Chereads / The Sleeping Handsome / Chapter 10 - Chapter 9: The Seven Commandments

Chapter 10 - Chapter 9: The Seven Commandments

NANONOOD ng Moment at Eighteen si Erika sa kaniyang kuwarto habang nagkakape at kumakain ng tinapay na binili niya sa kanto. Habang nanonood siya'y naalala niya ang tungkol sa two hundred thousand pesos na pera niya kay Siwan.

Kumunot ang kilay nito dahil sa naisip. "Omo! Ang engot ko talaga! Ganito pala ang pakiramdam ng na-scam? As if naman na pupunta iyon dito para bayaran ako," sabi nito at padabog na kinagatan ang tinapay at padabog na nginuya habang masamaang tingin sa TV.

Pagkaraan ng ilang sandali ay narinig niyang nag-ring ang doorbell. Nanlaki ang mga mata niya sa pag-asang si Siwan na iyon dala ang tumataginting na two hundred thousand pesos. Napangiti siya at mabilis na sumilip sa bintana ng kanyang kuwarto. Nakita nito ang ate niya sa labas ng gate at naghihintay na buksan niya ang pinto.

Sumimangot siya. "Anubayan! Kasi naman, ang aga-aga umuwi."

Binuksan na lang niya ang gate at pagkatapos ay nagtungo sila sa salas. Umupo sa sofa si Ariel. Umupo rin si Erika sa isa pang sofa.

Pansin ni Erika ang pagiging problematic sa expression ng ate niya kaya naman gano'n na lang ang pagtataka niya.

Nakatulala ang ate niya habang nakasandal sa backrest ng sofa. Then nagbuntong-hininga.

"May problema ba, Ate?"

"Mayroon. Uuwi na rito iyong may-ari ng bahay. Ang sabi niya, kapag hindi natin nabayaran ng three million pesos itong lupa't bahay, kukunin na nila 'to sa atin."

"OMO! Seryoso?!"

"Oo," sagot nito at sinundan ng buntong-hininga.

"Ate, paano na tayo? Saan na tayo titira?" May pag-aalala sa boses niya.

"Hindi ko alam. Pero kung ako sa 'yo, maghahakot na ako ng mga gamit ko, ano mang sandali mula ngayon. Baka dumating na iyong may-ari no'ng bahay at palayasin tayo."

Mayamaya'y nag-ring ang doorbell. Nanlaki ang mga mata nina Erika at Ariel, at pagkatapos ay nagtinginan sila sa sobrang kaba na parang character sila sa isang horror movie. Napalunok sila ng laway nang sabay at pagkatapos ay dahan-dahang naglakad patungo sa main door.

Bago buksan ang pinto ng main door ay nagpalitan ulit ng tingin ang dalawa at napalunok ng laway. Then, mapuwersa at mabilis na binuksan ni Erika ang pinto.

Walang tao kaya't nakahinga siya nang maluwag.

Kinutusan ni Ariel ag kapatid. "Tukmol, may gate tayo!"

Binuksan nila ang gate. Nagulat si Erika sa mga mukhang tumambad sa harap niya. Sina Hansel, Siwan at June, na noon ay pare-parehong nakangiti.

"Si-sino kayo?" tanong ni Ariel.

"Kami na ang bagong may-ari ng bahay na 'to."Si Hansel na mayroong mapait na ngiti.

"Ka-kayo na ang bagong mag-ari?" pagtatanong ni Ariel. Hindi na niya hinihintay ang sagot nito. "Saglit lang, ah."

Muli niyang sinara ang gate at naglakad sa main door. Then nag-dial siya ng number doon. "Hello!"

"Oh, Ariel!"

"Manang!"

"Oo. Kaya umalis na kayo diyan. Alam kong wala kayong maipambabayad kaya't hindi ko na kayo siningil."

"Manang naman, baka puwede pa nating pag-u--!"

Naputol na ang linya dahil binabaan na siya ng taong kausap niya.

Bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Ariel, inabangan naman ni Erika ang magiging expression sa mukha ng ate dahil ito ang magsasabi sa kung ano ang napag-usapan nila ng may-ari ng bahay. At base sa nakikita nito, mukhang hindi ito maganda.

"Ate? Ano? Binabaan ka?"

"Magligpit ka na," sabi nito at saka muling naglakad patungo sa gate at doon sinabi kina Hansel na maghintay muna sila roon dahil magliligpit pa sila. Matapos no'n ay pumasok siya sa bahay nila upang magligpit na.

Si Erika, hindi alam ang gagawin. Hindi ito sigurado kung kaya ba niyang umalis sa bahay na iyon gayong dito na siya lumaki. Maraming alaala ang dito nahubog.

Nagkaroon ng pagdadalawang-isip sa kanya na umalis kaya't nagmadali siyang nagtungo sa gate upang kausapin sina Hansel.

"Anong ginagawa niyo, Hansel? Bakit niyo binili ang bahay na 'to?"

"Huh? Bakit? Masama ba?"

"Ito ba ang kabayaran niyo sa paghalik ko? Matapos niyo akong pakinabangan tapos sasaksakin niyo lang pala ako sa likod?" Nakangiwi ang mukha nito dahil sa pagiging emosyonal.

Nabura ang ngiti ni June dahil samga binitiwang salita ni Erika. Sina Siwan at Hansel naman ay nagkaroon ng pagdadalawang-isip na baka hindi tamang desisyon ang ginawa nilang pagbili sa bahay.

"Teka lang, Erika, hindi niyo naman kailangang umalis sa bahay. Puwede kayong tumira rito hangga't kailan niyo gustuhin!" paliwanag ni Siwan.

Pinunas ni Erika ang kaunting butil ng luha na namuo sa mga mata niya at inobserbahan si Siwan kung nagsasabi ba 'to ng totoo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi niyo naman kailangang umalis. Narinig kong may limang kuwarto sa bahay na 'to. Sakto, tatlo kami, dalawa kayo."

"Talaga?" sabi ni Erika na tuwang-tuwa ang puso ngunit hindi niya pinapahalata. Nailingon nito ang tingin sa walang tiyak na direksyon dahil sa hiya. "Kalimutan niyo na iyong sinabi ko kanina. Naging emosyonal lang ako, dapat kasi sinabi niyo kaagad."

"Puwede na ba kaming pumasok ngayong klaro na ang lahat? Init na init na ako rito," turan ni Hansel.

"Bakit ba kasi ganyan ang suot mo? Hindi ka ba nagpapalit ng damit?"

Itinuro ni Hansel si Erika. "Huwag na huwag mong kukuwestyunin ang paraan ko ng pananamit." Madiin ang pananalita nito.

"Okay, fine!"

Muling napangiti si June nang mawala na ang misunderstanding.

Pumasok na sila sa loob at pinaupo sila ni Erika sa salas. At pagkatapos ay tinungo niya ang kuwarto ng kanyang ate. Naabutan niya roon si Ariel na nagtutupi ng mga damit habang nakaupo sa kama. Labis-labis na kalungkutan ang makikita sa kanyang mga mata. Pagkaran ay inilibot nito ang tingin sa buong kwarto.

"Mami-miss ko ang bahay na 'to," sabi niya sa ere.

"Baliw, ang sabi ni Siwan hindi naman natin kailangang umalis. Lima naman daw ang kwarto rito at lima tayo, sakto," paliwanag ni Erika.

"Sinong Hansel?"

"Iyong isa sa mga lalaki, iyong nakasuot ng itim na coat sa katirikan ng araw."

"Ah..." sabi niya at nagkaroon ng tuwa sa kanyang puso. "Pero, ayos lang ba iyon. I mean, ayos lang ba na tumira tayo kasama sila? Lalaki sila. Mga babae tayo, paano kung..."

Nagkaroon ng pangamba sa isip ni Erika dahil sa naisip ng kanyang ate.

"Hindi naman siguro iyon mangyayari, Ate."

"Paano ka naman nakakasiguro? Kilala mo ba sila?"

"Hindi naman pero...." Hindi alam ni Erika kung paano nito ipapaliwanag sa ate niya ang gut feel niya na hindi kayang gawin iyon nina Siwan, Hansel at June."... so anong gagawin mo ngayon, aalis tayo? Ayokong umalis tayo rito."

Nag-isip si Ariel. "Sige, sa ngayon, tumira muna tayo rito."

Tumayo si Ariel at hinampas ang kapatid sa braso. "Maghanap ka na kasi ng trabaho. Hindi tayo puwedeng tumira rito habang buhay ngayong wala na tayong authority rito."

"Nagpasa na nga ako ng resume. Hinihintay ko lang na tawagan ako ng mga pinasahan ko."

Muli silang bumaba sa salas upang harapin ang mga bagong may-ari ng bahay.

Magkakatabing nakaupo sina Siwan, Hansel at June sa isang sofa. Sa kaharap na sofa naman umupo sina Erika at Ariel.

Pinagmasdang mabuti ni Siwan ang mukha ni Ariel. Nang una pa lang niya itong makita'y tila nanumbalik sa puso niya ang sakit ng panlolokong ginawa sa kanya ni Songha sa nakaraan. Bagama't alam niyang walang kinalaman si Ariel doon, hindi pa rin niya ito maiwasang tingnan na parang isa lamang itong stranger.

Ganoon din ang tinging ibinigay ni Hansel kay Ariel, ang pinagkaiba lamang ay may halong pagmamahal pa rin ito sa kabila ng galit. Pinili na lamang nilang umakto sa kung paano dapat upang hindi sila makagawa ng kahit na anong issue. Ang importante sa kanila ngayon ay ang makuha ang loob ng dalawang dalaga upang siguruhing hindi sila aalis sa bahay. Kailangan nilang mapalapit kay Erika upang mabantayan nila ito sa nagbabadyang ghoul na puwedeng manakit dito.

Ngumiti si Hansel. "Ayos lang naman sa amin na tumira kayo rito. I heard, wala kayong matutuluyan ngayon? We don't really think na kakayanin ng konsensya namin na sa kalsada kayo tumira."

"Sigurado ba kayong payag kayo? Don't you have any motive?" diretsang tanong ni Ariel.

Hindi kaagad nakasagot si Hansel. Nagkaroon siya ng paghanga dahil sa pagiging diretso nito magsalita.

Si Erika naman ay nanlaki ang mga matang gulat na tumingin sa ate niya, may halo itong pag-aalala na baka ma-offend nila sina Hansel at palayasin sila.

"Well, kung gusto niyong umalis, bahala kayo."

"Ah, hindi, Sir Hansel!"nag-aalalang saad ni Erika.

Napa-smirk si Hansel doon. "Sir Hansel, my ass," panggagaya nito."Bahala kayo kung gusto niyong umalis dito or what. Wala kaming oras para pag-ukulan ng pansin ang mga pagdududa niyo."

"Magbabayad kami ng renta!" sabi ni Ariel. "But gusto ko lang gumawa ng contract. I appreciate your consideration for us but so far, we can't totally trust you."

Napangisi ng nakakatuwa si Hansel at napaayos upo. Ipinatong nito sa dalawa niyang tuhod ang magkabila niyang siko kaya't napalapit nang bahagya ang mukha nito sa dalaga. Pinagmasdan nito ang mukha ni Ariel. Songha, ikaw na ikaw talaga iyan. Kahit sa bagong buhay na mayroon ka, ganiyan na ganiyan ka pa rin, ang dahilan kaya't nabaliw ako sa 'yo—at ang dahilan din nang kamatayan ko.

Nagkaroon ng kaunting pagsilip si Siwan kay Hansel. Nagkaroon siya ng pag-aalala sa kung ano ang nararamdaman ng kaibigan niya sa mga sandaling iyon.

Nagpalitan ng maaanghang na tingin sina Hansel at Ariel. Kaunti na lang ay may kuryenteng dumaloy sa mga mata nila.

Makalipas ang kalahating oras, nagsibalikan sila sa sofa. Umupo sila sa dati nilang puwesto kanina.

Inilapag ni Ariel ang isang bond paper kung saan nakalagay ang mga don'ts na ginawa niya kanina.

The Seven Commandments

1.) Bawal pumasok sa kuwarto ng mga babae.

2.) Bawal tingnan ang mga babae na may pagnanasa sa mga mata.

3.) Bawal tingnan ang mga babae sa likod

4.) Bawal makipag-usap sa mga babae ng tungkol sa mga malalaswang bagay

5.) Bawal kumatok sa pinto ng kuwarto ng mga babae

6.) Bawal bastusin ang mga babae

7.) Bawal mang-rape

Si Hansel ang nakahawak sa papel habang nasa kaliwa't kanan sina Siwan at June na kasabay niyang nagbabasa sa isip. Nang matapos nila itong basahin ay sabay-sabay silang napatingin kina Erika at Ariel na noon ay nakatingin sa kung saan at tila nahihiyang makipag-eye contact sa kanila.

Ibinaba ni Hansel ang papel at ipinatong sa center table.

"Bawal mang-rape?" pag-uulit ni Hansel na tila naiinsulto. "Pinahaba niyo pa ang listahan gayong sasabihin niyo rin pala sa huling 'bawal mang-rape'?"

"Oh bakit? Magkaiba iyong rape sa pagtingin na may pagnanasa at pagtingin sa likod," pagtatanggol ni Ariel na may pahapyaw na tingin kay Hansel.

"Hindi na bale, umalis kayo sa pamamahay ko. Hindi namin kailangan ng babae rito!" sabi ni Hansel pero ang toto'y nagpapa-cool type lamang ito. Nababasa na rin kasi niya ang magiging aksyon ni Erika sa oras na sabihin niya ang mga salitang iyon—magmamakaawa ito.

"Sir Hansel naman! Please!" problemadong pagmamakaawa ni Erika.

"Bakit? Hindi niyo ba kayang gawin ang mga nakalista? Siguro rapist talaga kayo, noh?" paghahamon ni Ariel.

Narindi naman ang mga tainga ni Hansel at napapikit pa. Then dumilat din at nangunguwestiyong tingnan si Ariel.

"Excuse me, itong mukha 'to, rapist? Hoy! Alam mo bang sa sobrang kaguwapuhan ko, puwede na akong maging artista? Mga babae na mismo ang lumalapit sa akin para sabihin ko sa 'yo!"

"Ah, tama na iyan, Hansel! Huminahon ka," sabi ni Siwan na may pagpapakalma sa boses. "Ah, pasensya na kayo kung napagtaasan kayo ng boses ng kaibigan ko. Medyo hindi lang kasi niya nagustuhan ang mga nasabi niyo. Alam naman naming wala kayong intensyong manakit ng damdamin, pero hindi ba't parang sumusobra naman yata kayo?" mahinahon at nakangiting saad ni Siwan.

Natahimik si Ariel. Nakaramdam siya ng konsensya dahil pakiramdam nga niya'y nakasakit siya ng damdamin. Hindi na niya naisip ang mararamdaman ng mga lalaking nasa harap niya.

"Pasensya na," saad ni Ariel at saka nagmadaling naglakad paakyat sa kuwarto niya.

Nagtataka siyang tiningnan ng tatlong lalaki, simpatiya naman ang ibinigay na tingin ni Erika para sa ate niya.

"Pasensya na kayo kung ganoon na lang siya ka-protective sa rights namin bilang babae. Nagkaroon na rin kasi siya ng malagim na past dati," sabi ni Erika.

Nabigla ang tatlo sa kanyang sinabi, may halo itong pagtataka sa kung anong malagim na past ang tinutukoy niya.