Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 35 - Chapter 29 - Blackmailed

Chapter 35 - Chapter 29 - Blackmailed

[Resume of Classes]

Ang bilis talaga ng oras. Hindi ko namalayang pasukan nanaman pala agad. Ano ano lang ba ang ginawa ko noong sembreak? 

DAY 1: Alumni party nila Ash at birthday ni Debbie.

DAY 2: Century Park Hotel kasi tumirik "daw" yung kotse ni Sky.

DAY 3: Bahay ni Sky kasi may Milo Marathon. Nameet ko din si Tita Amanda.

DAY 4: Driving lessons kasama si Sky.

DAY 5: Paramore concert na sinira nila Dave at Farrah.

Huh? Di ba isang linggo dapat ang sembreak? Bakit yung amin limang araw lang? Di ba dapat pitong araw? May nakaligtaan ba ako? Hay! Ewan! Ang ulyanin ko na. Pero kung nakalimutan ko man yung ibang ginawa ko noong sembreak, hindi ko naman maialis alis sa isipan ko kung sino talaga ang trumatraydor sa akin. 

Narito ako ngayon sa dressing room at inaayusan na ako ni Shibama para sa simula ng klase ko mamaya. 

"Girl! You looked so tensed! What's up?"

Oo nga pala at hindi pa rin alam ni Shibama na may nagtratraydor sa akin. Kagabi lang kasi nangyari yun. At pag-uwi ko sa bahay, nasa disneyland na si Shibama. 

"Shibs... May ano kasi... may traydor." naging putol-putol ang pagkakasabi ko.

"WHAT?!" napalakas ang sigaw niya. "WHO?!"

"Kahapon sa concert, nandun sila Dave at Farrah. At sinabi nila na may nagtratraydor sa akin. Yung traydor ang nagbigay ng number ko sa kanila para mabigyan nila ako ng hate texts."

"Do you have any idea now who it is?"

"Isa lang kila Dwight, Erick, Karen at Debbie. Pero kahit isa sa kanilang apat ay parang hindi naman yun magagawa sa akin. Bakit naman nila gagawin yun sa akin? Mga kaibigan ko sila."

"I bet it's Debbie!!!!"

"Huh? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Wala lang. Mukha kasi siyang bitch eh. Yung itsura niya yung mukhang laging bumabaliktad. Hehehehe." biro ni Shibama at nag-peace sign pa.

"Ang sama mo, Shibs!" pinalo ko siya ng mahina.

"Joke lang! I bet it's Karen then!"

"At bakit?" taas kilay kong tanong.

"Ang payat payat kasi. Buto't balat. Mas payat pa sayo! Mukhang di pinapakain ng magulang. Nauuhaw nga ako tuwing nakikita ko yung picture niya sa kwarto mo eh. Mukhang kailangan ko ng H2o lagi! Nakakadehydrate!" pagtitili niya.

"Anong connect?"

"Wala lengs! Hehehehe! Okay! Baka si Dwight!"

"Iniisa isa mo lang eh." inirapan ko nalang siya.

"Hindi. Si Dwight talaga! Baka may lihim na inggit yan kay Sky! O kaya naman baka may gusto siya kay Farrah! O kaya sayo! OMG, girl! Ang benta ng market mo ha! Haba ng hair! Nagrejoice ka ba, girl?!"

"At ano naman ang reason mo kay Erick, aber?" inunahan ko na siya. Hindi kasi siya makausap ng matino eh. 

"It's not Erick." simple niyang sagot.

"Huh?"

"Hindi ka tratraydurin ni Erick, Ynna. Trust me." sumeryoso ang kaninang malandi niyang boses.

"Bakit mo sinasabi yan Shibs? Magkakilala ba kayo ni Erick?"

"Just trust me, Ynna. Kung tratraydurin ka ni Erick, matagal na sana niyang ginawa yun. Pero hindi niya ginagawa yun kasi mahal ka niya bilang kaibigan niya."

"Shibs? Nakadrugs ka ba? Nagdradrama mode ka nanaman ba? Huwag mo akong niloloko ah! Kinakabahan ako sayo eh!" hinawakan ko ang mga pisngi niya habang sinasabi ito. Inaalog alog ko pa ang ulo niya. Sa totoo lang, kinakabahan kasi talaga ako sa timbre ng boses niya. Sobrang seryoso. Sobrang hindi Shibama.

"Ah basta, girl!" inalis niya ang mga kamay ko sa mukha niya. "It's either Debbie, Karen or Dwight! Okay! We're done for this session. Naghihintay na si papa Sky sa labas. Enjoy school! I love you!" bineso beso niya ako ng mabilis at tinulak na ako sa labas ng dressing room kung saan makikitang nakaupo na sa sofa si Sky at hinihintay ako. 

"Look at you." panimula ni Sky.

"LUKATMI?"

"You're so pretty." ngumiti siya.

"Sky naman eh. Parang ngayon mo lang akong nakitang nag-ayos ah." nag-iwas ako ng tingin. Medyo nakakahiya pa rin kasi.

"Tss." lumapit siya para halikan ako sa noo. "You're too pretty to be problematic on who your traitor is. Just stay calm. Everything's going to be alright. We'll find it out today."

"Aalamin natin? Papaano naman?" tumingala ako para harapin siya.\

"You go talk to the girls while I'll talk to the Vengeance."

"Papaaminin natin sila?"

"Yes."

"Papaano naman?"

"Lie detector test!!!" sigaw ni Shibama galing sa dressing room. Baliw na 'to. Nakikisingit.

"He!!! Hindi ka kinakausap!" sigaw ko pabalik.

"Mahal nga pala yun! Magic 8 ball nalang!" dagdag ulit ni baklita.

"Bahala ka sa buhay mo!"

"O kaya eenie meenie miney mo nalang! Murang mura! Kering keri!"

"Don't mind him. Let's go." sabi ni Sky at hinawakan na niya ang kamay ko at lumabas na kami ng condo. Naririnig ko pa ang echo ng boses ni Shibama na nagsusuggest pa ng kung ano anong mga walang kwentang paraan para malaman kung sino ang traydor.

"Magpitas ka ng petals ng bulaklak. Imbis na 'He loves me, he loves me not.', who's the traitor and who's not nalang!"

"Pen pen de sarapen, kutsilyo de almusen..."

"Si. No. Ang. Ka. Ka. In. Ng. Last. Fi. Ta. Na. I. To. Ikaw. Ba. O. Ako. Ikaw. Ang. Tray. Dor. He. He. He."

Baliw talaga si Shibama. Pero kahit papaano. Nakakagaan din ng loob.

***

Habang naglalakad kami papuntang school ay halo halong mga emoyson ang dumadaloy sa sistema ko. Ang planong gustong gawin ni Sky ay magtanong daw kami ng magtanong hanggang sa sila na mismo ang umamin na sila ang nagbigay ng number ko. Kailangan daw naming mapaamin sila ng paisimple lang. Hindi naman ako detective pero susubukan ko pa rin. Pero kahit sino man sa kanilang apat ay tiyak na masasaktan ako kapag nalaman ko na ang katotohanan. 

Bukod pa doon ay may isa pang bumabalabag sa akin. Si Shibama. Oo. Pinipilit kong isipin na isa lang sa mga jokes niya at drama niya na huwag isali si Erick sa mga maaaring magtraydor sa akin. Pero bakit ganun? Iba ang pakiramdam ko noong pilit niyang inililinis ang imahe ni Erick sa akin. Pagkatiwalaan ko daw siya na hindi magagawa sa akin ni Erick yun dahil kung magtratraydor daw sa akin si Erick ay matagal na daw sana niyang ginawa. Anong ibig sabihin nun? Posible kayang alam ni Erick ang tunay kong pagkatao at hindi niya sinasabi kay Sky?

Pero bakit hindi niya sinabi? At bakit alam ni Shibama na alam ni Erick? At bakit hinahayaan lang niya ito? Ang gulo. Pero kinakabahan tuloy ko. 

Bakit parang ang dami daming sikretong nakapalibot sa aming lahat?

***

[Eastville College of Business]

Pagdating sa school ay pinagtitinginan kami ni Sky. Syempre sikat nga kami dito. At kapag sikat ka, marami kang tagahanga. At marami ka ring haters...

"Omg! Sila pa rin! Paano siya nasikmura ni Sky?"

"God! She's so swerte! Maybe she's so good in bed?"

"Yeah! Maybe she learned a lot from Dave back then!"

"We should make paturo to her sometime!"

"Yeah! Ynna is really my idol!!!"

Kadiri naman. Idol na sana ako eh. Pero bakit 'doon' nila ako idol? Mga mahaharot na babaeng 'to. Paguntog-untugin ko sila eh! Ni hindi ko pa nga naeexperience yung sinasabi nila eh. Muntik lang. Hehe. Pero at least, hindi natuloy! At hindi iyon matutuloy hangga't hindi pa kami kasal ni Sky! Hmp!

"Ynna dear!!!!" narinig ko ang tili ni Debbie at Karen habang papalapit na ako sa pink room kung saan naroroon ang tambayan naming The Royals.

"Uy." ngumiti ako ng hilaw sa kanila habang binebeso beso nila ako. 

"How's sembreak?" si Debbie.

"Um. Ayos lang."

"Umiscore na ba si Sky?!" si Karen.

"Hindi ah." ngumiti ako ulit.

"Slow!!!" sabay nilang sinabi sa akin. 

"May tamang panahon naman doon. Ano ba kayo." sabi ko.

"Yeah. Yeah! Let's go." sabi nilang pareho sabay flip ng hair sa likod tulad ng dating tinuro sa akin ni Shibama. Sabay ulit sila sa pagkakasabi at pagkakagalaw. Yung totoo. Pati yung 'Yeah yeah' kailangan sabay?

Nagsimula na ang aming mga klase at patuloy ko pa ring inoobserbahan ang mga kilos ni Debbie at Karen. Gusto ko mang hulihin sila pero wala talagang bakas na gagawin nila sa akin yun lalo na sa mga kinikilos nila ngayon. Masyado nila akong nirerespeto at lahat ng kaaway ko ay kinakaaway na rin nila. Walang ni isang bahid ng guilt sa mga mata nilang dalawa. Parang ikinikilos lang nila ang mga ikinikilos nila noon pa. Walang sobra, walang kulang. Debbie na Debbie. Karen na Karen.

Imbis na magtanong ako ng mga pasimpleng tanong para malaman ko kung isa nga ba sa kanila ay traydor ay mas nangibabaw pa rin ang pagkakamiss ko sa kanila. Kahit na hindi ko sila kaibigan talaga ay napamahal na sila sa akin. Kahit na hindi pa rin nila alam hanggang ngayon kung sino talaga ako ay masaya pa rin ako na naging kaibigan ko rin sila kahit na gamit ko pa ang ibang pagkatao.

***

Dumating ang lunch at nagpasya kami ni Sky na hindi nalang kami magsasabay na kumain. Tinext niya ako na dapat daw naming gamitin ang oras na ito para lalo naming makilatis ang mga kinakausap namin. Baka malaman na daw namin ngayon kung sino talaga ang traydor.

Nahiya tuloy ako bigla kay Sky kasi mukhang talagang inaalam niya kung sino ang traydor samantalang ako, nakipag chika chika lang ako kina Debbie at Karen. Kaya ngayong lunch, kailangan ko na talagang magtanong tanong kila Debbie at Karen. Kailangan ko nang kumilos.

Bumili ako ng pagkain sa cafeteria at umupo na sa pink table sa gitna para kumain kasama nila Debbie at Karen.

"Let's eat!!!" sabay ulit sila sa pagsabi habang sabay nilang itinaas ang kubyertos nila. Kailan ba ako masasanay na talagang sabay sila lagi?

"Oo nga! Let's eat!" tinaas ko din ang kutsara at tinidor ko nang sinabi ko yun. Para kunwari fit in ako.

Sa gitna ng kainan namin ay nag-ipon na ako ng lakas ng loob upang magtanong-tanong sa kanila. Puro mga latest movies nanaman kasi ang topic nila. Hindi nanaman ako nakakarelate. Naisip ko rin na baka ito na ang tamang pagkakataon na magtanong ako.

"Umm. Debbie, Karen, may tanong ako."

"What?" mabilis ang pagkakatanong ni Karen. Nakangiti siya. Ang inosente ng mukha niya. Parang ang sama ko kung didiretsuhin ko sila kaya medyo pinaligoy ligoy ko muna.

"Ano.. Kasi.. May number pa rin ba kayo ni Farrah?"

"Of course not!" sagot ni Debbie.

"Kaaway natin si Farrah, right? Why would we have her number? That's yucks!" sabi naman ni Karen.

"Oo nga naman. Natanong ko lang."

"Why did you ask? Do you still have her number?" tanong pabalik sa akin ni Debbie.

"Wala noh." pagdedeny ko.

"Good." sabay sila.

"Magkakaibigan tayo 'di ba? Dapat wala tayong sikreto sa isa't isa." pagsisimula ko ulit.

"Uh-huh." sabay ulit.

"Wala ba talaga tayong sikreto sa isa't-isa?" tanong ko.

"Huh? Wala akong secrets to you noh! I'm a loyal royal! Pinky promise!" si Karen. Tinaas pa niya ang hinliliit niya.

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Debbie.

"No, Ynna. I won't hide anything from you." nagsmile siya.

"Mabuti naman." sabi ko. Mukhang nakahinga na ako. Mukhang hindi naman ako tratraydurin nilang dalawa. Sigurado na akong isa lang sa mga lalaki ang traydor. Nahuli na kaya siya si Sky?

Kung ang akala ko kanina ay nakahinga na ako. Nagulat nalang ako bigla sa susunod na itinanong ni Debbie.

"How about you, Ynna?"

"A-Ako?"

"Yes. May tinatago ka bang sikreto sa amin?" dagdag pa niya.

"Oo nga! Medyo parang nagbago ka kasi this school year eh." sabi naman ni Karen.

"A-Ako? Nagbago? Hindi ah." nag-iwas ako ng tingin.

"No. You did. Yung kilos mo. The way you talk. Everything has changed." sumeryoso ang mukha ni Debbie. At ganun din si Karen.

Sasagot na sana ako nang biglang...

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIING!*

Nagbell na hudyat na tapos na ang lunch time.

Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa susunod kong klase. Sinundan lang nila ako tulad ng dati nilang ginagawa. Pero ramdam ko mula sa likuran ko na seryoso at nag-iisip pa rin sila dahil hindi ko sinagot ang tanong nila kanina. 

Naging napakahonest nila sa akin at hindi nila deserve na hindi ko sagutin ang tanong nila. Kaya naman bago pa man kami makapasok sa susunod naming klase ay tumalikod muna ako para harapin silang dalawa.

"Oo. May sikreto ako sa inyo. Pero okay lang bang next school year ko nang sabihin sa inyo?" ngumiti ako ng mapait.

"Promise?" sabay nilang sinabi.

"Promise. At kagi niyong tatandaan, kung ano man ang malaman niyo tungkol sa akin, lagi niyong isipin na mahal ko kayong dalawa, ha?" tinaas ko ang pinky finger ko at ipinagdikit dikit namin ang aming mga pinky finger.

"Of course! We love you too!" sagot nila bago kami pumasok na sa klase.

Narealize kong mahal na mahal ko ang mga kaibigan kong ito. Hindi ko kayang magalit sila sa akin o kahit na magtampo man lang. Nakakatawa na ako dapat ang magtatanong at manghuhuli sa kanilang dalawa pero sa huli, mukhang ako pa yung nahuli.

Sa totoo, sawang sawa na rin kasi akong magpanggap. Kahit sa mismong lalaking mahal ko ay hindi man lang kilala ang tunay na ako. Minamahal ko siya bilang Sky Anderson pero minamahal niya ako bilang Janina Fortaleza. Ang sakit nun para sa akin. Pero kailangan eh. Wala akong magagawa. Wala akong magagawa kundi hintayin nalang ang magiging hatol sa akin.

***

[Dismissal Time]

"Classes are now over. But you are not going home yet. We have a special announcement at the school grounds. So everybody, please go down. Now." sabi ni Ms. Chavez, Math professor namin.

May bagong rules daw na i-implement ang school kaya kailangan namin munang magtipon tipon upang makinig sa announcement ng Dean. Mabilis naman akong nakatanggap ng text sa boyfriend ko na magkita daw kami sa labas ng Royals room. Doon daw niya ako susunduin para magkatabi kami ng upuan sa school grounds para sa announcement mamaya.

Pagkadating ko naman sa tapat ng Royals room ay naroon na nga siya, nakatayo at ang gwapo gwapo. May ilang babae pang pasimpleng pinipicturan siya. Grabe. Siya na talaga ang habulin ng chics. Nang nakita na niya ako ay hinawakan niya agad ang kamay ko at hinalikan ako sa cheeks. Ngumiti lang ako sa kanya pero napawi din ang ngiti kong iyon nang narealize ko na walang magandang balita akong maidudulot sa kanya ukol sa panghuhuli ko sa kung sino man ang traydor. 

"Sky, hindi sila Debbie at Karen ang traydor." panimula ko.

"Really?"

"Oo. Ikaw ba?"

"It's not Dwight & Erick, too."

"Walang traydor?" kunot-noo kong tanong.

"Dwight said that Farrah and Dave just got your number at the school records. It turns out that Farrah is friends with the student council president."

"Ah. Ganun pala." mabuti naman at wala palang nagtratraydor sa akin. Mababait pa rin pala talaga ang mga kaibigan ko. 

"I told you that there's nothing to worry about. Just chill." ngumiti si Sky sa akin.

"Okay, boss. Chill." ngumiti din ako sa kanya.

Inilapit ni Sky ang mukha niya sa akin na para bang hahalikan niya ako sa lips kaya naman ipinikit ko na ang mga mata ko pero mga limang segundo na ang nakakalipas at parang wala pa ring dumidikit sa labi ko. Binuksan ko ang mata ko at nakitang tumatawa ng walang boses si Sky. Bwisit na 'to! Pinagloloko ba ako nito?!

"Kainis!" sigaw ko.

"You like me that much, huh?"

"I hate you!"

"I love you, Ynna. But I can't kiss you right now."

"Bakit?" nagpout ako. Landi. Hehe.

"Later, after my surprise." sabi niya at hinila na niya ako sa school grounds at umupo na sa isa mga mga upuan doon. Surprise nanaman?

Naging boring ang pag-aanounce ng Dean ng mga new rules. Walang kwenta. Parang rules na rin naman iyon noon eh. Gusto lang talaga silang sayangin ang mga oras namin. Wala naman akong paki kung nagbago na ang Mission at Vision ng school eh. Ang importante lang ay makapag-aral ako at matuto at makapagtapos para naman magkapagtrabaho. Ang dami pa kasi inarte. Hay nako!

Nang inikot ko ang paningin ko sa paligid ay tawang tawa ako dahil halos gumagewang gewang na lahat ng mga ulo ng mga estudyante sa sobrang antok dahil sobrang boring nga naman kasi ng pinagsasabi Dean sa stage.

Tinignan ko si Sky para makita kung gumegewang gewang na din ang ulo niya pero laking gulat ko na wala na siya sa tabi ko! Nasaan na siya? Bakit niya ako iniwan dito ng mag-isa? Hindi ko pa naman kilala yung mga katabi namin. Hindi ko rin alam kung saang upuan banda sila Debbie at Karen.

Nainis talaga ako sa kanya. Iniisip ko na baka naiihi lang siya kaya bigla siyang nawala pero 'di ba pwede naman siyang magpaalam sa akin kung ganun? Hay nako talaga! Grr!

Sobrang naiinis na ako nang biglang umilaw ang kaninang boring na stage at nakita ko nakatayo doon si Sky na may hawak na gitara. Nagsimula siyang mag-strum at saka kumanta na 'With You' ni Chris Brown habang nakatingin lang siya sa akin ng diretso. Para akong matutunaw sa mga titig niya. Ito ba ang sinasabi niya na surprise niya? Pero hindi naman niya ako kailangan haranahin sa harap ng buong ECB! Nakakahiya tuloy!

♪ You mean to meWhat I mean to you andTogether baby,There is nothing we won't do. ♫

Ang kaninang mga taong sobrang inaantok na ay napalitan ng mga tili ng mga babae para kay Sky. Nagtayuan na ang mga babae at nagtaasan na sila ng mga kamay habang sine-sway. 

♪ 'Cause if I got you,I don't need money,I don't need cars,Girl, you're my all.And... ♫

Kinindatan ako ni Sky kaya mas lalong naging wild ang crowd. Ang mga ngiti niya at nakakatunaw talaga. Kahit pa sabihin kong boyfriend ko na siya ay hindi pa rin ako masasanay sa mga ginagawa niya sa akin. Lagi pa rin akong kinikilig. Parang lahat ay first time pa rin.

♪ Oh!I'm into you,And girl,No one else would do.'Cause with every kiss and every hugYou make me fall in love. ♫

Hindi ko namalayan na lumuluha nanaman pala ako sa sobrang saya at sa sobrang pasasalamat sa itaas sa pagbibigay sa akin ng isang katulad ni Sky sa buhay ko. Maaring hindi man kami magkasundo noon, pero ang importante ay ang ngayon. Dahil ngayon, mahal na mahal namin ang isa't-isa.

♪ And now I know I can't be the only one,I bet there heart's all over the world tonight,With the love of their life who feelsWhat I feel when I'm with you ♫

Nang natapos na ang kanta ay bumaba na si Sky sa stage. Ang buong akala ko ay uupo na siya pabalik sa tabi ko pero hinila lang niya ang kamay ko at hinatak ako paakyat sa stage. Pipiglas sana ako pero ang lakas kasi niya. At anong karapatan kong hindi sumunod sa kanya kung ganito kalaki ang effort na ibinibigay niya para sa akin? Napangiti nalang ako sa isipan ako at sumunod nalang kay Sky papunta sa stage.

"I love you, Ynna." sabi niya sa mic na pumapagitna sa amin.

Alam kong naghihintay siya ng sagot kaya naman sinagot ko nalang din ang gusto niyang marinig. Mahal ko din naman kasi talaga siya eh. 

"I love you too, Sky."

Ngumiti siya at ngumiti nalang din ako. Parang kaming dalawa lang ang tao. Hindi ko man lang namalayan na nasa stage pala kami nang hinalikan niya ako ng mariin sa labi.

"This" hinalikan naman niya sa noo. "Is" sa ilong. "the time" sa taas ng labi ko. "for the kiss." at hinalikan niya akong muli sa buong labi ko.

Nang natapos niya akong halikan ay humarap siya sa mga taong nanunuod sa amin. Kinikilig pa rin silang lahat at sumisigaw sila ng 'Isa pa!'. Pero kinuha ni Sky ang mikropono at nag-announce.

"See that Dave Buenavista and Farrah Alonzo? Back out. She's mine. Only mine." sabi ni Sky bago siya ng smirk at hinila ang kamay ko pababa sa stage pabalik sa kinauupuan namin kanina.

Lumingon ako kung saan naroroon sila Dave at Farrah at nakita ko silang nakabusangot at mukhang pikon na pikon. Hindi ko naiwasang mapangiti sa kanila at magsabi ng "Belat!".

Tinignan ako ni Sky na para bang natatawa siya sa ginawa ko. Nagpout nalang ako.

"That was the best revenge we could give to them." sabi niya sabay pisil sa kamay ko.

"Oo nga. Thank you, Sky."

"Don't thank me. Just love me."

"Okay. I love you, baby." sabi ko nang nakangiti.

Ngumiti rin sa akin si Sky at hahalikan na sana akong muli nang...

"Hephep! Tama na yan! Tapos na ang intermission number ninyo. Balik na ulit sa announcements." sabi ng Dean galing sa stage.

Umayos kami ng upo ni Sky pero ngiting ngiti pa rin ako sa sobrang kilig. Ang sarap namang mainlove.

***

• FARRAH MAE ALONZO •

"Belat!" Ynna shouted at us. Stupid bitch!

I really need to find a way to slap her! I want her away from Sky! I hate her! Lahat nalang kinukuha niya sa akin. She's a stealer! I am together with Dave but all we are talking about is how he'll get Ynna back. Fuck my life! And now, I realized that I am falling in love with Sky, too. I want Sky back. I want Sky mine.

And for that, I'll use him again.

I'll use Dwight.

I quickly called his number to meet us at the Seven Corners restaurant at Crown Plaza Manila Galleria at exactly 7:00 PM. It's the nearest hotel near our house. 

7:00 PM came and yup, he's there, alone, waiting for me and Dave.

"Dwight. Dwight. Dwight. What a lover boy." inasar siya ni Dave.

"Ano nanaman ba ang gusto niyo ha?" he looked serious while asking.

"Why don't you order first?" inalok ko siya. Para maasar.

"Hindi ako kakain. Sabihin niyo nalang kung ano ang gusto niyo."

"We want more information, Dwight." it's Dave.

"Anong information ba ang gusto niyo? Binigay ko na nga yung number ni Ynna sa inyo 'di ba? Hindi pa ba kayo nakukuntento doon? Anong klaseng mga tao ba kayo?" Dwight said. He's really annoyed now.

"Alam kong meron pa." I said.

"Wala na nga!"

"Ano, ikakalat na ba natin yung video ni Debbie?" tanong sa akin ni Dave. I nodded.

"Huwag! Oo na! Sasabihin ko na! Huwag niyo lang sasaktan ni Debbie! Mahal ko yun!" Dwight shouted.

"So.. what's the new information, our traitor?" I smirked.

"Siguraduhin niyo muna sa akin na hindi niyo sasaktan si Debbie."

"We promise." Dave and I said.

Sinabi na ni Dwight ang sikreto. Sikreto na hindi ko inakala. Sikreto na magiging pinakamalaking alas ko balang araw laban kila Sky at Ynna. Pero hindi lang iyon, dahil gagamitin ko pa rin si Dwight sa marami ko pang planong nakahain para kila Sky at Ynna. Hanggang mahal niya si Debbie ay magagamit ko siya. What a weak boy blinded by love.

Who would've thought that blackmailing somebody could be so much fun?

--

A/N

Ngayon lang ako magpapasalamat sa mga readers ko na grabe sumuporta!! Thank you so muuuuch! :*

NicolePaduhilao3 - Tuwang tuwa talaga ako sa comments mo. Ang kukuliiiiit!!! Hihi! I hope na basahin mo pa din until the end. Thank you!!! :***

Michieru006 - Sa totoo lang, dun sa comment mo sa chap 27 kung paano nakuha ni Farrah at Dave yung number ni Ynna, dun ko lang naisipan lagyan ng traitor ang story. So thanks to youuuuu!!! :***

thegirlwithoutaname_ - Ikaw talaga ang una kong best comment ever! I hope you'll be back on MWG! Missed you, girl! :)

And to all the other readers, mapa-silent man o hindi. THANK YOU SO MUCH. Just PM me sa gustong magpadedicate. May ilang free chapters pa yata akong walang dedic. So yeah. Thank you! Love you all! Mwaaaa! :*

- Mhariz :3