T
"NASAAN na si Hansel?"
"Nasa baba sila."
MABILIS na bumangon si Siwan at kumaripas ng takbo. Paglabas niya ng pinto, hallway, sinundan niya ang daan hanggang sa mapunta siya sa hagdan, at mula roon ay nakita niya sa ibaba ang apat na pamilyar na mukha—sina Hansel, Deib, Eureka at Williams. Malawak na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labiat nagmadaling bumaba sa hagdan. Sa pagmamadali niya, nagpagulong-gulong siya sa hagdan at napasubsob ang mukha sa sahig.
Napatayo ang lahat mula sa pagkakaupo dahil sa pagkabigla. Lalo na sina June at Minny, naninibago sila dahil ngayon lamang nila ito nakita. Bumihag kaagad sa puso ni Minny ang napakaguwapong mukha ni Siwan at kusa na lang siyang napangiti, napalitan iyon ng pag-aalala nang makitang nalaglag si Siwan sa hagdan.
Nilapitan ni Hansel si Siwan at inalalayan ito sa pagtayo.
***
NAKAUPO na silang muli sa coch. Katabi ni Siwan si Hansel na nasa kanan niya, nasa kaliwa naman niya si June. Sa isang couch naman nakaupo sina Minny at Erika. Ang tatlo naman ay sa kinauupuan din nila kanina.
Tapos na silang magyakapan at magsalita ng mga kung ano-anong 'congratulatory speech'. Tuwang-tuwa sina Deib, Eureka at Williams dahil nagising na rin sawakas ang kaibigan nila.
"Kumain naman tayo sa labas matapos nito," sabi ni Deib nang nakangiti.
"Oh sige ba, payag ako. Kailan?"
"Sama ako!" sabi ni Eureka nang maligalig at nagpa-cute.
"Ako rin. Sama niyo rin ako. Busy nga lang ako this week kaya't next week na lang," sabi ni Williams.
"Anong bisy at diswik?" pagtataka ni Siwan. Napatingin sa kanya nang nagtataka sina June at Minny dahil sa pagiging ignorante nito.
"Ah... salitang dayo iyon, Siwan. Tinatawag na English. Bibigyan kita ng talasalitaan no'n mamaya para madali mong maintindihan ang pag-uusap sa henerasyong 'to. Sobrang dami na ng ipinagbago at siguradong matutuwa ka."
"Talaga? Mukhang masaya nga iyan. Nasasabik na akong lumabas ng bahay at gumala sa mundong 'to." Nakaukit ang pagkasabik at tuwa sa mga mata ni Siwan.
"Sige, Williams, next week na tayo kumain sa labas," sabi ni Hansel.
"Okay, pagaling ka, Siwan!" Matapos no'n ay umalis na ang tatlo.
Silang lima na lang ang natira.
Ipinakilala ni Erika si Minny kay Siwan. Wala namang reaksyon si Siwan at nagpatango-tango lang. Kinikilig naman si Minny sa taglay na kaguwapuhan ni Siwan. Wala siyang ibang masabi sa sobrang tuwa. Halos mapatulala na ito. Nang mapansin ni Erika na nakatulala ang kaibigan ay kinurot niya ito sa tagiliran upang sabihing mag-behave.
"Sir Siwan, ako nga pala si June, ikinagagalak kitang makilala!" pakilala ni June na may napakalawak na ngiti. Nakaupo na siya ngayon sa kinauupuan nina Deib kanina.
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Siwan upang makipagkamayan.
Tiningnan lamang iyon ni Siwan, as if nagtatanong siya kung ano ang ibig sabihin ng ganoong gesture.
Napatingin si Siwan kay Hansel nang nagtatanong ang mga mata. "Siwan, ang ibig sabihin ng ganyan, nakikipagkilala ka sa isang tao. Kailangan mong makipagkamayan sa kanya."
"Ah... makipagkamayan? Hahawakan ko ang kamay niya?"
"Oo."
"Ah... sige." Hinawakan niya ang kamay ni June at ngumiti naman ang binata. Si June na rin ang bahalang nagyugyog sa kamay nila dahil hindi pa alam ni Siwan kung paano iyon tumatakbo.
Nasa sampung segundo silang nagkamayan. Tuwang-tuwa si Siwan at bakas ang ngiti sa kanyang labi na tila naglalaro na parang bata."Ah... nakakatuwa naman 'to. Hanggang kailan pala natin 'to gagawin?"
"Ah, katunayan saglit lang iyan. Mga dalawang segundo, ayos na iyon."
"Ah... gano'n pala iyon..."
Binitawan na rin ni Siwan ang kamay ni June.
"Kanang kamay ako ni Sir Hansel, Sir Siwan. Ngayon lang ako makakakita ng isang fairy sa buong buhay ko kaya naman it's my pleasure."
"Ah... wala iyon... kung ano man yung sinabi mo sa huli, wala iyon..."sabi nito.
"Ah pasensya na, napa-English tuloy ako. Ang ibig sabihin no'n, ikinagagalak kitang makilala."
"Ah..." sabi ni Siwan at ngumisi.
"Siwan, siya iyong lalaking sinasabi ko sa 'yo sa panaginip na hindi pa rin kinukuha ng grim reaper ang kaluluwa kaya't naisip kong baka isa lamang siyang duplicate."
"Dupli—ano?"
"Teka... paano ko ba 'to sasabihin?"
Inilahad ni Hansel ang kamay niya sa kanyang harap. Pagkatapos ay lumabas doon ang isang tila gamot. "Inumin mo 'to, Siwan. Kapag ininom mo iyan, maiintindihan mo ang lahat ng mga salitang sasabihin ko."
"Oh talaga?" sabi ni Siwan na natuwa kaya naman mabilis niya iyong kinuha.
Nagkatinginan naman sina Erika at Minny na parehong manghang nakangiti. Hindi sila makapaniwala pero saksi na ang mga mata nila. Ganoon din si June. Pinagmasdan nila nang mabuti ang reaksyon ni Siwan habang nginunguya ang gamot. Then nilunok.
"Do you understand me now?" tanong ni Hansel.
"Ah, oo, naiintindihan na kita." Hindi mawala ang ngiti sa mga mata ni Siwan. Napamangha roon sina Erika, Minny at June.
"Saan mo nakuha 'to, Hansel? Nakakabilib, ah."
"Sa kakilala kong shaman. Binigay niya sa akin 'to noong nakaraang linggo. Alam kong mahihirapan kang makipag-usap sa amin kapag may mga English words kang hindi alam."
"Mabuti naman, Sir Hansel, anggaling mo talaga!" si June.
"Thank you," sabi nito na naghalukipkip ng mga braso at may nagmamayabang na ngiti."Anyway, Siwan, tingin ko, isang goblin ang gumawa no'n sa kanya. Hindi pa raw siya kinukuha ng grim reaper kaya't nagkaroon ako ng hinuha sa isip na baka isa lamang siyang duplicate."
Napatingin si Siwan kay June at pinagmasdan ito. "Isa ka lang duplicate?"
"Opo, Sir Siwan, iyon ang sabi ni Sir Hansel."
"Kung hindi ka pa kinukuha ng mga grim reapers, malamang ay isa ka nga lang duplicate."
Mas naging aggresive si June dahil sa pagkasabik na makakalap ng kaalaman mula kay Siwan.
"Sir Siwan, paano ako magigising? Gusto ko nang mabuhay." May pagmamakaawa sa mga mata niya. Nakaramdam ng simpatiya sina Erika at Minny sa pagbabago nito ng mood.
Napaisip si Siwan. "Kailangan mong hanapin ang goblin na gumawa niyan sa 'yo. Siya lamang ang makakabawi ng duplicate mo."
"Ha-hanapin? Pero paano ko naman hahanapin ang taong iyon?"
"May kakilala akong goblin na tagapamahala ng mga nagrerehistro ng panganganak ng mga goblins. Kilala niya ang lahat ng mga goblins kaya't siguradong may makukuha tayong impormasyon mula sa kanya."
Lumawak ang ngiti ni June sa excitement.
"Salamat, Sir Siwan! Pero siguradong mabubuhay pa naman ako, 'di ba?"
Nagkaroon ng paga-alangang sumagot si Siwan sa tanong na iyon. May mga na-encounter na siyang ganoong kaso noong nabubuhay pa siya at wala ni isa sa mga iyon ang muling nabuhay. Ganunpaman, hindi pa rin niya tinatanggal sa isip ang ibang posibilidad—o ang tinatawag nilang milagro.
Ngumiti na lamang si Siwan upang bigyan ng lakas ng loob ang binata."Oo naman."
Gumaan ang pakiramdam ni June nang marinig iyon.
Nagtaas ng kamay si Minny. "Sandali lang, ah, may tanong lang ako. Bakit kailangang gumawa ni June ng paraan para mabuhay? Eh di ba duplicate lang naman siya at nasa katawan pa rin niya ang kaluluwa niya?"
"Iyon ay dahil hindi magigising ang totoong June hanggang sa hindi mawawala ang duplicate. Ang ibig sabihin no'n, kaya commatose ang totoong June ay dahil sa kanyang duplicate."
Alam na iyon ni June dahil nasabi na sa kanya iyon ni Hansel dati kaya't hindi na siya nagulat pa.
"Maliban pa roon, makakalimutan din ni June ang naging buhay niya noong duplicate siya kaya walang magiging problema."
"Ah... kung gano'n makakalimutan mo rin sina Hansel at Siwan? Ayos lang iyon sa 'yo?" tanong ni Minny.
Nagkaroon ng satisfied na ngiti si June. "Wala naman akong magagawa, kailangan kong mabuhay kung saan ako dapat. At isa pa, mawawala na rin si Sir Hansel. Si Sir Siwan naman, ipagpapatuloy na niya ang buhay niya, tingin ko nga, babalik na rin siya sa kanilang mundo. Mas maganda na ring makalimutan sila."
Hindi na nagsalita pa sina Minny at Erika, naisip nilang may punto ang mga sinabi nito.
"Kailan mo gustong pumunta, June nang masamahan na kita?"
"Sa lalong madaling panahon, Sir Siwan, gusto ko na talagang malaman kung sino ba talaga ako."
"Okay, pumunta tayo bukas do'n," sabi ni Siwan na nagbigay ng malawak na ngiti kay June. Nasabik ito sa ideyang makakakuha na rin sila sawakas ng impormasyon. Malaki ang tiwala niya dahil isang goblin na mismo ang kanilang pupuntahan.
"Ah... puwede na ba kaming umuwi, mga Sir?" tanong ni Erika. "Inaantok na ako, eh."
"Uuwi? Dito na kayo matulog. Lalapain lang kayo ng mga aso sa daan."
"Wala ba kayong teleport thingy diyan?" pagde-demand ni Erika. "Kayo ang may mga super powers, eh. At saka iyong commision ko, siyempre hindi naman puwedeng gano'n gano'n na lang."
Napatingin si Hansel ay Siwan, nagtatanong ang mga mata nito kung ano ang comission ang pinagsasasabi ni Erika. Nagkibit-balikat na lang si Siwan.
Ibinaba ni Erika ang tingin. Mas naging kalmado rin ang boses nito. "At saka... iyong getting-to-know-each-other thingy natin. Alam mo na," sabi nito na tila nahihiya.
Mabilis na naingiwi ni Minny ang mukha niya at napatingin kay Erika.
"Ah... iyon, sige. Gusto mo, matulog tayo ngayong gabi at mag-uusap tayo."
Nanlaki ang mga mata nina Erika at Minny. Mabilis silang napatingin kay Siwan na noon ay inosenteng-inosente.
"Matutulog ka na naman?" Iyan na lang ang naibulalas ni Erika, may kasama itong pagrereklamo.