Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 33 - Chapter 27 - Good or Bad

Chapter 33 - Chapter 27 - Good or Bad

A/N

Guys! 100K reads na tayo. Sobrang naiyak talaga ako sa tuwa. Thank you po!!! Kaya ngayong Pasko, ang blessings ko'y kayo. Thank you thank you ang babait ninyo! Hihi! <3 Lablab!

- Mhariz :3 

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Naging masaya ang aming pagswiswimming ni Sky. Kahit dalawa lang kami na magkakilala ay okay na okay na. Kung tutuusin nga ay ayaw kong may ibang taong nakikigulo sa amin sa pool eh. Ang iingay kasi. Kaso hindi naman pwede kasi hindi naman namin pag-aari iyon ni Sky. 

Pag-ahon namin sa pool ay agad kong tinignan ang cellphone ko para malaman kung anong oras na. Pero imbis na oras ang makita ko, sobrang daming texts at missed calls ang sumalubong sa akin. Oo nga pala! Hindi pa pala ako nakakauwi!

99 Missed Calls from Shibama Castro

27 Missed Calls from Caloy Pamintuan

13 Hate Texts from Farrah Mae Alonzo

28 Beg Texts from Dave Buenavista

Nako. Hindi ko nga pala nasabi kay Shibama na magkasama kami ngayon ni Sky. Panigurado ay nag-aalala na yun sa akin. Si Caloy naman, kailangan ko lang pala na mawala ng isang gabi para mag-alala na siya sa akin at magkausap na kami? Bati na kaya kami pag-uwi ko sa bahay? O baka naman lalo lang siyang magalit sa akin! Hayyyst. Eto namang si Farrah at Dave, ewan ko ba sa kanila. Di nalang nila palaguin ang relasyon nila kesa guluhin ang buhay ko. Wala namang mangyayari kung patuloy na magagalit sa akin si Farrah at patuloy na makiusap sa akin si Dave. Si Sky kasi ang mahal ko. Yun na yun. No erase. 

Naramdaman ko galing sa likuran ko na hahalikan sana ako ni Sky sa leeg pero bigla rin akong nakaiwas. Nakakahiya kasi. Medyo madaming tao sa pool. Tsaka sa leeg? Parang next level na yun ah. Hindi ko pa keri yun!

"Why?" tanong niya nung umiwas ako.

"Sky... maraming tao." pabulong kong sinabi. 

"You shy?" hinawakan niya ang kamay ko.

"Tatawagan ko lang si Shibama. Nag-aalala na yun." sabi ko.

"Yeah. Right." sabi niya nang lumayo siya sa akin.

Dali dali kong dinial ang number ni Shibama na 09179175000. Oo yan ang number niya, sobrang dali. Parang emergency hotline talaga. Kaya hindi ko na kailangan i-save. Nasa utak ko na agad agad. Jollibee ang peg.

*'Cause you're the apple to my pie (pie)You're the straw to my berry (berry)You're the smoke to my high (high)And you're the one I wanna marry (marry)*

[Hello! Oh my God! Ynna! Are you okay?! I have been calling you for like... a thousand years already!!! Where are you?!?!?!]

"Chill. Shibs, okay lang ako." mahinahon kong sagot. 

[Where are you?!]

"Century Park Hotel."

[With SKY?!]

"Oo. Bakit ka ba sumisigaw?"

[You... You... Did it already? With papa Sky?]

"Ha?! Ang alin?" naguguluhan kong tanong.

[Kumusta naman girl?! Okay ba?! Gifted ba ang gasolina niya? Full tank ba?! Kamusta! Kamusta! Balita naman diyan! Naeexcite ako eh!!!] masayang sambit ni Shibama. Bigla siyang sumaya? Kanina lang ay nag-aalala siya eh. Biglang nag-palit ng mood? 

"Hindi kita maintindihan! Ano ba yang mga sinasabi mo?!" ako naman ngayon ang medyo nag-aalala. Ano ba kasi yun? Gasolina? huh?!

[Boom! Nagpa-ga-so-li-na! Da me mas ga-so-li-na!] pakanta niyang sinabi. Pinaulit ulit pa niya.

"Kapag hindi ka tumigil kakakanta mo diyan bababaan kita ng telepono." pagbabanta ko.

[No need, girl. Tapos na rin naman kayo ni Sky. Susunduin na kita diyan sa Century. Wait for me! Bye!]

*TOOT TOOT TOOT TOOT*

Nang babaan ako ni Shibama ang telepono ay agad na napatingin sa akin si Sky. Hindi siya nagsalita pero alam ko na naghihintay siyang may sabihin ako sa kung ano mang napag-usapan namin ni Shibama.

"Sky, pupunta daw dito si Shibama para sunduin ako. Uuwi na daw ako." sabi ko sa kanya. Wala akong reaksyon.

"Why does he need to be here? I can get you home on my own." kunot noo siya. Iritado.

"Hayaan mo na Sky. Masyado lang kasi siyang nag-alala. Hindi ko kasi siya nasabihan na hindi ako makakauwi. Kaya ayun. Halos abutin ng isang daan ang missed calls niya sa akin."

"Got no choice." bored na sabi niya. 

***

Bumalik na kami sa kwarto namin para magligpit na ng mga gamit at para maghanda na kami sa tinatawag nilang 'Check Out'. Wala naman kaming gamit masyado kaya naman ay naging mabilis lang ang aming pag-aayos sa aming mga sarili. Pumunta na kami sa lobby ng magkaholding hands. Yii. kinikilig pa rin talaga ako. Gusto ko nanaman siyang iromansa. Joke. Kiss lang. Sa cheeks. Wehehe.

Kiniss ko nga talaga siya. Hindi ko alam kung bakit ko yun biglang ginawa. Oo, sa cheeks lang naman. Pero kita ko sa mga mata ni Sky na nagulat siya sa ginawa ko. Ako rin. Gulat talaga. Pero ngumiti rin naman si Sky kaya naman ay napangiti nalang din ako. Ang gwapo gwapo niya!

"Tsk tsk tsk tsk. Hanggang lobby ba naman?!" sigaw ng isang napakapamilyar at napakamaarteng boses. Kanino pa nga ba? Edi sa baklang dalaga!

"He! Tigilan mo nga ako Shibs!" natatawa kong sabi. Si Sky, ayun, pokerface. Ayaw talaga yata niya kay Shibama.

Tumayo sa Shibama at nagsimulang pindut pindutin ang aking mga braso at ang aking hita. Nagulat kaming dalawa ni Sky sa ginawa niya sa akin. Pero hindi pa rin siya tumitigil. Tuloy pa rin siya sa pagpipindot at napakaseryoso pa ng kanyang mukha. Parang may gusto siyang patunayan. Ano bang trip nun?!

"Shibs! Ano ba!" pabulong kong sinabi sa tenga niya. Pinipindot na kasi niya yung sa bandang ano ko. Anytime baka magkablack eye na siya kay Sky. At sa akin.

"I'm just inspecting your body parts. Next in line ka, papa Sky." sabay kindat niya kay Sky.

"She's still a virgin. Now, let's eat." pagputol ni Sky sa usapan. Bakit naging tungkol bigla sa pagiging virgin ko? Waaa? Ano ba talagang meron?!

"No! No! No! We can't eat anymore. Naghahanda na sa labas yung Milo Marathon. Mamaya ang masasara na yung ibang kalsada. Baka hindi nanaman makauwi itong si Ynna. Kailangan ko pa ahitan ang kilay niyang lumalago nanaman." mataray niyang sinabi kay Sky.

"We'll eat. If you want to go, then go." sagot ni Sky. Mukhang nagkakainitan na sila! Hala!

"Hephep!" pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Shibs, gutom na ako. Sumama ka nalang kasi sa amin. Please?" pakikiusap ko. Gutom na kasi talaga ako! Lalo na't nagswimming kaya kami. Ang bilis kaya makagutom ng swimming!

"Fine. Pasalamat ka, papa Sky. Gwapo ka." umirap si bakla at sinundan nalang kami papunta sa restaurant. Buffet! Whoo!

***

Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos na din kaming kumain. Buffet kasi kaya tinagalan ko talaga. Nagpapahinga kasi ako para may space ulit yung tiyan ko mamaya maya konti. Sobrang sulit! Sobrang sarap! Gusto ko talagang bumalik dito one day kapag medyo yumaman na ako. Hihi. Tapos magbubuffet ulit ako!

Narito kami ngayon sa biyahe pauwi na sa condo namin. Pagkatapos ng lahat, salamat ay makakauwi na rin ako. Masyado na kasi talagang maraming nangyari. Kailangan ko na talagang magpahinga nalang muna. Kailangan ko na ring makipag-ayos kay Caloy. Miss na miss ko na din kasi talaga ang bestfriend ko. 

"I TOLD YOU GUYS!!!!" sigaw ni Shibama sa likod ng kotse. 

Tinignan ko siya para magtanong at ngumuso lang siya sa dadaanan. Puro green ang nakikita ko. Green na harang. HARANG! Hindi kami makakadaan. Hinarangan na lahat ng kalsada at mayroon nang mga ilang taong nakagreen din at tumatakbo. May mga number sila sa kani-kanilang mga likuran. Nagsimula na ang marathon! Hindi na kami makakadaan! Hindi nanaman ako makakauwi! Saan nanaman ako nito ngayon?! Wala na ring daan pabalik sa Century Park! Isang daan nalang ang natitira at hindi ko alam kung saang lupalop naman papatungo yun!

"I told you. Ang tagal tagal niyo kasi eh. Buffet pa more!" inikutan niya kami ng mga mata.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko kay Sky. Hindi ko nalang pinansin si Shibama sa likod.

"I'll just take you home." matipid na sinabi ni Sky.

"Bahay niyo?"

"Yes."

"Aba! Aba! Hindi pa rin kayo tapos?! Paano naman ako? Ha? Iiwan niyo ako dito?! Hoy papa Sky! Isama mo ako sa bahay mo! Hindi ko kayo guguluhin ni Ynna! Lalandiin ko nalang si Ash! Hihi."

"Sounds good." nagsmirk si Sky. 

"So we have a deal. Sasama na ako! Weeee!" masayang nagwala si Shibama sa likod ng kotse. Baliw talaga. 

***

Pagkatapos ng ilang pasikot sikot na ginawa ni Sky sa daanan ay narating na rin namin ang mansion ng mga Anderson. Ang ganda ganda! Ang laki laki. Mas maganda pa ito sa hotel na pinuntahan namin kanina. Parang prinsesa at prinsipe ang mga naninirahan. Parang palasyo kasi talaga. Ang ganda lang talaga. 

Gusto ko sanang makita anng reaksyon ni Shibama sa bahay nila Sky pero pagtingin ko sa likuran ko ay wala na siya. Aba! Kanina ay katabi ko lang yun ah. Nasaan na ba yun? Tumingin ako sa paligid pero hindi ko pa rin makita kung nasaan na siya. Bruhang yun! Nasaan ba yun nagsususuot?

"Sky, nakita mo ba sii Shibs?"

"Oh. He stayed at our gate." 

Lumabas ako ulit at sinilip ang gate nila Sky at ayun nga. Kitang kita ko si Shibama na nakikipaglandian sa mga guards ng bahay ni Sky. Ang akala ko ba may boyfriend siya? Ang landi landi talaga! Pero infairness kasi, kahit guards lang sila ng bahay ni Sky ay ang gwagwapo pa rin. Pati ba naman guards ngayon kailangan may itsura para mahire? Ang lala na ng mundo! Nasaan ang hustisya?!

Pumasok na ako ulit sa bahay ni Sky at hinawakan ang kanyang kamay. Hihi. Malandi din kasi ako. Mana ako kay Shibama eh. Hehe. Hindi naman nagpumiglas si Sky. Kung tutuusin nga ay hinigpitan pa niya lalo ang hawak sa akin eh. Kinikilig tuloy ako. Ang sarap sarap palang mainlove. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang nagsimulang maglakad si Sky.

"My room."

"Nasaan ang pamilya mo?" pag-iiba ko sa topic. Nakakatakot kasi yung pagkasabi niya ng 'My room' eh.

"They're currently not here. Maybe, later. Do you want to meet them?" nakangiting sabi ni Sky.

"Nahihiya ako eh." yumuko ako.

"Don't be." sabi niya at hinalikan ng noo ko.

Umakyat na kami sa second floor at pumasok sa nag-iisang kwarto sa floor na iyon. Black ang pintuan kaya alam na alam kong kay Sky nga iyon. Mahilig kasi talaga siya sa black. Matagal ko nang pansin iyon.

Pagpasok namin sa kwarto ay pumasok bigla sa CR niya si Sky. Magshoshower daw siya ulit kasi hindi siya masyadong nakapagshower sa hotel kanina. Ewan ko ba dun. Ang arte. Edi siya na ang malinis. Naiwan tuloy akong mag-isa dito sa kwarto niya. Nakaupo ako sa kanyang itim na kama. 

Habang iniikot ko ang tingin sa kanyang kwarto ay napangiti ako. Ngayon lang kasi ako nakapunta sa kwarto ni Sky. Kapag tinignan mo kasing mabuti ang kwarto ng isang tao ay parang makikilala mo na rin ang personalidad ng taong nagmamay-ari nun. 

Kitang kita sa kwarto ni Sky na mahilig siya sa kulay itim. Mahilig din siya sa basketball kasi may ilang mga nakadikit na posters doon na puro tungkol sa basketball. May mga trophies din na napanalunan niya sa pagiging team captain niya.

Akalalain mong marami rin siyang collections ng anime magazine at anime CDs. Nakakatuwa kasi pareho kami. Mahilig din kasi ako sa anime eh. Lalo sa sa Inu Yasha. Gusto ko nga makapangasawa ng demonyo noon dahil kay Inu Yasha eh. Si Sky naman, mga alchemist chuva ang pinapanuod. At yung Fairy Tail? Ma-try nga yun. Mukhang maganda din kasi eh. 

Nakabukas ang laptop ni Sky at may screen saver na puro tungkol sa basketball. Ewan ko ba pero parang may nagtulak sa akin na galawin ang mouse. Ginalaw ko lang naman ng konti. Wala naman akong balak na pakialaman ang mga ginagawa ni Sky sa laptop niya. Pero nang ginalaw ko ang mouse ng laptop niya ay bumungad ang wallpaper niya.

Collage pictures ko.

Ako ang wallpaper niya! Mayroon may galit, masaya, tulala, at kung ano ano pang klaseng ko itsura doon. Bigla akong nahiya pero bigla din akong kinilig. Paano niya nakuhanan ng pictures yung mga itsura kong yun? Matagal na kasi yung iba. Galit pa nga ako sa kanya doon sa iba eh. Ibig sabihin pinipicturan niya ako ng pasimple? Matagal na nga kaya niya akong gusto? Matagal na kaya niya akong mahal? Waaaa! Kinikilig talaga ako. Siya na nga rin ang gagawin kong wallpaper ng kwarto ko sa bahay. Joke. hehe. Obssessed lang ang peg? Hihi. Pero totoo. Obssessed na yata ako sa kanya.

Nang lumabas si Sky sa CR ay nakatopless nanaman siya at tumutulo tulo pa ang tubig sa kanyang katawan. Ang hot. Ang yummy. Nababasa ako. Syempre, nababasa din ako kasi basa pa ang buhok ko eh. Kagagaling ko lang din kaya sa swimming. 

Nakita ni Sky ang laptop niya na tinitignan ko kanina. Nakita niyang nakita ko na ako ang wallpaper ng laptop niya.

"S-Sky... Hindi ko sinasadyang makita." pagsisinungaling ko. Echosera ako eh. Sinadya ko kaya. Haha!

"It's alright." lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang pisngi ko.

"Ngayon lang ako nakapunta dito..." panimula ko. Hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa mga hawak ng kamay niya sa pisngi ko. Nakakadistract. Nakakalasing kahit sa pisngi lang niya ako hinahawakan.

"Hmm?"

"M-Masaya ako. Masaya ako na may nalalaman na akong maliliit na bagay tungkol sa iyo. At... sobrang saya ko na ako yung wallpaper mo. Hehe." namumula kong sinabi.

"I'm happy that you are happy." sabi niya bago ako hinalikan ng pagkalalim lalim. Ang sarap ng lips niya. Nakaksabik. Nakakatukso. Ang galing niya kasi talagang humalik. Yung halik na tipong hahanap hanapin mo bawat araw. Yung halik na hindi mo na gugustuhing natapos pa...

"Oh. I'm sorry." may boses ng babae akong narinig kaya bigla nalang akong kumawala sa halik ni Sky. May nakakita sa amin!

Tinignan ko ang babaeng nakakita sa amin. Ang ganda niya. Medyo matanda na siya pero kitang kita pa rin na maganda siya. Mukha siyang mayaman. Mukha siyang karesperespeto. 

"Mom." sabi ni Sky sabay humalik sa nanay niya. Nanay niya!

Nagpabalik balik sa aming dalawa ang tingin ng mommy ni Sky. Mukhang iba ang kanyang naiisip! Bukod kasi sa nahuli niya kaming naghahalikan ay nakatopless pa si Sky. Tapos basa pa ang buhok naming dalawa. Sigurado akong mali ang naiisip niya! Sigurado akong iba ang naiisip niya! 

"Ma'am, mali po ang iniisip niyo." mabilis kong sinabi. Ngumiti lang siya sa akin. Mukhang hindi naman plastic ang ngiti niya. Pero meron kung ano akong nararamdaman sa kanyang mga tingin na parang may alam siyang sikreto? Ewan ko! Kailan pa ba ako naging manghuhula?!

"Mom, this is Ynna, my girlfriend. And baby, this is Amanda Anderson, my mom." pagpapakilala sa aming dalawa ni Sky.

"Nice to meet you, Ynna. I'm tita Amanda." ngumti siya at nakipagshake-hands sa akin. 

"Nice to meet you din po, Tita."

"Mom, where's Ash and dad?" tanong ni Sky kay Tita Amanda.

"Ah. They are on an urgent meeting regarding the Christmas package of our company."

Hindi sumagot si Sky. Ewan ko ba pero parang may naramdaman akong nalungkot si Sky. Bakit kasi hindi siya sinama sa meeting na iyon? Dahil ba kasama niya ako? Dahil ba hindi siya pinapapakialam sa business nila? Dahil ba walang tiwala ang tatay niya sa kanya? Kaya naman pala ganun nalang ang galit ni Sky kay Ash eh. Naiintindihan ko na ngayon si Sky.

"Ynna, the guy on the gate. Is he with you?" Tanong ni Tita Amanda sa akin.

"Ah, yes po. Si Shibama po yun. Hehe."

"Let's all have dinner here. The four of us." nakangiti niyang sinabi. Tumango nalang ako. Dinner yan eh. Tatanggi ba ang patay gutom na tulad ko? Hehe.

***

Nauna na akong bumaba kasama si Tita Amanda. Biglang tumawag kasi si Dwight kay Sky. Importante daw. Tungkol yata sa laro nila sa pasukan. 

Pinuntahan ko nalang muna si Shibama para ayain na kumain nalang muna. Masyado na kasing matagal ang paglalandi niya sa labas.

"Shibs kakain na daw muna."

"Later na ko! Kayo na muna!" sabi niya.

"Shibs! Nakakahiya kay tita!"

"Makatita naman 'to! Mamaya na! Kayo nalang! Can't you see I'm still enjoying?!"

"Shibs naman eh! Tsaka bakit ka ba lumalandi diyan?! Kala ko ba may boyfriend ka na?"

"Umalis lang siya sandali ng bansa. Kaya YOLO muna ako ngayon! Hayaan mo na ako girl! Kayo nalang! pa-good shot ka sa nanay ni Sky! Tsaka excuse me ha! Inaaya mo akong kumain? May pagkain na ba? Huling tingin ko kasi like just now lang, walang food sa table eh!"

Tinignan ko tuloy bigla ang mesa. Oo nga, walang nakahain ni isang pagkain. Pinaglololoko ba ako ni Tita Amanda?! Malakas din trip nito ah? Ayaw kaya niya sa akin? Baka gusto niya ipakain sa akin yung buong mesa nila? Huhuhu. Ang harsh naman ng mommy mo, Sky.

"Ynna, just wait for me there at the couch, I'll just cook dinner." sabi ni Tita. Ayun naman pala. Magluluto naman pala.

"Wag na tita! Ako nalang ang magluluto!" pagpriprisinta ko. Ha! Tama si Shibama! Kailangan kong magpagood-shoot sa mommy ni Sky para maging boto siya sa akin. Hehe. Tsaka magaling kasi ako magluto kaya sigurado akong magugustuhan niya ang mga luto ko!

"Really?"

"Yes po tita! Ako nalang. Iluluto ko po sa inyo ang mga specialty ko." nakangiti kong sinabi.

"Sure. I'll wait."

"Sige po."

Tumingin ako sa freezer at ref nila at halos lahat ng klaseng pagkain ay pwedeng iluto. Lahat kasi ay meron sila. Lahat ng klaseng karne. Naisipan ko nalang na magluto ng nilagang bulalo at prinitong bagnet. Mga peyborit ko kasi yan. Sana ay magustuhan din ni Tita Amanda.

Nang matapos akong magluto ay ihinanda ko na sa mesa ang mga pagkain. Pati kanin ay nagsaing na rin ako. Masarap din kasi akong magsaing eh. Hihi. May isang katulong doon na nagpriprisinta na siya nalang daw magsasaing pero hindi pa rin ako pumayag. Dapat ako lahat. Dapat magpagood-shot. Wahaha.

Tinawag ko na si Tita Amanda na nanunuod lang ng TV. Umupo naman siya agad sa hapag kaninan. Tinikman niya muna ang bulalo tapos kumuha din siya ng kaunting bagnet. Mabilis ko lang naluto ang bulalo kasi malambot na yung karne noong nadatnan ko ito. Sobrang lakas din kasi ng apoy ng lutuan nila. At saka, magandang klase din kasi yung karne kanila. Mga 3 hours lang siyang nanuod ng TV. Haha! Ewan ko nga kung bakit hindi pa rin bumababa si Sky. Ganun ba talaga sa importante yung mga pinag-usapan nila ni Dwight at tatlong oras siyang hindi makababa ng kwarto? At itong si Shibama naman, tatlong oras na at hindi pa rin tapos lumandi. Walastik talaga. Bruhilda talaga.

"Ang sarap ng luto mo, Ynna." sabi ni Tita Amanda.

Weee! Kinikilig ako! Nasarapan siya!!!

"Thank you po!" nakangiti kong sinabi.

Eto na nga ba ang kinakatakot ko. Kasi habang kumakain kami ay nagsimula nang magtanong ng kung ano ano itong si Tita Amanda.

"Matagal na kayo ni Sky?"

"Umm. Kahapon lang po talaga naging kami." nahihiya kong sagot.

"I like that your honest."

"Umm. Salamat po."

"Do you love him?"

"Sobra."

"Kilalang kilala ka na ba ni Sky?"

"H-Hindi pa po. Pero balang araw, makikilala din niya ako ng buong buo." kinakabahan kong sagot. Bakit kasi ganyan yung tanong niya? Parang may laman?

"Good." ngumiti siya. "You know, Sky really likes you. I can feel it."

"Opo.. Ako din po. Gustong gusto ko po ang anak ninyo."

"Si Sky, minsan pa-cool lang yan. Pero yang batang iyan, kailangan niyan ng matinding pagmamahal. Kaya sana Ynna, huwag mo siyang iiwanan. Lalo na ngayon at mahal na mahal ka niya."

"Hindi ko po siya iiwanan." 

"Si Sky, takot yan sa multo. Kasi dati iniwan siya ng dad niya dito sa bahay nung halloween. Si Ash lang ang sinama. Natrauma yata. Kaya ganun nalang ang galit niya kay Ash at sa dad niya. Hanggang ngayon sa business ay hindi na rin siya nakikisama."

Tumango lang ako. Hindi ko na alam ang isasagot. Hinayaan ko nalang siyang magkwento.

"Favorite niyang kanta ang 'Let The Love Begin'. Sinabihan niya ako dati nakakantahin lang niya ang kantang iyon sa babaeng mamahalin niya habang buhay. Kaya Ynna, sana kantahin niya sayo iyon." ngumiti si Tita sa akin.

Pero kinanta na niya sa akin yun noon pa? Ibig bang sabihin ay noon pa niyang nalaman na mahal niya ako? Bakit parang sobrang saya ko ngayon? Bakit parang naiiyak ako sa tuwa? Sino ba ako para mahalin ako ng ganyan ni Sky Anderson?

"Nagspaspanish lang din yan kapag sobrang in love na siya. Parang baliw talaga yan si Jamjam. Kaya mahal na mahal ko yan eh."

Spanish? Di ba nagspanish na siya sa akin noon doon sa Tritonne bar? Pero oo nga pala, hindi ko pa nasesearch yung mga meaning nun. Pero Jamjam? Ano yun? Sino yun? Wag niyang sabihing si Sky yun?

"Si Jamjam ay si Sky. Nickename niya yun noong bata pa siya. Pero hanggang ngayon ay Jamjam pa rin ang tawag ko sa kanya."

"Ang cute naman. Parang bata pa rin."

"Oo naman."

"Tita Amanda..."

"Hmm?"

"Mahal na mahal ko po si Jamjam." masaya at naluluha kong sinabi. 

"Mahal ka din naman niya, Riri." sagot ni Tita Amanda.

Huh? Anong Riri? Nababaliw na ata 'tong si Tita Amanda. Ynna ang pangalan ko at hindi Riri! May ibang babae na kayang pinakilala noon si Sky at Riri ang pangalan?! Nako! Hmp! Selos ako ha!

"Bakit niyo po akong tinawag na Riri?"

"Wala lang. Cute eh. Bagay sayo."

"Ah. Ganun po ba. Hehe. Okay po."

Matapos ang aming maikling pag-uusap ni Tita Amanda ay bumaba na rin si Sky. Pinapasok na rin namin si Shibama at sumosobra na talaga siya sa kanyang panlalandi. Mukhang nakatulog si Sky sa taas kasi medyo may maga pa ang kanyang mga mata at medyo nakataas ang kanyang buhok. Kaya naman pala hindi siya nakababa ng ilang oras din. Si Shibama naman, ayun, mukhang tiba tiba siya sa dami ng gwapong guards na nalandi niya. Quota na si bakla!

"What did you and mom talked about while I was asleep?" tanong si Sky sa akin nang umupo na siya sa dining table katabi ko.

"Nalaman kong ikaw si Jamjam." nakangiti kong sinabi. Namula bigla si Sky. Mukhang nahiya! 

"MOM!"

"I'm sorry honey. But she already knows."

"Okay lang yan Jamjam, love pa rin kita. Sky Sky pa pa, Jamjam ka pala e!" pang-aasar ko. Nangangamatis na ang mukha ni Sky sa hiya. Dinagdagan pa ni Shibama!

"Papa Sky, pwede ka bang maging Jamjam ng puso kong wala pang palaman?" sabi ni Shibama sabay hawak sa braso ni Sky. Mabilis itong hinawi ni Sky. Nandiri yata sa pick-up line. Shibama kasi eh! Hindi pa nakuntento sa mga guards. Humihirit pa. Si Tita Amanda naman, tawa lang ng tawa.

Masaya ang naging kainan naming apat. Ako, si Jamjam, si Tita Amanda at si Shibama. Sana dumating ang araw na maulit itong muli. Hindi man kami buo ngayon, masaya pa rin kami. At iyon naman ang importante, 'di ba?

***

• AMANDA ANDERSON •

Riri can cook well. Nini can't.

I knew it. She was Riri. She is not Janina Fortaleza. She is Alynna Marie "Riri" Paredes. She is the only daughter of my childhood friend, Peter. She is the second daughter or what you call the secret daughter of Lalaine. Philippe, Lalaine's husband, does not know about the birth of Riri. But why is she here? Why is she pretending to be Janina Fortaleza? Why did Peter allowed this to happen? What is this pretending thing for? I am really confused.

And why does she have to be my son's girlfriend?

And why do I see how they love each other so much?

Why?

But when I talked to the girl, she is so kind, young and innocent. She is so much like her father when it comes to the attitude. But when it comes to the physical appearance, she is completely the xerox copy of Lalaine and Janina.

But again, why pretend?

And now that I know everything. Should I let them continue their love for each other even though they have a lot of challenges coming their way? Or should I be the bad one here and make this silly thing stop before it gets any worse?

Either way, my Jamjam and Peter's Riri will get hurt.

But what side should I choose?

Good or Bad?