng siyudad. Sa nakikita ko ay malakas ka, maaari kang maging kawani ng militar o magbuhat ng mga sako sa palengke." dagdag niya.
"Seryoso ka?" nakangisi kong tanong sa lalakeng ito.
"Ah, nainsulto ka ba? Sige, isda na lamang, medyo mabigat-bigat." pagpapatuloy nitong lalake habang nakalagay pa ang isang kamay sa kanyang baba na animong isang detective.
'Ah, he's trying to piss me off on purpose.'
Nasayang na ang oras ko upang libutin ang akademya, at ngayon at hindi na ako basta-bastang maka-a-alis dahil nakilala ako ng estudyante ito. Hindi pa nga ako tumatagal sa siyudad na ito, huwag mong sabihing mapipilitan na naman akong magtago?
"Why don't we negotiate? I let you go, and we forget all of these happened." I stated as I pull my knife from my backpocket, before twirling it using my left hand.
"Hindi mo man lang ba naisip na sa lahat ng puwede mong pag-nakawan dito ka pa pumasok sa Prestigious Academy of Arcacia? Anong akala mo sa akin mahina?" pagtawa ng lalake, "Jail Blazer!"
Isang lumalagablab na bilog ang pumaligid sa akin na animong isang kulungan.
Matalino siya. Imbes na subukang makatakas sa Air Barrier ko ay kinulong niya rin ako gamit ang apoy niyang abilidad, anong sabi niya? Jail Blazer?
"Unang-una bago mo tustahin ang isang kaawa-awang dalaga, nais ko lang ipaalam sa iyo na ang tanging layunin ko sa pagpasok. Teka, pag-trespass sa lugar na ito ay para lamang magmasid-masid sa mga puno at mga gusali. Wala akong intensiyon na pagnakawan ang kung sino man dito." talumpati ko.
Bakit nga pala ako nagpapaliwanag? Hindi ko naman gawaing magpaliwanag sa kalaban.
"Unless, hindi mo siya nakikita bilang isang kalaban." bulong ng boses ni Reggie.
"Shut uppp." malamig ko bulong pabalik habang inihahanda ang sarili na makipaglaban.
"Naaasar ka na naman. Nakakaaliw." dagdag pa ni Reggie.
"Matagal na nating pinag-usapan na huwag ako ang gawin mong sentro ng pang-aasar mo Reggie." seryoso kong pahayag habang nananatiling nakatingin sa binata sa harapan ko.
"Okay, okay." sagot niya ngunit halata kong may bahid pa rin ng pag-kaaliw ang kaniyang tono.
"Air Barrier!" sigaw ko, nagmula ang hangin sa katawan ko bago unti-unti lumawak sa paligid, mula sa loob ay winasak ko ang Jail Blazer sa pamamagitan ng pag-estimate at paggamit ng mas mataas na level ng mahika.
"Tch." narinig kong reaksiyon ng lalake.
Napangunot ang noo ko ng mapagtantong kapag muli akong nag-cast ng isa pang air barrier ay maglalaho ang una kong ginawa.
"Now, that we're out of our cages. Let's fight." grinned the student.
"Silver Blanc" bulong ko sa hangin dahilan para magkaroon ng makapal na hamog sa aming paligid.
"Bakit mausok?!" narinig kong pagtataka ng lalake.
Habang sa usok nakatuon ang atensyon ng estudyante ay tumalon na ako papalayo bago nagsimulang bumwelo sa paglipad. Tsk, hindi niya nga ako naisumbong siya naman tuloy ang humahabol sa akin.
'Panira ng gabi.'
"Hindi ka makakatakas estrangherang magnanakaw o kung ano mang tawag sa iyo!" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Reggie!" I summoned using my stamina-imbued with elemental magic.
Reggie told me about this before, that him appearing before me without a call, does not consume my energy but his. And calling him using a summon imbued with my magic is a high-tier magic only I can perform given that his my Guardian.
"Reggie, Snipe!" Utos ko sa guardian ko.
"You sure? " asked my guardian with a meaningful look.
"Shut up and assist me." I said seriously. Habang unti-unting lumulutang mula sa lupa ang katawan ko ay pumwesto naman si Reggie sa likod ko para pabagalin ang pagkilos nitong Fire Enchant.
Ngumisi si Reggie at pinagdikit ng mga ilang segundo ang kanyang mga palad. Nagkaroon nang puting liwanag at nang matapos ang kung ano mang orasyon niya ay saka ito nagsimulang ikasa ang kaniyang armas.
"Your wish is my command V." Sabi ni Reggie at saka sinimulang patamaan ang mga lugar na tatapakan nitong Fire Enchant dahilan upang umatras-abante dulot ng pag-ilag.
Reggie's sniper bullets are lethal, it has the ability to pierce through one's flesh and delay the cells from regenerating ten times slower than the normal speed of a human's healing capability.
"Be careful, you might die... so defeat me as soon as possible." I coldly stated provoking the Fire Enchant.
"Reggie, enough." Utos ko ng nasa kataasan na ang distansiya ko mula sa lupa, agad naman niyang pinaglaho ang hawak na armas at tumabi sa akin habang lumulutang.
"Just a comment V, I won't kill him." Saad ni Reggie bago pinaglaho ang hawak niyang baril.
"Oh, I know you won't. Shut it." I replied to Reggie's comment.
Matalim ang tingin ng Fire Enchant sa akin mula sa ibaba ngunit napansin kong nakatingin siya sa puwesto kung saan nakalutang si Reggie. Nagkatinginan kami ni Reggie.
"You can speak both the Arcacia dialect and the Arcane language. You're good at copying the soft accent of the Arcacia dialect and you lose the soft accent when using the Arcane language that are supposedly learned only when enrolling in schools. And in addition, it seems like you're also adept with necromancy." He remarked using the Arcane language.
'He doesn't really need to expound on that one though, I know that.' I thought with a small scoff, 'and I wonder if I should correct him about the necromancy stuff, he seems to lack info about the matter, because I didn't revive Reggie from the grave.'
"Mukhang nakikita niya ako Virdjana, akala ko ay sadyang matalim lamang ang kanyang pakiramdam kaya niya naiilagan ang mga bala ko pero... Kahanga-hanga." Mahabang litanya ni Reggie.
Bihira lang magbigay ng papuri ang Guardian ko, nangangahulugan lamang na malakas ang lalakeng ito. Seryosong tingin naman ang ipinukaw ko sa binata.
Nagsimula na akong humakbang paalis sa ere ng maramdaman kong may papalapit sa akin. Sa eksaktong paglingon ko ay mayroong bumubulusok na mga pana patungo sa direksiyon ko.
Wala sa loob akong umilag kasabay ng pagkawala ng konsentrasyon kong umapak sa ere kaya lumapag akong muli sa lupa at tumambling paatras sa muling pagbalik ng mga palaso sa kinatatayuan ko.
'Mayroon pa bang mas sisira sa gabi ko?!'
"Magaling, ano pa bang aasahan ko mula sa isang bihasang tulisan ng bayan. Idagdag pa natin na may angking ganda at tapang." Saad ng isang pamilyar na boses.
"Huh?" Usal ko ng makita kong muli ang lalake kaninang umaga. Gaya ng kanina ay nakangiti siya, may postura at kalmado.
I was insulted, I know he is complimenting me but I don't really like this guy.
"Naghahanap ka ng away?" tanong ko sa bagong dating.
"Hindi naman sa ganoon. Napadaan lamang ako at agad lumapit ng makarinig ako ng mahinang pagsabog." Pagpapaliwanag niya.
"Master Shin." Sabay na usal naman nitong Fire Enchant.
Yumuko itong binata bilang tanda ng pagbibigay-galang.
'Tama nga ako, isa siyang Master kaya niya ba ako linapitan kanina ay upang... Imposible namang magkainteres siya sa akin.'
"Dito lang pala kita matatagpuan Kadaski Nueva. Kailangan mo ng bumalik sa dormitoryo mo kung hindi ay ako mismo ang tatawag sa mga City Guards upang ikandado ka sa kuwarto mo. Baka nakalilimutan mong linabag mo ang curfew at hindi lang iyan, linabanan mo pa ang isang bagong salta sa paaralan na wala pang gaanong alam sa mga pamantayan" pahayag ng Master na parang mabilis na nagdulot ng kaba sa lalakeng Fire Enchant.
"You're not here for me?" wala sa sarili kong nasabi dahilan para balingan ako ni Master Shin, Reggie at nitong Fire Enchant.
"Hindi ka nagkakamali Silent Thief, isa ka rin sa mga pakay ko pero sa ngayon ay kailangang asikasuhin ko ang binatang ito." Nakangiti pa ring sabi ni Master Shin at saka bumaling sa binata.
'Teka, ano itong nararamdaman kong enerhiya. Posible kayang kay Master Shin ito nagmumula?!'
"M-Ma-Master S-Shin, magpapaliwanag ako. May nakita akong suspicious na anino mula sa bintana ng kuwarto ko, kinailangan ko lang kumpirmahin kung ano iyon." Kinakabahang pagsasalita ni Nueva.
"You can tell me about that through a report, but for now..."
Kay Master Shin nga nagmumula ang malakas na enerhiya. I smirked at the thought. Gamit ang bilis ko ay inatake ko si Master Shin. Una ay tumalon ako upang sipain siya sa leeg niya, pero yumuko lamang siya kasabay ng pagtabig sa paa ko.
Sunod-sunod lang ang pagbitaw ko ng mga sipa at suntok ngunit hindi ko makonekta ang aking mga atake.
"How rude of you Silent Thief, attacking without a formal introduction is a pretty bad manner," he seriously stated, "to add to that, you attacked me while I'm speaking with someone else."
"Hindi naman iyon 'rude' Master Shin, kung iyan nga ang pangalan mo, hindi ba at ikaw ang unang umatake sa akin? Delayed-counter attack lamang ito." palusot ko naman.
Ipinagpatuloy ko ang pagbibitaw ng mga sipa at suntok. Hindi ko inaasahang sasaluhin niya ang papalapit kong suntok at mahuli ang kamao ko, agad niya akong binalibag sa lupa.
Mabuti na lamang ay bago ako sumadsad sa mga damo ay naitukod ko ang kanang kamay ko sa lupa at saka bumwelo sa pag-atras.
Lumingon ako doon sa Fire Enchant pero nakita ko siyang tumatakbo papalayo at nanonood na lamang habang nakangisi. Nabalik ang atensiyon ko kay Master Shin.
"Kahanga-hanga ka naman, but sad to say you didn't manage to hit me." naka-ngiting sabi ni Master Shin.
"We'll see about that." For a short while I took a deep breath and closed my eyes, increasing my speed with the assistance of the turbulents. I readied my knife and run around Master Shin, and with a shift I I was able to slice his sleeves.
"That was close." pagtawa ni Master Shin. "I shouldn't have underestimated the likes of you, you coated the presence of your weapon through a pre-casted spell, am I right?" mahinang usal ni Master Shin ngunit sapat lang para marinig ko.
"Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na ipasok ka sa paaralang ito." dagdag ni Master Shin na nagpagulat at nagpatahimik sa akin pero hindi sa Fire Enchant na estudyante.
"Say what now?" Tanong ko dahil sa pagkabigla, at dalawa ang dahilan ko kung bakit; una ay dahil sa tama siya tungkol sa pre-casted enchantment at ikalawa ay tungkol sa enrollment.
Kadaski's POV
"Ano?!" Bigla kong naitanong sa malakas na tono. Oops, nakalimutan ko yatang naririto si Master Shin.
"What's with the outburst?" tanong ni Master Shin sa akin.
"It's just that, she's a thief and is officially wanted all over the City." I stated in a matter-of-fact tone.
"Wala naman akong nakikitang masama kong ipapasok ko siya sa paaralang ito. Kung iniisip mo Nueva na maaapektuhan nito ang reputasyon ng paaralan ay nagkakamali ka. Ang lahat ay naaayon sa panuntunan at malinis ko siyang naipasok sa paaralan. Medyo natagalan lang nga akong kumbisihin ang nakakataas para linisin ang mga wanted posters at... marami na yata akong nasabi." pahayag sa akin ni Master Shin.
"Seryoso ba ito? Master Shin!" I can't help but to ball my fists, and look back and forth from Master to the thief.
"Huwag mo akong pagtataasan ng boses Nueva, may mga bagay na hindi maiintindihan ng mga katulad mong bata! Wala ka sa posisyon para kuwestiyunin ang aking desisyon." Master Shin seriously remarked.
"Tch." Master is really intimidating that all I could do was stand where I am and listen to this questionable conversation.
This is stupid. Magtatraydor na ba si Master Shin sa school para sa mga katulad na kriminal nitong babae? Paano kung sakupin nila ang akademya bilang simula ng kanilang plano ngunit, sa pagkakakilala ko kay Master Shin, hindi niya iisiping magtraydor sa paaralan lalong-lalo na sa siyudad! Grabe nagpapanic na itong utak ko.
Hinarap na ni Master Shin si Silent Thief at nagsabing, "Would you want to be an Enchant young woman? I'm not forcing you or anything but, either you accept this or I will effortlessly hand you over to the authorities." stated the Master with a smile.
"That was not even a fair deal." I commented, but then zips my mouth when Master Shin glanced at me.
"Like I have choice in the matter. Honestly, this is a total advantage for me, for I can use this place to hide from the authorities." sagot naman nitong babae na hindi nawawala ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi.
Wait, she's accepting the offer?
"Hindi ako sumasang-ayon sa set up na ito." Napabaling kaming tatlo sa lalakeng kani-kanina lang ay tahimik na lumulutang sa tabi nitong Silent Thief, nararamdaman ko ng kaunting taglay na kapangyarihan ng lalakeng multo.
"Reggie, stay out of this." Utos nitong babae sa tinawag niyang Reggie.
"Bakit ko naman gagawin iyon V? Hindi ba't ikaw mismo ang nagsabing ayaw mo sa paaralang ito? Bigla bang nagbago ang desisyon mo dahil sa Master Shin na ito o dahil tipo mo ang mga binatang katulad niya?" Nakangising pahayag nitong Reggie at itinuro pa ako.
"Huwag mo akong maduro-duro, kung hindi susunugin kita papunta sa kabilang-buhay." babala ko kay Reggie.
Napabuntong-hininga ng mahina ang babae habang nananatiling nakangiti at kalmado si Master Shin.
"Quit it Reggie, don't worry, I know my priorities." sabi nitong magnanakaw kay Reggie.
"Tama, makinig ka sa amo mo." sabi ko naman.
Reggie glared at me.
"Kung hindi ako nagkakamali ay isa kang Guardian. Kahanga-hanga. Ibigsabihin lamang nito ay-"
"Hindi kita kinakausap tanda, ang alaga ko at ako ang nag-uusap kaya dapat respetuhin mo iyon." pagputol nitong Guardian sa iwiniwika ni Master Shin.
"Ang bastos mo ah?!" naasar kong pahayag sabay takbo papunta kay Reggie upang magpakawala ng suntok, ngunit lumampas lamang ako sa transparent na katawan nito.
"Vi, nagsasayang tayo ng oras. Wala kang mapapala sa paaralang ito." Muling pagsasalita nitong Guardian na halatang sinasadyang ignorahin kaming dalawa ni Master Shin.
'Kaasar...' Muli kong sinubukang atake sa pamamagitan ng pag-sipa sa lalake ngunit lumampas akong muli.
"Nice try." nanunudyang sabi nitong Guardian.
"Damn it."
"Kadaski Nueva, tumigil ka na sa pagiging asal-bata mo!" Ma-awtoridad na baling sa akin ni Master kaya natigilan ako at tumalon paatras.
"Mukhang magkakilala kayo ni Tanda, Reggie." malamig na saad nitong babae kasabay ng pagdaan ng isang malamig na simoy ng hangin.
Napansin kong natahimik ng ilang segundo itong Guardian.
"Master? Totoo ba iyon?" tanong ko kay Master Shin.
Unang reaksyon ni Master ay ang paghalakhak.
"Hindi, ko siya kilala" mabilis na sagot ni Reggie.
"Hindi? Ah, hindi nga." mukhang nanunudyang sabi ni Master Shin.
Pero laking-gulat ko ng binigyan lang kami ng masungit na tingin nitong babae. Lumapit siya kay Master kasama iyong lumulutang na Guardian.
"Vi? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Lumayo ka sa matandang iya--" pagrereklamo nitong Reggie, pero agad siyang naglaho nang tanggalin nitong magnanakaw ang suot-suot niyang kuwintas na isinilid niya sa bulsa ng baggy at itim niyang pantalon.
"Master Shin, I'm officially accepting the offer even if I'm forced into the matter. Just to let you know, I don't trust you neither anyone in this Academy." she uttered with a smirk.
Why does this girl looks like she's plotting something evil every time her lips curve like that?
Tumango naman si Master Shin habang hindi ini-aalis ang ngiti sa kanyang labi, "you won't regret it young lady. Mister Nueva, come back with me to the office and let's talk about the shadow you mentioned earlier. "
"We're not done yet. I'm keeping an eye on you Vi the Silent Thief." pahayag ko.
"You should learn to control your temper. Emotions that are out of control are for the weak." she told me seriously.
"Hindi ba at tinatakbuhan mo ako kanina? Sino ka para kuwestiyunin ang ugali ko?" Tanong ko sa kaniya.
"Someone you should be wary of." sabi nito bago ngumisi nang nakaaasar.
Muli niyang isinuot ang kaniyang kuwintas, nag-iwan pa ito nang huling tingin saka nagsabing, "Tilemetafora," dahilan upang maglaho ito ng parang bula.