Chereads / PINOY HORROR STORIES / Chapter 9 - Balbal daw ang lolo ko

Chapter 9 - Balbal daw ang lolo ko

Ito ay hango sa kwento nang isa sa mga boardmate ko noon sa Ozamiz. Galing sya sa malayong probinsya ng Mindanao kung saan payak ang pamumuhay nang mga tao at hindi gaanong abot nang modernisasyon, at ang tanging libangan nang mga tao ay ang chismis. At ang pamilya nila ang naging laman nang mga chismis na ito. Ito ang kwento ni Primitivo, tawagin nalang natin syang Prime.

Balbal daw ang lolo ko, yan ang chismis na kumakalat sa lugar namin. Buong pamilya namin iniiwasan, pati na nga ang aking mga kaibigan. Ang aming dating kulitan at asaran ay napalitan na nang masasamang tingin at ako'y kanilang iniiwasan. Wala akong problema kung pati sila na tinuring kong matatalik kong mga kaibigan ay naniwala sa chismis. Ang ayaw ko lang ay ang masasamang sinasabi nila tungkol sa pamilya ko. Naawa nga ako kay ate na sana'y ikakasal na, umatras ang lalake na mapapangasawa nya dahil naniwala rin ito sa chismis. Gusto kong ipamukha sa kanila na mali ang kanilang sinasabi. Kaya nung naratay sa higaan at naghihingalo na ang isa mga kapitbahay namin nagkaroon ako nang pagkakataong ipakita sa lahat na hindi ang lolo ko ang Balbal.

Maririnig mula sa kapitbahay ang iyakan habang naghihingalo si Mang Pablo. Alas dose y medya nang madaling araw na nung ako'y lumabas nang bahay. Dahan-dahan akong gumapang papunta sa likod nang bahay ni Mang Pablo at nakahanap ako nang pwesto na makikita ko ang buong silong nang bahay. Ang bahay ni Mang Pablo ay luma ang desenyo at gawa sa kahoy at kawayan lang. May hagdan ito, at sa ilalim nang bahay nakatali ang mga alagang hayop. Narinig ko ang mga kapamilya ni Mang Pablo na nagtatalo na kung paano hahatiin ang mga ari-arian niya kahit buhay at naghihingalo pa ito. Walang asawa si Mang Pablo at ang kanyang mga kapatid ang maiiwanan nang kanyang munting ari-arian kaya ganun nalang ang pag aagawan nang mga ito.

Ma tyaga kong minanmanan ang silong nang bahay ni Mang Pablo, naghintay ako kung may kakaibang mang yayari. Tanging nakikita sa silong nang bahay ay mga manok, kambing at baboy ni Mang Pablo. Mag aalas dos na at wala parin akong nakita kaya nagpasya akong umuwi nalang. Gumagapang na ako palayo sa bahay nang marinig ko ang ang malakas na iyakan. Namatay na si Mang Pablo. Nakakapanindig balahibo ang iyak ni Aling Rosita, kapatid ni Mang Pablo. Kagaya ito nang mga iyakan nung nanalanta ang bagyong Yolanda at nagkalat ang mga patay sa kalsada.

Bumalik ako sa pwesto ko nang makita ko si Lolo na gumagapang papunta sa ilalim nang bahay ni Mang Pablo.

Sa isip ko'y di ako makapaniwala, totoo pala ang chismis.... Balbal ang Lolo ko. Nanlumo ang katawan ko, napahiga ako sa yupa at halos maiyak na.

Muli kong tiningnan si Lolo na sa mga oras na iyon ay malapit na malapit na silong nang bahay. Mula sa kanyang likod ay kitang-kita kong humugot ito nang itak at biglang pinagtataga ang itim na baboy na nasa silong nang bahay ni Mang Pablo. Napasigaw ang baboy at nagkagulo ang mga kamag-anak ni Mang Pablo. Nakita nila si Lolo na tumatakbo palayo, ngunit hindi nila nakitang may hinahabol na baboy si Lolo.

"Ayun!! Ayun si Kulas!! Kitang-kita nang mga mata ko! Totoong Balbal si Kulas!!" Sigaw nang Aling Panyang habang tinuturo si Lolo.

Hinabol nang mga kapit bahay si Lolo habang si Lolo nama'y patuloy rin sa paghabol sa itim na baboy. Umabot ang habulan sa ilog, tumawid nang ilog ang baboy at lumangoy naman si Lolo, ang mga humahabol kay Lolo ay natigilan at ayaw nilang mabasa.

"Kulas!! wag ka nang babalik sa baryo! Susunugin namin ang bahay mo!!" Sigaw nila.

Lumangoy din ako sa ilog para makasunod kay Lolo nang makita ako ni Aling Panyang.

"Hala!! Pati pala ang apo ni Lulas ma si Prime ay isang Balbal din!! Mga lahi nang mga Balbal!!" Sigaw ni Aling Panyang na halos lumuwa na ang ngala-ngala.

Nagalit ako nang marinig ko ang sinabi ni Aling Panyang kaya sinigawan ko rin ito.

"Hoy Chismosa!!! Kung ano-ano yang pinagsasabi mo, hindi mo alam ang tunay na estorya!! Hali kayo dito para malaman nyo kung totoong Balbal ako."

Patuloy na nagbunganga si Aling Panyang, hinayaan ko nalang ang chismosa at nagpatuloy ako sa pagtawid sa ilog. Narinig kong sumigaw nang malakas ang baboy, mukhang napuruhan ata ni Lolo. Nagmadali akong makatawid nang ilog at nakita ko si Lolo na nkatayo habang hawak-hawak ang kanyang itak. Sa harap nya ay isang halimaw, isang Balbal.

"Itigil mo na ang ginagawa mo! Matagal na kitang pinag mamasdan!" Sigaw ni Lolo

"Mali ang iniisip mo, kaya ako pumupunta pag may namamatay dahil hindi ko maiwasang amoyin ang katawan ang patay, lalo na yung mga kamamatay lang. Wala akong ginagawang masama, nag aamoy lang ako at pagkatapos ay umaalis na." Paliwanag nang Balbal.

Nakita ako ni Lolo at pinapunta sa kanyang likod. Nakaupo naman ang Balbal habang umaagos ang dugo mula sa kanyang ulo at likod dahil sa sugat na natamo nito mula sa mga atake ni Lolo. Nagmakaawa ang Balbal na siya'y hayaan nalang na makawala at dahil likas na maawain si Lolo'y pumayag ito.

"Maraming salamat Kulas, tatanawin ko itong isang malaking utang na loob." pasasalamat nang Balbal.

"Basta wag na wag kang mananakit dahil pag nalaman kong may pinatay ka oh di kaya'y sinaktan, ako mismo ang papatay sayo Jhayla!!" Sagot ni Lolo.

Gulat na gulat ang Balbal nang marinig nito ang kanyang pangalan. Hindi ito makapaniwalang kilala siya ni Lolo.

"P..Pano mo ako nakilala Kulas?" Tanong ni Jhayla.

"Diba sabi ko matagal na akong nag mamanman sayo? Nandun ka nang namatay si Aling Tasing, si Joven, at ang baklang si Jo.... nakalimutan ko ang pangalan nang baklang yun, basta pag may namamatay ay nag-aanyong baboy ka at umaaligid sa lugar. " Sagot ni Lolo.

"Ipinapangako ko sayo Kulas, hindi ako mananakit nang tao." Wika ni Jhayla na naglakad na papasok sa kagubatan.

Pabalik na kami ni Lolo sa baryo nang marinig namin ang kaguluhan. Tanaw namin sa malayo na may bahay na nasusunog, naalala ko ang sinabi ng chismosang si Aling Panyang na susunugin nila ang bahay ni Lolo. Hindi ko akalaing gagawin talaga nilang sunugin ang bahay ni Lolo. Nagmadali kaming puntahan ang sunog at bahay nga ni Lolo ang nasusunog. Kitang -kita ko si Aling Panyang na tuwang-tuwa habang nag uudyok sa mga tao na sunugin rin pati ang Lola ko na kasalukuyang gumagapang upang makalabas nang bahay. Binato pa niya si Lola at tumama ito sa ulo ni Lola, tumihaya ang kawawa kong Lola habang umaagos ang dugo mula sa kanyang noo.

"ITIGIL NYO YAN!!! MGA TAMPALASAN!!! PAGBABAYARAN NYO ANG GINAWA NYO SAMIN!!" Nagngingitngit sa galit si Lolo, nanginginig ang mga kamay nito habang hawak-hawak ang itak.

Tumakbo ako para tulungan si Lola ngunit hinarang ako nang mga lalake at binugbog sa utos ni Aling Panyang. Pinilit kong matulungan si Lola ngunit hindi na ako makatayo, dinaganan na nila ako at itinali na parang baboy. Nagmakaawa akong tulungan ang Lola ko ngunit wala silang mga puso, kitang-kita ko kung pano nilamon nang apoy si Lola, nag umpisang masunog ang kanyang paa, sigaw nang sigaw ang kawawang matanda dahil sa sakit hanggang sa nawalan ito nang malay at tuluyan nang nasunog ang aking Lola.

Si Lolo nama'y tumakbo papunta kay Aling Panyang habang iniwawasiwas ang kanyang itak. Agad na nagtago sa likod nang mga kalalakihan si Aling Panyang at inutusan ang mga lalake na hulihin si Lolo. Nanlaban si Lolo, hindi makalapit ang mga lalake sa kanya dahil sa kanyang itak. Hindi napansin ni Lolo ang sibat na tumarak sa kanyang likod, paglingon nya'y si Aling Panyang pala ang pa traydor na tumusok sa kanya. Napaluhod si Lolo at nagsusuka nang dugo, sinisigawan pa siya ni Aling Panyang nang Balbal. Tumingala si Lolo upang makita ang mukha ni Aling Panyang, ngunit dinuraan siya ni Aling Panyang at sinampal pa sya nito. Hindi napansin ni Aling Panyang ang itak ni Lolo at ito'y sinaksak ni Lolo sa lalamunan ni Aling Panyang. Nanlaki ang mata ni Aling Panyang, humingi ito nang tulong sa mga tao ngunit nahabol pa ni Lolo nang taga ang ulo nito. Parang nabiyak na buko ang ulo nang babae, nahulog mula sa ulo ang mga parte nang utak nito na pinandirian nang mga nakakita. Nasuka ang iba, at ang iba nama'y nahimatay sa nakita.

Dumating si Papa na may kasamang mga pulis, hinuli nila ang mga tumulong upang gawin ang kahayupan sa amin. Napansin ko si Jhaylana lumapit kay Lolo.

"Pasensya na Kulas, hindi na ako umabot huli na nang mapansin kong bahay mo pala ang nasusunog. Kita mo na Kulas? Hindi kaming mga Balbal ang halimaw, ang mga gaya ni Aling Panyang ang halimaw, mga tao nga pero mas masahol pa sa aswang ang ugali." Bulong ni Jhayla kay Lolo.

"Mabango na ba ako sa pang-amoy mo?" Tanong ni Lolo.

"Oo Kulas, nalalapit na ang katapusan mo pero wag kang mag-alala Kulas, babantayan ko ang apo mo. Magpahinga ka na kaibigan." Naluha si Jhayla sa huling hininga ni Lolo.

Pitong kalalakihan ang nakulong dahil sa pangyayaring iyon. Ibinenta ni Papa ang lupa ni Lolo at dito na nanirahan sa Ozamiz. Paminsan-minsan binibisita ako ni Jhayla tuwing gabi, sabi nya gusto nya dito sa Ozamiz dahil wala syang kompetensya sa mga bangkay na kinakain nya sa sementeryo.

Sa kasalukuyan may ari na ngayon si Prime nang isang punerarya at ang kaibigan niyang si Jhayla ang embalsamador dito.