A/N
Shout out to Michaela Gynn Estopedo & Twicy Alas. Thanks so much for supporting MWG. Stay in love! <3
WARNING: This chapter is rated SPG. Medyo lang. Please read at your own risk. Sorry, kasama kasi talaga itong scenes na ito. I hope you understand. Ayoko kasing baguhin yung mangyayari. Thanks. x
Also, one chapter to go and Janina's officially back. Who's ready? :O I'm not! Waaa! Jk. OA. HAHA. Kbye. :P
♥ Mhariz
--
• ALYNNA MARIE PAREDES •
First day of classes? Kilig.
Grabe talaga kung makapangsurpresa sa akin si Sky. Hindi ako ready. Pero hindi ko naman dinedeny. Gustong gusto ko yung nangyari. Feel na feel ko nung hinalikan niya ako sa harap ng buong ECB tapos sinabi din niyang mahal na mahal niya ako. Ayiee. Parang ako na ang pinaka-magandang babae sa balat ng lupa nung mga oras na iyon. Anong sinabi ng mga beauty queen sa haba ng hair ko?
Kaya ngayong naglalakad na kaming pauwi ni Sky pauwi sa condo namin ni Shibama, abot tenga pa rin ang ngiti ko. Syempre, ang saya ko kaya. At syempre, magkaholding hands kami. Yiee. Nakakainis lang kasi, bakit ang bilis ng oras kapag kasama ko si Sky? Kanina lang kasi, kakalabas lang namin ng gate ng ECB tapos ngayon, nandito na kami sa tapat ng pinto ng condo at hinahalikan na niya ako sa noo para magpaalam na. Huhu. Ang unfair talaga ng buhay.
Pero syempre, hindi ko yun pinahalata. Kunwari wala lang sa akin na nagpapaalam na siya. Kunwari okay lang. Pero sa loob looban ko, sinisigaw ko na ang 'Hoy! Dito ka lang! I-kiss mo ako sa lips wag sa noo! Ang gwapo mo! Pakurot naman ng abs mo!'. Nakakalungkot lang na hindi ko kaya yun sabihin sa personal. Baka isipin pa niyang manyak ako kung sinabi ko yun. Grr! Kainis! Ang dumi dumi na ng isip ko. Nagmana na talaga yata ako kay Shibama.
Ayun, nagpaalam na nga si Sky at umalis na. Hindi talaga ako kiniss sa lips. Bruho! Kainis. Hayy! Ang adik ko na. Ang adik adik ko na sa kanya. Masama na ito. Baka kung saan na ako humantong kapag ipinagpatuloy ko pa ito. Malala na eh. Lord, ikaw na ang bahala.
Pagpasok ko sa condo ay didiretso na sana ako sa kwarto ko para humiga na sa kama at matulog pero naisipan kong guluhin muna si Shibama sa kwarto niya. Ewan ko ba. Trip ko lang eh.
Ngiting-ngiti kong binuksan ang pinto at nag-pose na parang sexy star. Nakapikit pa ako para feel na feel. Hehe. Ganito kasi talaga kami magbatian ni Shibama. Masasabi kong hinawaan na talaga niya ako ng kabaklaan niya. Ngunit wala akong narinig na inaasahan kong tili galing sa kanya. Walang ni 'Ha' ni 'Ho'. Parang lang akong tangang naka-pose mag-isa. Wala kasing tao sa kwarto ni Shibama. Nasaan na kaya yun? Lagi naman yung nasa kwarto niya dati eh. Bakit ngayon, wala siya?
Gustong gusto ko talaga makita si Shibama. Bakit? Wala lang. Gusto ko lang naman kasi ikwento yung pagkikiss sa akin kanina ni Sky sa school grounds. Hehe. Sobrang kinikilig pa rin kasi ako eh. Kapag hindi ko ito ikinwento ay baka sumabog nalang akong bigla. Lumabas ako at hinanap ko si Shibama sa buong condominium namin.
Pool Area? Wala. Gym Area? Wala. Restaurants? Wala. Parlors? Wala. Stores? Wala.
Halos napuntahan ko na lahat ng facilities dito sa condo. Wala naman si Shibama. Umalis kaya siya? Bakit hindi man lang niya ako tinext or tinawagan na aalis siya? Hay! Ano ba itong iniinarte ko? Feeling ko tuloy girlfriend din ako ni Shibama. Hahaha. Yung playground nalang kung saan ako nagmumuni-muni dati yung hindi ko pa napupuntahan para hanapin si Shibama. Posible kayang nandun siya ngayon? Hmm. Kaso madilim na dun ah. Pero sige. Matignan na nga rin. Sinilip ko ang madilim nang playground muna sa 2nd floor terrace ng condo. At ayun nga, naroon ang hinahanap ko. Naroon si Shibama. At may kausap siyang isang napakapamilyar na pigura.
Lalaki. Maraming muscles. Magandang katawan. Kilala ko ang pigurang iyon. Alam kong nakita ko na siya noon. Alam ko ring nakausap ko na rin siya. Alam kong kilala rin ako ng lalaking iyon. Pero hindi ko siya matandaan ng lubusan. Hindi ko maalala kung saan o kailan ko siya nakita. Ulyanin lang? My amnesia girl ang peg? Pero kasi naman eh, likod lang yung nakikita ko mula dito sa kinatatayuan ko. Ayoko namang bumaba kasi mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila ni Shibama eh. Pero ano kaya yung pinag-uusapan nila? At bakit parang nagtatago pa sila sa dilim? Isa ba itong sikreto? May nililihim nga bang sikreto sa akin si Shibama? Akala ko ba ay ako lang ang may sikreto dito?
Nang pumasok na si Shibama sa condo ay mabilis ko siyang kinwelyuhan at isinandal sa pader at ikinulong ko sa aking mga braso. Yung eksaktong ginawa ni Sky sa akin noon sa party ni Debbie.
"W-What the hell?! Ynna dear! What's wrong! You want me?" kinakabahan niyang sinabi.
"Yes." sabi ko. Nagsmirk ako. Ginagaya ko si Sky.
"Omg! How about papa Sky? When did you become a lesbo?!"
"Matagal na. Matagal na kitang gusto, Shibs." hinaplos ko ang kanyang mga pisngi. Nanginig siya.
"Oh no!!! Stay away! I want boys! BOYS!"
"Tayo nalang kasi. Bibigyan kita ng anak." pananakot ko sa kanya. Nose to nose na kami.
"No! Ynna! Yucks! Yucks! Nakainom ka ba?! Ewww!" patuloy pa rin ang kaba sa boses niya. Nanlalaki na rin ang mata niya.
"HAHAHAHAHA! Joke lang, huy!" tawang tawa kong sabi nang lumayo na ako sa kanya. Ang sarap palang i-good time nitong si Shibama. Benta!
"Oh my God! I thought it's for real! I swear I will run!!!"
"At ikaw pa talaga ang tatakbo? Ang ganda ko kaya!" pagyayabang ko. "Maganda anak natin kung sakali."
"Kadiri! Ewwwww!!!!" tili niya.
"Tss. Sino nga pala yung kausap mo sa playground?"
"Huh?" nagkukunwaring inosente ang boses niya.
"Huwag ka nang magsinungaling. Nakita ko. May kausap ka. Hindi ko nga lang nakita mukha niya. Pero kilala ko yun eh. Sino nga yun?"
"Pfft. He's my secret boyfriend. The real one."
"Pakilala mo naman ako! Saan ko ba yun huling nakita?"
"You haven't seen him yet. You'll meet him soon. But not now."
"Tss! Arte! Eh ano nga yung pinag-uusapan niyo? Bakit ang seryoso?" pagpupumilit ko.
"Wala. None of your business. Sa aming mga bakla na iyon. Keri? Now sleep." sabi niya at biglang nag-walk out at pumunta na sa kwarto niya at nilock pa niya nung sinubukan kong buksan. Problema nun?
Pumunta na rin ako sa kwarto ko pagkatapos nun. Pero hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang ikinilos ni Shibama. Bakit ganun? Bakit hindi siya masyado maharot ngayon? At bakit parang seryoso siya? At bakit naglilihim na siya sa akin ngayon? Ano iyon na kailangan pa niya akong pag-walk-out-an? Sino ang pamilyar na pigurang iyon? At idagdag pa natin ang seryoso din niyang pagliligtas at paglilinis sa pangalan ni Erick noong hinahanap ko ang maaaring traydor. Weird. Nag-isip lang ako ng nag-isip ng mga bagay bagay hanggang sa nakatulog na din ako.
***
Kinabukasan ay mabilis akong inayusan ni Shibama nang hindi man lang ako kinakausap. 5-inch purple wedge. Ripped jeans. Plain white fitting v-neck tee. Big curls. Accesories. Oo na, kahit simple lang yung ginawa niya sa akin ngayon ay ang ganda pa rin ng kinalabasan. Pero nakakailang kasi hindi talaga niya ako kinausap. Nang-tritrip ba siya? O meron talaga siyang pinagdadaanang problema? Nakakaalarma na ah.
Pagsundo sa akin ni Sky sa condo ay sinabi ko agad sa kanya ang mga weird na ikinikilos ni Shibama.
"You're just paranoid."
"Hindi nga! Weird talaga siya." niyugyug ko ang kamay naming magkaholding-hands.
"You're thinking too much."
"Promise! Iba talaga siya."
"You're just watching too many teleseryes."
"Sky naman eh. Totoo nga!"
"You're just a mongoloid."
"Hoy, ang sama mo ah!!!" kinurot ko abs niya. Hehe. Simpleng hawak lang.
"You're just too wacky."
"He!" inalis ko ang pagkakahawak ng kamay namin at nauna nang tumakbo papasok sa school. Ma-try nga rin siyang maiwan kahit ngayon lang. Nakakainis kasi eh. Ayaw man lang makisama. Eh totoo namang weird talaga ni Shibama eh. Bakit ba ayaw niyang maniwala? At sabihan ba naman akong mongoloid? Hayup!
***
Pagdating ko sa loob ng ECB ay sobrang nagkakaguluhan ang mga tao. Lalo na yung mga babae. Hindi na ako magtataka dahil sumalubong agad sa akin ang napakalaking tarpaulin na naglalaman ng 'The Vengeance Batch '13 Grand Fans Day'. Doon ay nakita ko sa stage na nakaupo at nakahelera sila Ash, Chase, King, Clyde, Viel at Austin.
Si Ash ay nakangiti lang sa mga babae habang may kung ano anong pinipirmahan. Kung titignan siya ay ginagawa lang talaga niya ang kanyang dapat gawin. Si Chase naman, as usual, nakangiti pero nagtetext pa rin. Kailan ko kaya makikita ang lalaking ito na walang hawak na cellphone? Si King at si Clyde naman ay naghaharutan habang pumipirma pirma din ng mga t-shirt na patuloy na pinipilahan ng mga babae. Parang wala silang pakialam sa mga babaeng nagkakaguluhan para sa kanila. Masayang masaya sila sa pagkukulitan nila sa isa't-isa. Konti nalang talaga at iisipin ko nang may relasyon sila. Haha. Si Viel naman, ayun, tuwang tuwa. Lahat yata ng magpapapirma sa kanya ay hinahawakan niya sa kung saan saang bahagi ng katawan. Err. Kadiri. Pero itong mahaharot na babae naman, pumapayag din. Grabe, iba na talaga ang kabataan ngayon. Nakakatulala nalang.
Lahat ng The Vengeance ay pareho pa rin ang ikinikilos tulad ng noon except kay Austin. Si Austin na masayahin noon ay seryoso lang ang mukha ngayon. Hindi rin siya pumipirma ng mga t-shirts at ng mga ibang items. Mangiyak-ngiyak ang mata niya habang tinitignan lang ang isang direksyon sa malayo. Sinundan ko ang paningin niya at doon ko nakita na isang tao lang ang tinitignan niya. Isang babae.
Si Nurse Arlene?
Nakatingin din si Nurse Arlene kay Austin pero nang napansin niya na nakita ko ang titigan nila ay bigla nalang itong tumakbo papalayo at bumalik sa clinic. Laking gulat ko nang bumaba din si Austin sa stage at hinabol si Nurse Arlene. Pero masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang may lumipad na isang bola ng basketball at tumama ito ng pagkalakas lakas sa mismong mukha ni Austin. At hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko na si Sky ang nagbato nun. Mula sa malayo ay alam na alam ko kung ano ang suot niya kanina nang sabay kaming pumasok. Bakit niya binato si Austin? At bakit hindi man lang niya ako sinundan? Naroon lang kasi siya kasama sila Dwight at Erick eh.
Maya maya pa ay kitang kita ko ang pagmamadali ng mga ilang guards ng ECB para dalhin ang nawalan ng malay na si Austin sa clinic para mapagamot. Sa clinic. Sa clinic kung saan naroon si Nurse Arlene. Ngayon ko lang nagets. Tinulungan nga kaya ni Sky si Austin para makapag-usap sila ni Nurse Arlene? Kinailangan pa nga ba talagang masaktan muna si Austin sa sobrang lakas ng tama ng bola sa mukha niya para lang makausap si Nurse Arlene? Pero bakit ba nila kailangang makapag-usap? Sino ba sila sa isa't-isa?
Dahil slow ako ay hindi ko agad nagets. Pero pagkatapos ng trenta minuto simula nang dalhin si Austin sa clinic ay napagtanto ko na si Nurse Arlene, ang malanding nurse na kinaiinisan ko dati dahil akala ko ay nilalandi niya si Sky, siya ang babaeng minahal ni Austin.
*Flashback*
"May minahal ka na bang babae? Sino? Mahal mo pa ba siya?" sunod sunod na tanong ni Ash kay Austin noong naglaro kami ng Truth or Dare.
"May minahal na akong babae. Isa lang. Si Nikki Arlene Salviera. Minahal ko siya noon, kinamumuhian ko na siya ngayon." seryoso nitong sagot. Issue.
*End of Flashback*
At kung tama ang obserbasyon ko kanina, alam kong mahal pa rin siya ni Austin. Mahal pa nila ang isa't-isa. Pero may kung anong pumipigil sa kanila upang magsama. Kung ano man iyon, sana ay malagpasan din nila iyon.
Hindi naman ako masyadong chismosa pero hindi ko muna nilapitan si Sky o kaya sila Debbie at Karen. Nandito lang ako sa labas ng clinic sa may bintana at pinapanuod ang pagtitig ni Nurse Arlene sa walang malay na si Austin. Gusto ko silang makitang mag-usap kahit hindi ko sila maririnig. Gusto ko silang makitang mag-ayos. Nagbabakasakali kasi ako na, baka lang, kung magiging maayos sila Austin ar Nurse Arlene, baka maging maganda din ang ending namin ni Sky.
***
• NIKKI ARLENE SALVIERA •
Eto nanaman siya. Ginugulo nanaman niya ang puso ko. Ang buong akala ko ay naka-move on na ako sa kanya. Pero bakit ganun? Tuwing tinitignan niya ako kanina. Natutunaw ako. Naiiyak ako. Gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin siya. Gusto kong ipamuka sa lahat ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya na akin siya. Hindi nga lang talaga pwede. Mahal ko si Aus. Pero malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Iniwan ko siya sa Pilipinas noon sa pangarap kong maging isang nurse. Sabi ni Aus ay hihintayin niya ako. Pero naipit ako sa gusto ng mga magulang ko. Gusto nila akong ipakasal kay Echo. Isang anak ng family friend namin. Malaking tulong daw kapag ikinasal ako kay Echo. Matutulungan daw ako ng pamilya ni Echo na makapagtapos maging nurse.
At eto naman akong si tanga tanga. Pumayag ako. Ang akala ko ay nakalimutan na rin naman ako ni Aus. Pero hindi. Nang bumalik ako sa Pilipinas ay sinalubong niya ako agad sa airport. Pero huli na ang lahat dahil pagbalik ko ay engaged na kami ni Echo. Yun ang huling araw na nakita kong nakangiti si Aus. Pagkatapos nun ay napalitan na ng sobrang pagkakamuhi sa akin. Tuwing magkikita kami ay matatalim na tingin nalang ang natatanggap ko. Umiiyak nalang akong mag-isa sa CR. Galit na galit sa akin ang lalaking mahal na mahal ko. At eto na nga ang napala ko. Nurse na nga ako. Natupad na ang pangarap ko. Pero may isang taong hindi maalis sa puso ko. At galit siya. Sobrang sakit. Sana hindi nalang ako nag-nurse. Sana hindi ko nalang iniwan si Aus. Sana pala ay kami pa rin. Pero lahat ng yun ay mga 'Sana' nalang.
Hinawakan ko ang muka ni Aus kung saan naroroon ang galos mula sa napakalakas na pagtama ng bola sa kanya kanina. Kahit madumi at madungis ang mukha niya ay napakagwapo pa rin niya. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Alam ko kasing pag-gising niya ay hindi ko na ulit makakahawak pa ang mukhang ito. Hinding hindi na kami muli magiging ganito kalapit sa isa't-isa. Alam kong lahat ng mga masasaya naming memorya ay mananatiling mga memorya na lamang. Nakakalungkot na ang saklap saklap ng kinahantungan ng pag-ibig namin ni Aus. Inaasahan ko nalang na sana balang araw, maging magkaibigan pa rin kami. Kahit ganun na lang. Ayoko lang talagang mawala pa siya sa buhay ko.
"Ano ba, nababasa ang mukha ko sa luha mo." nagulat ako nang nagsalita siya. Pinunasan niya ang mukha niyang kanina pa palang basang basa sa mga luha ko.
"Ah. Sorry." sabi ko sabay iwas ng tingin. Kumuha nalang ako ng tissue para punasan yung luha. Kumuha din ako ng bulak at Betadine para gamutin na yung galos. Siguradong masakit pa rin yun ngayon.
Pinunasan ko na rin yung mukha kong basang basa din ng luha nang tumalikod ako sa kanya.
"Why are you crying?" tanong niya.
"Wala." mabilis kong sagot. Hindi pa rin ako makatingin sa mga mata niya.
"Nikki."
"Wala nga. May sipon lang ako." nakatalikod pa din ako sa kanya.
"Nikki."
"Arlene na ang tawag sa akin." sabi ko. Nakatalikod pa din. Kunwari may ginagawa pa akong pagaayos ng mga gamot. Pero sa totoo, kinukurot ko nalang ang aking sarili para hindi ako tuluyang umiyak.
Nanginig ang kalamnan ko nang bigla niya akong niyakap mula sa likuran. Tumayo na pala siya sa kama. Pero injured pa ang mukha niya ah. Bakit siya tumayo? Para lang yakapin ako? Para ano pa? Bakit pa? Hindi na kami pwede. Ikakasal na ako.
"You're still Nikki. My Nikki." bulong niya sa tenga ko.
"Aus... Please..." hindi na ako nakapagpigil. Tuluyan nang umagos ang luha ko.
"I'm still waiting..."
"Aus... Hindi na p-pwede."
Hinarap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko. Pinagdikit niya ang mga noo namin. Umiiyak na din siya. Hinaplos niya gamit ang kanyang hinalalaki ang labi ko.
"I still love you." diretso niyang sinabi sa aking mga mata.
"Aus naman eh." umiling ako.
"I love you, Nikki."
"Austin!" medyo sumigaw na ako. Pero naubos na yata ang boses ko kaya parang naging hindi rin sigaw.
Kahit nanghihina na ako ay pinilit ko pa ding lumayo sa kanya. Buong lakas kong binuhat ang mga nanghihina ko nang mga paa para lumabas na ng clinic. Pero bago pa man ako makalabas ay hinarang na ni Aus ang pinto dahilan para mapatigil ako sa gagawin ko sana. Narinig kong nilock niya ito.
"Aus, please. Let's just move on!" umiiyak kong sinabi sa kanya.
"Move on?" ulit niya sa sinabi ko. Humakbang siyang papalapit sa akin.
"Oo. Move on." pinilit kong idiretso ang tingin sa kanya.
"Bakit? Nakamove-on ka na ba?" tanong niya sa akin. Mas lumapit pa siya. Halos nose to nose na kami.
"Oo." pilit kong tinapangan ang sarili ko sa pagsagot.
"But I don't want to move on." sabi niya at biglang hinalikan ako sa labi. Malalim. Punong puno ng pagmamahal. Yung halik na namiss ko talaga. Yung halik na kahit ilang ulit na gawin sa akin ni Echo ay hindi niya mapantayan. Yung halik ng taong mahal ko.
Nang mga sandaling iyon ay nalimutan ko na enganged nga pala ako. Hindi ko ba alam sa sarili ko pero ginantihan ko nalang ang mga halik niya sa akin. Pinulupot ko ang mga braso ko sa kanya at nasasabunutan ko pa siya sa sobrang pagkasabik ko sa kanya. Diin na diin ang mga labi namin sa isa't-isa. Yung tipong parang wala nang bukas. Yung tipong susulitin na namin ang lahat ngayong araw dahil alam naming bukas ay hindi na ito pwede.
Napahiga na ako sa kamang hinihigaan ni Aus kanina. Pumaibabaw na siya sa akin. Alam ko na ang susunod na mangyayari. Nanghihingi nalang ako kay Lord ng sign na kung hindi talaga pwede ay sana siya nalang ang gumawa ng paraan para hindi ito matuloy. Dahil kung ako lang, wala na. Kuhang kuha na ako ni Aus ngayon. Siya lang naman talaga ang kayang kumuha sa akin ng ganito kadali. Siya lang.
Pero nang buong akala kong sumasang-ayon na ang itaas sa mangyayaring ito ay doon ko nakita ang mga matang gulat na gulat na nakasilip sa amin mula sa labas ng clinic.
Si Ynna.
Mabilis kong tinulak si Aus at inayos ang damit ko. Bumulong nalang ako ng 'Sorry' at tuluyan nang lumabas ng clinic. Hindi ko alam pero bigla ko nalang niyakap si Ynna. Alam kong hindi naman kami ganun ka close. Medyo naiinis pa nga siya sa akin kasi nagseselos kasi yata siya noon nung kinakausap ako ni Sky. Pero wala na akong pakialam. Kailangan ko lang talaga ngayon ng taong mayayakap. At nagkataong siya lang kasi ang una kong kakilalang nakita ko. At kahit papaano ay nagpapasalamat din ako sa kanya. Dahil kung hindi ko siya nakita ay malamang may nagawa na kaming kasalanan ni Aus.
***
• ALYNNA MARIE PAREDES •
Niyakap kong pabalik ni Nurse Arlene. Alam kong nasasaktan siya. Alam kong may mali. Pero hindi ko na itinanong pa iyon sa kanya. Kailangan niya ng malalabasan ng sama ng loob. Kailangan niya ng kaibigan. At willing ako maging kaibigan niya ngayon. Willing akong makinig.
Habang umiiyak at nakayuko sa akin si Nurse Arlene ay nakita kong lumuluha ding lumabas ng clinic si Austin at tumakbo nang palayo. Rinig ko pa ang ibang murang sinabi niya. Hindi ko man alam kung ano ang pumipigil sa kanila pero ipinagdadasal ko na sana maging okay sila. Dahil kinakabahan na din ako. Ayokong maging malungkot ang ending namin. Hangga't kaya ko pang ayusin ay pipilitin kong ayusin na ang mga gusot.
"Ynna." tumingala na sa akin si Nurse Arlene.
"..." tinignan ko lang siya.
"Mahal na mahal ko si Aus pero hindi na kami pwede eh."
"..."
"Kaya ikaw, mahalin mo si Sky bago pa mahuli ang lahat. Huwag kang magkakamali sa mga desisyon mo. Hangga't nariyan pa siya ay lubos lubusin mo na. Gawin mo na ang lahat kasama siya. Patibayin niyo ang pagsasama niyo. Siguraduhin mong walang titibag sa relasyon niyo."
"..." tumango ako.
"Ayoko nang may maging tulad pa namin ni Aus. Sana kami nalang ang mga luhaan dito. Sana kayo ni Sky, maging masaya lagi. Maging maayos lagi. Ipangako mo yan sa akin, Ynna." umiiyak pa rin siya.
"Pangako." sabi ko sabay yakap muli sa kanya.
***
Naging maayos naman ang daloy ng klase namin. Syempre hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung inasta sa akin ni Shibama kanina pati na rin yung mga nakita ko at yung mga sinabi sa akin ni Nurse Arlene. Pero hindi naman pwedeng doon nalang umikot ang buong araw ko. Kailangan ko pa ring mag-aral. Kailangan ko pa ring gawin yung mga requirements.
At speaking of requirements, eto na nga, sobrang dami lang naman. May Christmas project kaming kailangang tapusin ngayong araw dahil bukas na ang pasahan. Buti nalang by partners ito at partner ko si Sky. Kaya kahit papaano ay okay lang. Kasi pwede pa kaming makapag-usap ng mahaba haba. Hehe.
Si Dwight at Farrah ang naatasan maging leaders ng project na ito sa classroom namin. Hindi ko alam pero nung tinanung nung teacher namin kung sino ang gusto maging leader ay bigla nalang nagtaas ng kamay yung dalawa. At take note, sabay pa silang nagtaas ah. Parang nag-usap. Pero imposible namang mag-usap yung dalawang yun. Ni hindi nga namin kinakausap si Farrah eh. Nagkataon lang talaga na trip nilang dalawa maging leader. Baka siguro kasi may plus grades.
Sa Art Studio kami naatasan ni Sky. Kami ang bahala sa mga decorations nung Christmas project. Okay na rin ako kesa naman sa mga essay essay or kaya math math kami maassign. Siguradong dudugo utak ko dun. Baka magkaroon pa ako ng wala sa oras. Wala pa naman akong dalang napkin. Kadiri yun kung sakali. Baka maamoy pa ni Sky. Yuck. Hehe.
Pagpasok namin ni Sky sa art studio ay nangangamoy pintura talaga ito. Parang bodega na rin sa sobrang gulo. Mukhang mahihirapan kami dito dahil masyado ding masakip yung lugar. Mayroon lang isang mesa sa gitna.
Sinimulan na namin gawin yung mga decors. Si Sky ang halos gumagawa ng lahat. Ang galing din niya pati sa art. Nung umulan yata ng talent ay sinalo niya lahat. Salamantalang ako, nung umulan ng talent, mukhang pinagrain-coat yata ako ni papa kaya ayun, wala akong nasalo ni isa. Hayy buhay. Kawawa naman si Sky, hindi ko kasi siya masyado matulungan. Taga-gupit lang ako ng tape.
Nang matatapos na namin--este ni Sky yung decors, sa hindi malamang dahilan, ay bigla nalang nag-brown out. Sinubukan naming umalis pero mukhang may nagkadena na ng pintuan. Anong oras na din kasi pala! Mukhang nilock na! Lagot! Hindi na kami makalabas! Mukhang natrap kami! Hindi naman ako takot sa dilim pero alam kong takot dito si Sky. Niyakap niya akong bigla at naramdaman ko agad ang kaba niya. Niyakap ko siyang pabalik. Sinigurado ko sa kanya na okay lang ang lahat. Hinaplos haplos ko pa ang buhok niya.
"Okay lang yan." panimula ko. Pero sa totoo lang hindi naman talaga okay. Nakulong kaya kami. Wala pang signal. Mukhang uumagahin na kami dito ah. Wag naman sana!
"I'm not."
"Sky, dito lang ako. Di naman kita iiwan eh."
"Thanks. I love you." sabi niya. Natunaw ako doon.
"I-I love you too." sabi ko. Tss. Hindi pa rin ako sanay!
"Why are you stuttering?"
"H-Hindi pa kasi ako sanay. Sa ano. I love you I love you na yan."
"You have to." sabi niya nang bigla niya akong hinalikan.
"Uhh. Sky." gusto ko siyang patigilin. Pero hindi ko masabi.
"Kiss me. Be mine." sabi niya sa labi ko.
Hindi ko man lang namalayan na pumapahiga na pala ako dito sa nag-iisang mesa sa gitna ng art studio. Yung project? Hinawi na yata ni Sky at tuluyan na yatang nahulog sa sahig.
"I want you to be my project tonight." nakasmirk niyang sinabi. Punong puno ng pagnanasa ang mga mata niya. Kitang kita ko iyon kahit na madilim.
Gusto kong pigilan siya. Pero hindi ko kaya. Masyado akong nanghihina sa bawat halik at haplos niya sa akin. Hindi ko namalayan naalis na pala niya ang white t-shirt ko. Nakatopless na din siya kaya naman nahawakan ko ang mga abs niya. Ang init ng katawan niya. Ang init din nung akin. Gustong tumigil ng isip ko pero ayaw ng katawan at ng puso ko. Doon ay bigla ko namang naalala ang mga sinabi ni Nurse Arlene kanina sa akin.
*Flashback*
"Mahal na mahal ko si Aus pero hindi na kami pwede eh."
"..."
"Kaya ikaw, mahalin mo si Sky bago pa mahuli ang lahat. Huwag kang magkakamali sa mga desisyon mo. Hangga't nariyan pa siya ay lubos lubusin mo na. Gawin mo na ang lahat kasama siya. Patibayin niyo ang pagsasama niyo. Siguraduhin mong walang titibag sa relasyon niyo."
"..." tumango ako.
"Ayoko nang may maging tulad pa namin ni Aus. Sana kami nalang ang mga luhaan dito. Sana kayo ni Sky, maging masaya lagi. Maging maayos lagi. Ipangako mo yan sa akin, Ynna."
*End of Flashback*
Ito na nga ba? Gagawin na ba akong project ni Sky? Papayag na ba ako? Iyon na nga ba ang pinapahiwatig kanina ng mga salita sa akin ni Nurse Arlene?
Nawala na ako sa katinuan ko nang biglang hinawakan ni Sky ang dibdib ko. Pinaikot ko na rin ang binti ko sa kanya. Handa na ako sa kahit ano pa ang mangyari...
Nagkakamali ako.
Ang buong akala ko ay handa na ako sa mga mangyayari. Pero hindi ko inasahan ang susunod na naganap. Parang akong binuhusan ng malamig na tubig nang biglang may bumukas ng kaninang nakakadenang pintuan ng art studio.
Doon nagsipasukan si Dwight, si Farrah at Dave, yung iba pa naming mga kaklase, yung teacher namin at yung principal. Huling huli kami ni Sky. Yung posisyon pa namin... tapos wala pa kaming pantaas na saplot pareho...
SHIT!
Planado ba ito?