Chereads / The Sleeping Handsome / Chapter 5 - CHAPTER 4: The Day of our First Kiss

Chapter 5 - CHAPTER 4: The Day of our First Kiss

NAKAUPO ang lahat sa couch sa sofa. Marami silang napagkuwentuhan tungkol sa kani-kanilang sarili.

"Eleven-fifty five na," sabi ni June nang tumunog ang isang malaking pendulum clock na naka-hang sa kongkretong pader na nasa kaliwa nila. Sabay-sabay silang napatingin doon.

Nagkatinginan sina June at Hansel na tila nangungusap ang mga mata. Alam na nila kung ano ang kahulugan ng mga tinging iyon kaya't nagsenyasan sila.

"Anong mayroon?" kabadong tanong ni Erika na tila aligaga.

"Maga-alas dose na ng gabi," sagot ni June. "Ang ibig sabihin, maghahalikan na."

"Kanina pa maghahalikan nang maghahalikan 'tong mga tukmol na 'to, ah. Wala na ba talagang magandang term na puwedeng gamitin?"tanong ni Erika sa isip.

"Erika, umakyat ka na sa itaas at pumasok sa kuwarto ni Siwan. Pagsapit ng saktong alas-dose, halikan mo na siya sa labi," utos ni Hansel.

"Huh? Hahalikan ko lang ba siya sa labi? Wala na bang ibang rituwal iyon na parang kulto?" taka nitong tanong na nag-aalala. Hindi pa siya handa dahil first time niya.

Mayamaya ay narinig nila ang hampas ng napakalakas na hangin mula sa labas. Lalong nagsilakasan ang pagkulog at pagkidlat na nagbibigay sa kanila ng lubhang nerbyos.

Nang sumilip sina June at Hansel sa labas ng bintana sa may likod ng bahay, mayroong bangin sa kanilang ibaba dahil nasa gilid ng bangin ang kinatatayuan ng bahay. Napakadilim ng mga ulap at may naaaninag silang kulay violet sa mga iyon. Nakita rin nila ang mga puno na halos magsipagbunot na sa lupa dahil sa sobrang lakas ng hangin. Tila signal no. six na bagyo.

"Nanood ka ba ng new forecast ngayon?" kabadong tanong ni Hansel.

"Oo, wala namang bagyo. Nakakapanibago ang pagbabago ng panahon," sabi ni June na may pag-aalala sa boses.

"Mukhang dahil 'to sa muling paggising ni Siwan," sabi nito.

Muli silang bumalik sa may couches. Nakatayo roon sina Erika at Minny na kanina pa sila tinitingnan. "Ano pang ginagawa mo, Erika?" tanong ni Hansel. Then tumingin siya sa clock at nakita niyang isang minuto na lang ay maga-alas dose na.

"Sandali lang naman, hindi ako ready!"

"Hindi mo na kailangang maghanda, hahalikan mo lang siya pagsapit ng alas-dose. Tapos!" sigaw ni Hansel. Nagsimula nang uminit ang ulo niya dahil sa sobrang kaba at taranta.

"Oo na, tatakbo na!"sabi ni Erika at tumakbo na nga siya patungo sa hagdan. Nang nasa hagdan na siya, napatigil siya dahil akala niya'y susundan siya ni Hansel o ni June.

"Ako lang?" tanong nito.

"Oo, dalian mo! Palli Palli!" sabi ni Hansel na labis-labis ang taranta sa boses. (Palli means 'hurry')

Sumimangot na lang si Erika at nagmadali ngang nagtungo sa kuwarto na itinuro sa kanya kanina ni Hansel.

Nasa pinakadulo ito ng tila hallway ng second floor at nagmadali siyang pumasok. Inilibot niya ang tingin sa paligid at may nakita siyang kama sa may pinakadulo. Napakalawak ng kuwarto kaya't tumakbo siya palapit doon upang umabot.

Nang dumating na siya sa kama, hindi siya nakagalaw kaagad dahil sa pambihirang kaguwapuhan ng lalaki. Nakasuot ito ng damit-pampatulog na parang kina Bananas and Pyjamas. Napakaamo ng hitsura ng lalaki at mukhang anghel. Matangos ang ilong, maputi, makinis, at malambot na balat. Napakapula rin ng labi nito at mayroon itong mahabang buhok. Katulad na katulad ito ng Siwan sa kanyang panaginip.

"Whoah! Daebak! Angguwapo!" sabi nito.

Mayamaya'y narinig niyang muling tumunog ang pendulum clock. Tingin niya'y iyon na ang hudyat na alas-dose na ng gabi kaya't wala na siyang oras na sinayang pa. Mabilis niyang hinalikan si Siwan sa labi ng ilang segundo. Pakiramdam niya'y bumagal ang takbo ng oras ng mga sandaling iyon, at pakiramdam niya'y may nag-play na Korean drama ost sa background na siyang nagpa-romantic sa eksena nila.

"You are my destiny.... you are... you are my everything..."

Mayamaya, inalis na rin niya ang mga labi niya sa labi ng binata. Pinagmasdan nito ang reaksyon ng mukha ni Siwan ngunit wala itong pagbabago. Nananatili pa rin itong tulog.

Mabilis ang kabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon. Kinakabahan siya na baka hindi napakinabangan ni Siwan ang halik niya.

"Bakit hindi effective ang halik ko?" nagtataka nitong tanong.

Mayamaya, nakita nitong gumalaw ang mga mata ni Siwan na tila nag-uumpisa na itong dumilat. Napalapit pa siya ng ilang hakbang hanggang sa makita nitong dumilat na nang tuluyan si Siwan.

Asul ang kulay ng mga mata ni Siwan na siyang lalong nagpamangha kay Erika sa pisikal nitong katawan. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Erika dahil sa sobrang tuwa. For once in two months, nagkaroon siya sawakas ng silbi. Napatalon siya ng isang beses at napapalakpak.

Bumangon si Siwan at sumandal sa headboard ng kama.Then, napangiti siya nang tuluyan nang rumehistro sa utak niya na gising na siya. Napatingin pa siya sa kanyang mga kamay at napahawak sa katawan.

"Gising na ako!" bulalas nito sa sobrang saya. Then saka nito napansin siErika na noon ay sobrang sayang nakatingin sa kanya. "Sino ka?" Nawala ang ngiti ni Siwan at tila nadismaya ito nang makita siya.

"Ako si Erika, ang humalik sa 'yo, ang savior mo!" masaya nitong paliwanag.

"I-ikaw iyon? Sigurado?" paniniguro ni Siwan na hindi makapaniwala.

Tumango nang may malawak na ngiti si Erika. Nasasabik ito sa magiging papuri ni Siwan sa kanya. Napakasuwerte niya dahil napakaguwapo ng first kiss niya.

"Bakit parang hindi ikaw iyon? Mas maganda iyong nasa panaginip ko, eh," pagtatanong ni Siwan sa sarili. Tila inaalala pa nito nang mabuti si Erika sa panaginip, then pinag-aralan ang mukha ni Erika na nasa harap niya.

"Oo nga noh, ikaw nga iyon, pero bakit ang pangit mo sa personal? Mas maganda ka sa panaginip," sabi nito na clueless at tila hindi nakakasakit ng damdamin ang mga sinasabi.

Nawala naman ang ngiti ni Erika sa mga labi at nadismaya. Nagsitaasan ang dalawa niyang kilay at sinamaan ng tingin si Siwan. "Ah, ganyan ba magpasalamat ang mga ninuno ng henerasyong 'to?"

Muling ngumiti si Siwan. "Ah, pasensya na kung nasaktan ko ang damdamin mo. Hindi iyon ang intensyon ko."

"Okay, dahil gising ka na, aalis na ako. Ayaw ko mang sabihin 'to pero gusto ko ng bayad sa paghalik ko sa 'yo. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka magigising. Dapat lang na bayaran mo ako."

"Bayaran?"

"Oh, sige. Payag ako. Anong gusto mong kapalit?"

"Pera. Isang daang libong piso—iyon ang halaga ng halik ko."

"Sige. Ayos iyon."

Napangiti si Erika nang nakakaloko.

"Teka, ikaw ba talaga iyong Erika na napuntahan ko sa panaginip? Bakit napaka-elegante mo roon? Napakahinhin at malumanay magsalita?"

"Dahil panaginip lang iyon. Magpasalamat ka na lang dahil atleast kahit sa panaginip naging gano'n ako. Pasenya na kung hindi mo naa-appreciate ang ganda ko, ah. Judgemental ka kasi."

"Ja-judgemelan—ano?"

Napaisip si Erika. Naisip nito na baka hindi pa ito marunong mag-English dahil nga tulog ito sa loob ng one thousand years.

"Never mind."

"Ano iyon?"

"Molla Molla," sabi na lang niya sa inis. (Molla means whatever).

"Ano iyong mulla mulla? Pagkain ba iyon?"

"Huwag mo akong pansinin. Ibigay mo na lang ang pera ko para makaalis na kami rito."

"Teka... hindi ka puwedeng umalis dahil simula sa araw na 'to, magkasama na tayong mamumuhay."

Nagulat si Erika sa mga sinabi ni Siwan. Nagkatinginan sila. Nakaramdam ng kilig si Erika, tila bumalik sa isip niya kung gaano siya pinakilig ng fairy sa panaginip niya.

Napangiti siya. "Huh?" sabi na lang niya na kunwari ay hindi pa naiintindihan ang nangyayari.

"Simula sa araw na 'to, ikaw na ang magiging asawa ko."

Nanlaki ang mga mata ni Erika dahil sa sobrang pagkagulat. "A-asawa kaagad?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Siyempre gusto muna kitang kilalanin, hindi naman puwedeng gano'n-gano'n na lang."

"Ah... sige, bibigyan kita nang oras para mas makilala mo pa ako. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong mapapa-ibig kita."

"Ay wow, confidence level, 100,"sabi niya sa isip."Pero may punto siya. Mas guwapo pa siya sa mga oppa na napapanood ko sa mga K-drama. My goodness, kailangan kong umaktong Dalagang Pilipina. Pabebe muna ako dapat."

Nagpigil ng tawa si Siwan sa mga sinabi sa isip ni Erika. Mayroon siyang kakayahang makabasa ng isip ng tao.

"Ba-bakit?" tanong ni Erika.

"Wa-wala."