PILIT na tumawa si Erika. Nakangiti at nakatingin lang sa kanya ang lalaking nagpakilalang Hansel."Jo-joke lang iyon, 'di ba? At dapat akong tumawa para hindi ka ma-offend?" pilit ang ngiti nitong tanong, kabado rin siya.
"No. I meant it. She's really dead." Nananatili ang matamis na ngiti sa lalaki.
Uni-unting nawala ang ngiti ni Erika at bumilis ang kabog ng dibdib niya dahil sa sobrang kaba.
"Huwag mo akong ini-English-English. Hindi ka nakakatuwa," sabi nito.
"Ang kaibigan mo ay patay na."
Tila tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan ni Erika dahil sa lubhang takot sa pagbabago ng mood ng lalaking kaharap niya. Nawala rin ang ngiti sa mga labi ni Hansel upang bigyan ng seryosong tingin ang dalaga.
"Hindi iyon totoo, 'di ba? Niloloko mo lang ako..."Durog ang boses niya.
"Welcome to our house, Miss Erika. Kanina ka pa namin hinihintay rito, maging ang aming amo." Bumalik na ang ngiti kay Hansel at ipinaghawak ang magkabila niyang kamay patalikod.
"Si-sino ka? At sinong amo? Nagpunta ako rito dahil kay Siwan, humihingi siya ng tulong sa akin," kabado nitong sagot.
"Magtungo muna tayo sa loob at nang mapag-usapan natin ang tungkol diyan."
Kumunot ang noo ni Erika. "Hindi. Ilabas mo muna ang kaibigan ko. Hindi pa siya patay!"
Muling unti-unting binura ni Hansel ang kanyang ngiti at binigyan siya ng isang nagbabantang tingin, pananakot. "Wala kang ibang magagawa kung hindi ang sumunod sa mga ipinag-uutos ko sa 'yo, Erika dahil sa oras na manlaban ka, alam mo na ang kasunod."
Nawala ang tapang ni Erika. Nakaramdam siya ng malamig na pawis sa kanyang likod. Nawalan siya ng lakas ng loob upang makipag-sagutan sa lalaking nasa harap niya. Labis-labis ang takot na naramdaman niya nang mga oras na iyon at napalunok pa siya ng laway.
Nagsimulang mamula ang ibaba ng mga mata nito dahil sa lubhang pagkanerbyos.
"Sundan mo ako at pumasok na lang tayo sa loob," sabi ni Hansel at naglakad napapasok sa main door ng bahay.
Nanginginig naman ang mga binti ni Erika na sinundan siya.
Muling ngumiti ang lalaki at pumasok silang dalawa roon.
Napakamakulay ng loob at ibang-iba ito sa impression ni Erika kung ipagkukumpara sa outside ng bahay. Napaka-fancy nito at napakaliwanag dahil sa iba't ibang mga liwanag. Ang puting concrete wall ay nagiging kulay blue dahil sa LED ng ilaw na nakatapat sa mga gilid nito.
Pagpasok sa main door ay tila isang lounge ang makikita. May mga couches na nakapalibot sa isang center table. Doon, makikita ang isang lalaking nakaupo sa itim na couch habang kausap ang isang babaeng nakatalikod mula sa lokasyon nila. Hindi puwedeng magkamali si Erika, ang kaibigan niyang si Minny iyon.
"Minny!" bulalas na lamang ni Erika sa sobrang pagkasorpresa. Tila nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib at nakahinga nang maluwag dahil sawakas ay ligtas ang kanyang kaibigan.
Mabilis na napalingon si Minny nang marinig ang boses ni Erika. Pagkatapos ay nagliwanag ang mga mata nito dahil sa kagalakan at mabilis na tumakbo at niyakap ang kaibigan.
"Minny, akala ko patay ka na!"
Binitawan siya ni Minny. "Anong sabi mo?"naiinsulto nitong pagtatanong.
"Sabi kasi nito patay ka na raw, paiyak na ako, eh. Buti na lang nakita ko iyong likod mo."
"Teka akala ko patay na siya," sabi ni Hansel at sinamaan ng tingin ang lalaking nakaupo sa couch.
"Aish... Hansel naman, paano ko namang magagawang pumatay ng tao? Natuwa lang ako sa mukha niya," pagtatanggol ng lalaki sa sarili.
"Kung gano'n, magpasalamat kayo sa kanya dahil hindi niya tinuluyan ang kaibigan mo."
"Ay wow, kami pa talaga ang magpapasalamat?" sabay nilang pagtatanong na nakataas ang mga kilay.
"I'll take that as your sense of gratitude," nakangiting sabi ni Hansel na labas-dimple.
Hindi nila maitatangging napakaguwapo ng dalawang lalaki. Pero hindi yon ang ipinunta nila rito.
"Si Siwan? 'Asan siya? Siya ang ipinunta namin dito at hindi kayo."
"Nasa kuwarto niya siya at as usual ay mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Mamayang alas-doses pa ng gabi magsisimula ang halikan kaya't magpahinga muna kayo rito."
"Wow, halikan, talaga?" sabay na tanong ng dalawang dalaga sa isip.
Nagtinginan muna sina Erika at Minny then saka sila umupo. Umupo rin sa isa pang couch si Hansel.
"June, ipaghanda mo muna kami ng makakain."
"Yes, Sir!" Si June ang isa pang lalaki. Mukha itong nasa edad 18. Magiliw ang kanyang personalidad at sinusunod nito ang lahat ng ipinag-uutos ni Hansel. Umalis din ito at nagtungo sa kusina.
Naibaling nina Erika at Minny ang tingin kay Hansel. "S-sino po kayo?" tanong ni Minny na may buong galang, ninenerbyos din ito dahil sa pangambang baka kung anong mangyaring masama sa kaniya kapag tumaas ng ilang hertz ang boses niya at isipin nitong bastos siya.
"Ako si Hansel, ang kasalukuyang tagapamahala ng bahay na ito. Ako rin ang right hand man ni Siwan, ang taong pakay niyo rito."
Bumilog ang mga bibig ng dalawa upang magbigay ng reaksyon. Nagpatango-tango rin sila as if they are saying, 'Ah, I see.'
"Iyong lalaking iyon naman si June, ang right hand man ko."
"Ah... okay," sabi ni Erika. "Sinabi sa akin ni Siwan na isa siyang fairy, I guess kayo rin?"
"No. We are ghosts," nakangiti nitong sagot.
Nagkatinginan sina Erika at Minny at sabay na napalunok ng laway. Dinig na dinig nila ang paglagatok no'n patungo sa kanilang esophagus.
"What do you mean, you are ghosts?" ninenerbyos na tanong ni Erika.
"I meant it. Isa akong mortal noon at kaibigan ko si Siwan. Nagpasya akong manatili muna sa mundo. At sa oras na magising na siya, aalis na ako sa mundong 'to."
"Kung gano'n saan ka pupunta?"
"Sa afterlife."
"Teka, naguguluhan ako, puwede mo bang ikuwento sa amin kung ano ba talaga ang nangyari kay Siwan?"
"Sure. To make it short, isinumpa si Siwan ng isang ghoul, matutulog ito sa loob ng isang libong taon, at magigising lamang siya sa pamamagitan ng isang halik."
"Alam ko na iyon, I mean, bakit siya isinumpa? May nagawa ba siyang masama?"
Tumahimik muna si Hansel at unti-unting nabura ang ngiti niya. Naging seryoso ang mukha nito.
"Pinatay niya ang isang libong tao na sumakop sa isang bansa noong unang panahon."
"Ibig sabihin, pinatay niya ang mga mananakop? Anong masama roon? Giyera iyon kaya may patayan of course."si Erika.
"Iyon ay dahil isa siyang fairy at hindi siya dapat nakikialam sa business ng mga tao."
"Ah okay... Pero atleast, nalaman nating hindi siya masamang fairy kayasiya naisumpa. Mapapanatag na ang kalooban ko."
Nagkaroon ng nakakatuwang ngisi si Hansel sa sinabi ni Erika na hindi masamang fairy si Hansel. Hinayaan na lamang niyang ganoon ang isipin ng dalaga upang hindi niya ito maiharapang kumbinsihin.
"Goodness! Hindi ako makapaniwala na totoo ang lahat ng mga ito. Napaka-imposible!" sabi na lang ni Minny sa ere na namamangha.
"Nga pala, Hansel—I mean puwede ba kitang tawaging Hansel? Or Mr. Hansel? Ginoong Hansel? –Manong Hansel?"
Napapikit si Hansel sa pinakahuling sinabi ni Erika, narindi ang mga tainga nito sa 'Manong Hansel'.
Pinakalma niya ang sarili upang hindi makapanakit. Muling gumuhit ang ngiti nito sa mga labi ngunit mapapansin pa rin doon ang pagpipigil. "Huwag mo akong tatawaging Manong Hansel. Tawagin niyo na lang akong Mr. Hansel." Nagdekwatro siya ng upo.
"Okay fine, pero, meaning, kaedad mo lang si Siwan dahil ginawa ka niyang right hand man?"
"As you can see, tumigil ang pagtanda ko at the age of thirty three, that was the age I died. But Siwan is more older than you can imagine. Tumatanda siya pero hindi ang kanyang pisikal na katawan, that's normal for them—as fairies."
"I see," sabay nilang sabi. "Pero infairness anggaling mong mag-English ah," sabi ni Minny.
"Yes. Because I study."
"Whoah! Galing!" papuri ni Erika. "Kahit multo na nag-aaral pa rin ng lengguwahe ng iba."
"Yes, because English is fun. Anyway, before I forgot, huwag niyo akong matawag-tawag na 'multo'."
"Aba nag-demand pa, anong gusto mo, 'ghost'?" ani Erika na tila natatawa.
"That's the same thing," nakangiti nitong sagot.
"Eh ano ang gusto mong itawag namin sa 'yo?"
"NOTHING. Hindi niyo namang kailangang i-emphasize na multo ako dahil naiinsulto ako."
"Bakit ka naman maiinsulto eh totoo namang multo ka?"
"Truth hurts. Parang ikaw, magagalit ka kapag tinawag kitang pangit."
Kumunot ang kilay ni Erika sa mga narinig niya.
"Anong sabi mo? Hindi ako pangit. Hindi mo lang talaga ma-appreciate ang ganda kong pang-21st century."
"See? You got insulted when I called you ugly."
Tumingin si Erika sa kaliwa't kanan sa sobrang inis. "Naku, kung hindi ka lang multo, talagang mapapasama ka sa akin."
"Sabi ko..." Natigil si Erika sa pagsasalita nang makaramdam siya ng black awra na lumabas sa katawan ni Hansel. "...huwag mo akong tawaging multo."
Nagklaro ng lalamunan si Erika. Napansin niyang hindi na maganda ang timpla ng mood ni Hansel kaya't hindi na siya nagsalita pa.
Dumating na rin noon si June na may dala-dalang tray kung saan nakalagay ang mga chocolate cakes at coffee. Apat iyon at tig-iisa sila.
Tumabi si June kay Hansel. "Saang part na kayo ng kuwento? Pasali!" singitni June na may nasasabik na ngiti.
"Nga pala, June ang name mo, right?" paniniguro ni Minny.
"Iyon ang pangalang ibinigay sa akin ni Hansel."
"Huh? Ibig sabihin hindi iyon ang real name mo?"
"Wala akong kahit na anong memories noong nabubuhay ako." Nakangiti ito habang nagsasalita.
"Ah! Tragic!" sabay ng dalawang dalaga.
"Kung gano'n, bakit ka pa nandidito? May misyon ka rin?"
Magsasalita sana si June ngunit nang ibubuka na niya ang bibig niya ay naunahan siya ni Hansel. Nanahimik na lang siya.
"Nope! Ang nakikita ko lang na dahilan kung bakit naririto pa rin siya ay dahil hindi pa siya tuluyang namamatay. Ang sabi niya'y hindi pa siya nilalapitan ng grim reapers para sunduin so I assumed he's not dead yet."
"What? So buhay pa rin siya?" hindi makapaniwalang paniniguro ni Minny.
"I can tell that much."
"Kung gano'n humiwalay lang ang kaluluwa mo sa katawan mo?" tanong ni Erika.
Magsasalita sana si June ngunit nang ibubuka na niya ang bibig niya upang magsalita ay naunahan siya ni Hansel kaya't nanahimik na lang siyang muli.
"Hindi. Kapag nangyari iyon, ang ibig sabihin no'n ay patay na siya. Ang nakikita niyo ngayong June ay duplicate lamang ng kaluluwa ng totoong June. Basically they are just one."
Nanlaki ang mga mata ng dalawang dalaga dahil sa mga facts or theory na unti-unti nilang nalalaman. Hindi sila makapaniwala.
"Du-duplicate? Pa-paano iyon?"
Bumuntong-hininga si Hansel. "I don't see any reason to tell this to you, but I don't see any reason why I should not either. So I have to say this para na rin may mapag-usapan tayo—a goblin must did it."
"Ga-goblin? Iyong parang kay Gong Yoo?" sabi ni Erika na nanlalaki ang mga mata.
"Yes. Napanood niyo iyon?"
"Oo naman, personal favorite ko iyon, eh," nakangiting sagot ni Erika.
"Good. Gusto ko ngang magkaroon ng season two no'n, eh. Unfortunately, malabo."
"Fanatic ka rin pala ng mga K-drama?"
"Oo naman, ayun ang pinagpupuyatan ko sa tuwing gabi."
"Ako rin! Nahawaan niya ako nang panonood! Paborito ko iyong Chicago Typewriter at Moment at Eighteen!" sabi ni June.
"Ay! Pinapanood ko iyong mga iyon, shutup ka muna dahil ayokong ma-spoiled," sabi ni Erika. Muli siyang tumingin kay Hansel. "Bakit hindi mo sinabi kaagad? Mukhang magkakasundo tayo nito, Mr. Hansel." Biglang naging magalang ang approach nito. For the first time, natuwa siya sa existence ni Hansel.
"Keu rae?"
"Whoah! Marunong ka ring mag-Korean?"
"Teka, bakit ba napunta sa mga Korean drama ang usapan natin?" pagrereklamo ni Minny.
Nagklaro ng lalamunan si Hansel nang mapansin niyang lumabas ang pagiging fanboy nito sa mga Korean drama.
"Anyway, mabalik tayo sa usapang goblin, iyong totoong goblin, hindi iyong Korean drama. Anong hitsura nila? Mga mukhaang Gong Yoo o duwende?" sabi ni Minny.
"Aw.. iyan ang hindi ko alam dahil hindi pa ako nakakakita. They live on another dimensions pero sa mundo pa ring 'to. Kasama nilang nabubuhay ang mga fairies and ghouls."
"Whoah! Ang galing! Andami ko pa pala talagang hindi alam!" manghang saad ni Minny.
"Yes, you don't have to. They live peacefully, we live peacefully. The end."
"Pero paano mo naman nasasabing isang goblin ang gumawa no'n sa kaluluwa ni June?"si Erika.
"Iyon ang isang bagay na hindi ko pa masasagot ngayon."
"Kung gano'n paano mo alam ang tungkol sa mga goblins? Nasabi ba sa 'yo ni Siwan ang tungkol doon?"
Hindi pa man nasasagot ni Hansel ang tanong na iyon ay nagulat na lang sila nang biglang kumulog nang napakalakas, kasabay no'n ay ang paglagatok ng pinto na tila mayroongmaraming kamay na kumakatok doon nang sabay-sabay. Halos kumawala sa sariling mga katawan ang kaluluwa nina Erika at Minny sa sobrang gulat. Sabay-sabay silang apat na napatingin sa pinto na may gulat at takot sa mga mata.