A/N
Advance Happy Birthday sa sister ko. December 1, 2014 ay 13 years old na siya! :> Ong tondoooo! Hahaha! :* Regarding MWG, pansin niyo? Biglang dumami yung pages? Umikli yata yung per page ng wattpad. Mas naging better ba? Ako kasi, mas gusto ko yung una. Kasi ang bagal ng net ko. Ang tagal magload pag nilalagay sa next page. :P Anyway, wala akong magagawa. Isang hamak na manunulat lang naman ako. Lol. Kbye. Enjoy nalang! :))
- Mhariz :3 <3
--
• ALYNNA MARIE PAREDES •
Pagkatapos nang naging masayang kainan namin nila Sky, Shibama at ni Tita Amanda, ay nagpasya na kaming umuwi. Syempre, hindi papatalo itong si Sky. Ihahatid pa daw niya kami. Hindi na ako pumalag kasi um-oo naman agad ang bakla. Bruha talaga. Hindi man lang nahiya. Kahit sabihin mong boyfriend ko na si Sky, nakakahiya pa rin kasi. Kabago bago palang namin tapos ganun na agad. Magkaibang tao pa rin kami. Kailangan din niyang magpahinga. Pero wala eh, ihahatid pa rin daw niya kami. Sa kabilang banda ay okay lang, at least mas mahaba ang oras na magiging magkasama kami. May panggulo nga lang na bakla. Pero keri na yun, kesa wala. Hehe.
"Bye! I'll see you again, Ynna." malumanay na sinabi ni Tita Amanda.
"Opo naman po, tita. Bye!" sagot ko sabay kaway din.
Hinawakan na din ni Sky ang kamay ko at hinila na ako papuntang parking lot ng bahay nila para ihatid na niya kami ni Shibama sa condo namin. Nang nakapasok kami sa kotse ay nagkatinginan kami ni Sky dahil mag-isang tumatawang parang baliw si Shibama. Mukhang tuwang tuwa siya sa galak. Mukhang malapit na siyang mapunta sa mental kapag ipinagpatuloy pa niya ito.
"Huy! Anong tinatawa tawa mo dyan?!" tanong ko. Nakakatakot na kasi. Para na siyang sinasapian.
"Mga boyfriends ko!" sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Nakapokus pa rin siya sa cellphone niya.
"B-Boyfriends? Ilan ba ang boyfriend mo?"
"Dati isa lang, ngayon 11 na! Hihihi!" parang kinikiliti siya nang sagutin niya ang tanong ko.
"Who are they? Our house guards?" singit ni Sky sa walang papatunguhang usapan namin ni Shibama.
"Correct! Naka sampung numbers akong nahingi kanina! Ang saya!!!! At take note, sabay sabay ko silang katext ngayon! Isn't it amazing?!" parang may stars sa mga mata ni Shibama nang sabihin niya iyon kay Sky. Grabe sa quota ang inabot nitong baklang 'to ngayong araw. Tiba tiba! Parang nanalo lang sa lotto!
"Do you want to be even happier?" tanong nanaman ulit ni Sky.
"Of course! Anong iooffer mo sa akin papa Sky?" malandi ang tono ng boses ni Shibama.
"Ash's number. Text him at 09176272625." malademonyo ang ngiti sa mukha ni Sky nang ibigay niya kay Shibama ang mga numero ni Ash.
"Sky! Bakit mo naman binibigay ang number ni Ash kay Shibs?!" pagsasaway ko sa kanya. Sinabi ko iyon sa boses na siguradong hindi maririnig ni Shibama. Kahit pa friend ko si Shibama ay naaawa pa rin ako kay Ash at sa kahihinatnan niya kay Shibama noh.
"For Shibama to be happy." mahina at tipid niyang sagot. "And for Shibama to get out of this car and leave us alone."
"WHAT?! Narinig ko yun ah!!! Ang bad niyo!!! Hindi ako aalis!!! Iuuwi mo ako kasama si Ynna!!!" malandi niyang pagsisigaw.
"Joke." seryosong sabi ni Sky. Mukhang iritado siya. Nakakatawa. Hindi yata siya marunong bumulong. O kaya naman malaki lang talaga ang butas ng tenga ni Shibama kaya narinig niya yun.
"Sky, paano nga pala naayos yung kotse?" tanong ko. Bigla nalang kasing tumatakbo na. Bigla bigla nalang ayos na pala.
"They were following us all along."
"Huh? Sino?"
"The Vengeance."
"HUH?! Eh bakit hindi ko sila nakita huhuhu!" pekeng nag-iyak iyakan si Shibama. Hindi pa nakuntento sa labing-isa niyang jowa.
Hindi nalang siya pinansin ni Sky. Tumingin nalang siya sa mga mata ko. Yung titig na titig. Nasa stop light kasi kami kaya hindi naman gumagalaw yung kotse. Ewan ko ba pero medyo naiilang kasi ako. Bakit niya ako tinititigan? At bakit parang nakasmirk siya? Bakit hindi mapakali ang buong sistema ng katawan ko? Ano ba talaga ang ginagawa mo sa akin, Sky?
"Pwede ba? Huwag nga kayong magtitigan, natutunaw me eh!" pagputol ni bakla sa naging pagtititigan namin ni Sky. Naging green na rin ang kaninang red light.
Tumawa nalang ako ng mahina. Nakita ko ring napailing si Sky at diniretso na ang kanyang tingin sa kalye. Pagkatapos noon, hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari. Inaantok na din kasi talaga ako.
***
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Nagising ako na nasa kwarto ko na ako at nasa sofa ng kwarto ko si Sky. Hindi ba siya umuwi sa kanila? Pero iba na ang damit niya? Naka dark green shirt at pants na siya ngayon. Ang gwapo! Ano ba yan! Kailan ba ako masasanay na gwapo nga kasi talaga si Sky? Ang swerte swerte ko talaga.
"Umuwi ka ba sa inyo o nagbihis ka lang?" tanong ko habang nagstrestretch at nagtatanggal ng muta.
"Umuwi ako."
"Bakit ka nandito?"
"I'll teach you how to drive a car."
Pagkatapos na sabihin ni Sky iyon, ang kaninang tamad kong katawan ay biglang nabuhay! Mag-aaral ako kung paano mag-drive! Nakakaexcite naman! Gusto ko kasi talaga matuto nun. Ayaw kasi akong turuan ni papa sa Bohol noon eh, bata pa daw kasi ako. Pero ngayong 17 na ako, pwede na akong kumuha ng student's license! At pag-uwi ko, magugulat nalang si papa na kaya ko na i-drive yung jeep namin! Hihi! Nakakaexcite talaga!
Mabilis akong naligo at naghanda. Paglabas ko ay nakita kong katext pa rin ni Shibama ang mga guards. Tatlong cellphone na ang gamit niya ngayon. At yung suot niya kahapon, ganun pa rin. Mukhang hindi siya natulog magdamag. Iba talaga ang nagagawa ng kalandian.
"Shibs, aalis kami ni Sky. Huwag mo na akong make-upan. Makipagtext ka nalang diyan ha? Bye!" sabi ko sabay sarado ng pinto. Narinig ko pang tumili siya ng 'Hindi pwede!' pero hindi na ako lumingon pa. Sumakay na ako agad sa kotse ni Sky. Napansin kong iba ang kotseng dala dala niya ngayon. Pinaandar na din ito agad ni Sky para hindi na kami masundan pa ni Shibama.
Huminto kami sa isang malawak na lugar. Maluwag ang daanan at patag ang kalye. Parang wala ring masyadong dumadaan na kotse. Tamang tama ito para pagpraktisan ng mga hindi pa marurunong magmaneho na tulad ko. Ang galing talaga pumili ng lugar ni Sky. Lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
"You ready?" nakangiti niyang tanong.
"Oo naman." pagyayabang ko. Pero sa totoo, medyo kinakabahan kasi ako.
"Now sit at the driver's seat."
"O-Okay."
Nagpalit na kami ng upuan ni Sky. Ako na ang nasa driver's seat at siya na ang nasa passenger's seat.
"This is a manual car. You have to learn manual first because when you know how to drive a manual car, driving an automatic will be very easy for you."
Tumango nalang ako. Ano ba kasi yung mga sinasabi niya?
"This is the clutch, break, gas, steering wheel..." blah blah blah. Ano ba kasi yung mga yun? Gusto ko nang patakbuhin!
"Okay. Okay." sabi ko. Nakakaboring kasi eh. Hindi naman kami umaandar.
"Now turn on the engine and try to drive." sabi niya. Napangiti naman ako dun. Sa wakas magdridrive na talaga ako. Binuksan ko ang makina at...
*BROOOOOOOOOOOOOOOOM!*
"WOAH! Hold on!" napasigaw si Sky.
Ako naman, wala, tulala. Bakit ganun? Bakit naging sobrang bilis ng pagpapatakbo ko? Naintindihan ko naman yung mga lessons niya kanina ah. Bakit kapag si Sky yung nagpapatakbo, ang swabe lang. Bakit kapag ako, parang kasali ako sa the fast and furious? Muntik na kaming mabangga sa pader! Buti nalang ay may ginalaw na kung ano si Sky para biglang matigil ang kotse. Hand break daw. Kung hindi, paniguradong dedo na kami pareho.
"You alright?" hinawakan niya ang mukha ko. Narito na kami ngayon sa lilim ng puno. Yung puno na muntik ko nang mabangga.
"N-Natatakot ako." napaiyak nalang ako bigla at nagsign of the cross ako. "Sorry, Sky"
"Don't cry. Don't worry. I won't let you get harmed." pinunasan niya ang mga luha ko.
"P-Pero muntik na kaya tayong mabangga. Hindi ka ba natakot?"
"No. As long as I'm with you. Kung nabangga man tayo kanina, edi parang Romeo and Juliet tayo." pagbibiro pa niya. Pero napagaan niya ang takot sa dibdib ko.
"Ayoko na. Hindi nalang ako mag-aaral mag-drive. Sa susunod nalang." sabi ko.
"You sure?"
"Oo." tumango ako sa kanya.
Katahimikan...
"So... what are we gonna do now?" nakasmirk nanaman siya. Nako! Lagot! Mukhang kabastusan nanaman ang iniisip nito!
"U-Uuwi?" sabi ko nang unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin.
"It is still so early. Shibama is not anymore here with us. And we are here, alone, in a dark place surrounded by trees where in nobody can see us." husky ang boses niya nang binulong niya ito sa tenga ko.
"Anong g-gusto mong m-mangyari?" tanong ko kahit mukhang alam ko na ang pinapahiwatig niya.
"You know what I want, Ynna."
"A-Ano?"
"All of you. Now. In my car."
Pagkasabing pagkasabi nun ni Sky ay awtomatiko kong naitaas ang aking mga kamay at ginawa muli itong hugis krus. Mukhang nangyari na rin ito noon. Sa kotse din niya. Hanggang kailan ko ba matatakasan itong mga ginagawa sa akin ni Sky? Sinadya ba niya ito? Hindi eh, ako yung nagsabi na ayoko nang magdrive eh. Eh kung magdrive nalang kaya ulit ako? Kaso, ayaw ko namang mamatay agad. Mas gusto ko pa rin mamatay nalang sa sarap kasama si Sky. Waaaa! Ano ba itong naiiisip ko! Nagiging bastos na din ang utak ko dahil kay Shibama at Sky! Erase!
Nanghina ang kalamnan ko nang ipinatong ni Sky ang kanyang kamay sa balikat ko. Hinimas himas niya ang balikat ko hanggang sa hindi ko na namalayang hinahawi na pala niya pababa ang strap ng dress ko, kasama ng strap ng bra ko. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko na magawa. Parang nababaliw na ang utak ko dahil may parte sa aking gusto siyang patigilin, pero may parte din sa akin na gustong ipagpatuloy lang niya ang ginagawa niya.
Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko kung saan tinanggal na niya ang mga strap ko. Hinalikan niya iyon hanggang sa umakyat ang halik niyang papunta sa leeg ko. Sobrang sarap ng naging mga paghalik niya sa leeg ko. Iginilid ko pa ang ulo ko para mas lalo niyang mahalikan ang leeg ko. Ayoko siyang tumigil. Gusto kong magpatuloy lang siya sa ginagawa niya sa akin. Umakyat pa lalo ang halik niya hanggang naroon na siya banda sa may tenga ko nang may binulong siya.
"I have a surprise for you tomorrow. See you at 7:00 PM sharp. Look your best. I love you."
At pinaandar na niya ang kotse pabalik sa condo namin. Naexcite naman ako sa surprise niya. Ano naman kaya yun?
Pero nakakainis. Bakit siya tumigil sa paghalik? Grr! Kabitin, uy!
***
Pag-uwi sa bahay ay naghanap agad ako ng damit na pwede kong maisuot bukas sa date namin ni Sky. Dapat maganda talaga ako kasi 'Look you best' daw eh. Ayoko rin namang madissapoint sa akin si Sky. Syempre kahit papaano ay dapat gandang ganda din siya sa akin tulad ng gwapong gwapo ako sa kanya. Dapat patas kami. Kasi kapag hindi ako nagpaganda, baka magmukha lang akong katulong niya kesa sa girlfriend niya. Mahirap na.
Pero tulad ng inaasahan ko, wala talaga akong taste sa mga damit damit. Sirang sira ang fashion ko. Ang papangit ng mga pinili ko. Parang magiging mukhang walking trashcan ang itsura ko nito bukas kung ito ang susuotin ko. Si Shibama nalang nga ulit ang papipiliin ko. Siya naman ang magaling sa damit damit na yan eh. Bakit ko ba kasi pinipilit na ako ang pipili? Hay, Ynna, nababaliw ka na nga talaga.
Lumabas nalang ako ng kwarto para makapagdinner na at doon nadatnan ko si Caloy at si Shibama na nasa mesa. Nag-uusap.
"Ynna." panimula ni Caloy nang umupo na ako sa hapag kaninan kasama nilang dalawa. Tahimik lang si Shibama sa gilid. Mukhang tumigil na rin siya kakatext.
Tinignan ko lang si Caloy. Hindi ko alam pero parang bigla akong naubusan ng sasabihin sa kanya. Kailangan kong mag-sorry. Kailangan naming magkaayos. Pero hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Naguiguilty ako sa mga nabitawan kong salita sa kanya. Pero, namimiss ko na ang aking best friend. Namimiss ko na si Caloy. Hindi ko mapigilan ang panggigilid nanaman ng mga luha ko. Nakakainis at napakaiyakin ko talaga.
"Sorry, Ynna." sabi ni Caloy at biglang niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik. Alam kong alam niya na hindi ko na kailangang sumagot upang sabihin lahat ng mga nararamdaman ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Caloy bilang best friend ko. At ngayon lang kami nag-away sa buong buhay namin. Hindi pwedeng maging magkagalit kami ng matagal. Hindi ko kakayanin. Simula bata palang ako hanggang ngayon ay si Caloy ang laging takbuhan ko kapag inaaway ako. Kaya hinding hindi ko talaga kayang tagalan na magkaaway kami.
"Okay! Tama na ang dramaness ninyo! Let's eat dinner! Malamig na ang food!" pagsingit ni Shibama sa moment naming magbest-friend. Kahit kailan talaga, panggulo siya. Pero oo nga naman, baka lumamig na kasi ang pagkain. Hindi dapat pinaghihintay ang grasya.
Naging tahimik ang aming hapunan. Syempre kahit bati na kami ni Caloy ay medyo awkward pa din. May mga iba kasi kaming hindi pa napag-uusapan. Marami pa kaming kailangang ilinaw sa isa't-isa.
"So what happened to your driving lessons?" tanong ni Shibama sa akin habang nagmumuya ng hotdog.
"Nagdriving lessons ka?" si Caloy.
"Uhm. Hindi ako natuto. Mahirap pala. Hindi ko nalang itinuloy." sagot ko kay Shibama. "Oo. Si Sky, tinuruan ako kanina." sagot ko naman kay Caloy.
Natawa si Shibama pero umiling si Caloy. Ramdam kong kahit bati na kami ni Caloy ay hindi pa rin siya boto kay Sky para sa akin. Oo nga naman, si Shibama lang naman talaga ang kakampi ko sa laban kong ito eh. Kahit kasi saang anggulo mo tignan, mali pa rin na pumasok ako sa relasyon kasama si Sky. Pero ito ang daang pinili ko. At paninindigan ko na ang desisyon kong ito dahil nagmamahal ako.
"Bukas nga pala Shibs, may surpresa daw sa akin si Sky. Tulungan mo naman akong maghanap ng damit na maganda." nakangiti kong sinabi kay Shibama.
"Sureness!" nagflying kiss siya sa akin. "Basta, ikaw, Ynna dear!"
"Hindi mo alam kung ano yung surpresa?" kunot noong tanong sa akin ni Caloy.
"Hindi pa."
"Baka masama ang surpresang sinasabi niya sa iyo. Mas mabuti pang huwag ka nalang pumunta." seryoso niyang sinabi.
"Caloy..."
"Binigay mo na ba ang pagkababae mo sa kanya?"
"H-Hindi!"
"Baka iyon ang supresa niya sayo bukas? Ibibigay na niya sayo ang lahat lahat. Huwag ka masyadong magtiwala, Ynna. Hindi mo alam yang relasyong pinasok mo."
"Caloy! Awat na! Kala ko ba bati na tayo?! Nirerespeto ako ni Sky! Sana naman intindihin mo iyon!" tinaasan ko siya ng boses. "At hindi ako ganung klaseng babae! Nirerespeto ko din ang sarili ko! Best friend mo ako 'di ba? Kilala mo ako! Kilala mo dapat ako!"
"Oo nga Caloy! Don't accuse Ynna! She's a good girl!" dagdag pa ni Shibama. Hay nako. Hindi naman siya nakakatulong.
"Pero Ynna, huwag ka nang tumuloy. May nararamdaman akong may masamang mangyayari." seryosong nakikiusap ang mga mata ni Caloy sa akin.
"Tumuloy ka, Ynna! Bibihisan kita! Mamake-upan kita! Papagandahin kita!" singit nanaman ni Shibama.
"Huwag na!"
"Tumuloy ka!"
"Huwag na!"
"Tumuloy ka!"
"Huwag na!"
"Tumuloy ka na, girl!!!!"
"Tutuloy ako, Caloy. Sinabihan ko si Sky na tutuloy ako." seryoso kong sinabi kay Caloy. Umiling man siya ay wala na siyang magagawa. Tutuloy talaga ako. At naeexcite pa rin ako sa kung ano ang surpresa ni Sky sa akin. Tapos.
"Sige, bahala ka, Ynna. Basta sinabihan na kita. Kung ano man ang kahinatnan ang surpresang iyan, lagi mong tandaan na binalaan na kita." sabi ni Caloy bago siyang umalis sa hapag-kainan at dumiretso na sa kwarto niya.
Tinignan ko lang si Shibama at pinaikot-ikot niya lang ang kanyang hintuturo sa bandang tenga niya. Pinapahiwatig niya na parang nababaliw na daw si Caloy.
Pero yung totoo? Bati na ba kami? or nag-away kami ulit?
***
Kinabukasan ay inayusan agad ako ni Shibama. Pinasuot niya ako ng floral sweet dress at wedge. Ang ganda ko. Mukha akong mabait na tao. Haha! Ang galing talaga ni Shibama. Sigurado akong balang araw ay sisikat din siya sa fashion world. Pinasuotan din niya ako ng makapal na headband na gawa sa tela at may ribbon na maganda. Kinulot din niya ang ilalim ng buhok ko. Para na akong artista. Hehe.
Saktong paglabas ni Caloy sa kwarto niya ang pagdating ni Sky sa condo namin para sunduin ako. Nagkatinginan silang dalawa ng masama hanggang sa unti unti na silang lumalapit sa isa't-isa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nag-yakapan nalang kami ni Shibama. Parang manunuod kaming dalawa ng isang gang fight. Parang maglalaban ang Black Government at Dark Monarch sa itsura nilang dalawa.
"Ingatan mo si Ynna. Kapag may nangyaring masama sa kanya. Lintik lang ang walang ganti." pagbabanta ni Caloy kay Sky.
"I don't need your words, best friend." pang-aasar sa kanya ni Sky.
"Hindi pa tayo tapos, Anderson." sabi ni Caloy bago niya nilagpasan si Sky at umalis ng condo. Oh? Saan naman kaya pupunta yun? Nag-walk out din? Eh kakauwi lang kaya niya?
Nagulat at natawa nalang kaming dalawa ni Shibama nang biglang bumalik si Caloy sa condo at dumiretso sa kwarto niya. Hahaha! Mukhang maling pinto ang napag-walk-out-an niya. Epic fail. Ang kulit kulit talaga ng best friend ko. Tinignan ko si Sky at medyo natatawa din siya nang hatakin niya ang kamay ko at dinala na ako papunta sa kotse niya. Syempre, this time, kaming dalawa lang ulit. Iwan ang bakla. Okay lang din naman daw kay Shibama na maiwan siya, marami naman daw siyang katext na jowa niya.
***
Halos humagulgol ako sa tuwa nang nagpark kami sa labas ng Araneta Coliseum at binigay sa akin ni Sky ang ticket ng 'Para Thrilla In Manila: Paramore Live in Manila!'. VIP pa ang ticket. Sobrang saya ko dahil matagal ko nang gustong gustong mapanuod ang Paramore sa stage ng live! At sinong mag-aakala na ito pala ang surprise sa akin ni Sky! Sobrang bait niya! Waaaa! Kaya mahal na mahal ko siya eh!
Bago pa man kami nakapasok sa Big Dome ay hinalikan ko si Sky sa labi bilang pasasalamat. Nagulat din ako sa ginawa ko. Nasa pampublikong lugar nga pala kami. Pero sa ngayon, puro tuwa lang ang nararamdaman ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.
"Thank you, Sky! Pinasaya mo ako. Sobra." sabi ko nang kumalas ako sa kanya.
"My pleasure." hinawakan niya ang buhok ko at medyo ginulo gulo.
"Dati punasok ka sa horror booth dahil winish ko yun sa simbahan. Ngayon papanuorin mo ako ng paramore dahil winish ko rin iyon sa simbahan. Yung totoo, Sky, ikaw ba si Lord?" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Tss. Ynna. Don't be corny. Let's just go inside."
Tumango ako at pumasok nalang kami sa loob at umupo sa lugar na pinakamalapit sa stage! Wee! Ayan na! Makakanuod na ako ng Paramore! Makikita ko na si Hayley Williams! At may meet and greet pa ako mamaya sa kanya! Yey! Sobrang saya ko talaga ngayon!
Nang nahanap na namin ni Sky ang pwesto namin ay medyo napawi ang mga ngiti ko. Bakit? Dahil naroon din pala, at sa tabi pa namin, sila Dave at Farrah. Manunuod din sila. Hinigpitan ni Sky ang hawak niya sa kamay ko at bumulong ng "It's alright. Just don't mind them.". Tumango ako at ngumiti. Basta sinabi ni Sky, okay na ako.
"Babe Dave, nakakainis. Akala ko ba VIP 'to? Bakit may basura sa tabi natin?" pagpaparinig ni Farrah habang nakatingin sa akin.
"Oo nga, ang laking basura." sabi ni Dave habang nakatingin naman kay Sky.
Patuloy pa silang nagparinig ng kung ano ano sa amin ni Sky pero ni isang imik ay wala kaming ginawa. Hindi nalang namin sila pinatulan. Medyo mahaba din naman ang pasensya ko eh. Huwag lang sila sumagad at baka sugurin ko na sila. Pasalamat sila at good mood ako ngayon dahil mapapanuod ko na ang Paramore sa wakas.
♪ Well, you treat me just like another strangerIt's nice to meet you, sirI guess I'll go, I best be on my way out ♫
Nang natapos ang concert ng Paramore sa kantang 'Ignorance' ay umalis na kami agad ni Sky sa upuan at pumila na kami agad sa meet and greet. Sa kasamaang palad ay naroon din at meron ding meet and greet sila Dave at Farrah. Nakakainis at bakit ba kasi nila kami sinusundan pati doon. Mag stalker ba sila? Mga walang magawa sa buhay?
Kahit nang nakapagpirma na ako ng autograph kay Hayley at sa iba pang members ng Paramore ay patuloy pa rin sila Dave at Farrah sa pagpaparinig sa aming dalawa ni Sky. Naiinis na talaga ako. Sinira nila ang pinaka maganda sanang araw ng buhay ko. Kung masama ang buhay nila, bakit pa nila kailangan akong damayin? Kami ni Sky? Ganyan na ba talaga sila ka desperado?
"Ano bang problema niyo ha?!" hindi na ako nakapagpigil pa. Humigpit lang ulit ang hawak ni Sky sa akin.
"Who's talking? I can't hear anybody." sabi ni Farrah.
"At paano niyo ba nakuha ang number ko? Paano mo ako nabibigyan ng hate texts?!" tanong ko ulit sa kanya. Wala akong pakialam kay Dave.
"We got it from a very close friend of yours. Our classmate." sagot ni Dave.
"What?" / "Ano?" sabay naming tanong ni Sky.
"Someone is a traitor. And that someone is on our side. So be careful." sabi ni Farrah bago sila umalis ni Dave ng may mga malademonyong ngiti sa kanilang mga labi.
Pero bago pa man sila makalayo ay lumingon sa akin si Dave at sumigaw ng "Sembreak's over. Classes resume tomorrow. See you, my babe. I'll get you back no matter what."
Oo nga pala. Bukas ay pasukan nanaman. Tapos na pala ang sembreak. Pero hindi pasukan ang bumabalabag sa isip ko. Kung hindi ang traydor na nagbigay ng number ko kila Farrah at Dave. At ang pinaka masakit pa sa lahat, alam kong alam ni Sky na bukod sa kanya, ay apat na tao lang ang may alam ng number ko sa eskwelahan.
Si Karen. Si Debbie. Si Dwight. Si Erick.
Sino sa kanila ang traydor? At bakit niya nagawa sa akin yun?