Chereads / The Sleeping Handsome / Chapter 11 - Chapter 10: Non Sense Argument

Chapter 11 - Chapter 10: Non Sense Argument

"Anong ibig mong sabihin, Erika?" tanong ni Hansel na punong-puno ng kaba ang mga mata. Nangangamba ito sa bagay nanaisip.

Nagkaroon naman ng pagdadalawang-isip ang dalaga na sabihin ang bagay na iyon sa tatlo. Naisip niyang mayroon ding pride at dignity na iniingatan ang kanyang ate kaya't nagdesisyon siyang huwag na lang itong sabihin.

Nang mga sandaling iyon, binasa ni Siwan kung ano ang nasa isip ni Erika. At nalaman niya ang isang bagay—na si Ariel ay muntikan nang ma-rape ng kanyang ex-boyfriend. Nanahimik lamang siya dahil inintindi rin niya kung bakit gusto iyong ilihim ni Erika sa kanila.

"Basta, huwag niyo kaming palalayasin. Kahit huwag niyo na akong bayaran basta't siguruhin niyo lang na hindi niyo kami palalayasin dito. Give and take. At saka, kung tutuusin, maliit na bagay na lang 'to. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka magigising, Siwan. Ano sa tingin niyo?" sunod-sunod na saad ni Erika at pagkatapos ay nagmadaling sinundan ang kanyang ate.

Doon na rin ipinaliwanag ni Siwan sa dalawa kung ano ang tinutukoy ni Erika na pinagdaanan ni Ariel. Sa hindi malamang dahilan ni Hansel, bigla na lamang uminit ang buong kalamnan niya sa sobrang galit. Tila nakaramdam siya ng kagustuhang patayin ang taong nagtangkang gumahasa kay Ariel.

***

HAPUNAN na. Magkakatabing nakaupo sa isang side sina Siwan, Hansel at June. Nasa kaharap naman nila sina Erika at Ariel. Nakalapag sa hapagkainan ang iba't ibang gulay at mga karne na niluto ni Ariel. Gusto niyang bumawi mula sa pagiging masungit nito kanina.

Nang layasan kasi nito sina Hansel sa kalagitnaan ng pag-uusap ay napagtanto niyang maling-mali ang kanyang naging attitude. Nagpakapositibo na lang siya at inisip na hindi lahat ng lalaki ay katulad ng kupal niyang ex-boyfriend.

Nagklaro si Ariel ng kanyang lalamunan. Bukod sa pamamagitan ng pagluluto niya ng masarap na hapunan ay naisip din niyang kailangan din niyang humingi ng pasensya sa mga ito. Paano siya rerespetuhin ng mga ito kung maging siya'y hindi iyon magawa sa partido ng mga lalaki?

"Ahm... Guys!" panimula nito habang nasa ibaba ang tingin at hindi makatingin sa mga mata ng tatlong lalaki, lalo na kay Hansel na mismong nasa harapan niya."Pasensya na sa naging pakikitungo ko kanina. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Although oo, aminado naman akong mali ako, sinasadya ko man o hindi, hindi ko dapat ginawa iyon. Naisip ko lang na kailangan ko kayong igalang since kayo na ang bagong may-ari ng bahay na 'to. At ayoko ring may kaaway sa loob ng iisang bahay," nahihiya nitong paumanhin.

Sabay-sabay na napatingin sina Siwan, Hansel at June sa kung saan nakatingin si Ariel— sa ulo ng isda na nakaharap sa kanya.

Isinaksak ni Hansel ang tinidor sa isda at pagkatapos ay inilagay ito sa bowl niya, dahilan para maging dalawa na ang sinigang na bangus na nasa kanya.

"Ginagamit mo ang isdang iyon para ihatid sa amin ang mensahe mong iyon?" sabi ni Hansel at mapait na ngumiti. "Okay, he delivered it to us very well. And in case you're waiting for him to get a response from us, then he said 'we're accepting your apology'."

Sinamaan lang ng tingin ni Ariel si Hansel dahil sa pagiging sarkastiko nitong magsalita. Napa-smirk pa siya sa inis ngunit sinimulan na lang niyang kumain.

"Teka, hindi pa pala tayo nakakapagpakilala sa isa't isa, ako nga pala ang nakababatang kapatid ng dalawang 'to. Ako si June, isang estudyante!" nakangiting pagpapakilala ng binata.

Tahimik lang si Erika sa pakikinig sa mga kasinungalingan ni June. Hindi malinaw sa kanya kung ano ang pakay ng mga ito at bigla na lang nilang binili ang bahay nila. Naisip na lang niyang may tamang oras din upang usisain ang mga ito.

Sinamaan ng tingin nina Siwan at Hansel si June dahil sa pagpapakilala nito as their younger brother. But then, hinayaan na lamang nila dahil iyon din ang pinakamagandang relationship na puwedeng mamagitan sa kanila.

"Ako naman si Hansel," sabi nito at saka sumubo ng petchay gamit ang tinidor.

"Ako naman si Siwan," nakangiti nitong pagpapakilala.

"Ah, nga pala. Matanong ko lang, magkakapatid ba kayong tatlo?" si Ariel.

"Magkakapatid kami."Si Hansel.

"Sino ang pinakamatanda?"

"Siya," sabay na sabi nina Siwan at Hansel habang nakaturo sa isa't isa.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila matapos no'n. Tila nakarinig pa sila ng uwak na dumaan at nakarinig ng ihip ng hangin.

Ginamit ni Hansel ang telepathy ability nito upang kausapin si Siwan sa isip. Nakapako lang ang tingin nila sa isa't isa.

"Hoy, Siwan, mas matanda ka sa akin."

"Kahit na, mas mukha ka namang mas matanda." Si Siwan.

"Ikaw na ang magparaya." Si Hansel.

"Oh bakit ako? Ikaw na lang kaya?" si Siwan.

"Ayoko."

"Bakit ayaw mo?"

Nag-isip ng dahilan si Hansel. "Magmumukha akong sinungaling sa harap niya. At saka mas matanda ka naman talaga, bakit ba ayaw mo pang aminin? Ano bang nakakahiya sa pagiging mas matanda?"

"Ikaw? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?"

Nagkakainitan na rin no'n sina Hansel at Siwan.

Halos fifteen seconds din silang nagkatitigan at nakatigil ang mga kamay sa paggalaw sa pagkain. Nakatingin lang sina Erika, Ariel at June sa kanila nang mga sandaling iyon.

Binasag iyon ni Erika. "Si Hansel ang mas matanda. Obvious naman, Ate, can't you tell by looking them?"

Napapikit na lang si Hansel dahil sa sinabi ni Erika. "Si Hansel? Parang kanina lang tinatawag mo akong Sir Hansel? Tapos ngayon gano'n-gano'n na lang?" pangunguwestiyon niya.

"Aish! Tama na, huwag mong ibahin ang usapan. Mas mukha ka naman talagang mas matanda. Bakit hindi mo na lang tanggapin?"

Huminga nang malalim si Hansel upang pakalmahin ang sarili. Pakiramdam niya'y ano mang sandali mula ngayon ay makakapanakit siya ng babae.

"June, iyong gamot ko sa high blood, ihanda mo na," sabi ni Hansel habang nasa baba ang tingin.

Nagsalubong naman ang mga kilay ni June sa pagtataka kung ano ang tinutukoy ni Hansel. But then, na-realize niyang hindi naman niya ito kailangang seryosohin.

"Hoy, Erika, tigil-tigilan mo ang pagiging nakakainis sa akin, ah. Kapag ipinagpatuloy mo pa iyan, baka kung ano nang magawa kong kahindikhindik."

"Siwan, tinatakot ako ng kuya mo, oh!" pagpapa-cute ni Erika na nakanguso pa ang mga labi. Itinakip pa nito ang nakakuyom nitong mga kamao sa pisngi niya. "Wala ka bang gagawin? Hmm!"

Huminga nang malalim si Siwan upang pakalmahin ang sarili. Diring-diri siya habang tintinginan ang nakakainis na mukha ni Erika na nagpapa-cute."Please, huwag mong gagawin iyan, Erika. Parang awa mo na."

Sinamaan lang ng tingin ni Erika si Siwan. Ang akala nito'y ipagtatanggol siya nito mula kay Hansel.

"Tigilan niyo nga iyan, para kayong mga bata," medyo galit na sabi ni Ariel at sinamaan ng tingin ang kapatid. "Tapos ikaw, puwede bang huwag mo nang gagawin iyon ulit? Bigyan mo naman ng respeto iyong pagkain na maisusuka namin habang tinitingnan iyang pagmumukha mo!"

"Bakit? Sinabi ko bang tingnan niyo ako? Cute naman ako, ah!" Tumingin si Erika kay June upang maghanap ng kakampi. Alam kasi niyang mabait itong bata."June, sabihin mong cute ako!"

Mabilis na tumibok ang puso ni June sa kaba. Pakiramdam niya'y naiipit siya sa isang daan sa pagitan ng katotohanan at ang damdamin ni Erika. Ayaw niya itong ma-offend.

Napalunok siya ng laway at dahan-dahang tinanggal ang tingin kay Erika.

Mabilis ang kabog ng dibdib nito. Nanginginig ang mga kamay nitong kinuha ang isang baso na may lamang tubig at ininom. Nakatingin naman ang lahat sa kanya upang abangan ang kanyang sasabihin.

"Hoy, Erika, huwag mo ngang takutin iyong bata," sabi ni Ariel.

***

May apat na kuwarto sa second floor ng bahay. Dalawang kuwarto sa isang bahagi at sa harap naman nito'y dalawa rin. Matapos ang pagdedesisyon ng tatlo, napagpasyahan nilang sina Hansel at Siwan ang titira sa dalawa pang available na kuwarto sa second floor at si June naman ang nasa baba.

Lahat sila ngayon ay tahimik nang nakahiga sa kani-kanilang kuwarto, maliban kay Erika na noon ay nanonood ng Liar Game habang kumakain ng junk foods sa isang malaking plastic container.

Si Ariel ay mahimbing nang natutulog.

Si June ay nakadilat ang mga mata habang iniisip ang pagpasok nito sa eskuwelahan next week.

Si Hansel naman ay bumabalik-balik sa isipan niya ang mukha ni Ariel at ang attitude nitong hindi niya nakita at naramdaman sa loob ng mahigit isang libong taon. Gusto na niyang kalimutan ang feelings nito kay Songha, pero ngayong nakikita niya si Ariel ay natatakot siyang manumbalik ang pagmamahal nito.

Si Siwan, sari-saring bagay na ang pumapasok sa kanyang isipan: si Songha; ang paghahanap sa babaeng duplicate; at ang pinakabumagabag sa kanya—si Erika—kung papaano nito sasabihin sa dalaga ang tungkol sa ghoul na kailangan niyang iwasan—at ang tungkol sa pagdudugtong ng buhay niya sa dalaga. Gustuhin man niyang diretsuhin si Erika tungkol do'n ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang lakas ng loob.