Chereads / The Sleeping Handsome / Chapter 2 - Chapter 1: The Dream that Made Us Meet

Chapter 2 - Chapter 1: The Dream that Made Us Meet

"Siwan, Isang taon ka nang nagpapakita sa panaginip ko. Sa totoo lang, ayoko nang gumising mula sa pagkakatulog dahil sa 'yo," sabi ni Erika.

"Talaga? Kahit sabihin ko sa 'yong hindi ako tao, hindi ka matatakot?"

"Alam kong hindi ka tao, Siwan. Magmula noong araw-araw kang nagpapakita sa panaginip ko, inisip ko nang hindi ka tao. Gusto kitang mas makilala."

"Ako man, gusto dinkitang makita sa personal. Pero hindi iyon magiging madali sa ating dalawa."

"Siwan, marami na tayong napag-usapang bagay, puwede mo bang ikuwento sa akin kung sino ka ba talaga?"

"Isa akong fairy, at isang libong taon na akong nakaratay sa aking higaan. Nalalapit na ang pagkawala ng bisa ng sumpang ibinigay sa akin at gusto kong tulungan mo ako."

"Papaano kita matutulungan?"

"Isang halik mula sa isang mortal. At sa oras na gawin mo iyon sa petsang ibibigay ko sa 'yo, magigising ako at puwede na tayong magsama habang buhay."

"Gagawin ko, Siwan kung iyon ang paraan para magkita tayo."

"Maraming salamat! Sa pangsampung gabi ng paglabas ng bilog na buwan sa taong 'to, pumunta ka sa Radius Mountain at may makikita ka roong napakaenggrandeng bahay, nagliliwanag ito. May mga tao ako roon na sasalubong sa 'yo."

***

NAGISING si Erika nang may ngiti sa mga labi. Nag-unat siya ng katawan at thirty minutes na nakipagtitigan sa butiki sa kisame. Tinatamad pa siyang bumangon dahil—ano pa eh 'di dahil likas siyang tamad. Twenty six years old na siya, last two months ago ay nasisante siya sa trabaho bilang office assistant dahil sa pagiging late at magmula noon ay hindi na siya naghanap pa ng trabaho. Ang ginagawa lang niya buong maghapon ay manood ng mga Korean at Japanese dramas.

Ang schedule niya sa araw na ito ay ganito:

10:00-1:00 – Sky Castle

1:00-3:00 – Mr. Sunshine

3:00-3-30 – Lunch Break/Bath time

3:30-5:30 – Moment at Eighteen

6:30-8:30 – Miss Temper and Nam Jung Gi

8:30-10:30 – Chicago Typewriter

10:30-11:00 – Dinner Break

11:00-1:00 – Liar Game

Naka-post pa ito sa dingding sa tabi ng TV upang hindi nito mai-shuffle ang mga palabas sa kanilang respective time slot. Ang totoo niyan, nai-insipire na siyang maghanap ng trabaho dahil sa Miss Temper dahil sa itinuturo nitong leksyon sa mga viewers. At kahapon nga'y gumawa siya ng resume upang magpasa sa isang company.

Nagkamot siya ng puwet at pagkatapos ay inamoy ang kamay. Then naghilamos siya sa rest room at pinagmasdan ang pimples nito sa salamin na nasa itaas ng sink.

"My Goodness! Ba't ako nagkaka-pimples? May crush ba ako ngayon?"

Napaisip siya. "Ay, kung tutuusin, marami akong crush ngayon. Seo In Guk, Yoo ah In, Yoon Si Yoon. Hay naku, hindi ko na iisa-isahin pa dahil aabot tayo rito ng hanggang alas-tres."

Nagsipilyo ito at nagpakulo ng mainit na tubig. Then, nagluto siya ng noodles at 'yon ang inagahan niya. Mayroon siyang maliit na table sa kuwarto niya sa second floor ng bahay at doon niya ipinatong ang kanyang agahan. Nakaharap ito sa TV, umupo siya sa sahig at doon na sinimulang panoorin ang Sky Castle.

Habang ngumunguya siya ng noodles, nabitawan niya ang hawak na tinidor nang may maalala siya—ang panaginip niya kagabi. Ngayon langiyon bumalik sa kanyang isipan.

Kung sa panaginip niya'y napakahinhin niyang babae, kabaligtaran no'n sa reyalidad. Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang humingi sa kanya ng tulong ang lalaking matagal nang nagpapakita sa panaginip niya. Napakaguwapo ng lalaking iyon, may matangos na ilong, malaki ngunit singkit na mga matang, maputi at makinis na balat at matangkad. Maging siya'y nabighani sa taglay nitong kaguwapuhan.

Kaagad niyang ini-search sa Google ang Radius Mountain. Ini-search din niya kung kailan ang tenth full moon sa taong iyon at napag-alaman niyang mamayang gabi na ito. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Jinjja?!" bulalas na lang niya sa hangin. (Jinjja means really)

Naniniwala siyang hindi lang basta isang panaginip ang mayroon sa pagitan nila ni Siwan, pakiramdam niya'y totoo iyon. Kung panaginip lamang iyon, once, twice or thrice lang dapat ito magpapakita sa panaginip niya. Ang halos araw-araw ay mayroon nang malalim na dahilan.

Magkasamang nakatira sina Erika at ang thirty years old niyang ate na si Ariel. Isa itong production manager sa isang cosmetics company. Siya lang ang bumubuhay sa kanilang dalawa. Patay na ang kanilang ama dahil sa pagliligtas sa isang bata mula sa nasusunog na gusali, isa kasi itong bumbero. Magmula noon, ang gobyerno na ang nagbibigay sa kanila ng sustento hanggang sa makapagtapos sila ng college. Dahil pareho na silang graduate, tumatayo na sila sa sarili nilang mga paa—maliban of course kay Erika na patayo pa lang dahil maghahanap pa lang ng trabaho. Ang ina naman nila ay namatay sa sakit na leukemia noong mga bata pa sila.

Ini-dial ni Erika ang number ng college friend niyang si Minny. Matalino, maganda, responsable at masipag si Minny, total opposite ni Erika. Minsan nga'y napapaisip si Minny kung paano sila naging magkaibigan ni Erika. Ang naiisip lang niyang dahilan ay dahil fan si Erika ni Yuya Matsushita noong high school days nila. Bihira lang kasi siyang makahanap ng J-pop fans noon.

"Ano na namang kalokohan iyang nasa isip mo?" bungad ni Minny sa kabilang linya.

"Kalokohan? Gusto mong sampalin kita?"

Inikot ni Minny ang mga mata niya.

"Huwag mo akong iniikutan ng mga mata!"

"Busy akong tao, Erika. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."

"Busy rin ako, Minny. Maraming pending na Asian dramas ang kailangan kong tapusin this week. Hindi lang ikaw ang busy."

"Ay wow, anlaking tulong sa ekonomiya iyang pinagkaka-abalahan mo."

"Samahan mo ako mamaya. Magtungo tayo sa Radius Mountain."

"Erika, hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Busy akong tao."

"Tungkol 'to sa ikinuwento ko sa 'yo, kay Siwan. Pinapapunta niya ako roon at kailangan ko siyang halikan para magising. Alam mo naman iyong Sleeping Beauty, 'di ba? Sinabi niyang 1000 years na raw siyang bangag."

"Naniwala ka naman?"

"Minny, kilala mo ako."

"Ikaw iyong tipo ng taong sa unang tingin, mukhang walang magandang gagawin sa buhay. Sa pangalawang tingin, mako-confirm mong wala ka talagang gagawing maganda sa buhay."

"Ay wow gano'n ba talaga ako? Anyway, hindi iyan ang importante ngayon. Pupunta ako roon at kailangan mo akong samahan. Sa oras na may mangyaring masama sa akin doon, hindi kita patatahimikin hanggang sa mamatay ka."

"Ay wow, kasalanan ko, ah?"

"Aasahan kita. Kaibigan kita, Minny at alam kong ayaw mong may mangyaring masama sa akin. Hindi mo man sabihin pero nararamdaman kong mahal na mahal mo 'ko. At ganoon din naman ako—Hello?—Bastos! Binabaan ako?"

Bumalik sa alaala niya ang mga sinabi niya kay Siwan sa panaginip.

"Siwan, Isang taon ka nang nagpapakita sa panaginip ko. Sa totoo lang, ayoko nang gumising mula sa pagkakatulog dahil sa 'yo."

Umakto siyang naduduwal. "Ew, at kailan pa ako naging gano'n ka-corny?"

***

ALAS-SINGKO na ngayon at handa nang umalis si Erika. Nag-iwan siya ng sulat para sa ate niya. Sinabi niyang makikitulog muna siya sa bahay nina Minny.

Nasa bus stop na sina Minny at Erika at magkatabing nakaupo sa seats.

"Alam mo, mukha ka ng mangkukulam sa mukha mong iyan. Ang kapal na ng mukha mo—este, ang eyebag mo." Napaisip si Minny. "Puwede ring mukha."

"Huwag kang magmaganda sa harap ko, Minny. Eyebag lang 'to pero mas maganda pa rin ako sa 'yo. Baka nakakalimutan mong sikat na sikat ako dati noong high school tayo dahil sa taglay kong kagandahan?"

"Dati iyon. Tigil-tigilan mo na kasi iyang pagbababad mo sa gabi para magmukha ka namang tao. Anyway, pag-usapan natin iyong tungkol kay Siwan. Hindi naman sa sinasabi kong naniniwala ako sa kalokohan mo kaya ako nandito, gusto lang kitang samahan sa kagaguhan mo. Nagdala ako ng baril dito if ever man na may mangyaring hindi maganda sa atin doon."

"Aw... napaka-supportive naman ng friend ko," sabi ni Erika nang nakangiti. Hinila niya ang buhok ni Minny. "Bakit mo 'ko binabaan kanina?"

***

ALAS-OTSO na nang marating nila ang stop over nang daan patungo sa Radius Mountain. Sa una nilang paglalakad, may mga poste pa ng ilaw na nagbibigay ng liwanag sa daan.Mayroon ding mga kabahayan. Nang maglaon, naging total darkness na ang daan at nakakarinig na sila ng mga alulong ng aso.

Narating na nila ang paanan ng bundok at sinimulan na nila itong akyatin. Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa balat nila, saktong-sakto sa kanilangleather jacket. Naririnig nila ang mga dahong nagkikiskisan sa isa't isa sa tuwing hinahangin. Tila musika rin ito sa kanilang mga tainga na nagbibigay sa kanila ng kapayapaan sa puso. Bukod pa roon, naririnig din nila ang mga tuyong dahon na nangangabasag sa tuwing natatapakan nila. Pareho silang may hawak na flashlight na nakatutok sa kanilang daan.

"Erika, uuwi na ako, bahala ka nang mamatay rito," sabi ni Minny na may takot sa tono. "Kung alam ko lang na ganito ka nakakatakot ang daraanan natin, hinayaan na lang sana kitang mag-isang mamatay rito tutal pakana mo naman 'to," sabi niya habang inililibot ang tingin sa paligid. Pakiramdam niya'y ano mang sandali ay may bigla na lang multong magpakita sa harap nila at manggugulat.

"Ayokong mamatay nang mag-isa, kaya nga isinama kita rito," bawi naman ni Erika.

Nakarinig pa sila ng angungol ng aso at kilabot ang inihatid noon sa kanila. Napahawak sila sa isa't isa.

Sa isang iglap, biglang humangin nang malakas at nagsiliparan ang mga tuyong dahon sa lupa. Napayakap sila sa isa't isa at napatigil sa paglalakad. Napasigaw din sila sa sobrang takot. Napa-squat sila. Pakiramdam nila'y tatangayin sila ng malakas na hangin, pakiramdam nila'y may nagma-manipulate sa hangin bukod pa sa science.

Unti-unting bumalik ang atmosphere kalaunan. Hindi na sila nakakaramdam ng malakas na hampas ng hangin. Pakiramdam nila'y bumalik na sa normal ang lahat kaya't unti-unti silang tumayo at pinagmasdan ang paligid.

Laking gulat nila nang makitang nasa harap na sila ng isang enggrandeng bahay na nagliliwanag. Mangha at hindi sila makapaniwalang nakatingin sa bahay. Namilog ang kanilang bibig dahil sa lubhang amazement. Si Minny, hindi makapaniwala na totoo pala talaga ang mga sinasabi ni Erika.

"Magic!"manghang sabi nilang dalawa nang sabay. May iisang katanungan sa isip nila—paano sila napunta sa harap ng bahay na nakatayo sa tuktok ng bundok, sa tabi ng bangin, mula sa kanina'y nasa kalagitnaan ng kagubatan.

"Daebak!" sabi na lang ni Erika na nakatingin kay Minny. Muli niyang itinuon ang tingin sa bahay. "Tara, pasok tayo!" (Daebak means Awesome)

Humakbang siya upang pumasok sana sa main door ng bahay nang may maramdaman siya mula sa likod. Paglingon niya'y wala na si Minny. Inilibot pa niya ang tingin ngunit hindi na niya ito mahagilap.

"Minny?"

Habang inililibot ang tingin, nabigla siya nang may lalaking sumulpot sakanyang kaliwa, isa itong guwapong lalaki na nasa mid-30s ang edad at pangangatawan. Matangkad ito, may makinis at puting balat at nakasuot ng puting suit na may pulang necktie at itim na slacks. May puti rin itong hat. Nakangiti ito sa kanya.

"Ga-gamjagiya!" bulalas na lang ni Erika sa gulat. (Gamjagiya is said when someone is surprised)

"Magandang gabi sa 'yo, Binibini. Ikinagagalak kitang makilala, ako si Hansel, ang namumuno sa bahay na 'to."

Dahil nakangiti ang lalaki kaya't napilitan na ring ngumiti si Erika. Pakiramdam niya'y hindi ito mapanganib dahil sa maamo nitong mukha ngunit nakakaramdam pa rin siya ng kaba."Ah... okay, iyong kasama kong babae, asan na?" kabado nitong tanong.

"Ah siya? Patay na siya," nakangiti nitong sagot.