Maaga siyang ginising ni Terry upang maging handa sa pictorial niya sa beach. Pagdating roon ay nakapwesto na ang tatlong camera men, maging si Mrs. Cornelius na Advertising Coordinator ng kumpanya.
Nakangiti itong kumaway sa kanila ng makita silang paparating.
"You look so blooming this morning Alexia." Maarteng bati nito sa kanya. Nakangiti naman siyang hinarap ito.
"Thanks, Miss Cornelius." Sagot naman niya ditto na tiningnan ang set-up ng kanyang pictorial. Makikitang may nakalatag ng pulang tela sa puting buhangin sa baybayin ng dagat.
"Here. You will be having shots with our sun protection lotion product. Bale, iaapply mo lang siya ng dahan-dahan sa arms mo papunta sa legs." Paliwanag nito sabay abot sa kanya ng lotion. Napatango naman si Sierra na halatang nadadalian lang sa gagawin.
"But, my konti tayong pa-daring effect, Alexia. You need to be topless. But don't worry, hindi naman ipapakita 'yun sa video ang dibdib mo. Bale may shots ka na makikita ang buong likod mo, the side view." Pagliliwanag nito. Napakagat-labi si Alexia lalo na ng ilibot ang paningin sa paligid. Marami na kasi ang mga taong nakikiusyoso sa kanila. Napatingin siya kay Terry na parang humihingi ng tulong.
"Well, hindi ba pwede na magsuot na lang siya ng backless ng swimsuit kung kailangan lang pa lang makita ang likod niya?" Pagsaklolo naman nito sa kanya.
Tinawag ni Mirs. Cornelius ang commercial director na si Gaile at tinanong ito kung ayos lang ang suggestion ni Terry at sumang-ayon naman ito na labis na nakagaan sa loob ng dalaga.
Sinimulan na nga ang pagshu-shoot ng commercial niya kasama pa ang isang modelong lalake na si Lance na siyang magpapahid ng lotion sa kanyang likod. Dahil hindi naging maayos ang pagkuha sa kanya sa suot na backless na swimsuit ay napillitan na siyang sumang-ayon sa unang napag-usapan.
Naging maayos naman lahat ang take nila habang nagpapahid siya ng lotion sa katawan ngunit tila nailang siya ng pinadapa siya sa telang nakalatag at kinalas ang pagkakatali ng kanyang suot na bra upang magbigay-laya sa kanyang makinis na likod. Ang eksena kasi ay papahiran siya ni Lance sa likod ng lotion.
Sisimulan na sana ang eksena ng marinig niya ang isang pamilyar na tinig na bumabati kay Mrs. Cornelius at Gaile. Agad naman siyang inalalayan ni Lance sabay ang paglagay sa kanya ng robe dahil di pa niya nagawang ibalik ang pagkakatali ng kanyang bra.
Kitang-kita niya ang madilim na mukha ni James ng tumunghay sa kanya.
"What's going on?" Galit na tanong nito sa kay Mrs. Cornelius at Gaile ng makitang halos hubad na si Sierra.
Nagkatinginan naman ang dalawa na tila nagtataka sa naging ekspresyon ni James. Normal lang naman kasi nilang gingawa ang mga ganoong esksena sa mga naunang modelo nila kaya nagtataka sila kung ano ang maaring ikinagagalit ng lalake.
"Ah, sir nagte-taping po kami for-"
"Am I talking to you?!" Singhal ni Jamesna nagngangalit ang mga mata kay Lance na sumangat sa usapan.
"I'm sorry, sir." Nahihiya namang sabi ni Lance na napahalukipkip.
"What's happening here? I saw a naked woman lying here with these people around?" Galit na galit na muling singhal nito sa dalwanag babae na napayuko na lamang. Si Sierra naman ay nakatayo sa tabi ni Lance habang hawak ng mahigpit ang robe na tumatakip sa kanyang katawan.
"I definitely need an explanation about this! Alam niyo naman na hindi lang adults ang viewers ng national channels na nag-e-air na commercials natin. How about the children na makakakita ng kalaswaang 'yan?!" Nanggagalaiting ani ng lalake saka ito nag-walk out.
"Ok. It's hot! Gosh!" Ani ni Terry sa tabi ni Sierra.
Mrs. Cornelius at Gaile naman ay halatang namoblema at nag-usap ng sarilinan. Maya-maya ay bumalik si Mrs. Cornelius na kinaroroonan nila.
"Let us just continue this tomorrow. We will first talk to Mr. Ferrer about this. Don't worry." Pagpapaumanhin sa kanila ng ginang. Napatango na lamang sila saka siya nagpaalam kay Terry na babalik sa hotel upang magbihis sa kanyang kawrto.
Pasakay na siya ng elevator ng laking gulat niya ng makitang nasa loob din nito si James na madilim pa rin ang mukha. Lalabas na lang sana siya ngunit sumara na ang pinto ng elevator.
"Bakit pumayag ka sa pinagagawa nila? I don't believe just because of this game- you will let those people see everything?" Mahina ngunit marrin nitong wika sa tabi niya. Lalo namang nayakap ni Sierra ang sarili.
"Ano ba ang nakita nila? It's just my back!" Paliwanag naman niya ditto na hindi na siya nag-abala pang magsabi ng "po" or "Mr. Ferrer" man lang.
"It's just your back?!" Inis na ulit nito sa sinabi niya.
Nanatili lamang siyang tahimik. Kinig niya ang malalim na buntong-hininga ng lalake.
Bumukas na ang pinto ng elevator at nagmadali na siyang lumabas at dirediretchong tinahak ang pasilyo na papunta sa silid niya habang nakasunod pa rin si James sa kanya.
"Sierra! Sierra! Will you stop!" Pagtawag nito sa kanya. Bagkus na pakinggan iyon ay lalo pa niyang binilisan ang lakad.
"Sierra!" Muling tawag sa kanya ng lalake. Agad nitong nahablot ang braso niya at saka siya niyakap ng mahigpit. Dahil nabigla ay hindi niya kaagad nagawang makawala. Ramdam niya ang malalim ng paghinga ng lalake. Ang kanyang dibdib naman ay kay lakas ng kabog na alam niyang nararamdaman din ng lalake dahil sa pagkakadikit ng kanilang katawan.
"Sierra, honey, I miss you so much. Please…Come back to me.." Mahinanong ani nito sa kanya saka hinalikan ang puno ng kanyang tenga.
Hindi naman malaman ni Sierra ang gagawin sa mga sandaling iyon. Napapikit siya at dinama ang mainit na katawan ng lalake, ang matitigas nitong mga braso na lalo pang naging maganda ang hubog dahil sa mga muscles nito na halatang alaga sa gym, at ang mabango nitong hininga.
Naramdam niya ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya maikakaila pa sa sarili na labis din ang pananabik niya sa lalake- na nakasama niya bilang kanyang kapatid sa loob ng mahigit labinlimang taon, at kanyang inibig mag-iisang taon na ang nakakaraan.
"I love you, honey. Please, don't leave me again." Gumagaral na pagsusumamo nito. Ramdam niya ang mga likidong pumatak sa kanyang balikat mula sa mga mata nito.
Dahan-dahan nitong kinalas ang pagkakayakap sa babae. Kitang-kita ni Seirra ang pagluha nito habang nakatitig sa kanyang mga mata na nangingilid na rin ang luha.
"Honey, tell me..Ano ba ang nagawa ko sa 'yo para saktan mo ako ng ganito? When you left me, I totally became empty. Hindi ako makatulog sa gabi, kakaisip kung nasaan ka na, kung ayos ka lang ba. Dahil hinding-hindi ko alam kung ano ang gagawain ko kung may mangyayari sa 'yong masama. Then when I saw you at Ferrer Heights, I was so happy- expecting that you will come back to me again. But now, you're here- like a different person. Tell me Sierra, kinalimutan mo na ba talaga na nagi akong bahagi ng buhay mo?" Umiiyak nitong tanong sa kanya.
Hindi na rin napigilan pa ni Sierra ang mga luha. Masagana itong dumaloy sa kanyang mga mata. Ito kasi ang ikalawang beses na nakita niyang umiyak si James mula ng makasama niya ito mula pagkabata- ang una ay ng mamatay ang ina nito. Masayahin kasi ang lalake at madaling nagmature kaya parang kayang-kaya nitong i-handle lahat ng dumating na pagsubok sa buhay.
"It's you who ignored me first. It's you who made me feel I was not loved!" Umiiyak na singhal niya dito. Hindi na niya napagilang mapahagulgol sa alaala kung paano siya pinagbintangan ng lalake na nakipagrelasyon sa kaibigan nito, kung paano siya nitong hinayaang malugmok sa sahig habang pinararatangan nito, at kung paano ito nakipaghalikan kay Veronica noong huling gabi na makita niya ito.
"That's a lie, honey! I was just confused that time when I thought you had an affair with Paul. But then I realized I was wrong, and I proved it when Paul was arrested by the police." Lumuluha pa ring paliwanag nito.
"I bought flowers and your favorite chocolates to surprise you and ask for your forgiveness sana sa mansion, but then you're gone." Pagpapatuloy ng lalake sa pagitan ng pagsinghot. Si Sierra naman ay tinakpan ang mukha dahil sa patuloy na pag-iyak. Lumapit sa kanya si James at muli siyang niyakap ng puno ng pagmamahal.
"Please forgive me, honey. I love you so much. Alam mo namang never kitang pinabayaan. Lagi kitang pinapasaya sa bawat oras na kasama kita. Mula ng isa ka pa lang malit na bata, tinatak ko na sa puso;t isipan ko na alagaan ka at mahalin. Sierra, I love you." Ani nito sa habang nakayakap pa rin sa kanya.
"No. I won't forgive you! I thought you really love me, but that's a lie when I saw you and Veronica kissing on your bed." Umiiyak niyang sabi saka pilit kumalas sa pagkakayakap nito. Patakbo niyang tinungo ang silid at nagkulong doon. RInig niya ang mga katok ni James sa pinto ngunit nagbingi-bingihan lamang siya. Umiiyak na ibinaon niya ang mukha sa kanyang malambot ng unan hanggang sa tuluyan na siyang madala ng kahimbingan.