Kay lakas ng ulan. Nakikisabay ang panahon sa kalungkutang nadarama ngayon ni Sierra at James habang pinapanood ang tuluyang pagbaon ng katawan ng ina na si Helda sa lupa. Tatlong taon din nitong binuno ang sakit na kanser ng tuluyang gupuin nito ang lakas ng ina.
Nanghihinang ibinaon ni Sierra ang mukha sa malapad na dibdib ng kaniyang tinatawag na "Kuya" habang tila walang katapusan ang luhang pumapatak sa kaniyang mata. Dalawampung taong gulang na ang lalake samantalang katorse pa lamang siya. Mahigit sampung taon din niyang nakasama ang ginang na tumayong sarili niyang ina ngunit malinaw pa rin sa kaniyang isipan ang larawan ni Shirley na kaniyang tunay na ina pagkat palaging pinanapakita ni Helda ang larawan nito at pinapaalala sa kanya.
"Paalam mommy. Hindi man kita tunay na ina ngunit ipinakita mo sa akin ang higit pa sa pagiging ina." Ani ng kaniyang isipan habang humahagulgol sa dibdib ng lalakeng nagsisilbing tagapagtanggol niya.
"Sierra..tara na.." Bulong sa kanya ng lalake. Dahan-dahang niyang inalis ang mukha sa dibdib nito at sinalubong ang namumugto din nitong mata dahil sa kaiiyak. Pinahid nito ang luha sa kaniyang mata saka hinalikan ang kaniyang noo. Niyakap niya muli ito ng mahigpit.
Malungkot silang sumakay sa magara nitong kotse na pina-drive muna ng lalake sa company driver nila. Naupo ito sa passenger seat sa tabi niya. Magkahawak-kamay ang dalawa na para bang doon sila huhugot ng lakas. Ang mahinang pagsinghot lamang ni Sierra ang bumasag sa katahimikan sa loob ng kotse.
""Ipangako mo anak, hindi mo pababayaan si Sierra." Nanghihinang wika ni Helda na nakahiga sa higaan sa silid nito sa isang ekslusibong ospital.
"Mommy, please. Alam mo namang iyon na man ang lagi kong ginagawa." Nag-aalala niyang ani sa ina habang hinahaplos ang noo nito. Katatapos lamang ng klase niya sa business and management course sa isang sikat na unibersidad kaya siya dumetcho doon sa ospital. Magdadalawang buwan ng nakaratay ang kanyang ina doon.
"James, ingatan mo ang napakabait na batang iyon. Siya ang mapapangasawa mo." Hirap na hirap na sabi ng ina.
Kahit paulit-ulit na itong sinasabi ng ina noong malakas pa ito, maging ang pagsasalaysay ng buong kwento nito sa kung paano nagsimula ang kasunduang iyon- ay hindi pa rin mailarawan ni James ang sarili na mapapangasawa ang kababatang si Sierra na pitong taon ang tanda niya. Kapag maiisip niya ang babae ay rumirehistro sa kaniyang isipan ang walang muwang nitong itsura at ang bata nitong kilos.
"I promise, ma. Pakakasalan ko si Sierra 'pag nasa tama na siyang edad. At masasaksihan mo pa 'yun mommy di ba?" Maluha-luha niyang ani habang pinagmamasdan.
"Masaya akong marinig iyon anak. Pero nararamdaman ko anak, nanghihina na ang aking katawan. Hindi ko alam kung makakaya ko pang mabuhay hanggang sa pagdadalaga ni Sierra." Paliwanag ng ina na nakangiting nakatunghay sa lumuluhang si James. Pinahid nito ang luha sa mata ng anak.
"Maari mo ba akong pagbigyan sa aking huling kahilingan, anak?" Nakangiti nitong tanong sa kaniya habang hinahabol ang paghinga.
Ang kanyang pagsang-ayon dito ang nagdala kay Father Luis upang pangunahan ang isang kasalan sa silid ni Helda sa ospital. Masaya ang ginang ng makitang nakatayo si James at Sierra sa harapan ng pari at sabay na nagpapalitan ng pangako para sa isa't isa.
Si Sierra, bagama't nasa mura pang edad ay nauunawaan ang mga nangyayari. Hindi na nahirapan pa si James na kumbinsihin siya sa seremonyang iyon pagkat ayon sa lalake ay ito ang huling kahilingan ng ina. Ito naman daw ay wala namang bisa dahil pareho pa silang hindi pa tama ang edad para maikasal kaya naman bukal sa kanyang kaluoban na sumang-ayon dito.
Napapakit siya ng dampian siya ng maliit na halik sa labi ni James upang opisyal na ideklara na silang mag-asawa. Mahihinang palakpak mula sa nanghihinang si Helda ang nagpanumbalik sa katinuan ni Sierra. Ramdam niya ang pagpula ng kaniyang pisngi sa hiya ng makitang nakangiti si James na nakatunghay sa kaniya na pinipigil ang pagtawa.
"Mommy!" Mangiyak-ngiyak niyang ani saka niyakap ang kinikilalang ina.
"Hindi niyo alam kung gaano ninyo ako pinasaya." Nakangiting sabi ng ginang habang seryosong sumulyap kay James na nawala ang ngiti sa labi sa katotohanang mag-asawa na sila ni Sierra.