Chereads / Young Hearts [Filipino] / Chapter 11 - You, Basil Valdez [Part 2 of 2]

Chapter 11 - You, Basil Valdez [Part 2 of 2]

***

NANGILABOT si April sa sinabi nang kaibigan ni Cyril. Kilala niya ito, sino bang hindi nakakakilala sa dalawang mala-demigod na lalaki na iyon?

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya dahil nandoon si Cyril. Pero ang mas inaalala niya ngayon ang sinabi ng kaibigan nito.

Para siyang upos na kandilang napaupo sa bench malapit sa gate. Nang banggitin ng kaibigan ni Cyrill ang tungkol sa buntis ay isa lang ang naisip niyang gawin. Ang tumakbo.

Panganay siya at meron pa siyang apat na malilit na kapatid, saksi siya sa pagbubuntis ng kanyang ina kaya pamilya siya sa mga sintomas ng pagiging buntis.

She clearly have the signs. Bakit hindi niya napansin ito agad?

Her sudden cravings. Ang madalas niyang pagiging antukin at ang pagsusuka niya kaninang umaga. Idagdag mo pa ang pagiging delay ng monthly period niya. She's regular.

Namamawis na ang kanyang mga kamay at pinagpapawisan na rin siya ng malapot.

Agad niyang naisip ang kanyang mga pangarap. She's in the last year of her course. Marami pa siyang gustong gawin. Ang mga kapatid niya ay sa kanya nakadepende ang kinabukasan. Kailangan pa niyang tulungan ang ina.

Nangangatal ang mga labi niya sa takot at kaba. Wala sa sariling napahawak siya sa puson. Hindi ito ang tamang panahon para dito. Hindi pa ngayon.

Napasapo ang kanang kamay niya sa kanyang bibig para pigilin ang impit niyang mga hikbi.

Never in her wildest dreams na naisip niyang mangyayari sa kanya ang mga bagay na ito.

"Miss, ayos ka lang?" Tanong sa kanya ng security guard.

"O-Opo manong." Magalang niyang sagot dito. Dali-dali niyang pinunasan ang mga luha at sa nanlalambot na mga paa ay tumayo at naglakad.

Wala siya sa sarili, hindi niya alam kung saan pupunta. Pero hindi na kagulat-gulat nang dalhin siya ng kanyang mga paa sa isang pharmacy.

Sa ganitong paraan lang siya makakasiguro.

Pagpasok niya ay agad niyang tinungo ang counter. Isang ginang na sa tingin niya ay kasing edad ng kanyang nana yang nakangiting bumati at nagtanong sa kanya ng kailangan niya.

Agad siyang napayuko. Biglang binalot ng hiya ang buo niyang pagkatao.

"L-Lima pong iba't-ibang b-brand ng P.T." Sa mahinang boses ay kanyang sinabi. Takot na baka marinig siya ng iba pang bumibili ng gamot. Swerte na lang rin siya dahil hindi karamihan ang bumibili ngayon.

Napakurap ang ginang. Nawala ang giliw sa mga ngiti nito at napalitan ng pagkabigla. Agad rin naman itong nawala at dali-daling kinuha ang kailangan niya.

"Ito, ija." Inabot sa kanya ng ginang ang kailangan niya. Binayaran niya iyon at agad tumalikod para umalis. Kita niya ang pagkabigo sa muka ng ginang, at rinig na rinig niya ang bulong nito.

"Sayang. Ang bata pa niya."

Napahigpit ang akap niya sa binili. Samu't-saring emosyon ang dumadaloy sa kanyang sistema sa mga oras na ito.

Ganoon din ang magiging ekspresyon ng kanyang ina pag nagkataon. Hindi niya ata kayang makita ang pagkabigo sa mga muka nito.

Pinalakas niya ang loob. Maaaring hindi siya buntis, hindi pa naman siya sigurado. Dali-dali siyang bumalik sa university at pumunta sa pinakadulong C.R. ng campus, pagpasok ay sa pinaka dulong cubicle siya pumwesto.

Binasa ang instructions sa karton nito. Tinakpan niya ang inodoro pagkatapos at naghintay ng limang minuto.

That is the longest and the most agonizing five minutes of her life.

April swallowed a huge lump of air when she saw one red line. She's praying to all saints, holy and unholy, na sana hindi na ito madagdagan pa. Huminto ang daigdig ng dalaga when a faint red line appears again.

"No… No… hindi pwede." Impit siyang napa-iyak.

"Baka may mali lang. Tama. Dapat mag-try pa ako ng iba." Kumbinse niya sa sarili.

She tried another P.T. from a different brand. Sinunod niya ulit ang instructions kung paano gamitin ito. She waited another five minutes and the result calm her nerves for seconds.

Just one red line.

But that just give her more anxiety. Papaanong isang negative at isang positive? Anong sagot ang nakuha niya?

Negative is the result she wanted. Pero paano kung positive naman talaga. Niloloko niya lang ang sarili niya kung ganon.

She saw the three remaining P.T.'s in her bag.

Minutes after she tried the other three, she's just staring at the closed door. Making different patterns. Lumingon siya sa taas, sa gilid. Anywhere but not on the floor where 5 pregnancy test kits were located.

Napitlag siya nang malakas na bumukas ang pintuan. Kasunod nito ay mga yabag. Mas lalo siyang napapitlag ng kalampagin nito ang cubicle na kinalalagyan niya.

A groan of protest follows. Tila ba naiinis ito dahil sarado ang puntirya nilang pwesto.

Hindi naman siya manhid. Alam niyang pugad ng mga taong sabik ang C.R. na ito. At kung sino man ang nasa labas ng cubicle ay alam niyang iba ang puntirya.

"Ahh… babe. You're a fast learner." Sabi ng isang baritono ng boses.

Nangilabot siya nang makilala ang boses. Kilala niya ito. Kilalang-kilala. Para siyang baliw na natawa ng tahimik. Bakit sa ba laging siya ang nakaka-tiyempo dito.

"B-Because you are a g-good teacher." Malanding tugon ng babaeng kasama nito.

Agad umalpas ang saganang luha sa kanyang mga mata. Heto siya, umiiyak at nagmumukmok dahil hindi niya alam ang gagawin. Pero ang isang iyon, heto at nagpapasaya sa kandungan ng ibang babae.

Mukang alam na niya ang sagot kung bakit siya lagi ang nakakahuli dito. Para magising siya sa reyalidad na mag-isa niyang haharapin ang malaking responsibilidad na ito.

She pushed the door and it made a sound. Dahil dito ay napatigil sa ginagawa nila ang dalawa. Nakasandal ang babae sa pintuan ng katabing cubicle.

With tears and hatred in her eyes, she looked at the almost naked man in front of her.

"Bilis. Istorbo." Pagpapaalis sa kanya ng babaeng kasama nito.

Nagbalik-balik ang tingin niya sa dalawa. Both were almost naked. Nakatingin lang sa kanya ang lalaki. Without second thoughts agad siyang tumakbo papalabas ng C.R. na iyon.

~~

"Tara na, babe. Wala ng istorbo." Hinatak na siya ng babaeng kasama sa loob ng cubicle na pinanggalingan ni April.

"Ay! Ano ba yan? Nag-iwan pa ng kalat!" Sinipa nito ang bagay na nasa sahig, lumikha iyon ng ingay na siyang nakakuha ng kanyang atensyon.

Pinulot niya ang limang pirasong hugis parihaba. Alam niya ang mga iyon.

"Tara na, babe!" pangungulit sa kanya ng babae ngunit hindi niya iyon pinansin. Nasa iba ang atensyon niya.

The first rectangle has two lines. The second has one red line. The third has two lines while the fourth and fifth has positive sign.

Agad dumaloy ang malamig na hangin sa kanyang katawan pagkatapos ay nahulog sa sahig ang limang pregnancy test kit.

Then suddenly, a lightning bolt of an idea pops into his head.

His eyes are wide, his palms instantly become sweaty, and his heart beats fast.