Wise men say: Only fools rushing.
But I can't help falling in love with you.
- Can't help falling in love, Elvis Presley
***
NAGDAAN ang mga araw na kagaya ng naka-ugalian. Wala naman ibang nagbago sa mga nakagawian ni April. Medyo naging madalas nga lang ang pagkahilo niya lalong-lalo na sa umaga. Hindi naman niya iyon pinapansin, alam niya kasing dahil lang iyon sa pagod dahil sa nagdaang exam week.
Simula noong hinatid siya sa bahay ni Cyril ay hindi pa niya ito nakikita muli. Pero kahit kailan ay hindi ito nawaglit sa kanyang isipan.
A night so wonderful like that takes time to forget. At alam niyang darating rin siya sa ganoong punto.
Mas mabuti na iyon sa kanyang palagay. Ayaw na niya ng dagdag alalahanin sa ngayon. Ang kailangan niyang gawin ay mag-focus sa research na siyang pangunahing kailangan para siya ay maka-graduate.
"Nahihilo ka nanaman? Napapadalas ata?" Tanong ni Kim nang mapansin niya ang kaibigang sapo-sapo ang noo habang naglalampaso. "Wala ka namang lagnat." Sabi pa nito ng sinalat ang noo ng kaibigan.
"W-Wala ito. Kulang lang siguro sa tulog." Sagot niya sa kaibigan.
"Sabi ko naman kasi sa'yo wag mo masyadong isipin iyong research mo. Sa talino mong iyan ay kayang-kaya mo yon." Pagchi-cheer nito sa kaibigan.
"Akin na nga yang mop. Ako na ang maglalampaso dito. Buti pa doon ka nalang sa menu at asikasuhin mo iyong mga darating na customers." Sabay agaw nito sa mop.
Agad naman siyang tumalima sa kaibigan.
"Good evening ma'am and sir! Welcome to Spotz! Table for?" Magana niyang bati sa bagong pasok na customer. Hindi niya kita ang bagong dating dahil nakayuko siya dahil na rin sa pagbati.
"Table for 2." Sagot ng isang baritonong tinig.
Agad nagtaas ng tingin ang dalaga at nanlalaki ang mga mata niya sa gulat. Hindi siya binibiro ng kanyang paningin.
Standing in front of her is the man who's always running in her head these past few days.
Kung siya ay gulat na gulat, tila kabaliktaran ang reaksyon ng binata. Muka ngang hindi na siya nito natatandaan.
What do you expect, April?
"T-This way sir." Agad niyang sabi dito ng makabawi.
Agad siyang napahinto nang marinig ang tinig ng kasama nito.
"Hon, bakit mo naman ako iniwan sa labas?" May bahid ng pagtatampo pa ang boses nito.
"Ang tagal mo kasing kumilos." Balewalang sagot nito. Tila ba hindi nito ininda ang pagtatampo ng kasama. Makikita naman sa mukha ng babae ang pagkainis.
Agad dinala ni April ang dalawa sa lamesang pang-dalawahan. Inabot niya sa mga ito ang menu. Kahit anong pilit niyang hindi manginig ang mga kamay ay hindi niya magawa, lalo na noong inabot niya ang menu sa binata.
Tila ba nakikita sa pangangatog ng mga kamay niya ang lakas at bilis ng tibok ng puso niya.
"Anong order mo, hon?" Malanding tanong ng kasama nitong babae.
She knows the girl he's with. Sino bang hindi makakakilala kay Stephanie Singson? The cheerleader and prime jewel ng kanilang university.
Ito ang mga tipuan ng binata. Yung mga babaeng magaganda, sexy at kayang-kayang dalhin ang sarili.
"Medium rare steak with mash potato and mixed veggies and a glass of this restaurant's signature red wine." Sabi nito ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
"Hmmm… Mix veggies and pineapple juice lang ang akin. You know, I am on a diet." Maarte pa ring sabi ni Stephanie.
Kahit inis na inis siya sa inaakto ng binatang akala mong hindi siya kilala at sa kaartehan ng babaeng kasama nito ay binigyan niya ito nang isang ngiti.
"Okay ma'am, sir. Your orders will be serve in 15 minutes." Pagkatapos ay kinuha niya ang menu ng mga ito at agad pumunta sa kiosk para i-punch ang mga order.
Sa loob ng limang minuto ay kitang-kita niya kung paanong mag-usap ang dalawa. Kulang na nga lang ay paikutan ng kurtina ang pwesto ng mga ito dahil na-e-eskandalo ang mga nakakakita.
Mariin siyang napapapikit habang nakikita ang ginagawa ng mga ito.
A total jerk! Iyon na lang ang nasabi niya sa sarili.
Pagkaraan ng 15 minutes ay okay na ang mga order nito. Habang dahan dahan niyang binababa sa lamesa ang order ng mga ito ay 'aksidente' siyang natapunan ng pineapple juice ng kasama nitong babae.
"Ow! Sorry! Nadulas sa kamay ko." Hingi nito ng dispensa na halata naman galing sa ilong. Alam rin niyang sinasadya nito ang pagtapon sa kanya ng juice.
Nang tingnan niya ang paligid ay nakatingin halos lahat sa kanilang direksyon. Including sir Leon and Kim. Si Kim ay handa pang sugurin ang babae dahil alam rin nitong sinadya nito ang pagtapon.
"N-No problem ma'am." Magalang pa rin niyang sabi dito habang pinupunasan ang nabasang pantalon. "Papalitan ko nalang po iyong juice." Sabi niya habang kinuha ang baso nito para palitan ng bago.
Agad siyang umalis sa lamesa ng dalawa. Sa pag-alis niya ay hindi sinasadyang magtagpo ang mata nilang dalawa. She can't read his eyes but she can clearly see that he is pissed.
Kanino? Sa akin? Tanong niya sa sarili.
Pinaubaya na niya sa ibang kasamahan ang table ni Cyrill. She went to their locker para sana makapag palit ng bagong pantalon.
Papasok palang siya sa locker room ng may humigit sa kanyang braso at mabilis siyang pinasok sa loob niyon. Narinig pa niya ang pag-lock ng pintuan.
Agad nag-eratiko ang tibok ng kanyang puso. Una dahil sa takot pero ngayon ay dahil sa kung sino ang humigit sa kanya. She can clearly recognize his smell, those brown eyes and those kissable lips!
Agad naningkit ang mata ni Cyril. He's pissed to Stephanie dahil sinadya nitong tapunan ng juice si April.
Naiinis kasi ang dalaga dahil wala dito ang atensyon niya kundi nakay April. She's the one initiating the public display of affection para makuha ang atensyon niya.
He's here not for a date. But to see April up close. To feel her again. Her skin, her smell, and of course her lips.
Kaya hindi na niya na pigilan ang sarili at hinigit ito papasok sa locker room. Pakiramdam niya ay sasabog siya kung hindi niya matikman muli ang mga labi nito.
"I'll kill for this lips." Sabi niya habang marahang hinahawakan ang mga labi nito. Pagkaraan ay marahan niyang inangkin ang mga ito. Ninamnam ang bawat bahagi, wala pa ring pinagbago. Still the tastiest lips he ever kissed.
Marahan siyang bumitaw sa halik. Kapag hindi niya pinigilan ang sarili ay ma-a-angkin niya ulit ito. At wala siyang pakialam kung sa loob ng locker room at kung sino man ang makakakita sa kanilang dalawa.
Kung gaano siya kabilis dumating ay ganoong din siya kabilis nawala at iniwang nakatulala si April.