Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 31 - Chapter 25 - Superwoman

Chapter 31 - Chapter 25 - Superwoman

(WARNING: Bad words, kadiri words, and bastos words. Please read at your own risk.)

--

"I love you more, baby." sagot ni Sky bago niya ako hinalikang muli.

"TAMA NA YAN! NILALANGGAM NA KAMI!"

"Whooooo! Magdiwang tayong lahat!!!"

"GET A ROOM! GET A ROOM!"

"SKYNNA! SKYNNA! SKYNNA!"

"Kelan ba kayo magkakababy?!?! Inip na kami!!!"

Sobrang hiyang hiya ako nang napagtanto ko na tinitignan pala kami ngayon ng halos buong bar! Nasa labas na din kasi silang lahat! Paano nangyari yun?! Bakit hindi ko man lang naramdaman?! Ibig sabihin ay halos lahat ng dumalo ay nakita ang aming kissing scenes ni Sky! Waaaa! Nakakahiya! Baka kung anong isipin nila! Ano ba ito! Nahihiya talaga ako! Mabilis kong tinanggal ang pagkakapulot ng mga braso ko sa leeg ni Sky.

Tinignan ko lang siya at parang hindi naman siya nahihiya. Nakangisi pa rin siya na para bang nanalo lang siya ng lotto. Ano bang meron? Huwag mo sa aking sabihing pinlano ito ni Sky?! Imposible! Galit kaya siya sa akin kasi nga 'di ba naabutan niya kami ni Caloy? Pero bakit kasi hindi man lang siya nagulat? Hindi man lang siya nagalit!

Nagpalakpakan ang mga tao sa labas ng bar habang pinapanuod pa rin kami. Para kaming isang live movie ni Sky dito sa harapan nilang lahat. Yung tipong happy ending na kaya nagkiss na. Err. Nagsimula ang palakpakan ng pinangunahan ito ng The Vengeance. Kaya syempre, nakigaya na din ang lahat.

Pinangunahan ng The Vengeace...

Ibigsabihin...

Pinlano nga kaya nila ito? Tinulungan nga ba ako ng The Vengeance para magkabati kami ni Sky? Kaya ba nila ako hinaharangan kanina? Kaya ba sila nagpablindfold game para matanong ako ni Sky? Kaya ba pumayag sila na isabay nalang ang alumni party sa birthday ni Debbie? Para akong detective na bumubo ng kaso nito eh.

Pero kung ganun nga, nakatakda pala na ako talaga ang kuning partner ni Sky. Pero nagkataong si Dave ang kumuha sa akin. Teka, nasaan na nga ba si Dave? Inikot ko ang paningin ko sa paligid at nakitang hawak hawak nila Dwight at Erick ang gustong sumugod na si Dave. Gusto yata niyang gantihan si Sky sa panununtok na ginawa nito sa kanya. Pilit na pinapakalma ito ni Dwight, Erick at ni... Farrah. Nagtama naman bigla ang mga tingin namin ni Farrah. Kitang kita ko na galit pa rin siya sa akin. Pinanglilisikan niya ako ng mga mata. Pero dapat ay wala na akong pakialam 'di ba? Akin si Sky ngayon. At akin lang siya hanggang sa makakaya ko. Mahal ko si Sky at hinding hindi ko siya ibibigay pabalik sa iyo, Farrah.

"Baby, let's go somewhere else. They're disturbing us." mahinanong sabi ni Sky. Tumango nalang ako. Gusto ko rin talagang solohin si Sky ngayon eh. Hehehe.

"Ayyyy. Tsk tsk tsk. Nagsososolo!"

"Kayo na ang INLAB!"

"Ninong at ninang kami ha!"

"Kailangan ko na din ng jowa!!!"

"Nakakainggit kayo tae kayo!!!"

Hindi nalang namin pinansin ang ilang mga sigaw nila sa amin. Pumunta nalang kami sa isang bahagi ng 5th Heaven garden kung saan may swing na pwede sa dalawang tao. Doon kami umupo. Walang tao sa area na ito kundi kaming dalawa lang ni Sky. At least, ngayon, may privacy na kami. Hihi.

Nakalipas na ang ilang segundo na nakaupo kami dito sa swing pero hindi pa rin niya ako kinakausap. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. At ganun din ako sa kanya. Wah! Para kaming mga baliw dito. Umaapaw lang talaga ako sa kasiyahan. Ito yung tipong klase ng kasiyahan na kahit hindi ka na magsalita ay ramdam mo ito at ng kasama mo.

Marahang lumapit ang ulo niya at bigla nalang niya akong hinalikang muli. Malalim agad ang mga halik niya kaya naman ay nagulat ako. Naitulak ko siya pero mahina lang naman.

"Sky... Baka may makakita sa 'tin. Nakakahiya na." pabulong kong sinabi.

"Aren't you proud of me?"

"Sky, hindi sa ganon. Nakakahiya lang talaga. Alam mo yun... Ano kasi... PDA..."

"I'll kiss you anytime I want starting tonight."

"Sky!" pagsaway ko. Ngumiti nanaman kasi siya nung parang manyak na ngiti!

"So you are my girlfriend now. For real."

"Sinong nagsabi sayo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" kunot noo niya akong tinanong.

"Kailangan mo muna akong ligawan." medyo pakipot kong sinabi. Try lang. Hehe. Maganda naman make up ko ngayon e.

"Nah. There's no need to court you. It's written on your face that you are too in love with me. In fact, we already kissed 5 times." sabi niya. Engk. Hindi man lang gumana pakipot ko. Che! Sige na nga, kami na nga agad! Hehehe. Arte ko pa kasi eh! Pero yung totoo, binibilang ba niya yung mga kiss namin?! Hindi ko nga alam na nakakalima na kami!

"Oo na tayo na." nakangiti kong sinabi.

"I know." nagsmirk nanaman.

"Pero Sky..." panimula ko.

"What is it?"

"B-Bakit hindi ka galit sa akin? Di ba nakita mo kami ni Caloy na magkayakap nung gabing iyon? Bakit hindi ka man lang nagalit sa akin?" nagtataka talaga ako.

"Ah. That one. I didn't walk out that night. I heard you said you love me. And so I made plans for you to say what you feel for me too. Hence, the blindfold party."

ANO DAW?

Narinig pala ni Sky na mahal ko siya! Ibig sabihin narinig din niya yung pag-aaway namin ni Caloy! Hindi naman niya siguro narinig yung tungkol sa tunay kong pagkatao noh? Kasi kung narinig niya yun, panigurado galit siya sa akin. O kaya naman... Hindi kaya tanggap na niya ako bilang ako? Waaaa! Ano ba?!

Pero grabe! Nahihiya ako! Nahihiya ako dahil narinig ni Sky na ipinagsigawan ko sa mukha ni Caloy na mahal ko siya. Kaya pala ang lakas ng loob niyang halikan nalang akong bigla dahil alam niyang pareho na kami ng nararamdaman.

Edi ibig sabihin tama nga yung hinala ko kanina na pinlano ni Sky ang lahat ng ito? So pakipot at karengkeng lang niya yung hindi niya pagsagot sa mga tawag at texts ko? Pati na rin yung pagdedeadma niya sa akin nung party? Aba bruhildo 'to ah! Pwede na siyang maging artista sa galing niyang umarte!

"You're blushing." nakangiti siyang sinabi.

"Ikaw kasi eh!" pinalo ko siya. "Eh bakit hindi mo ako sinasagot sa mga tawag ko?! Pakipot ka ah! Feeling mo!"

"Para malaman ko kung mahal mo talaga ako."

"Tss! So hindi pa pala sapat yung narinig mo?! Ipinagtanggol at ipinaglaban nga kita sa best friend ko eh!"

"I know. I know." tinaas niya ang mga kamay niya.

"Tss." tinalikuran ko siya pero nakaupo pa rin ako sa swing katabi niya.

Mamaya pa konti ay pumasok na kami ni Sky muli sa bar ng magkaholding hands. Pumasok lang kami para sana magpaalam sa mga kaibigan dahil uuwi na kami pero agad kaming inasar na magsosolo daw kami sa kwarto at kung ano ano pang kahalayan ang naiisip nila kaya naman ay napilitan nalang kami manatili muna ng sandali sa bar.

Narito kami ngayon sa isang malaking couch at kasama namin ang buong grupo nila Ash, si Debbie at si Karen.

"Whoooo! Cheers to the new couple!!!" sigaw ng halos lahat sa table.

"Why new? Di ba matagal nang sila?" inosenteng tanong ni Debbie na agad namang sinang-ayunan ni Karen. Oo nga pala, ang alam nila ay matagal nang kami ni Sky.

"New kasi... Hindi niyo namalayan na nagbreak na yang dalawa. Nagkabalikan lang ulit ngayon. Kaya new na ulit." sabi naman ni Erick. Sinalo niya kami.

Nginitian ako ni Erick kaya naman nginitian ko nalang siyang pabalik.

Paglingon ko naman sa gawi ni Sky ay isang kutsarang punong puno ng kanin at ulam ang sumalubong sa akin. Mabilis itong naipasok ni Sky sa bunganga ko at ako naman itong si uto uto, mabilis ko ding nginuya at nilunon. Sinubuan ako ni Sky! Kaya naman, syempre, panay asaran nanaman ang natanggap namin. Nakakahiya na talaga!

"Tama na yan! Iniiinggit niyo ba talaga kami?"

"Namumuro na kayo ah!"

"Baka mamaya iba na yang sinusubo mo kay Ynna ah!"

"Whoooo! Exciting!"

"Ynna, ready na ba egg cells mo?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa mga asar nila! Waaa! Grabe sila! Bakit ganun sila kung makapagisip?! Bakit naman parang sobrang advanced? Mga bata pa kami ni Sky! Hinding hindi ko kaya gawin yun! At alam kong hindi rin yun kaya gawin sa akin ni Sky! Err. Hindi nga ba? Waaa! Hindi! Hindi! Mabait kaya si Sky!

"Stop it, guys. Let's just start the game." saway ni Ash.

"May game ulit?" tanong ko.

"Yeah. But this time, kasama na kaming lahat. It's a truth or dare game." sagot naman ni Austin.

"Let's start!!! I'll spin the bottle!" sigaw ni Debbie.

*SPIN*

Tumuro ang bote kay Austin.

"Truth." nakangiti niyang sagot.

Isa sa mga rules ng game ay ang katabi mo sa kanan ang dapat na magtanong kung truth at ang dapat na mag-utos kung dare naman. Ang nasa kanan ko ay si Karen kaya medyo kampante ako na hindi naman niya ako pahihirapan. Ang nasa kanan naman ni Austin ay si Ash. Kaya naman si Ash ang magtatanong.

"May minahal ka na bang babae? Sino? Mahal mo pa ba siya?" sunod sunod na tanong ni Ash kay Austin.

"May minahal na akong babae. Isa lang. Si Nikki Arlene Salviera. Minahal ko siya noon, kinamumuhian ko na siya ngayon." seryoso nitong sagot. Issue. Parang bitin kasi. Bakit kaya kinamumuhian na niya ngayon? Ano kayang nagawa nung Nikki? Mas malala pa kaya ito sa magagawa ko kay Sky? Kamumuhian din kaya ako ni Sky? Waaaa! Bakit mga nega nanaman ang iniisip ko! Che! Hindi ako iiwan ni Sky! Mahal ako ni Sky! Maiintindihan ako ni Sky!

*SPIN*

Tumutok naman ngayon ang bote at tumapat ito kay Karen. Si Debbie na nasa kanan niya ang nagtanong kasi truth din ang ipinili ni Karen.

"Kayo na ba ni Erick Salas?" mabilis na tanong ni Debbie.

"Oo." mabilis ding sagot ni Karen. Kasabay ng oo ni Karen ang biglang pamumula ng mukha nila ni Erick. Ang cute nila! Sobrang bagay sila! Dapat minsan ay magdouble date kami. Hihi. Hindi lang pala kami ni Sky ang bagong couple dito hehe.

*SPIN*

Sa akin naman ngayon nakatapat ang bote. Truth ang isinagot ko. Kampante nga din kasi ako kay Karen. Alam kong hindi niya ako ilalaglag. Lalo na ngayon at pareho kami ng sitwasyon. Masyado kaming masaya sa mga bago naming relasyon.

"Ynna, nagsex na ba kayo ni Sky? Kung hindi naman, may balak ka bang gawin yun kasama siya?" mapanuring tanong ni Karen.

Waaaa!!! Bakit ganyan yung itinanong niya. Kampante pa naman ako na hindi niya ako tatanungin ng mga mahihirap na tanong. Pero ito na yata ang isa sa mga pinakamahirap na tanong na naitanong sa akin sa buong buhay ko! Bakit kaya yun ang naisip niya? Huwag niyang sabihing...

Oh hindi!

May balak ba silang gawin iyon ni Erick?

Tinignan ko ng masama si Erick ngunit nagkibit-balikat lang ito. Isa isa kong tinignan ang mga tao at nakita kong abang na abang na sila sa isasagot ko. Ano nga ba ang isasagot ko? May balak ba akong makipag-ano kay Sky? Oo naman. Pero siguro pagkatapos na ng kasal. Waaa! Bakit napunta na sa kasal ang iniisip ko? Grabe! Epic!

"Yes. We're planning to do it." biglang nagsalita si Sky.

Ano?!

"And we're gonna do it now. So excuse us." pagpapatuloy niya bago niya kinuha ang kamay ko at dinala ako sa labas ng 5th Heaven papunta sa direksyon ng kotse niya.

Halos natawag ko na yata lahat ng santo sa kalangitan habang hinihila ako ni Sky papunta sa kotse niya. Kukunin na ba talaga niya ang virginity ko? Handa na ba ako? Ngayon palang ay humihingi na ako ng tawad sa lahat ng taong nagmamahal sa akin. Kay papa, kay Caloy, kila Merylle, pati na rin kay mama dahil ibibigay ko na ang aking pagkababae sa lalaking mahal ko kahit na menor de edad palang ako. Ganito nga siguro ang nagmamahal. Hindi mo kayang mapigilan ang mga rumaragasang pakiramdam na naidudulot ng tunay na pag-ibig.

Waaaa! Ano ba itong iniisip ko! Hindi pwede! Kailangan ko pa ring panindigan na dapat gawin ko lang ito kapag kinasal na ako! Oo! Ganun na nga! Hindi ako pwede magpadala sa mga nararamdaman ko. Dignidad! Prinsipyo! Ganun!

"Oy Sky, wala ka namang balak na gahasain ako 'di ba?" tanong ko nang nakapasok na kami sa kotse niya.

"Meron." nagsmirk siya at umambang lalapit sa akin. Awtomatiko naman akong napaatras kaya naman medyo nauntog ng kaunti ang ulo ko sa salamin ng kotse. Ginawa ko ring hugis krus ang aking mga braso. Subukan lang niyang lumapit sa akin at matatamaan talaga siya sa akin. Medyo malakas pa naman ako sumuntok!

"HOY SKY!!! HUWAG MO AKONG GAGALAWIN! SINASABI KO SAYO!!!" sigaw ko.

"Idiot. I'm not gonna touch you yet." sabi niya.

Nakahinga naman ako ng malalim doon. Pero...yet? Ibig sabihin ay may balak pa rin siya? Waaa!

Tinignan ko siya at naglabas siya ng isang pulang box sa kanyang bulsa. Pinatalikod niya ako kaya naman sumunod nalang din ako. Maya maya pa konti ay may naramdaman akong parang metal na dumikit sa balat ko. Parang kwintas. Oo, kwintas. Sinuotan ako ni Sky ng kwintas! Meron din itong pendant na hugis kidlat. Ang ganda. Kakaiba. Parang ang relasyon lang namin ni Sky.

"Bakit kidlat?" tanong ko.

"Cause you'll always be my thunder. Haha." sagot niya. Tss. Kelan pa ba naging corny itong si Sky? Ganun nga ba lahat ng mga umiibig? Nagiging corny lahat?

"Di nga! Bakit nga kasi?!" pagpupumilit ko.

"Thunder because we are different. All the other lovers out there give each other roses, hearts, chocolates and all the other common things. Well, for us, it's thunder."

"Ahh." okay. Wala akong masabi. Parang kinilig ako dun sa lovers. Lovers pala kami. Hihi.

"Also, it's because of the thunder you didn't hear my very first confession to you."

"Ha?"

"The day we got wet due to the rain? Remember?"

"Umamin ka nun?" gulat kong tanong.

"Yeah." sagot niya.

"Ahh." okay. Wala na talaga akong kwentang kausap. Wala kasi akong masabing matino eh. Masyado pa rin akong hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Kami na ni Sky! Pero kung kailan naman kami na ay naging parang robot akong kausap. Nakakatulala kasi siya eh. Kaso kailangan ko siyang kausapin pa rin ng matino. Baka naman kasi i-break ako nito! Baka sabihin niya ay nag-girlfriend siya ng robot. Tsk tsk!

Binuksan ni Sky ang radyo at hindi ko alam kung hinanda ba niya talaga ito o talagang nagkataon lang pero 'Thunder' din ang kanta. Yung kanta ng 'Boys Like Girls'. Ngumiti siya sa akin bago niya pinaandar muli ang kotse niya.

♪ Your voice was the soundtrack of my summerDo you know you're unlike any other?You'll always be my thunder, and I saidYour eyes are the brightest of all the colorsI don't wanna ever love anotherYou'll always be my thunderSo bring on the rainAnd bring on the thunder ♫

Nang natapos ang kanta ay natapos na din ang buhay ng kotse. Wait. Teka. Oo nga! Totoo nga!

Tumirik ang kotse ni Sky!

Tinignan ko ang mukha ni Sky at tila nagulat siya sa kung bakit tumirik ang kotse na pinapaandar niya. Ang buong kaalaman ko ay masyadong maingat si Sky sa kotse niya. Ni ayaw nga niya itong magalusan eh. Pero ngayon, tumirik?

Pilit na sinusubukan pa ring i-start ni Sky ang kotse niya pero ayaw talaga nitong gumana. Pinalo na niya ang manibela sa sobrang inis. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Hindi ko rin naman alam ang gagawin ko. Stuck na kami dito. Malayo pa naman sa bahay ang kotse. At nandito kami ngayon sa gitna ng kalsadang walang tao o kotse man lang na dumadaan. Medyo madilim na din ang paligid kaya medyo nakakapangilabot na rin.

"Shit!" sigaw niya.

"HAHAHAHA! Ang yaman yaman mo tapos tumitirik kotse mo?! HAHAHAHA!" tumawa ko. Natawa kasi talaga ako. Pero pinapatawa ko lang din siya. Kasi ayokong bad mood siya eh.

Pinanlisikan lang niya ako ng mga mata. Oops. Hindi yata natawa. Sorry naman.

*BEEP BEEP BEEP BEEP*

Biglang tumunog ang cellphone ni Sky ng sobrang daming beses. Tinignan niya ang mga sunod sunod na texts na natanggap niya at kitang kita ko sa reaksyon niya na sobrang nagulat siya. Medyo napangiti pa siya. Kung kanina ay sobrang naiinis siya dahil tumirik ang kotse niya ay ngayon naman, biglang nagpalit ang mood niya. Masaya na ang aura niya ngayon.

"Sino ang nagtext? Bakit ka nakatawa?" tanong ko.

"Nothing." sabi niya habang tumitingin sa akin. Wala na talagang bakas ng inis sa kanyang mga mata.

Alam kong mayroong kung ano sa text na natanggap niya kaya biglang nag-iba ang mood niya. Ayoko naman maging pakialamera pero gusto ko lang talaga mabasa ang mga nabasa niya. Alam kong cellphone yun ni Sky at wala akong karapatan na basahin ang mga nilalaman nun pero hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili. May parang nagbubulong sa akin na kailangan kong malaman ang mga nakasulat doon.

"Patingin!" sabi ko bago ko hinablot ang cellphone niya sa kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman ay nabitawan niya ito agad. Ha!

Agad agad kong binasa ang mga natanggap niyang texts. AT DYUSKOLORD!!!

Austin Stranford:

O ayan 'tol ah! Pinatirik na namin! Tinulungan ka na namin makagawa ng the moves kay Ynna! Goodluck pre! Galingan mo!

Clyde Ferrer:

Bro!!! I'm so happy for you two!!! Galingan mo! Sabi ni Dave magaling daw yan eh! Huwag ka papatalo! Wishing you all the best!!!

King Miraveles:

Goodluck Skyie!!! Dapat matalo mo si Dave sa kung ilang round yung kaya niya kay Ynna noon! Sana sapian ka ng espirito ni Viel! Hahahahaha!

Viel Valdemaniac:

Bro! Tangina! Swerte mo! Pwede bang pag pinagsawaan mo na siya patikim din naman? Matagal ko na kasing type yang si Ynna e! Galingan mo! Goodluck! Sexy lady yan!!!

Chase Villanueva:

Goodluck, bro.

Kuya Ash:

I am happy for you, little brother. It's going to be a night. Please don't forget to use protection.

Dwight Condez:

Sky bro!!! Ito na talaga!!! Galingan mo! Huwag ka nang gumamit ng proteksyon! Mas okay kapag wala! Para magkaroon na din ng baby Skynna! Ninong ako ha!

Erick Salas:

Dude, wala akong kinalaman dito ah. Pakana 'tong lahat ni Dwight.

WAAAAAAAAAA!

Ibig sabihin...

Pinlano nila yung pagtirik!!! Sabi ko na nga ba! Imposibleng tumirik ang kotse ni Sky ng ganun ganun nalang! May ginawa nanaman ang The Vengeance! Mga pasaway! Mga mahahalay ang isip! Mga liberated na tao! Hindi naman gagawin ni Sky sa akin yun eh! Uhh... Hindi nga ba?

"Hoy Sky! Wala ka namang balak na gahasain ako 'di ba?" tanong ko. Kailangang sigurado ako.

"Meron nga. Kulit ah." simple niyang sagot at saka tinignan niya ako simula ulo hanggang paa. Nagsmirk siya. Kadiri! Manyak!!! Sinasapian na yata siya ni Viel! Waaaa! Tulong! Rape!!!!

"HOY!!! HUWAG NA HUWAG MO AKONG GAGALAWIN!!!" sigaw ko. Ginawa ko ulit na hugis krus ang aking mga braso.

"And why not?" tinaasan niya ako ng kilay.

"VIRGIN PA AKO!!!"

"Stop kidding me." sabi niya. Waa! Oo nga pala, ang akala nilang lahat ay wild ako dahil ako nga pala si Janina. Mukhang laging nakikipag-ano kasi si Janina kay Dave kaya naman wala na talagang maniniwala na virgin pa ako. Wala na. Patay na. Lagot na. Pero virgin pa naman talaga ako eh!

"HINDI KITA NILOLOK----" tumigil ako. Wala na akong kausap.

Umalis na pala si Sky sa driver's seat. Nakita ko siyang umikot at pumunta sa side kung nasan ako nakaupo. Binuksan niya ang pintuan ko at naglahad ng kamay upang lumabas na ako ng pinto. Anong akala niya! Sasama nalang ako ng ganun ganun sa kanya? Makikipag-ano nalang ako bigla sa kanya! Meron pa rin akong dignidad! Prinsipyo! Pinag-aralan! Pinag-iingatan! Ganun nga! Paulit ulit ako!

"Go out."

"Ayoko!!!!"

"It's getting cold. We need to find a place to stay."

"Dito lang ako!!!"

"Or maybe you just want my body heat all night?" nagsmirk nanaman siya.

"Oo na! Lalabas na!" tss! Ayoko talagang inaasar niya ako. Nauto niya ako dun ah. Bakit ako lumabas?!

Hinila niya ako palayo sa kotse. Hindi ko alam kung saan kami papatungo. Natatakot ako na baka dalhin niya ako sa mga damo at doon niya ako gahasain. Tumigil ako sa gitna ng kalsada at hinawi ang kamay niyang naghihila sa akin.

"What?" sabi niya.

"Hindi ako sasama sayo." sagot ko.

"Then stay there." sabi niya. Iniwan ba naman ako!

"Oy! Joke lang! Saan ba kasi tayo pupunta?" sigaw ko habang hinahabol siya. Grabe siya, iiwan talaga niya ako? Ang sama!

"We are going to Waikiki." mabilis niyang sinabi.

Napatigil ako ako sa sinabi niya. Pu-pu-punta siya sa kiki ko? Edi binabalak talaga niya na i-rape ako ngayong gabi? Grabe siya! Hindi man lang siya nahiya na sabihin iyon sa harapan ko. Wala man lang pakundangan na sinabi niya na pupunta siya sa kiki ko!!! Bastos siya! Manyak! Kadiri! Huhuhu! Kawawa naman ako!

"HINDING HINDI KA PUPUNTA SA KIKI KO!!!!" sigaw ko.

"What? Kiki?" aba tignan mo 'to. Kunwari pa hindi alam!

"Sabi mo kiki eh!"

"I said.. Waikiki."

"Anong why kiki? Di ba kiki naman talaga yung sa babae? Tapos yung sa lalaki... Foot long?"

"What the fuck are you saying?! HAHAHAHAHA!"

"Bakit ka tumatawa?! Hindi ako nagpapatawa!"

"I said we are going to Waikiki hotel."

Hotel? Di ba yun yung mga tinitirahan ng mga artista kapag nagcoconcert sila dito sa Pilipinas. Yun yung mga magagandang lugar na nakikita ko sa TV. Yung mga parang palasyo. Doon ako gagahasain ni Sky? Baka mahuli siya ng mga CCTV! Ang alam ko kasi sa mga motel lang dapat kapag makikipag-ano eh. Siguro hindi naman niya ako gagalawin kasi sa hotel kami pupunta eh. Baka kakantahan lang niya ako?

"O sige." sabi ko.

"I'll prove to you that I'm better than Dave. I'll erase all the memories you had with Dave at Waikiki."

Ano daw?

"Ha?!" ngumanga lang ako. Hindi ko talaga siya magets.

"Don't play innocent. I know Waikiki is the place."

"Ha? Hindi kita maintindihan."

"Ugh. You can't fool me. Waikiki is your favorite hotel. It's the place where you and Dave meet up to make love. And this time, I'm going to show you, I'm way better."

Waaa! Ibig sabihin ay may balak pa rin pala talaga siya na gawin sa akin ngayon. Hindi pala niya ako kakantahan. At hotel pala yung kiki na yun. Ayoko dun!

"Ayoko dun!!!" tumalikod ako.

"Why? You still love him?" sumeryoso ang mukha niya.

"Hindi! Ayoko lang dun!"

"Tsk. Then you choose the place."

Umm. Ako ang pipili? Saan ba? Wala naman akong ibang alam na hotel. Ang alam ko lang na mga hotel ay yung mga pipitsuging hotel na malapit sa amin sa Bohol. Dito sa Maynila? Wala akong alam! Pero kailangan ay may masabi ako kundi ay baka magtaka si Sky sa mga kaalaman ko. Ni hindi ko nga alam yung Waikiki. Dapat kahit papaano ay may alam akong iba.

Pinilit kong isipin lahat ng mga nadaanan namin na hotel na pwede kong maaalala sa buong pananatili ko dito sa Maynila. At isang hotel lang ang naaalala ko. Iyon lasi ay maraming branches. Lagi ko siyang nakikita dito. Kulay pula ang bulding nito at may babaeng picture ito bilang logo. Ano nga bang hotel iyon?

Ah!

"SOGO!!!" sigaw ko. "SA SOGO TAYO!!!"

"What the fuck? That's so cheap!"

"Bakit? Ayaw mo dun? Edi ikaw na pumili!" binalik ko sa kanya ang pagpipili. Bwahaha!

"Ugh. We'll just go to Century Park Hotel." sabi niya. Ano yun? Saan naman yun?

"Bakit doon?" tanong ko. Wala lang.

"That's the nearest 5-star hotel here next to Waikiki."

"Okay, sabi mo eh."

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at pumunta na sa kung saan man niya gustong pumunta. Pero tumigil ulit ako dahil may naalala ako!

Bakit ngayon ko lang ito naalala?! Masyado yata akong kinakabahan kanina! Masyado akong nagpadala sa pagkatakot ko na baka galawin ako ni Sky. Hindi ko man lang naisip na kaya ko palang mag-ayos ng kotse. Mekaniko nga pala ang tatay ko! Nag-aayos nga pala kami ng mga kotse sa probinsya! At kung tirik lang ang problema ng kotse ni Sky at paniguradong kayang kaya kong ayusin iyan.

"Where are you going?" tanong niya nung naglakad na akong pabalik sa kinaroroonan ng kotse.

"Sa kotse mo."

"Why?"

"Aayusin ko."

"You can't. You don't know a thing."

"Watch and learn, Sky Anderson." pagyayabang ko.

Sinundan nalang ako ni Sky sa paglalakad pabalik. Nang nakarating ako sa kinaroroonan ng kotse niya ay binuksan ko agad ang harap na bahagi nito. Tamang tama at may baon akong mineral water kanina galing sa bar. Ibinuhos ko ang mineral water sa lagusan ng kotse ni Sky. Ang sabi kasi ni papa ay kapag tumirik ang kotse ay kailangan nito ng tubig. Nauuhaw ito. Kailangan nitong magpalamig. Parang tao din.

Pagkatapos kong lagyan ng tubig ay may inayos pa akong ibang parte ng kotse ni Sky. Lumabas na may ginalaw talaga ang The Vengeance upang mapabilis ang pagtirik ng kotse ni Sky. Hindi ko alam ang mga tawag sa mga parte ng kotse ni Sky. Ang alam ko lang, kaya ko itong ayusin. Madali lang ito. Paniguradong magstastart na ito.

Nang natapos ako sa pag-aayos ay pinapasok ko na si Sky sa driver's seat para subukan kung gagana na ba ang kotse niya. Sumakay na rin ako sa front seat.

*BROOOOOOOOOOOM*

Yun oh!!!! Nagstart!!!! Yey!!!!

"Kitams!" nagyabang nanaman ako. Hehe. Pagbigyan niyo na. Minsan lang naman.

"Wow." sabi niya.

"Sabi ko naman sayo eh, kaya ko yan! Nalimutan ko lang kanina!" kumindat ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

"Yeah. I'm sorry. I underestimated you again. I never knew that my girlfriend is a superwoman." sabi niya.

"Ako pa!" nagyabang ulit ko pero pekeng pagyayabang nalang yan. Napilitan nalang ako. Kasi ang totoo, kinikilig na ako. Girlfriend daw niya ako. Hihi. Tapos superwoman daw ako. Yiii. Edi siya naman si superman ko? Eeeek! Kinikilig talaga ako!

"I love you, baby." sabi niya.

Tinignan ko lang siya. Tinaasan niya ako ng kilay. Pinapahalata niyang naghihintay siya sa sasagutin ko.

"I love you, too." mahina kong sinabi. Waaa! Nakakahiya! Hindi ako sanay!

"Say baby."

"H-Ha?"

"Say it." seryoso siya.

"I love you too, baby ko." ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin. Bigla nalang niya akong hinalikan ng mabilis sa labi. Waaa! Mga da mubs ni Sky! Baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at bigla nalang akong bumigay!!!

"I love you so much... My Wacky Girlfriend." sabi niya bago niya pinaandar ulit kotse papunta sa condo namin.

Wacky? Ano yun?

--

A/N

Whooo! Pasensya na talaga! Super duper late update! Di kaya ng schedule ko eh! From now on, weekends nalang po talaga ang UD. Di na ako magcocommit na magta-twice a week ako. Di keri! I hope you understand po! :) Thank you po sa lahat ng sumusuporta pa rin. Labyu po!!! 80K!!! Surreal!!! Weeee! <3

May one-shot din po pala akong ginawa. 3 pages lang. Baka gusto niyo rin i-try. Hihi. Click external link for "Karaoke Kid". :) Hihi! :)

- Mhariz :3