♪ He is sensible and so incredible
And all my single friends are jealous
He says everything I need to hear and it's like
I couldn't ask for anything better ♫
♪ He opens up my door and I get into his car
And he says, you look beautiful tonight
And I feel perfectly fine ♫
♪ But I miss screamin' and fightin'
And kissin' in the rain
And it's two a.m. and I'm cursin' your name
You're so in love that you act insane
And that's the way I loved you ♫
Sumasabay ako sa kantang 'That's The Way I Loved You' ni Taylor Swift habang nagdradrive na si Sky pabalik sa condo namin. Wala akong pakialam kung hindi maganda ang boses ko. Basta, ang alam ko, feel na feel ko yung lyrics. Sobrang in love ko na. Inaamin ko na yun. Masama ito. Nakakaadik. Nakakabaliw. Pero ayaw kong tumigil. Gusto ko ganito nalang kami palagi. Gusto kong hindi na matapos ito.
Lumingon ako kay Sky at napangiti nalang ako. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para mahalin ako ng isang tulad niya. Pero ganun pa man, nagpapasalamat ako sa Diyos na binigay Niya sa akin si Sky. Bukod sa pamilya ko, si Sky na yata ang pinaka mahalagang regalong ipinagkaloob niya sa akin.
"Stop staring." sabi niya.
"Sky..." panimula ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.
"Hmm?"
"Anong wacky?"
"Crazy."
"Ano? Edi baliw ako? Ang sama mo ah!" hinampas ko siya ng pagkalakas lakas na tila lumipad na siya hanggang sa labas ng kotse. Joke. Mahina lang. Hehe.
"Don't worry, I'm wacky too."
"Baliw ka din? Inaamin mo na?"
"I'm wackily in love with you." sabi niya sabay ngiti sa akin. Ano ba yan! Bakit ako natunganga sa sinabi niya. Bakit ba sobrang nagwawala nanaman ang tiyan ko! Bakit ba laging napaparamdam yun sa akin ni Sky kahit sa mga simpleng pangungusap lang? Ibang klase.
*SCROOOOOCCCCCCHHHHH*
Nanlaki pareho ang mga mata namin ni Sky sa nangyari. Hindi ito maaari! Maayos na eh! Inayos ko na 'di ba? Bakit tumigil nanaman ang sasakyan namin sa gitna ng kalsada?! Anong oras na oh! Kailangan ko nang makauwi! Siguradong hinahanap na ako ni Shibama! Pero eto ako ngayon, kasama pa rin si Sky, at tumirik nanaman ang kotse na sinasakyan namin. Kailangan ko nanamang ayusin! Sana maayos ko!
"What the hell? I thought you've fixed it?" masama ang naging tingin sa akin ni Sky! Waaa!
"Akala ko rin eh." sabi ko. Wala. Akala ko naman talaga eh! "Aayusin ko nalang ulit."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Bumaba nalang ako agad ng kotse at sinubukang ayusin nanaman ang mga piyesa nito. Ginawa ko lahat ng ginawa ko kanina pero ayaw na talaga. Hindi ko na alam kung papaano! Si papa nalang ang tanging makakaayos nito! Hindi naman ako magaling. Marunong lang. Pero ito? Wala na. Hindi ko na talaga ito alam! Huhu.
Tinignan ko si Sky. Naroon pa rin siya sa loob ng kotse niya. Hindi man lang ako sinundan dito sa labas! Bastos na 'to. Hindi ko masyado nakikita ang mukha niya galing dito sa labas kasi medyo madilim ang salamin ng kotse niya at gabi na rin kasi. Pero nakita kong gumagalaw galaw ang balikat niya mula sa loob. Ano yun?! Tumatawa siya? Oo! Malakas ang hinala kong tumatawa siya!
Binuksan ko agad ang driver's seat at ayun nga, nakita ko ang tumatawang si Sky habang nagbabasa nanaman ng mga texts sa cellphone niya! Inagaw ko agad ito sa kanya at hindi nga ako nagkamali, mga texts nanaman ng mga hayup niyang kaibigan! Hmp! Hindi talaga sila magpapatalo sa akin ah! Pero bakit ganito ang mga texts nila?! Nasaan ba sila?! Sinusundan ba nila kami?!
Austin Stranford:
Ano bro?! Balita naman diyan! Nakascore ka na?! Hahahaha! Kamusta?!
Clyde Ferrer:
Pre! Ang galing naman mag-ayos ng kotse niyang GF mo! Pero hindi niya kami matatalo! Malala ang ginawa namin diyan sa kotse mo! Hahaha!
King Miraveles:
Duuuuude! Kahit anong ayos niyo sa kotse na iyan. Di na yan tatakbo! Gawin niyo nalang kasi ang dapat gawin eh! Pinapahirapan niyo lang sarili niyo!
Viel Valdemaniac:
Tanginaaaa bro! Bakla ka ba?! Bakit hinayaan mong maayos ni sexy yan?! Buti nalang nasira ulit. Umiscore ka naman ngayong gabi! Kundi ako ang iiscore diyan! Sige ka!
Chase Villanueva:
Sweet girlfriend. She made me smile there.
Kuya Ash:
Nice move from Ynna. She's not your typical girl. She's for keeps, bro.
Dwight Condez:
Akalain mo yun?! May hidden talents pala si Ynna! Hahahaha! Bro! Ayus ayus din! Be a man, get the woman! Hahahaha!
Erick Salas:
Dude, sinundan ka nila. Sinama lang ako. Pero wala talaga akong kinalaman dito ah.
Tama nga ang hinala ko! Waaa! Sinusundan nila kami! May gusto talaga silang mangyari sa amin. Grabe sila! Mga mahahalay na nilalang! Pero ngayon, hindi ko na talaga alam kung saan kami pupunta. Nandito kami ngayon sa Vito Cruz kung saan maraming taong natutulog sa kalsada. Kawawa naman. Samahan ko nalang kaya silang matulog sa kalsada? Tss. Hindi papayag si Sky.
Si Sky naman, eto, parang baliw, tawa pa rin ng tawa. Ni hindi nga ako natawa sa mga texts na natanggap niya. Baliw na nga siguro talaga ito. Gwapo nga, baliw naman. Tinitigan ko siya nang nakakunot ang noo ko hanggang sa tumigil siya.
"What? I was just laughing." sabi niya. "Is it fixed?"
"Hindi ko na alam kung paano ayusin. Yung mga kasabwat mo kasi, magagaling. Mukhang sinira na ng tuluyan ang kotse mo."
"Alright." wika niya. Hala? Hindi man lang siya nanghinayang na maaring sira na nga ang kotse niya? Edi siya na ang mayaman! Kainis!
"Paano na?" tanong ko.
"Century Park it is." nakangiti niyang sinabi. Manyak! Ughhh!
"Mukhang wala na akong choice." pabulong kong sinabi pero mukhang narinig niya. Sumagot eh.
"Yeah. You don't have any." sagot niya bago niya ako hinawakan sa kamay at naglakad na papunta sa hotel na sinasabi niya.
Mga benteng steps lang ay naroon na kami agad sa Century Park Hotel entrance. Akalain mo yun? Ang lapit lang pala. At take note, ang ganda! Entrance palang! Bongga na! Medyo na-excite tuloy ako kung ano ang pwede kong makita sa loob! Weee! Ngayon lang ako makakapasok sa hotel!!!
Nang nakapasok na kami sa hotel ay nalaglag ang panga ko. Ang ganda! Ang ganda ganda ganda! Sobrang maliwanag ng lugar. Halatang mamahalin ang mga ilaw na ginamit. Meron ding isang malaking Christmas tree doon sa gitna. Pagpasok namin ay may mga kulang kulang na sampung taong nag-bow sa amin. Para akong prinsesa! Ang ganda din ng sahig. Ang kintab. Ang sarap gumulong gulong! Basta, ang ganda lahat!
Tinignan ko si Sky at walang reaksyon ang kanyang mukha. Parang hindi siya nagagandahan dito sa hotel. Che! Siguro sanay na siya makakita ng mga ganito kagandang klaseng mga lugar. Umakyat kami sa tinatawag na 'Front Desk'. Hindi ko alam kung ano yun. Nabasa ko lang. May mga limang babaeng nakatayo na inentertain kami. Wala silang mga upuan. Matipid.
"Good evening, sir! I'm Jessy Carcasa!" sabi nung isang babaeng naka-uniform na malaswa kay Sky. Ang taas ba naman ng slit! Eh kung lagyan ko kaya ng slit pati mukha niya! Grrr! Inalok niya ang kanyang kamay at nakipag-shake hands din naman itong si Sky. Malalandi! Hmp! Binitawan ko ang kamay ni Sky at nag-iwas ng tingin. Tititigan ko nalang ang hotel. Buti pa kasi yung hotel, maganda. Yung empleyado? Chaka!
Ilang segundo lang mula sa paglayo ko ay naramdaman ko agad ang pagyakap sa akin ng marahan ni Sky galing sa likod at binulong niya ang "Don't get jealous. Sayo lang ang foot long ko."
Bastos!!! Awtomaking pagkasabi niya nun ay hinampas ko siya! Pero yung kamay kong ipanghahampas ko sana sa kanya ay nasalo niya at yun ang hinila niya pabalik sa front desk. Masyado siyang malakas kaya naman nahila talaga niya ako.
"1 Presidential room, please." sabi niya sa babaeng slit. Ano?! Isang kwarto lang kami? Hindi pwede!
"2 rooms!" pagkontra ko.
"Don't mind her. Just one room." sabi ulit ni Sky. Ngumiti pa siya sa babae. Grr!
"2 rooms!" sabi ko ulit.
"Fine. Then pay for your own room." sabi niya sa akin. Seryoso ang kanyang mukha.
"Fine! 1 room! 2 beds!" sabi ko kay slit.
"Pay for your bed." nagsmirk si Sky sa akin. Waa! Mukhang talo na ako. Wala akong dalang pera!
"Kainis ka." binulong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Bumaling lang siya ulit kay slit.
"1 presidential room it is."
"Okay sir! Here's your magnetic keys. Enjoy your stay!" sabi ni slitty girl kay Sky lang. Bwiset na 'to. Habang hinihila na ako papalayo ni Sky sa kanya ay tumalikod ulit ako sa kanya at nilabas ang dila ko sabay sabi ng "Belaaaat!". Nakita kong nagulat siya. Buti nga. Ha!
Sobrang ganda ng room namin ni Sky. Feeling ko ako si Noynoy. Pang president talaga ang dating. Ang ganda ng CR. May sarili din kaming terrace. May sarili ding kusina. Isang malaki at mukhang napakalambot na kama. May isa ring sofa set. Whew! Nakakaexcite naman! Ngayon lang ako makakatulog sa hotel! Gusto ko na tuloy matulog!
"Let's take a shower?" alok ni Sky. "Together?" isang smirk nanaman ang aking natanggap.
"Hindi! Hindi ako maliligo! Malinis na ako!" sabi ko kahit bahong baho na ako sa sarili ko. Dumikit kasi sa akin yung amoy ng mga alak sa bar.
"Okay. You rest while I take a shower." sabi niya bago siya pumasok sa CR. Whew! Akala ko magaaway nanaman kami kung gagahasain ba niya ako o hindi eh. Buti nalang.
Humiga muna ako sa kama. Ang lambot. Parang yung kama lang namin sa condo. Hayyy! Ang sarap talaga ng buhay mayaman. Nagpagulong gulong ako sa kama nang narinig kong biglang sumigaw si Sky. Nanginig ang kalamnan ko sa sinabi niya.
"HUBAD!"
A-Ano?!
"HOY! A-Anong sinabi mo?!"
"After my shower, I want you naked and ready for action."
A-Ano daw?!?!?!
Hindi ko siya sinagot. Kinabahan ako sa sinabi niya. Kailangan kong makagawa ng paraan para hindi ito matuloy! Waaa! Paano ba? Tumakas kaya ako?! Tumalon kaya ako sa bintana?! Waaa! Hindi ko alam! Ayokong makipag-ano kay Sky. Hindi pa ako handa sa foot long foot long na yan! Lord, tulong! Anong gagawin ko?!
Binuksan ko ang mga cabinet sa kwarto at may nakita akong mga extrang kumot. Tama! Iyon nalang. Kinuha ko lahat ng mga extrang kumot. Mga lima yata yun. Binalot ko ang mga kumot ng sobrang higpit sa katawan ko. Sinama ko na rin ang kumot na hindi extra. Bali may anim na kumot ngayon ang nakapulupot sa katawan ko. Mahigpit na nakapulupot. Puti pa naman ang kulay kaya parang akong 'The Mummy'. Ulo lang ang nakalabas. Kamusta naman yun.
Tumalon talon ako pabalik sa kama kasi hindi na ako makapaglakad. Masyado kasing mahigpit ang mga kumot sa aking katawan. Nilagyan ko din ng baon kong cross prayer ang gitna ng noo ko. Proteksyon ko iyon sa mga temptasyon na maaaring mangyari ngayon gabi.
Paglabas ni Sky ng CR ay nalaglag ang panga niya. Oo, nakakalaglag naman talaga ng panga ang itsura ko. Che! Wala akong pake. Pasabi sabi pa siya ng 'hubad', ayan tuloy 'balot' ang humarap sa kanya. Haha! Balot na balot pa! Pero grabe, ang ganda talaga ng abs niya. Ugh. Ang sarap anuhin... Tss! ERASE!
"Are you crazy?" pinipilit niyang magseryoso sa tanong niya pero alam kong medyo natatawa siya sa itsura ko. Tss.
"Pinoprotektahan ako ni Lord! Subukan mong lumapit sa akin!!!" sigaw ko sa kanya habang hinihimas ang cross prayer sa noo ko.
"Don't be a Maria Clara, Ynna." sabi niya habang lumalapit sa akin. Gamit niya ang kanyang seducing voice. Waaa! Hindi umeepekto sa kanya ang krus!
Lumapit siya ng lumapit sa akin hanggang sa naging magkadikit ang mga ilong namin. Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa mata ko at hinawi ang nanggigilid na luha ko. Umiiyak nanaman pala ako. Sa sobrang takot siguro. O kaya naman sa sobrang kaba.
"Let's just sleep."
"..." tumango lang ako.
"We'll do our lovemaking tomorrow then." pahabol niya bago niya ako tinabihan at natulog ng nakatalikod sa akin.
Tomorrow? Bukas? Hindi pa rin pala tapos ang maliit na digmaan sa isip ko. Pero at least, ngayon ay nakalusot ako. Bukas ko nalang proproblemahin ulit ito. Kung ngayon ay nadaan ko sa iyak si Sky, bukas ano nanaman kaya ang aking magiging alibi? At ano nanaman kaya ang aking magiging mga alibi sa mga susunod na araw? Kung ibigay ko nalang kaya kay Sky ang hinihiling niya para tapos na? Waaa! Joke lang. Kailangan ko pa rin manindigan. Isa akong matinong babae.
At dahil isa akong matinong babae, hindi ko inalis ang anim na kumot na mahigpit na nakapulupot sa akin. Kahit pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng dugo sa sobrang higpit, hinayaan ko nalang. Alang alang sa paniniwala kong isa akong matinong babae, gagawin ko ang lahat kahit magmukha pa akong mummy buong gabi.
***
Pag-gising ko kinaumagahan ay ang sarap ng pakiramdam ko. May kung anong mainit na nakapulupot sa akin. Masarap din palang matulog na may nakapulupot sa akin na maraming kumot. Gumalaw ang kumot. May naramdaman din akong hangin, parang hininga, sa leeg ko. Anong klaseng kumot ba ito? Naglalabas ng hangin? Ayos 'to ah.
Paglingon ko...
SI SKY!
Siya pala ang nakapulupot sa akin. Kaya naman pala gumagalaw ang kumot. Tao na pala! Pero... Teka... Nasaan na yung anim kong kumot?! Inalis niya ba? Ginalaw niya ba yung mga kumot? G-G-Ginalaw na ba niya ako?! Naisahan na ba niya ako?! Oh hindi!!!! Bakit wala na ang aking mga shields?!
Ininspek ko ang katawan ko. Wala namang masakit. Ang sabi kasi nung mga ilang kaklase ko noon ay kapag una ay masakit. Wala ring dugo. Sabi nila kasi may dugo kapag una. Wala naman. Pero kailangan ko pa ring makasigurado!
Dali dali akong tumayo at iniwan siya sa kama. Tamang tama. Presidential room ito kaya naman may computer dito. At syempre, may internet na din. Agad kong sinearch ang 'Signs na Hindi na Virgin ang isang Babae'. Unang lumabas ang blog mi israelmekaniko kaya naman iyon nalang ang aking binuksan.
SIGNS NA HINDI NA SIYA VIRGIN:
Ang tunog ng wiwi ng virgin, "Psssss..." Ang tunog ng wiwi ng non-virgin, "Wooosh!"
Ang virgin, pag kinalabit mo, "Ano ba, wag diyan!" Ang di na virgin, "Tara, game?"
Ang virgin pag umuwi after mag-burger with her bf, malinis ang lips. Ang non-virgin, may mayonnaise sa labi.
A virgin would say "STOP IT, STOP IT!!!" A non virgin would say "STUFF IT, STUFF IT!!!"
Pag virgin, AMOY MELON. Pag di na virgin, MELON AMOY.
Pag piki, virgin. Pag sakang, di na virgin.
Ang virgin, hatid sundo. Ang hindi na virgin, sundot hatid.
Virgins say, "Thank you!" Ang hindi na virgins say, "Please come again!"
Ang virgin, mahilig sa bihon. Ang hindi na virgin, mahilig sa canton.
Virgin: "Bakit mo ko dinala dito?" hindi na virgin: "Bakit mo ko dinala dito? Mahina ang aircon dito!"
Ang Virgin: "Hihihi...", Ang hindi na virgin : "HAHAHA!"
Ang virgin, pag tinanong mo kung virgin, mao-offend. Ang non-virgin, pag tinanong mo kung virgin pa, ang sagot, "Siyempre oo noh! Virgin na virgin pa noh!"
IKAW? VIRGIN KA PA BA? hihi.
Tunog ng ihi?
Amoy melon?
Piki?
Hatid sundo?
Bihon?
Pumunta agad ako sa CR para umihi. Para malaman ang tunog ng ihi ko. Para malaman ko kung virgin pa ba ako.
*PLOK*
Waaaaaa! Bakit ganyan ang tunog ng ihi ko. Hindi 'Pss' hindi rin 'Woosh'. Bakit 'Plok'?! Mas malala pa yata ako sa hindi na virgin? Bakit ganun?! Huhuhuhu! Nang tinignan ko ang toilet bowl. Ay. Hindi pala ihi yung lumabas. Hehe. Hindi pa kasi talaga ako naiihi eh. Ayan tuloy.
Amoy melon? Sinubukan kong amuyin yung akin pero hindi abot ng ulo ko. Siguro kailangan ko matuto magyoga next time. Piki? Straight kasi ang legs ko kaya hindi ko tuloy alam kung virgin pa ako o medyo virgin nalang. Pero buti nalang at hatid sundo pa rin ako ni Sky. Ibig sabihin virgin pa rin ako. Pero hindi kasi talaga ako mahilig sa bihon. Gusto ko yung Canton eh. Lalo na yung kalamansi flavor. Huhu. Virgin pa ba ako? Hindi ko na tuloy alam. Huhuhu. Mukhang nakuha na yata ni Sky ang pinakaiingatan kong pagkababae. Hayy. Bahala na nga. Sa kanya ko rin naman ito ibibigay eh. Nakuha lang niya ng maaga.
"Good morning." sambit ni Sky habang nag-uunat sa kama.
"Good morning mo mukha mo. Kinuha mo na yung ano ko. Hindi ka makapag-hintay!" pasungit kong sinabi.
"Yeah. I got your blankets. Pinapawisan ka kasi."
Kunwari pa 'to. Kumot ko lang daw ang kinuha niya? If I know nilinis lang niya yung mga dugo sa kama para kunwari isipin ko na virgin pa rin ako. Buti nalang at sinearch ko. Nalaman kong hindi na ako virgin dahil straight na ang legs ko at mahilig ako sa Canton.
"Che!" inirapan ko siya. Maliligo na sana ako pero tumayo na rin siya at akmang papasok na sa CR.
"Ano ang nauna!" sigaw ko.
"Ako kaya!" sabi niya.
"AKO AKO AKO!!!"
"Sabay nalang tayo?" nagsmirk nanaman siya. Aba't hindi pa siya nakuntento kagabi at gusto pa niyang ulitin! Bruho!!!
"Hindi! Ako! Ako nga sabi eh!"
Pareho kaming nakahawak sa door knob ng CR at nanlilisik ang mga mata sa isa't isa nang may kumatok na lalaki at nagsabi ng 'Room Service'.
"Sir, ma'am. Meron po kaming lap pool sa taas. Baka gusto niyo pong i-try. Para sabay na din kayong makaligo." sabi niya.
Wow. Pool. Matagal ko nang gustong i-try kung ano ba ang feeling lumangoy sa swimming pool. Puro dagat lang kasi ako sa amin. Yung sa condo naman, hindi ko pa nasusubukan kasi parang di naman interesado sila Shibama at Caloy. Tinignan ako ni Sky at tinaasan niya ako ng isang kilay. Parang tinatanong niya kung gusto ko ba mag-pool tulad ng sinusuggest ng lalaki. Tumango ako. Gusto ko kasi talaga.
"Sir, ma'am. Kailangan po ay naka swim wear kayo." sabi ng lalaki ng sumunod kami sa kanya ng walang dalang kahit anong pag-langoy na mga damit.
"Buy her one." binigyan ni Sky yung lalaki ng 3,000 pesos.
"Sure, sir." sabi ng lalaki at nagbow pa sa kanya.
3,000 pesos? Swimwear? Ginto ba yung isusuot ko? Matigas yun!
***
Pagdating namin sa swimming pool area ay namangha talaga ako. Ang laki ng pool. Parang dagat na rin halos. Ang linis pa. Gusto ko na sanang tumalon pero nahihiya kasi ako. Hindi ko kayang ilabas ang sarili ko sa bathrobe na ito. Bakit ba naman kasi two piece ang binili nung manong na yun. Nahihiya ako kasi wala naman akong ipagmamalaking katawan. Ang payatot ko kaya. Buto't balat ako. Hindi ako yung tipong makukurbang babae at yung mga tinatawag ni Sky na masasabaw.
"Let's swim." aya sa akin ni Sky. Naka-shorts nalang siya ngayon. Ready na talaga siya. Ang sarap lamutakin ng abs niya. Witwew!
"Ikaw nalang." simple kong sagot. Iniwas ko na ang tingin sa abs na. Mahirap na.
"Why?"
"Hindi ako masabaw."
"You are." sabi niya sabay biglang hila ng bathrobe kaya naman biglang naging naka two piece nalang ako! Waaa! Nakakahiya! "You are very sexy for me."
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumalon sa pool. Hindi ko sinasadyang mapayakap sa kanya nang napunta na kami sa tubig. Niyakap naman niya ako pabalik. Masyado nanaman kaming magkadikit sa isa't isa. Nakadikit ngayon ang katawan ko sa abs niya. Ramdam ko ang mga pandesal niya. Gusto kong hawakan. Hahawakan ko na sana pero pinigilan niya ako.
"If you touch me, I'll touch you." pagbabanta niya kaya naman inalis ko na ang kamay ko doon. Lumangoy na din ako palayo sa kanya. Natakot akong baka galawin nanaman niya ako ulit. Pero gusto ko din kasi. Waaaa! Joke lang! Erase erase!
"Kapag nahabol kita, akin ka." sigaw niya bago siya lumangoy papunta sa kinaroroonan ko. Waaaa! Ang bilis niya lumangoy. Swimmer ba siya?! Malapit na siya sa akin!!!
Hindi na ako nagtangkang lumangoy pa papalayo kasi wala na. Nacorner na ako. Checkmate kung sa chess. Tumalikod nalang ako sa gilid ng pool. Ramdam kong sobrang lapit na niya sa akin. Nagsign of the cross nalang ako. Lord, twice is better than once nga ba?
Naramdaman ko ang kamay ni Sky na humawak sa kamay ko sa ilalim ng tubig.
"I'm sorry." bulong niya. "I was just joking."
"A-Anong joke?" humarap ako sa kanya.
"I'll never take advantage of you. I want us to do it, yes. I have been waiting for that. I won't deny it. But I won't do it until you don't want me to."
Ano daw? Ibig sabihin birhen pa din ako? Ibig sabihin hindi niya ako ginalaw kagabi?
"W-Walang nangyari kagabi?"
"I just removed yor blankets. That's it."
"Di nga?" pinanlakihan ko siya ng mata at ng butas ng ilong.
"I respect you. I'll never take advantage of the girl I love. Who you are is the way I loved you. And every girl deserves respect."
Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Pero masaya ako na nirerespeto pa rin ako ni Sky kahit na ang alam niya ay hindi na ako virgin. Kampante na ako na hindi niya ako gagalawin. Mahal na mahal ko siya at mahal din niya ako dahil nirerespeto niya ako.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Ang buong akala ko ay hahalikan niya ako. Pumikit pa ako. Pero hinila niya ako sa ilalim ng tubig, hinawi ang buhok ko at doon niya ako hinalikan. Kilig much. Ito ang first underwater kiss namin ni Sky. Sa ilalim ng tubig, sa isang five star hotel, sa labi ng pinakamamahal ko. May mas peperfect pa ba dun?
Meron.
Kasi nirespeto niya ako. Hihi.
--
A/N
Hello! Kung napapansin niyo, puro happy/landian moments lang ang chaps ko ngayon. Ganun po talaga. Yun talaga ang mga mangyayari. Hindi yun sa wala akong maisip na ilagay ha. :)) May 5 chapters pang medyo happy happy lang. Kailangan muna kasing maging matibay ang relationship ng Skynna before Janina comes back. Chapter 32 po ang balik ni Janina. :D
- Mhariz :3