Chereads / The Sleeping Handsome / Chapter 7 - CHAPTER 6: Their First Breakfast Together

Chapter 7 - CHAPTER 6: Their First Breakfast Together

Sa gabing iyon, natulog sina Minny at Erika na magkasama sa isang kuwarto. May kanya-kanyang kuwarto naman sina Siwan, Hansel at June.

KINABUKASAN...

Naunang nagising si June at naghanda ito ng maraming masasarap na pagkain.

Nakaupo na siya ngayon sa isang upuan sa kusina habang malungkot na nakatulala. Hinihintay kasi niyang magising ang mga kasamahan niya. Dalawang oras na ang nakakalipas nang makatapos siya sa paghanda ng kanilang agahan. Lumamig na ang pagkain na niluto niya. Nahihiya siyang gisingin ang mga kasama niya dahil nagiging considerate din siya. Alas-tres na kasi sila ng gabi nakatulog dahil sa pag-uusap ng maraming mga bagay. Ayaw niyang istorbohin si Hansel dahil nag-iiba ang awra nito kapag hindi niya nakukumpleto ang walong oras na tulog.

Gutom na gutom na siya pero gusto niyang kumain kasama sina Hansel at Siwan.

Kumalam ang tiyan niya at napahimas doon. Napabuntong-hininga na lang siya.

"Hindi pa ba kuntento si Sir Siwan sa isang libo niyang pagtulog?" tulala nitong tanong.

Mayamaya, nakita niyang pumasok sa kusina si Minny. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya at napatayo siya sa pagkasabik.

"Minny, good morning!"

"Ah..." Napilitang ngumiti si Minny, hindi pa kasi siya kumportableng makipag-usap sa mga strangers. Ganunpaman, naa-appreciate niya ang pagiging welcoming at hospitable ni June. "... good morning din, June."

"Yes. Ahm... kumain ka na. Ako ang nagluto ng mga ito."

"Maraming salamat!"

"Walang anuman, nga pala nasaan si Erika? Gising na ba siya?"

"Ah oo. Nakikipagtitigan pa muna siya sa butiki sa kisame. Ayaw pang bumangon," sagot nito. "Iyong dalawa mong boss? 'Asan sila?"

"Natutulog pa, eh. Kanina ko pa nga sila hinihintay."

"Gisingin mo?"

"Ayoko, nahihiya ako."

Inobserbahan ni Minny si June dahil sa pagiging shy at calm nitong magsalita. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Gustong-gusto kasi niya ang mga lalaking mahiyain. Bumalik ang simpatiyang naramdaman niya kagabi dahil sa pagiging commatose ni June. Naiisip niya kung gaano kaya kalungkot si June sa mga oras na ito—ang pagiging walang memory sa pagkatao—ano kaya ang pakiramdam no'n?

Nagmumog na lang siya sa may lababo at umupo sa tabi ni June.

"Alas-dose na ng tanghali, siguradong gising na ang mga iyon. Mabuti pa hintayin na lang natin sila," sabi ni Minny na nakangiti. Sinang-ayunan naman iyon ng binata.

MAYAMAYA, pumasok sa loob ng kusina sina Hansel at Siwan. Nagkakamot pa ng tiyan si Siwan habang humihikab. Nag-unat naman ng katawan si Hansel. Nang makita nila ang napakaraming pagkain sa hapag ay napangiti sila sa tuwa. Mabilis silang napaupo sa kaharap na upuan nina June at Minny.

"Woah! Sinong naghanda nito?"manghang tanong ni Siwan na bahagyang hindi makapaniwala.

"Ako, Sir Siwan," nakangiti nitong sagot.

"Good job, June, kaya ginawa kitang right hand man ko, eh. Maaasahan ka talaga," sabi ni Hansel na nagpa-flutter naman kay June.

Si Erika naman ang pumasok sa kusina na noon ay nangungulangot. Nang makitang may tao sa kusina, mabilis niyang naibaba ang daliri niya at ibinilog ang kulangot na nakuha nito mula sa ilong.

"Kumain na tayo, Erika!" sabi ni Siwan.

"Ah, sige, maghuhugas lang ako ng kamay, nakita niyo naman ang ginawa ko, 'di ba?"

Nagtungo siya sa lababo matapos noon at saka tumabi kay Minny. Doon ay sabay-sabay silang kumain. Pinainitan ni Siwan ang mga iyon gamit ang kapangyarihan niya para mas fresh kainin.

Habang kumakain sila ay naisipan ni Siwan na magsimula ng usapan. "June, gusto mo pumunta muna tayo sa goblin na tinutukoy ko after nating kumain?"

"Yes, Sir!!"

"Paano naman 'tong dalawa, Siwan?" tanong ni Hansel.

"Ah... mabuti pa, ihatid mo na sila sa kanilang bahay."

Tiningnan ni Hansel si Siwan, then ginamit niya ang telepathy nito upang makausap niya sa isip si Siwan. Nagtitigan sila ng mga sandaling iyon habang nakatigil ang pagkain.

"Siwan, paano iyong ghoul?"

"Ako na ang bahala roon, Hansel. Sa ngayon, siguradong hindi pa gagawa ng ano mang hakbang ang ghoul na iyon. Basta ako na ang bahala roon, ako na rin ang magpapaliwanag sa kanya tungkol doon."

"Ikaw ang bahala. Pero paano 'tong bahay natin? Hindi ba't mas magiging convenient kung ililipat natin 'tong bahay sa lugar na mas malapit kina Erika?"

"Yes, bukas na bukas din, ilipat natin 'tong bahay sa siyudad."

"Mabuti naman kung gano'n. Sige," sabi ni Hansel at pagkatapos ay ipinagpatuloy na nila ang pagkain.

Napahinto silang muli nang mapansing nakatingin sa kanila ang tatlo. Halos labinlimang segundo rin silang nagtitigan kanina kaya naman labis-labis ang pagkawirdo ng tatlo sa kanila. Ipinagpatuloy nila ang pagkain na parang walang nangyari.

"Nga pala, Mr. Hansel, hindi ba't sinabi mong aalis ka na after magising si Sir Siwan?" pagtatanong ni Minny. Kagabi pa siya binabagabag ng tanong na iyon. Halos hindi kasi siya nakatulog kagabi sa pag-intindi ng mga pangyayari sa buhay nina June, Siwan at Hansel. Hindi siya makapaniwala na nangyayari talaga ang lahat ng mga iyon.

"Bukas na ako aalis, nagpa-appointment na ako sa isang grim reaper kaya naman..."

"Bukas ka na aalis, Hansel? Sigurado ka? Baka gusto mong magtagal muna sa mundong 'to." Nagulat si Siwan at hindi inasahan na ganoon na iyon kabilis.

"Pasensya na, Siwan pero ito ang napagkasunduan namin ng grim reaper. Kapag hindi ko tinupad ang usapang iyon, baka habang buhay na akong mata-trap sa mundong 'to, hindi na ako makakapunta sa Veahen o sa Leih. "

Nagkaroon ng lungkot sa mga mata nina Siwan at June. Hindi na sila nakapagsalita pa, nagkaroon sila ng lungkot sa mga puso dahil ngayon na pala ang huli nilang magkakasama.

"Mami-miss kita, Sir Hansel. Pangako, magiging mabuting tao ako kapag nabuhay ako."

"Ikaw ang bahala, June. Buhay mo iyan. Basta siguruhin mo lang na magigising ka mula sa pagkaka-comma."

"Yes, Sir!"

"Ang kumplikado naman ng mga buhay niyo, nase-stress ako dahil sa inyo," pagrereklamo ni Erika.

Napangiti si Hansel ng nakakatuwa. "Hindi lang kami, dahil siguradong mas magiging kumplikado pa ang buhay mo simula sa araw na 'to," bulong nito. Narinig iyon nina Minny at Erika kaya't gumuhit ang pagtataka sa mga mata nila.

Tinapakan ni Siwan ang paa ni Hansel upang balaan na manahimik ito.

"Ang sabi ko, ang pangit ng mukha mo," sabi ni Hansel na ikinakunot ng noo ni Erika. Sinamaan niya ng tingin si Hansel pero ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain.

"Angingingi..." panggagaya nito na nakanguso. Then hininaan niya ang boses. "... multo."

Narinig iyon ni Hansel ngunit huminga na lang siya nang malalim upang hindi makapanakit.

"Nga pala, puwede bang magtanong?" si Minny.

"Ano iyon, Minny?" si June.

"Hindi ba't multo na kayo, bakit pa kayo kumakain?"

"Ah... ganito kasi iyan. Altough hindi na namin kailangang kumain, ginagawa na rin namin para mas maramdaman namin na buhay kami. Alangan naman kasing tumunganga lang kami," paliwanag ni Hansel.

"Ah... so kaya natutulog na rin kayo?" tanong ni Minny.

"Yes. Subukan mo kayang maging multo, gising ka buong araw, hindi ka kakain o matutulog, ano na lang ang gagawin mo?"

AFTER no'n, humiwalay na sina Siwan at June at nagtungo na sila sa goblin na kanilang pakay.

Naiwan naman sa bahay sina Hansel, Erika at Minny. Nasa may pinto na ang dalawang dalaga at bitbit ang mga gamit nila. Hinihintay nila si Hansel na hanggang ngayon at nagbibihis pa rin. Pagbaba nito'y ganoong istilo pa rin ng pananamit ang suot niya ngunit iba lang ng kulay. White suit, white polo, gray vest,hat, pink necktie, white slacks at black shoes.

"Mr. Hansel, hindi ba't parang ini-teleport niyo kami kagabi, nasa kakahuyan kami noon tapos pagdilat namin nasa harap na kami ng bahay na 'to, hindi mo ba puwedeng gawin iyon ulit?"

"Puwede naman," sabi nito na nagpamangha sa dalawa. "Pero hindi ngayon. May limitasyon ang kapangyarihan kong 'to dahil hindi naman 'to sa akin."

"Oh kanino?"

"Ipinaharam lang sa akin 'tong no'ng shaman, hindi niyo rin kilala kahit na sabihin ko kung sino."

"Ah, iyong nagbigay siguro ng gamot sa 'yo ang tinutukoy mo," sabi ni Minny.

***

NASA bus na sila. Nakaupo silang tatlo sa pinakadulong parte. Nasa gitna si Minny ng dalawa. Doon ikinuwento ni Hansel ang tungkol sa kapangyarihan niya. Wirdong-wirdo naman ang mga pasaherong nakakarinig sa usapan nila ngunit hindi na nila pinansin ang mga iyon.

Unang inihatid ni Hansel si Minny sa kanilang bahay. Then panibagong bus naman ang sinakyan ng dalawa patungo sa bahay nina Erika.

"Hansel, ako na ang bahala. Kaya ko nang umuwi mag-isa."

"Alam ko, pero hindi kita puwedeng pabayaan. Kailangan ko ring malaman kung saan ka nakatira at lahat-lahat ng impormasyon tungkol sa 'yo. Huwag kang magugulat sa mga sasabihin sa 'yo ni Siwan mamaya at huwag mo rin akong tanungin ng kung ano-ano ngayon."

Napaisip si Erika sa kung ano ang tinutukoy nitong sasabihin ni Siwan na maaaring ikagulat niya.

Mayamaya'y dumating na rin sila sa bus stop. Naglakad sila ng ilang metro hanggang sa matanaw na ni Erika ang kanilang bahay.

Itinuro iyon ni Erika. "Ayun ang bahay namin, Hansel."

"Ah... okay..." sabi ni Hansel then tumingin ito sapaligid upang maghanap ng puwesto na puwedeng pagtayuan ng bahay nila. Kailangan kasi nilang mailipat ang kanilang tinitirhan upang mas mabantayan ni Siwan si Erika.

Nasa limang metro na lang sila mula sa bahay nang makita ni Erika ang ate niyang si Ariel na lumabas ng bahay. Papasok pa lang ito sa kanyang trabaho. Naka-tuck in ang long sleeve nitong polo sa kanyang itim na pants. Nakatakong ito at naka-ponytail ang buhok. Kinandado nito ang gate ng bahay.

"Ate ko iyon, Hansel. Magtago ka dahil sa oras na makita ako no'n na may kasamang lalaki, siguradong kung ano ang iisipin no'n," sabi nito.

Pinagmasdan lang ni Hansel ang babae. Habang papalapit sila nang papalapit ay biglang kumabog nang mabilis ang dibdib niya sa mga nakikita.

Ini-deactivate nito ang kanyang visibility kaya wala nang nakakakita sa kanya ngayon.

Nang mapalingon si Erika sa paligid, nabigla ito dahil sa biglaang paglaho ni Hansel. Hindi na lang niya iyon pinagtuunan ng pansin. He is a ghost after all.

"Ate!" bati ni Erika nang magtagpo ang landas nila.

"Saan ka na naman nagpunta?" tanong nito na kunot-noo.

Nanindig ang lahat ng balahibo ni Hansel sa katawan at tila mayroong mainit na pumalibot sa utak niya. Kumabog pa nang mabilis ang puso niya nang makumpirma kung sino ang ate ni Erika—ang kanyang kasintahan sa nagdaang panahon—at ang taong naging sanhi ng kanyang kamatayan—si Songha.