"GAMJAGIYA!" bulalas ni Hansel at napahawak sa may dibdib niya nang marinig ang mga malalakas na katok sa pinto.
Ipinulupot ni June ang braso nito sa braso ni Hansel sa kaba. Napalunok pa siya ng laway.
"Ka-kayo na magbukas!" utos ni June kina Erika nang nanginginig ang boses.
"Bakit kami? Kayo ang multo, ano pa bang ikinakatakot niyo?" kunot-noong pagrereklamo ni Erika.
Patuloy lang ang pagkulog na may kasamang pagkidlat. Pumapasok sa loob ng bahay ang liwanag ng kidlat na mabilis ding nawawala.
Huminga nang malalim si Hansel at nandidiring tiningnan si June na nakapulupot ang braso sa kanya. Sinasabi ng tingin niya ang mga salitang, 'anduwag mong, hayop ka'.
Napabitaw naman si June nang maunawaan ang ibig sabihin ng tinging iyon. Napaklaro siya ng lalamunan.
Lumapit si Hansel sa pinto nang mapagtantong baka ito na ang isa pang inaasahan niyang bisita—isang katulad niyang ghost. Nagklaro rin siya ng lalamunan bago buksan ang pinto. Pagbukas niya'y umalingawngaw sa loob ng kuwarto ang tunog ng ulan na bumabagsak sa lupa. Nagkaroon din ng sandaling pagkidlat kaya't naaninag ng sandaling liwanag ang mga bisita na nasa labas. Pumasok din sa loob ang malamig na simoy ng hangin na humaplos sa mukha ni Hansel.
"Surprise!" sigaw ng lalaki, may bilugan itong mga mata. sKasingtangkad ito ni Hansel at may matamis itong ngiti sa mga labi. Halos pareho sila ng kasuotan ngunit wala lang itong sumbrero, kulay itim naman ang suit nito.
"Bakit ba gano'n ka kung makakatok? Ginamit mo rin ba ang mga paa mo sa pagkatok, Deib?" pagrereklamo ni Hansel.
"Hindi naman, pero nagdala lang ako ng ilang friends para abangan ang muling pagkagising ng aming kaibigan!" paliwanag ni Deib.
Sa likod ng lalaki ay lumabas mula sa kanan nito ang isang babaeng may matamis na ngiti at magkahawak ang mga kamay sa likod. Nakasuot ito ng bistida na parang sa isang prinsesa. "Hello, Hansel! Long time no see!"
"Oh! Eureka!" Napangiti na rin ang matalik nitong kaibigan na isa namangfairy. "Wala pa ring pinagbago ang mukha mo, maganda pa rin! Mahigit..." Napaisip si Hanson. "... five hundred years na rin ba?"
"Six hundred years na noong huli tayong magkita," pagtatama nito.
"Whoah! Matagal na panahon na rin."
Lumabas naman sa kaliwang likod ng lalaki ang isang lalaking nasa edad 40 na pero pang matenee idol pa rin ang pangangatawan. Matangkad din ito at may inahit na balbas. Nakasuot din siya ng salamin na bagay sa kanyang mga mata. Seryoso lang ang mukha nito pero hindi naman nakasimangot o galit.
"Oh! Sino ka nga ulit? Pamilyar iyang mukha mo!"
"Ako si Williams, kaibigan ako ni Leonardo Da Vinci noong nabubuhay pa ako."
"Ah... okay, so, ikawiyong isa sa mga taong namatay na hindi pa rin kinukuha ng grim reapers, tama?"
"You made it sounds like they don't like me."
"Oh, no of course."
"Hansel, anlamig dito sa labas, baka gusto mong papasukin muna kami?"turan ni Deib. Nang tuluyang buksan ni Hansel ang pinto ay mas pumasok pa ang lamig ng hangin. Dumampi ang mga iyon sa balat nina Erika at Minny kaya't napayakap sila sa sarili.
Umupo ang tatlong bisita sa isang couch. Bumalik naman si Hansel sa couch niya kanina, sa tabi ni June.
"Sino 'tong mga 'to? Mga chicks niyo?" tanong ni Williams.
"Ah, hindi, siya si Erika, ang makakahalikan ni Siwan mamaya," pakilala nito sabay lahad ng kamay patungo kay Erika then, isinunod si Minny. "Siya naman... kaibigan ni Erika na si Minny, the Pooh."
Umikot lang ang mga mata ni Minny sa sinabi nito pero hindi na niya iyon sinubukang i-correct. Alam din niyang inaasar lang siya ni Hansel. Hindi pa sila close kaya't naiilang pa siyang makipag-argue sa binata.
"Oh! Siya ang makakahalikan ni Siwan mamaya? Okay..." sabi ni Eureka habang tumatango-tango at pinag-oobserbahan ang mukha ni Erika. "Bakit ang pangit?"
Gusto sanang sabunutan ni Erika si Eureka pero nagpigil na lang siya. Kahit makapal ang mukha niya, pinili na lang niyang pakalmahin ang sarili upang hindi makapanakit na disadvantage din naman niya.
"Excuse me, wala kang karapatang sabihing pangit ako, ang kapal ng mukha mo, hindi naman tayo close."
Lumapit si Eureka kay Minny. "Ikaw na lang kaya Minny, the Pooh ang humalik kay Siwan, para naman maganda ang kalalabasan ng mga magiging anak niya," sabi nito. Napilitang ngumiti si Minny sa sinabi ni Eureka. Hindi niya alam kung ite-take ba niya iyon as compliment or what. Hindi siya kumportable.
"Maghahalikan lang, magkaanak na? Ano iyon?" tanong ni Erika sa isip.
"Ah... correction, Minny lang ang pangalan ko, walang 'the pooh'."
Tiningnan ni Eureka si Hansel na may pagtatanong sa mga mata.
"Oh, hindi mo alam iyong cartoons? Akala ko alam mo at iisipin mong wala lang iyong, 'the pooh'. Napaka-outdated mo talaga sa entertainment."
Matapos no'n ay nagpakilala na sina Erika, Minny at June kina Deib, Eureka, Williams.
"Nga pala, Sir Hansel, narinig ko kaninang hindi pa rin kinukuha ng grim reapers ang kaluluwa ni Sir Williams, anong explanation mo roon?" tanong ni June na nagtataka.
Napatingin si Hansel kay Williams. "Iyon ay dahil, pumatay siya ng isang grim reaper."
Nagulat sina June, Erika at Minny pero nanatili silang tahimik upang ipagpatuloy ang pakikinig.
"So, ang ibig mong sabihin, takot nang lumapit sa kanya ang mga grim reapers kaya hindi pa siya sinusundo?" tanong ni Erika. Napatingin sa kanya ang lahat dahil sa considered as 'stupid' nitong tanong.
Mahigit sampung segundong nakatingin sa kanya ang lahat. Katahimikan ang namagitan sa kanila ng mga sandaling iyon. Tila may dahon pang dumaan sa gitna nila na inihip ng hangin."Sagutin mo na nga, hindi iyong pinagmumukha niyo akong tanga," naiinsulto nitong turan.
"Hindi ka naman namin kailangang pagmukhaing tanga, tanga ka na talaga," sabi ni Eureka.
Pinilit na pinakalma ni Erika ang sarili. Huminga ito nang malalim nang limang beses. Tinapik-tapik pa ni Minny ang likod nito upang suportahan ito sa pagkalma.
"Pero, Mr. Hansel, namamatay rin pala ang mga grim reapers?" pagtatakang tanong ni Minny.
"Yes, as you heard. Namamatay rin sila, ang mga grim reapers ay isa ring tao noong nabubuhay."
"Ah, okay so parang iyong nasa goblin din?" tanong ni Erika.
"Yes. Exactly."
"Pero bakit ka naman pumatay ng grim reaper, Sir Williams? At paano? At okay lang ba iyon?"
"Hindi ko alam ang buong detalye, pero sa pagkakatanda ko'y isang goblin ang gumawa no'n sa akin. Wala akong kakayahang pumatay ng grim reapers but the story appeared na nakipagkontrata ako sa isang goblin when I was alive upang makuha ko ang mga bagay na gusto ko. Then the first thing I saw when I woke up from being dead, I was with a grim reaper, and he is dead. I don't know how I did it, maybe I was really the one who killed him but maybe not. Because I don't see any reason for me to kill a grim reaper."
"Whoah! They must be powerful?" si Minny.
"Yes, Goblins ang mortal na kaaway ng mga fairies back then. But a treaty of them made an agreement that they shouldn't harm each other," paliwanag ni Eureka.
"Mr. Williams, pinagbibintangan ni Sir Hansel na isang goblin daw ang gumawa nito sa akin. Ano satingin niyo?" sabi ni June at ipinaliwanag ang kasalukuyan nitong kalagayan.
Napahakupikip si Williams at napadekwatro ng upo. Napasandal din siya sa back rest ng couch at nag-isip.
"They have the ability to do that, so it's a yes for me," sabi nito na tila isang isang judge sa The Voice.
"Kung gano'n bakit niya ito ginagawa? May paraan ba para mawala ang duplicate na ito? At may paraan ba para muli akong magising o mabuhay?" Punong-puno ng kaba ang boses ni June, umaasa rin siya na makakuha ng magandang response mula kay Williams.
"Wala akong alam sa mga ganyang bagay. Isa lamang akong normal na galang kaluluwa sa mundong 'to. Kung gusto mong makakuha ng maraming kasagutan sa mga tanong mo, mas mabuti kung si Siwan mismo ang tanungin mo dahil siguradong mabibigyan ka niya ng mas tamang explanation sa nangyari sa 'yo. They are quite knowledgable to each other's minds and powers."
Nagkaroon ng dismaya sa mga mata ni June dahil hindi pa rin nasasagot ang mga tanong na naglalaro sa utak niya. Ganunpaman, pinilit niyang ngumiti at binigay ang buong tiwala kay Siwan. Nanalangin siya na sana'y ito na ang makakapagbigay ng kasagutan sa mga bagay na nagpapabagabag sa kanya.
Tiningnan ni Deib si Hansel na tila nangungusap ang mga mata. "Hansel, mag-usap muna tayo," sabi nito. Nagtungo sa may kusina si Deib at sinundan siya roon ni Hansel.
Pinatunog ni Deib ang dalawa niyang daliri by flicking them at sa isang iglap ay tila nilamon ng kadiliman ang buo nilang paligid. Ginawa niya iyon upang walang makarinig sa kanilang pag-uusapan.
"Hansel, alam kong alam mo ang mga circumstances na puwedeng mangyari sa babaeng iyon sa oras na halikan niya si Siwan at magising niya ito," panimula ni Deib, mababakas ang tensyon sa kanyang boses.
"Yes, I know, kakabit sa kanya ang buhay ni Siwan at magsasama sila habang buhay."
"Alam kong hindi lang diyan limitado ang kaalaman mo tungkol sa bagay na iyon—ang tinutukoy ko'y ang ghoul na nagsumpa kay Siwan."
Sandaling natigilan si Hansel sa gustong ipunto ni Deib sa kanya.
"Oo, walang kakayahan ang mga ghoul na patayin ang mga fairies. At dahil kakabit kay Erika ang buhay ni Siwan, si Erika ang papatayin ng ghoul na iyon upang siguruhing mamamatay na ng tuluyan si Siwan? Alam ko iyon."
"Sinabi mo na iyon sa kanya?"
Nagkaroon ng lungkot sa mukha ni Hansel, guilty siya. Naintindihan ni Deib ang pagtahimik niyang iyon kaya't nakaramdam siya ng kaunting galit sa puso.
"Kailangan mong sabihin sa kanya ang kahahantungan niya para mahingi natin ang kanyang permiso. Tao ka rin na katulad niya, you know that better than I do."
"Kung hindi sinabi ni Siwan sa kanya ang tungkol doon sa panaginip, he must have a reason. Sigurado akong poprotektahan niya si Erika mula sa ghoul na iyon."
"Paano kung dumating ang bagay na hindi inaasahan? Paano kung may mangyaring masama kay Erika? Hansel, kapag ginawa mo iyon, madadagdagan lang ang mga kasalanan mo sa mundo. Alam mong nalalapit na rin ang paglisan mo sa mundong 'to, aasahan mo bang mapupunta ka sa Veahen kapag ginawa mo 'to?"
"Ayos lang sa akin kahit na mapunta pa ako sa Leih."
"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ka pa nakakarating doon. Pero sa oras na maramdaman mo kung gaano kahirap mabuhay sa lugar na iyon, siguradong pagsisisihan mo ang lahat ng mga 'to."
"Please, huwag mong sabihin sa kanya. Ngayon na mangyayari ang paggising ni Siwan. Kapag hindi ito natuloy, siguradong habang buhay na siyang matutulog sa lugar na 'to."
Binigyan ng simpatiyang tingin ni Deib si Hansel. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil saksi siya kung gaano sila kalapit ni Siwan sa isa't isa. Hindi na siya nakapagsalita pa at muli na lang siyang bumalik sa kanilang mga kasama.
Tiningnan lamang no'n ni Deib si Erika na mayroong simpatiya. Nag-aalala siya para sa magiging kalagayan ng dalaga. Nanalangin na lang siya na sana nga'y maprotektahan ito ni Siwan.